Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 570 - Great Origin Core Realm

Chapter 570 - Great Origin Core Realm

Tumaas ang lakas ng sumpa ng Ghost Corpse Cursed Array matapos lamunin ang blood essence at ang kaluluwa ng dalawang Sovereigns.

"Hindi 'to maganda."

Isang nasa pananghaliang-edad na lalaking nakabalot ng gintong baluti. Siya ang may pinakamataas na cultivation sa tatlong nanghabol na Sovereigns. Siya ang nakaabot ng late-stage Small Origin Core Realm, nalagpasan niya rin ang Skeletal Division Leader, at maihahambing din siya sa Blue Lightning Pirate Leader.

Kaya lang, sa oras na iyon, inaagnas na siya ng Ghost Corpse Cursed Array, at sugatan na rin siya dahil sa dalawang Earth-Grade weapons.

"Sige!"

Winagayway muki ni Zhao Feng ang bandila. Naging ahas ulit ang maitim na usok ng Ghost Corpse Cursed Array, at bigla silang sumugod patungo sa lalaking naka-gintong baluti.

"Nine Deadly Yin Bone Stab!"

Nilabas ng Skeletal Division Leader ang kaniyang kamay. Isang nasusunog na bone-spike ang umikot sa lakas ng Ghost Corpse Cursed Array.

Ang komninasyon ng dalawang atake ay nalagpasan pa ang nakaraang atake, habang hinihigop ng Ghost Corpse Cursed Array ang natitirang kaluluwa at ang blood essence ng mga nakalipas nang Sovereigns.

"Golden Chain Dragon Lock!"

Ginamit ng lalaki ang kaniyang True Force para gumawa ng gintong kadena na pumulupot sa Ghost Corpse Cursed Array at sa barko.

Sa maliit na oras lamang ay nasakop na ng Golden Chain Dragon Lock ang buong lugar.

Crack~~~~

Ang sunod na nangyari ay ang katakot-takot na lakas ni Zhao Feng at ng Skeleton Division Leader ay sumira agad sa pulupot ng gintong kadena.

Bam!

Tumalsik nanaman ang lalaking may baluti habang tumutulo ang dugo niya sa kaniyang bibig.

"Golden Chain Dragon Lock… napakahusay na secret technique!"

Medyo nagulat si Zhao Feng sa kayang special techniques, kahit pa isa siyang late-stage Origin Core Realm cultivator.

"Takbo!"

Nawalan na ng kalooban lumaban ang baluting lalaki kaya't tumakbo siya patungo sa direksyon ng Eight Desolate Mountain.

"Zhao Feng, malaki ang maitutulong sa Ghost Corpse Cursed Array ng bawat napapatay nating Sovereign. Malaki ang pagbabagong mangyayari kung makakapatay at makakakain ng daang Sovereigns ang Ghost Corpse Cursed Array…."

Napuno ng pag-asa ang Skeletal Division Leader. Hindi ito natuwa sa pagtakbo ng lalaking naka-baluti.

"Ang tanging gagawin lang natin ay makatakas sa Tianlu Islands."

Kalmado ang ekspresyon ni Zhao Feng. Hindi siya kumibo kahit pa sobrang naakit siya ng temptasyon ng Skeletal Division Leader. Lalo lamang silang mapapahamak kung magtatagal lang sila dito, dahil sa nakilala na siya.

Maliit pa rin ang bilang nila kahit makapatay pa sila ng ilan pang Sovereign, kumpara sa tatlong two-star sects. Dagdag pa rito ang hindi madali ang pumatay ng isang late-stage Small Origin Core Realm.

Oiu~~~

Lumipad ang lalaking naka-baluti ng may gulat sa mukha. Malamang sa malamang ay mauuwi rin siya sa kinahinatnan ng dalawang Sovereign kung hindi siya agad kumilos tulad ng ginawa niya.

"Parehas silang may Earth-Grade weapon, at kahit ang mga Sovereigns ay apektado ng array na iyon."

Napagtanto niyang natalo siya ng patas.

Sobrang hirap makahanap ng Earth-Grade weapons. Iilang Sovereigns lamang ang may kumpletong Earth_Grade weapons. At ang mga hawak nila Zhao Feng ay hindi normal na uri ng mga ito.

Sa oras na ito:

Hu~~

May isang lumitaw na hindi maipaliwanag na aura ang lumitaw sa karagatan. Dahil dito sy nagsimulang magtipon ang lahat ng Yuan Qi sa paligid ng ilang libong milya. Para bang ito na lang ang aura na natitira da mundo.

Crack!

Para bang hindi kinaya ng karagatan ang presyon ng aura na ito kaya't ito'y bumiyak.

Shua!

Biglang nawala ang mga abu-abo sa karagatan. Dahil dito ay ilang daang milya ang maaring makita ng isang tao.

"Ang lakas na ito…"

Nanginig ang katawan ng lalaking naka-baluti.

Isang katakot-takot na energy ang umalon sa paligid.

"Head of the Jin Family."

Isang malalim na boses ang tumunog mula sa malayo.

"Eight Desolate Sovereign Lord."

Napapigil hininga ang lalaking nakabaluti bago yumuko.

Ang Eight Desolate Sovereign Lord ang pinakamalakas na eksperto sa Eight Desolate Mountains. Nakaabot na siya ng Great Origin Core Realm.

Sa buong Eight Desolate Mountain, tanging ang lider lamang ng ten great pirates ang kayang kumumpara sa kaniya.

Tuwang-tuwa ang lalaking nakabaluti ng oras na iyon. Tinuro niya pa ang direksyon kung saan patungo si Zhao Feng.

"Mahuhuli ko din ang bubwit na iyon."

Ngumiti at biglang nawala ang Eight Desolate Sovereign Lord — isang matandang may itim na sumbrero.

Shua!

May isang maitim na anyo ang lumitaw sa karagatan. Dalawang beses ang bilis nito sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Hindi makakatakas ang dalawang ito mula sa Eight Desolate Sovereign Lord."

Lakas loob na bulong ng lalaking nakabaluti.

Sabay pa nito, matapos makalipas ng dalawang libong milya ang Blue Lightning Sea Sky Ship:

"Hmm?"

May naramdamang kakaiba ang Skeleton Division Leader gamit ang kaniyang mental energy. Mula sa malayo ay may naramdaman siyang kakaibang sensasyon sa Heaven Earth Yuan Qi.

"Anong nangyayari?"

Tumalikod si Zhao Feng at tumingin.

Nalagpasan na ng Skeletal Division Leader ang mga pandama ng normal na Sovereigns.

Miao miao!

Kasabay noon, ay tumalon sa balikat ni Zhao Feng ang little thieving cat. Nagbato ito ng dalawang tandong barya sa hangin.

"Kamalasan?"

Base sa little thieving cat, may paparating daw na peligro kay Zhao Feng.

Matapos makita yoon ay pina-ikot ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline at ginamit ang God's Spiritual Eye para tignan ang pinanggagalingan ng kakaibang enerhiya.

Hindi ganoon kalaki ang energy na kinakain ng God's Spiritual Eye.

"Sino itong taong ito?"

Tumunog ang boses ni Zhao Feng sa isip ni Loulan Zhishui.

Shua!

Isang matandang elder na may suot na sumbrero ang lumitaw sa isip niya.

Kaya ni Zhao Feng na gumawa ulit ng eksensa sa totoong buhay gamit ang deep comprehension of mental energy illusion techniques.

"Eight Desolate Sovereign Lord!"

Natatakot na sigaw ni Loulan Zhishui.

"Siya ang pinakamalakas na tao sa Eight Desolate Mountain. Naabot niya na rin ang Great Origin Core Realm."

Paliwanag ni Loulan Zhishui ng may takot.

Great Origin Core Realm.

Nagbago ang ekspresyon nila Zhao Feng at Skeletal Division Leader.

"Pumailalim tayo sa dagat."

Utos ni Zhao Feng.

Sou!

Nagsimulang lumubog ang barko sa ilalim ng dagat.

Gulu!

Bago lumubog ang barko sa kailaliman ng dagat ay may mga bula ng hangin ang tumambad sa kanila.

Ang pinakamalaking ganap ng Blue Lightning Sea Sky Ship bukod sa bilis at depensa nito ay ang steath at camouflage nito.

"Lalim pa."

Matalim ang tingin ni Zhao Feng. Binalik niya ang Skeleton Division Leader sa Ten Thousand Ghost Pearl at pumasok sa isa sa mga kwarto ng barko.

Binalot naman ng aura ng Blue Lightning Sea Sky Ship ang sarili nito para magmukhang kapatehas nito ang paligid.

Mabagal lamang ang andar ng barko sa ilalim ng dagat.

Maya-maya:

Oiu~~~

Isang kamuhi-muhing ungol ang narinig nila sa malayo at bumuga sa usok. Pagtapos nito ay may isang nakakatakot na aura ang bumaba mula sa langir, at lahat ng nasa loob ng dalawang daang milya ay nagsimulang manginig sa takot.

"Totoo ngang isa siyang Great Origin Core Realm."

Naramdaman ni Zhao Feng at ng mga kasama niya ang aura na ito. Sigurado ngang nalagpasan na nito ang Small Origin Core Realm.

Shua!

Biglang lumitaw ang matandang naka-sumbrero sa dagat at minasidan ang dagat gamit ang makapngayarihan niyang Spiritual Sense.

Sa oras na iyon ay hindi gumalaw ang barko.

Isang hinga… dalawang hinga… tatlong hinga.

Sobrang tagal ng paglipas ng oras noon.

Sa isang pagkakataon, may naramdaman ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na isang malabong mental energy.

Swerte lamang ay sobrang kakaiba ng limitless ocean kaya't sobrang lakas nito laban sa mental energy at Spiritual Sense.

Sobrang hina ng Spiritual Sense ng Eight Desolate Sovereign Lord nang maabot nito ang lalim ng dagat. Buti na lang din ay espesyalidad ng Blue Lightning Sea Sky Ship sa stealth, kaya parang isa lang ang aura nito sa paligid.

Tatlong hinga ang nakalipas, nagsimulang mawala ang overwhelming aura ng Great Origin Core Realm.

Hu~~

Huminga ng malalim ang lahat ng nasa barko, sabay na may tumulong malamig na pawis sa noo ni Zhao Feng.Mas mataas ang naramdamang presyon ni Zhao Feng mula sa Eight Desolate Sovereign Sacred Lord kumpara sa lahat ng nakita niya nang Sovereign dati.

Nahahati sa tatlong tiers ang mga Sovereigns:

Ang una ay ang Patriarch Hong, ang Mystic Ice Queen, at iba pa na mga normal na Sovereigns lamang.

Ang pangalawa naman ay ang mga tulad nila Elder Shui Yun, ang Blue Lightning PirateLeader, Sovereign Yu Xingchen at ang mga kasama nito.

At ang pangatlo ay ang Great Origin Core Realm.

Nalagpasan niya ang lakas ng lahat ng ibang tiers, at para bang tugma ang buhay niya sa universe.

"Lahat ng may titulong 'Sovereign Lord' ay kadalasang Great Origin Core Realms."

Dahan-dahang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye para tumingin sa labas, pagtapos noon ay tinigil niya na ang gamit sa kaniyang bloodline power. Hindi niya pa rin sinubukang gumamit pa ng God's Spiritual Eye para gumamit pa ng malakas na atake.

"Wala na siya."

Matapos ang ilang sandali ay kinumpirma ni Zhao Feng na wala na talaga ang Eight Desolate Sovereign Lord sa lugar.

"Halika na."

Iniba ni Zhao Feng ng kaunti ang kanilang ruta, at pagtapos ay sinabihan niya si Loulan Zhishui na magmaneho.

Sa simula ay sobrang bagal ng andar nila, pero matapos ang apat na oras ay binigay na tin ni Zhao Feng ang utos na magmabilis na.

Kalahating araw ang nakalipas, ilang daang libong milya na ang nalakbay ng Blue Lightning Sea Sky Ship sa ilalim ng tubig.

Sa oras na iyon ay todo na ang andar ng barko.

Walang tulad ang materyales na bumubuo sa Blue Lightning Sea Sky Ship kaya mas mabilis ito sa mga normal na half-step Origin Core Realm sa ilalim ng tubig.

Tatlong araw ang nakalipas ay naabot na ang dulo ng dagat ng Blue Lightning Sea Sky Ship sa paligid ng Eight Desolate Mountain. Kapag lumayo pa sila ay papasok na sila sa Thousand Flowing Islands.

"Hindi na tayo mahahabol ng Eight Desolate Sovereign Lord dito."

Naramdaman ng lahat na ligtas na sila.

Kahit pa ang pinaka-kaunting pagkakamali, tulad ng maling anggulo, ay mapupunta na sila sa ibang destinasyon. Masyado talagang malaki ang limitless ocean. Kung nagbago ang isang tao ng ruta ay sobrang laki rin ng magiging pagitan ng pupuntahan nito sa mapupuntahan.

Sa umaga ng pangatlong araw ay mayroon nanamang mabangis na Great Origin Core Realm aura ang umagos at tumungo sa barko.