Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 561 - Walang Hanggang Karagatan

Chapter 561 - Walang Hanggang Karagatan

Sa loob ng Pure Moon Spiritual Sect, sa isang palasyo sa gitna ng laa, may isang dalisay at banal na babae ang nakaupo. Siya ay tila ba isang diyos na inukit sa mga buwan at bituin.

"Nagpakita ka na rin."

Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ng Saint Moon Aunt Goddess habang isang malamig na ngiti ang sumilay sa mukha niya.

Shua!

Inilabas niya ang isang alakdan, na kasinglaki na ngayon ng isang toro. Ang mga mata nito ay namumula at malamig at lahat ng naroroon ay nangangatog.

Kani-kanina lamang, ang mga mata nito ay nahsimulang manlaban, pero huminto rin ito.

"Ipadala ang utos sa ibaba: si Zhao Feng ay nasa katimugang hangganan ng Tianlu Islands, medyo malapit sa Eight Desolate Mountain…"

"Aling mga eksperto ang malapit sa Eight Desolate Mountain? Gamitin niyo ang pangalan ng Pure Moon Spiritual Sect para utusan silang hulihin si Zhao Feng, at bigyan sila ng malaking pabuya kung magagawa nila ito...."

Naglabas ang Saint Moon Aunt Goddess ng isang jade slip at pinababa na nila ang utos.

Bilang isang two-and-a-half-star sect, ang Pure Moon Spiritual Sect ang pinakamalaking kapangyarihan sa Tianlu Islands.

Sa loob ng isang oras, ang balitang ito ay nakaabot na sa labas ng isla kung saan nakabase ang Pure Moon Spiritual Sect.

Dapat lamang malaman na ang isla kung saan nakalagay ang sect ay ilang beses na mas malaki kaysa sa Azure Flower Continent, at mayroong ilang dosenang isla rito gaya ng Tianlu Islands.

Kahit ang Saint Moon Aunt Goddess, isang Void God Realm, ay hindi kayang maabot si Zhao Feng nang hindi nag-aaksaya ng oras.

Shua!

Isang kapiranggot na mental energy ang gumuhit sa malaking alakdan.

"Ang reaksyon ni Zhao Feng ay napakabilis. Nasira niya na agad ang link sa alakdan ko."

Ang mukha ni Saing Moon Aunt Goddess ay dumilim.

Sa parehong pagkakataon, sa isang napakalayong lugar sa walang hanggang karagatan.

"Mukhang kailangan kong isuko ang alakdan."

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at suminghal. Pinuwersa ni Zhao Feng na mabiyak ang katawannng alakdan na sinaktan siya upang maramdam niya na ligtas siya.

Kapag wala ang giant scorpion's link, ang tatlong sects ay hindi na matutukoy pa ang kanyang lokasyon.

"Kailangan kong umalis ng Tianlu Islands hangga't kaya ko pa."

Taimtim ang mukha ni Zhao Feng. Nalaman niya lang ang sitwasyon dito.

Ang pinakamalalakas na tatlong pwersa ng Tianlu Islands ay ang Pure Moon Spiritual Sect, ang Black Cliff Palace, at ang Moon Demon Palace. Kinokontrol nila ang dose-dosenang "kontinente" na kasinglali ng Azure Flower Continent.

Ngayong nagpakita na siya sa loob ng kanilang teritoryo, kahit saan man ay hindi na ligtas.

Sa kabutihang palad, ang Purple Saint Ruins ay ipinadala siya sa pinakahangganan ng Tianlu Islands.

"Tianlu Islands… Eight Desolate Mountain…."

Isang mapa at iilang mga impormasyon ang sumilay sa isip ni Zhao, na naglalaman ng mahahalagang lugar sa loob ng Cang Ocean.

Ang Cang Ocean ay isang bahagi ng walang hanggang karagatan, at naglalaman ito ng ilang daang isla, ang bawat isa ay kasinglaki ng Tianlu Islands. Ang Azure Flower Continent ay isang maliit na piraso lamang ng lupa sa"Azure Islands". Mula rito, masasabing napakalawak talaga ng Cang Ocean.Bukod pa roon, maraming hindi mabilang na mga maliliit na isla sa loob ng hangganan nito. Gaya na lamang ng Eight Desolate Mountain."Pagkatapos lumagpas sa Eight Desolate Mountain at marami pang milyong milya, makakaalis na rin ako ng Tianlu Islands."Nagningning sa kidlat ang katawan ni Zhao Feng.Shua!Isang sinag sa kulay na asul-lila ang siyang gumuhit sa kalangitan.Ang walang hanggang karagatan ay hindi katulad ng mga normal na kauri nito."Sa mundong ito, maliban sa lupa, ang lahat ay dagat ng dagim. Habang paakyat ka sa itaas, nagiging manipis ang dagim, at habang bumababa la, lalong kumakapal ito."Tumingin muna sa paligid si Zhao Feng bago lumipad. Mayroong mga kakaibang species roon, at marami pang ibang banta mula kalikasan.Ang lower zone ng dagat ng dagim ay napakakapl at bumubuo ito ng tubig - ang tunay na karagatan. Ang mga tao ay hindi nararapat na tumira dito.Sa totoo lang, ang mga islang ito ay mga "tuldok" lamang na pwedeng pagtirahan ng tao.Pagkatapos mawasak ng Ancient Desolate Continent, ang lahat ay naging batik lamang na nagkalat sa buong mundo.Ang bawat mag "tuldok" na ito ay naging mga "isla" na may iba-ibang laki.Para sa mga tao, ang walang hanggang karagatan ay mapanglaw at hindi produktibo. Tanging iilang bilang lamang ng species at halimaw ang naninirahan rito.Qiu~~~~~Ang bilis ni Zhao Feng ay unti-unting tumutulin at sampung beses na siyang mas mabilis kaysa kapag nasa Azure Flower Continent siya.Ang gravity at resistance sa walang hanggang karagatan ay napakaliit lamang. Kahit ang mga nasa Consolidated Realm at Ascended Realm ay agad na makakalipad rito.Subalit, ang Yuan Qi ay napakanipis. Lahat ng mga may cultivation na mas mababasa True Spirit Realm ay hindi magtatagal rito."Ang Heaven Earth Yuan Qi rito ay napakanipis. Ang paglipad sa napakatagal na oras ay nangangailangan ng maraming Primal Crystal Stones."Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapabuntong hininga.Gulu!Pagkatapos lumipad ng ilang dosenang libong milya, ang mga bula sa nalipon na Yuan Qi ay nagsimula nang magpakita.Mayroon mga Yuan Qi areas sa karagatan, pero kadalasan, may mga malalakas na halimaw o kaya ibang species na ang nakatira roon.Nababahala si Zhao Feng. Hindi siya gaanong lumalapit sa dagat kapag lumilipad siya.Whoosh! Whoosh~~~~Maraming mga itim na anyo ang tumalon mula sa langit. Mayroon silang mga malalakas na auras na hindi mapapantayan ng kahit sino sa Azure Flower Continent.Kapag malapit silang titignan, sila ay mga itim na ahas na kasingkapal ng isang bariles.Ang mga itim na ahas na ito ay kayang sumugod sa karagatan at lumipad sa ere dahil napakababa ng gravity at resistance. Bukod pa roon, hindi sila mga normal na uri ng ahas.Si!!Ang mga itim na ahas ay tila may naamoy na bagay at agad itong sumugod kay Zhao Feng na nasa ilang dosenang milya."Ang mga tubig a ahas na ito ay nasa True Mystic Rank o pataas pa."Hindi tumakas si Zhao Feng. Gusto niyang subukan kung gaano sila kalakas. Sinabihan siya ni Patriarch Hong na True Lord Rank ang pinakamababang antas para makapaglakbay ka sa mundo, kung kaya gusto niyang malaman kung delikado ba ito para sa mga ahas.Iminungkahi sa kanya ni Patriarch Hong na dapat muna niyang maabot ang Half-Step Origin Core Realm, pero mukhang hindi naman niya ito nagawa,"Mamatay ka na!"Si Zhao Feng ay nagpadala ng mga guhit ng hangin at kidlat sa ere.Boom!Ang mga itim na ahas ay nagpirapiraso at ang kanilang mga katawan ay nahulog sa karagatan."Hangga't hindi naaabot ng isang tao ang Origin Core Realm, hindi nila ako mapagbabantaan."Ngumiti nang bahagya si Zhao Feng.Gulu! Gulu! Gulu!

Ang karagatan sa loob ng isang daang milya ay nagsimula nang mabaliktad at mapilipit.

Hmm?Hindi mapakali si Zhao Feng, pero dahil sa hindi niya magamit ang God' Spiritual Eye, hindi niya alam kung ano ang nangyayari.Ginamit niya lamang ang kanyang Spiritual Sense para masuri ang kapaligiran at agad na tumalon sa takot. Ang kanyang Spiritual Sense ay limitado sa walang hanggang karagatan at hindi nito kayang makaabot sa malayo.Gulu! Gulu! Gulu!Ilang libong mga halimaw - karamihan ay mga tubig na ahas - ang siyang lumabas mula sa karagatan.Sou~ Sou~ Sou~~~~~~Ang mga maliliit na halimaw ay kasinglaki lamang ng palad samantalang ang mga malalaki naman ay singlaki ng bundok.Lahat sila ay kayang makalipad sa ere nang saglit.Wu~~~Higit pa sa isang dosenang mga halimaw ang may aura na maikukumpara sa isang Half-Step Origin Core Realm, at ang mga natitira pa ay nasa True Spirit Realm na.Takbo!

Ang mga mata ni Zhao Feng ay napakislot nang parami nang parami ang mga halimaw na nagpakita.

Wind Lightning Tornado!Ginamit ni Zhao Feng ang atakeng ito para makasakop ng malaking lugar at mawalis ang lahat ng nasa loob ng isa o dalawang milya.Maraming alon ng mga halimaw ang nalaglag sa karagatan kung kaya naging pula ang tubig, pero ganoon pa man, lalo lamang silang dumadami.Wu~Nakarinig si Zhao Feng nang maraming malalalim na ungol mula sa ilalim ng karagatan. Mayroon sigurong iilang mga Sovereign na halimaw ang patungo roon.Sa loob lamang ng ilang sandali, ilang libong mga halimaw ang nasa loob na ng isang libong milya."Master, ito siguro ang unang beses mo rito. Isa itong teritoryo ng mga ocean beasts, at hindi ka pwedeng magsimula rito ng patayan kung ayaw mong mahabol ng napakaraming mga halimaw."Ang Skeletal Division Leader ay nagising dahil sa kaguluhan.Alam ni Zhao Feng na nagkamali siya."Mauuna na akong tumakbo."Habang binibigyan siya ng direksyon ng Skeletal Division Leader, lumipad nang mas mataas si Zhao Feng para maiwasan ang mga halimaw, kaya lamang ay hindi siya makalipad nang sobrang taas.Mayroong mga nakakatakot na hangin na kayang wasakin ang mga Sovereigns at pagpirapirasuhin sila.Bukod pa roon, habang tumataas ang lipad ng isang tao, lalong numinipis ang dagim, at makakaharap noon ang nagliliyab na apoy ng Ancient Golden Crow.Kahit ang mga eskperto ng Void God Realm ay magiging abo kapag hinarap nila ang liwanag ng Ancient Golden Crow."Mortal, saan ka pupunta?"Isang halimaw na mukhang tao ang nagsalita sa lenggwahe pantao habang may hawak na sibat.Qiu!

Hindi na tumugon pa si Zhao Feng at sumugod na lamang siya palayo at sinubukan ang kanyang makakaya para hindi lumaban; sa pagkakataon lamang na iyon saka nabawasan ang mga halimaw.

"Ang Yuan Qi rito ay napakanipis. Hindi kayang lumaban ng mga tao dito nang matagal."Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang True Force ay nauubos na agad. Nangangahulugan ito na kailangan niya na lang umasa sa mga Primal Crystal Stones para makabawi.Sa parehong pagkakataon, isang bangka na kasinghaba ng sampung metro ang nagpakita ilang dosenang milya ang layo kay Zhao Feng.Ang kulay ng bangka ay halos katulad ng sa karagatan at tila nakikiisa pa nga ito rito."Boss, mukhang may isang bobo na may cultvation ng huling yugto ng True Lord Rank ang nakikita ko. Napakapangahas niya naman para pumasok sa walang hanggang karagatan nang mag-isa?"Maraming mga nakakadiring anyo ang nagpakita."Kung titignan ang damit ng sutil na batang iyan… Nakawan siya? Wala tayong makukuha sa kanya at baka ihayag lang natin kung nasaan tayo."