Sa ikatlong palapag ng Treasured Palace, pinaalam ni Zhao Feng kay Purple Saint Partial Spirit at Zhao Yufei na gusto niya nang umalis sa ruins. Napabuntong hininga ang Purple Saint Partial Spirit pero hindi na siya nagulat pa.
Sa totoo lang, hindi na nga pwedeng magtagal dito si Zhao Feng.
Mayroon siyang marka ng Emperor of Death, kung kaya madadala siya ng delubyo saan man siya magpunta. Kung mananatili si Zhao Feng rito, magiging mas delikado ang lahat imbis na maging ligtas.
Ang tatlong sects sa labas ay naglagay na Ng maraming presyon sa Purple Saint Ruins. Kung madaragdagan pa ito ng usang Emperor, hindi na nilang maiisip pa kung ano ang dapat gawin.
Ayaw makira ni Zhao Feng na maging ganoon ang kahihinatnan nila.
"Zhao Feng, kung ang iyong mata ay talagang God Eye, magkakaroon ito ng mga katangian gaya ng ibang Great God Eyes - ito lamang ang nag-iisa sa buong mundo."
Wika ng Purple Saint Partial Spirit sa isang malalim na tono.
"God Eye? Nag-iisa?"
Biglang naalala ni Zhao Feng kung ano ang sinabi ng Six Warlock Divine Sage. Binanggit niya na ang kanyang God's Spiritual Eye ay maaaring umabot sa antas ng isang God Eye.
"Bawat God Eye ay iisa lamang sa bawat uri nito sa mundo, at nang magkakasama sila ang nga ninuno ng lahat ng iba pang eye-bloodlines. Ang mga peak eye-bloodlines naman ay mayroong mahinang konsentrasyon ng God Eye bloodline."
Pagpapaliwanag ng Purple Saint Partial Spirit.
"Nangangahulugan ba iyan na hangga't may Eye of Death, lahat ng eye-bloodlines na may kinalaman sa Death ay hindi pwedeng maging God Eye?"
Mukhang may nauunawaan na si Zhao Feng at alam niya na ang dahilan kung bakit tila binabalaan siya ng Purple Saint Partial Spirit.
"Tama iyan. Ang Eight Great God Eyes ay may kinalaman sa laws of universe. Iisang God Eye lamang ang pwedeng umiral sa bawat uri."
Itinango ng Purple Saint Partial Spirit ang kanyang ulo.
"Hindi ba pwedeng magcultivate ang isang tao at maabot ang antas ng pagiging God Eye?"
Naramdaman ni Zhao Feng na sobrang kakaiba naman nito.
"Hindi."
Umiling ang Purple Saint Partial Spirit, "Kahit ano pang gawin ng isang tao para i-cultivate ang eye-bloodline nila, hindi ito maaaring maging isang God Eye."
Nagsalita siya pagkatapos ng mahabang paghinto, "Kung ganoon, ang tanging paraan lamang para makakuha ng God Eye ay nakawin ang sa iba at palitan sila bilang bagong tagapaghawak ng God Eye."
Nakawin ang God Eye ng iba?
Naunawaan ni Zhao Feng ang kanyang sinabi at nanginig ang kanyang puso dahil dito.
Kapag nanakaw na ng Emperor of Death ang God Eye ni Zhao Feng, siya na ang magigung bagong may-ari ng God Eye.
"Mayroon pa akong dapat ipaalala sa iyo. Kahit na nasalag mo ang 90% ng aura, kaya pa ring malaman ng Emperor of Death ang iyong pangkalahatang direksyon."
Wika ng Purple Saint Partial Spirit kay Zhao Feng.
"Nauunawaan ko."
Kahit na nasalag ni Zhao Feng ang 90% ng aura, ang sensasyon ng panganib ay nariyan pa rin.
Pinahina niya lamang ang mga pandama ng Emperor of Death, pero hindi buong-buo."Zhao Feng, may oras ka pa naman para maghanda. Pwede mong dalhin ang mga resources ng Purple Saint Ruins. Hindi pa naman mararating ng Emperor oF Death ang lugar na ito sa kasalukuyan. Ang distansya niya mula dito ay ilang beses na mas malayo kaysa sa Azure Flower Continent."
Ngumiti ang Purple Saing Partial Spirit nang sabihin ito.
"Maraming salamat po, Senior."
Nagpapasalamat si Zhao Feng. Nakatanggap siya ng maraming resources sa parehong pagkakataon ng kanyang pagbisita rito.
Tatlong araw ang makalipas, nanumbalik na ang lahat ng lakas ni Zhao Feng.
Nagsimula na ulit sila ng Skelet Division Leader na mangalap ng mga resources sa ruins. Syempre, halos lahat ay upanh kumpletuhin ang Hundred Corpse Plan.
"Hindi ko pwedeng gamitin nang basta-basta ang eye-bloodline o lalong tataas ang abilidad ng Emperor of Death na makita at maramdaman ako. Ang Ghost Corpse Cursed Array ay magiging mahalagang bahagi ng aking lakas."
Nilagyan ito ng malaking importansya ni Zhao Feng.
Kalahating buwan ang nakalipas, ang lahat ay umaayon na sa plano.
Mayroong gabundok na resources si Zhao Feng sa kanyang interspatial ring. Ang iilan ay para sa Hundred Corpse Plan at ang iba naman ay maaari niyang magamit sa hinaharap.
Sa oras na iyon, nakapagrepina na ang Skeletal Division Leader ng 60 na ghost-corpses.Gumaling na rin ang Skeletal Division Leader sa pinakamataas na antas nito, at ang bilis ng kanyang pagrerepina ng ghost-corpses ay mas matulin na.
Subalit, mas mataas na ang ekspektasyon ni Zhao Feng sa mga ghost-corpses ngayon. Gusto niyang nasa Peak True Lord Rank ang lahat.
Ang dalawang ghost-ghost corpses niya ay malapit na sa Half-Step Origin Core Realm pagkatapos gamitan ng maraming materyales.
"Sapat na ang aking mga resources, at ang layunin ko ay makalapit nang marahan."
Handa na si Zhao Feng para umalis sa araw na iyon.
Sa ikatlong palapag ng Purple Saint Treasured Palace, muling nakita ni Zhao Feng sina Purple Saint Partial Spirit at Zhao Yufei.
"Senior Purple Spirit, tapos na ang lahat. Aalis na ako."
Huminga nang malalim si Zhao Feng, at naiiyak na si Zhao Yufei. Sa bawat araw na naroon si Zhao Feng, nararamdaman niyang ligtas siya.
"Zhao Feng, saan mo gusto magtungo?"
Pagkukuwestiyon ng Purple Saint Partial Spirit.
Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng, at nagkaroon na siya ng sagot.
Hindi siya pwedeng bumalik ng Azure Flower Continent - hindi pa, hangga't sa may panganib pa.
Bukod pa roon, may nagpapasikip pa ng kanyang dibdib, ito ay may kinalaman sa kanyang "mapapangasawa" na si Liu Qinxin.Ang imahe ng isang tahimik at eleganteng babae ay tila naipipinta sa kanyang isip.
"Alam kaya ni Senior Purple Sainy ang tungkol sa inheritance na tinatawag na 'Sky Saint Qin Inheritance'?"
Pagtatanong ni Zhao Feng.
Sky Saint Qin Inheritance?
Nag-isip muna ang Purple Saint Partial Spirit bago nagsalita, "Natatandaan kong may isang peak two-star sect na tinatawag na Sky Saint Qin Palace sa katimugang bahagi, na nasa ilalim ng kontrol ng Sacred Dream Land. Ang sect na iyon ay medyo kakaiba."
Sky Saint Qin Palace? Kakaiba?
Nang marinig ito, natuwa si Zhao Feng.
Ang master nga ng Purple Saint Partial Spirit ay karapat-dapat na tawaging pinakamakapangyarihan at napakadunong.
Nararamdaman ni Zhao Feng na mukhang konektado ang Sky Saint Qin Palace sa Sky Saint Qin Inheritance.
"Pero isang alaala lamang iyan mula sa ilang libong taon na. Hindi ko na alam ang kasalukuyan nilang sitwasyon."
Dagdag ng Purple Saint Partial Spirit.
"Senior, maaari niyo po ba akong ipadala sa medyo malapit sa Sky Saint Qin Palace?"
Pagtatanong ni Zhao Feng. Kailangan niyang tumakbo para sa kanyang buhay pero kailangan niya ring malaman kung buhay pa ba si Liu Qinxin."Napakalayo ng Sky Saint Qin Palace. Pero gagawin ko ang makakaya ko para ipadala ka sa pinakamalayong distansya na aking makakaya."
Wika ng Purple Saint Partial Spirit.
Sa sumunod na isa o dalawang araw, naghanda na ang Purple Saint Partial Spirit ng isang teleportation array para hindi gaanong maubos ang kanyang lakas.
Dalawang araw ang makalipas, ang lahat ay handa na.
"Zhao Feng, ang ispiritu ko ay pahina na nang pahina. Ni hindi kita halos mapapadala sa hangganan ng Tianlu Islands."
Bigkas ng Purple Saint Partial Spirit sa tonong humihingi siya ng patawad.
Bahagyang nagulat si Zhao Feng. Noong nakaraan, kaya pa siyang ipadala niti hanggang sa Azure Flower Continent, pero ngayon, ni hindi niya halos mapadala ito palayo sa Tianlu Islands.
"Maraming salamat pa rin po, Senior."
Subalit, masaya naman na si Zhao Feng rito.
Bago siya umalis:
"Kapatid na Zhao Feng, bakit mo hinahanap ang Sky Saint Qin Inheritance? Kailan ka babalik?"
Namumula ang mga mata ni Zhao Yufei.
Wala namang kahit anong itinatago si Zhao Feng at sinabi niya ang maiksing bersyon ng "paghahanap niya kay Liu Qinxin".
"Liu Qinxin? Hahanapin mo ang iyong… Mapapangasawa?"
Natulala si Zhao Yufei; tila ba nasa isang bangungot siya.
Weng~~
Isang pinto ang nagbukas sa ikatlong palapag ng Treasure Palace.
"Umaasa akong magkita pa tayo sa mga susunod na pagkakataon."
Tumapak na si Zhao Feng sa may pinto. Bago siya umalis, nakita niyang hindi makagalaw si Zhao Yufei at tila ba ang sakit ng nararamdaman nito.
Ang eksenang iyon ay halos mapanginig ang kanyang puso at nasaktan rin siya, pero naglaho na siya pagkayapak niya sa pinto.
"Yufei! Yufei!"
Sumigaw ang Purple Saint Partial Spirit. Sa ikatlong palapag ng Treasured Palace, umakto si Zhao Yufei na tila nawala ang kanyang kaluluwa at tumulo ang luha mjla sa kanyang mukha.
"Bakit… Bakit!?"
Nanginginig ang boses ni Zhao Yufei habang naghihinagpis.
Hinawakan niya ang kanyang puso habang nanginginig. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sakit na ito.
Kahit na hindi naman winawasak ang kanyang puso, dama niyang ang sakit ay nagpapatuloy.
Si Zhao Feng at Zhao Yufei ay parehong umalis ng Sun Feather City pitong taon na ang nakalilipas.
"Yufei, huwag kang mag-isip nang ganyan. Mula sa aking pananaw, ang mapapangasawa ni Zhao Feng na si Liu Qinxin ay mukhang namatay na sa inheritance na iyon.
Pag-aalo ng Purple Saint Partial Spirit sa kanya.
Nang mairnig ito, ang pag-iyak ni Zhao Yufei ay huminto.
Kung iisiping mabuti, hindi pa nakikipag-ugnayan si Liu Qinxin sa kahit sino sa loob nang napakatagal na panahon kung kaya baka namatay na siya.
Kahit ang Sage ay sinabing mas malaki ang malas na kakaharapin ng lahat kaysa sa swerte.
"Hinahanap siguro siya ni Zhao Feng para tanggalin na ang bigkis sa kanyang puso. Kilala mo na siya mula bata pa, hindi mo pa naman sinisimulan ang opisyal na papel. Mayroon kang isang bagay na wala si Liu Qinxin." (Isang idyomang nangangahulugan na hindi mo pa naman sinasabi sa isang tao na gusto mo siya.)
Ngumiti ang Purple Saint Partial Spirit habang ipinagpapatuloy ang pag-alo.
Ang mga luha ni Zhao Yufei at ang sakit sa kanyang puso ay nagsimula nang mabawasan.
"Kung mamamatay si Liu Qinxin, gaano naman iyon kaganda...?"
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Zhao Yufei sapagkat hindi magandang bagay iyon.
Sa parehong oras na iyon, sa may hangganan ng Tianlu Islands, isang maulap na ere ang makikita.
"Ito pala ang walang hanggang karagatan?"
Hindi makita ni Zhao Feng ang dulo ng karagatan.
Ang walang hanggang karagatan ay naiiba sa lupa. Dito, ang katawan ni Zhao Feng ay parang walang bigat, at kahit na hindi niya subukang lumipad, lulutang na lang siya sa ere na para bang balahibo.
Ang gravity at resistance ay hindi mahalaga rito.
Nararamdaman ni Zhao Feng, na kapag gusto niyang lumipad rito, sampung beses o higit pang mabilis siya kaysa kapag nasa lupa siya.
"Ang pupuntahan ko ay isang lugar sa may katimugang bahagi ng walang hanggang karagatan…"
Biglang gumuhit sa isip ni Zhao Feng ang mapang ibinigay ng Purple Saint Partial Spirit.
Subalit, sa pagkakataong iyon, nakaramdam si Zhao Feng ng isang pamilyar pero hindi niya makilalang sensasyon na tila ba isang panganib.
Ang pinagmumulan ng pakiramdam na ito ay hindi galing sa Emperor of Death.
Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng nang higit. Napagtanto niyang may nakalimutan pala siya.