Sa itaas ng mga bundok sa walang hanggang karagatan, ang puso ng mga miyembro ng tatlong sects ay hindi kumalma.
Ang kanilang huling pag-asa, kahit ang Token of Death ay hindi sapat para kunin ang kaluluwa ni Zhao Feng.
"Anong klaseng kasaysayan mayroon ang eye bloodline ni Zhao Feng? Kahit ang Eys of Death ay hindi siya kayang patayin."
Ang mga eksperto ay nalilito sa kabila ng kanilang gulantang.
Napagtanto nila ang potensyal ng kabataang ito ay hindi mapapantayan, at walang kahit sino ang nakakaalam ng mga sikreto ng kanyang mata.
Nagsimula na silang manghula kung ang eye-bloodline ba ni Zhao Feng ay nagmula sa isang God Eye.
Kahit ang tatlong Void God Realms ay hindj ito maunawaan; sinabi rin naman ni Grandmaster Yin Kong na walang kaugnayan ang eye-bloodline ni Zhao Feng sa Eight Great God Eyes.
"Siguro ang eye-bloodline ni Zhao Feng ay evolved o mutated version ng God Eye bloodline. Iyan nga siguro ang dahilan kung bakit nakalaban ito sa kalooban ng Eye of Death."
"Mayroon pang isang posibilidad: kung ang eye-bloodline ni Zhao Feng ay may kaugnayan sa Ten Thousand Ancient Races, hindi nakapagtataka na nalabanan niya ang Eye of Death. Pagkatapos ng lahat, hindi naman ito ang tunay na Eye of Death, isang imahe lamang ito."
Nag-usap-usap ang tatlong Void God Realms nang palihim.
Nakakagulat na ang isang mukhang sakitin na True Lord Rank ang kumalaban sa kooban ng Emperor of Death. Kahit ang mga normal na Void God Realms ay hindi siguradong magagawa rin nila ito.
Weng~~
Ang imahe sa itaas ng bundok ay nagsi.
Mulang mandilim at hindi maging maayos. Ang Purple Saint Partial Spirit rin ay nagiging malabo na.
"Ano ang mangyayari!"
Ang mga manonood ay nagkaroon ng diskusyon nang tignan nila ang array masters.
"Ang koneksyon sa pagitan ng Spatial Splitting Array at Purple Saint Ruins ay matagal nang nawala dahil ang butas ay maayos na…"
Paliwanag ng isang array master.
Hindi nagtagal, ang buong image ay naging madilim at napabuntong hining Ang buong grupo.
Mula sa puntong iyon, hindi nila makikita kung ano ang mangyayari sa Purple Saint Ruins.
"Hehe."
Iaang Sovereign ang ngumiti at sinabi, "Kahit hindi namin makuha ang Purple Saint Ruins agad, may isang bagay na paniguradong mangyayari - mamatay si Zhao Feng."
Mamatay si Zhao Feng.
Nang marinig ito, bumilis ang tibok ng mga puso ng lahat.
Ang iilan ay hindi maunawaan, pero itinango ng tatlong Void God Realms ang kanilang mga ulo.
"Kung hindi kayang patayin ng Token of Death ang mismong tao, ang gagawa nito au ang Emeperor of Death. Ilang libong taon na ang nakalilipas, kahit ang isa pang Emperor ah napatay rin ng isang Emperor of Death."
Ngumiti si Saint Moon Aunt Goddess.
Sa ilalim ng normal na sitwasyon, ang Token of Death ay mapapatay talaga ang mga eksperto agad. Kahit ang iilang mga Void God Realms ay hindi makaliligtas
Subalit, kung hindi mapapatay. ng Token of Death ang inaasinta, magsisimula na ang habulan.
Wala pang kahit sino ang nakaligtas mula sa Emperor of Death.
"Tama iyan. Pagkatapos ng lahat, ang Emperor of Death ay isa pa ring Emperor, at mayroong Eye of Drath. Kahit ang tatlong sects ay walang isang Void God Realm Emperor."Ang iba pang dalawang Void God Realm Kings ay napatango.
Ang mga Void God Realm Emperors ay higit na mas malakas kaysa sa mga normal na Void God Realm Kings.
Ang dahilan kung bakit mayroong Token of Death su Grandmaster Yin Klng ay dahil sa tinulungan ng kanyang ninuno ang Emperor of Death dati, kung kaya may utang na loob ito rito.
"Syempdre, ang Emperor of Death ay napakalayo mula sa Tianlu Islands."
"Mukhang mabubuhay pa nang sandali si Zhao Feng."
May mga pagbuntong hininga sa bundok, at saka nagkalat ang mga tao.
Sa loob ng Purple Saint Ruins, sa misteryosong kanyon, nakatayo lamang si Zhao Femg habang ang ancient aura sa kanyang mata ay nananatili.
"Hmm? Ang koneksyon sa pagitan ng Purple Saint Ruins at ng tatlong sects ay nasira na. Isa ba itong resulta ng sagupaan sa pagitan ng God's Eye ni Zhao Feng at ng Eye of Death?"
Nagulat ang Purple Saint Partial Spirit.
Mula sa pagkakataong ito, napakahirap na para sa tatlong sects na sumubok ulit na atakihin ang Purple Saint Ruins.
Sa parehong pagkakataon, ang Purple Saint Partial Spirit at ang Skeletal Division Leader ay natuklasan ang kakaibang estado ni Zhao Feng.Ang mga mata ni Zhao Feng ay nakapikit lamang at hindi siya gumalaw sa loob ng napakatagal na oras. Ang buong ancient aura sa kanyang kaliwang mata ang siyang nagdult sa buong dimensyon ng ruins upang mayanig nang hindi maipaliwanag.
Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang lawa na naglalaman ng kanyang eye-bloodline power ay nagsimula nang lumaki hanggang sa 25-26 na yarda.
Dahil marami siyang nagamit na enerhiya sa mga nakaraang laban, may kakarampot lamang na suson ng tubig ang natira sa kasalukuyan.
Ang misteryosong ipo-ipo sa gitna ay nagsimulang magbago.
Di! Da!
Isang kapiranggot ng ancient aura ang sumirit mulansa ipo-ipo, at maingat na inanib ni Zhao Feng ang kanyang kamalayan rito.
Shua!
Bilang naging blangko ang kamalayo ni Zhao Feng, at sa sumunod na bigla, pumasok na siya sa isang estado na katulad ng panaginip.
Sa panaginip, si Zhao Feng ay nakatayo sa isang luma at mapanglaw na piraso ng anyong lupa. Ang aura roon ay tila napaka-ancient.Nakaramdam ng higit na presyon si Zhao Feng sa kangang katawan at kaluluwa sa pagtayo pa lamang doon.
Syempre, ang Heaven Earth Yuan Qi roon ay hindk maikukumpara sa nasa labas. Kahit ang mga kakarampot na alikabok rito ay naglalaman ng walang hanggang kapangyarihan.
Isang hininga… Dalawang hininga…. Tatlong hininga….
Wah!
Napadura si Zhao Feng ng dugo. Hindi niya kayang manatili rito sa loob ng ilang hininga, at agad niyang naramdaman na pinoprotektahan talaga siya ng God's Spiritual Eye, at kung hindi, mamamatay na siya kahit sampung beses pa siyang mas malakas.
"Hindi ko na kaya pa…."
Naging itim ang paningin ni Zhao Feng nang maglaho siya sa mapanglaw na piraso ng anyong lupa.
Shua!
Ang kanyang kamalayan ay bumalik na sa katotohana at naramdaman niyang mahina siya. Mayroon pang preskong dugo na tumutulo sa kanyang bibig.
"Ano... Ano!?"
Pinunasan ni Zhao Feng ang dugo sa kanyang bibig.
Ang mundo kanina ay hindi isang panaginip?
"Anong klaseng pag-iral ang malapanaginip na mundo na iyon? Ni hindi ko kayang tumayo roon sa loob ng tatlong hininga."
Nagulantang si Zhao Feng. Kung ang anyong lupa na iyon ay totoo, isa nga talaga itong top-tier na dimensyon.
Nagdududa pa nga si Zhao Feng na ang lugar na iyon ay may kaugnayan sa Ancient Desolate Continent.
Hindi niya sinbukang pumasok ulit rito. Kung totoo nga ito, hindi ba nangangahulugan na kaya agad siyang patayin ng mga nilalang roon gamit lamang ang isang daliri?
Pagkatapos ng lahat, ang pinsalang nakuha niya roon ay nailipat rin sa kanyang pisikal na katawan.
Nakamamangaha ito. Pinangalanan ni Zhao Feng ang lugar na iyon bilang "Ancient Dream Realm".
Ang pag-iral ng Ancient Dream Realm ay dahil sa pwersa ng Eye of Death.
"Kung may oras ako mamaya, magmamanman ako sa Ancient Dream Realm."
Mayroon pang ibang mga problema si Zhao Feng. Kahit nabigo ang Token of Death n Kunin ang kaluluwa ni Zhao Feng, ang problema roon ay hindi pa tapos.
Sa tuwing ipipikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata ay nagpapakalma, agad niyang nararamdaman ang hindi nakikitang kapangyarihan ng Eye of Death sa kanyang kaluluwa.
Ang eye-bloodline ni Zhao Feng at ang kanyang kaluluwa ay magkasama na.
Kapag ginagamit niya ang kanyang eye-bloodline, ang natitirang intent ng Eye of Death ay agad na lalakas.
Sinubukan niya itong sirain, pero napakahina niya kumpara sa isang Emperor of Death.
Ang isa ay isang True Lord Rank. At ang isa naman ay Void God Realm Emperor. Tila ba ito ang lamat ng langit at lupa.
Sa itaas ng True Spirit Realm ay ang Origin Core Realm na nahahatinsa Small Origin Core Realm at Great Origin Core Realm. Sa itaas nito ay ang Void God Realm na nahahati sa Void God Realm "Kings" at Void God Realm "Emperors".
Mula rito, agad na makikita ng isang tao ang diperensya ni Zhao Feng sa Emperor of Death.
"Zhao Feng, makabubuti kung hindi mo muna gagamitin ang iyong eye-bloodline. Kapag ginagawa mo iyon, pinapalakas lamang nito ang koneksyon mo sa Emperor of Death."
Pagbabala ng Purple Saint Partial Spirit na siya namang ikinabagsak ng puso ni Zhao Feng habang nakakunot ang kanyang mga kilay.
Hindi niya kayang sirain ang intent na nasa katawan niya gamit lamang ang kasalukuyang cultivation niya.
"Senior Purple Saint, may magagawa pa po ba ako?"
Humingi na lamang ng tulong si Zhao Feng sa Purple Saint Partial Spirit.
Pagkatapos ng lahat, noong buhay pa naman ang Purple Saint Partial Spirit, nasa Mystic Light Realm naman ito.
"Isang partial spirit lamang ako at ni wala ako ng halos isa sa isang libong kakayahan ng aking Master. Kaya lamang kitang tulungan na ikulong ang intent of death."
Mapaklang sabi ng Purple Saint Partial Spirit.
Nasa bingit na rin siya ng kamatayan. Kung may sapat lamang siyang lakas, hindi niya na sana kakailanganin pa ang tulong ni Zhao Feng.
Napaupo si Zhao Feng at naramdaman niya ang isang kapiranggot na intent ang dumaloy sa kanyang kaluluwa.
Dalawa o tatlong hininga ang makalipas, napasinghal ang Purple Saing Partial Spirit nang napilit ito palabas.
"Zhao Feng, patawarin mo ako. Hindi ko kayang ikulong ang aura na ito. Kailangan mo ng isang taong nasa Void God Realm at may espesyalisasyon sa Dao of Souls."
Mahinang sabi ng Purple Saint Partial Spirit.
"Wala na ba talagang paraan?"
Bumigat ang puso ni Zhao Feng.
Ayon sa Purple Saint Partial Spirit, ang Emperor of Death ay mahahanap siya sa pamamagitan ng aura nito.
Wala pang kahit sino ang nakatakas mula sa Emperor of Death dati.
"Mayroon akong special technque na kayang bawasan ang pagiging sensitibo ng death aura."
Wika ni Purple Saint Partial Spirit pagkaraan, at isang kapiranggot ng aura ang umikot sa loob ng kaluluwa ni Zhao Feng.
Naramdaman ni Zhao Feng ang isang misteryosong aura na bumabalot sa kanyang kaluluwa.
"Zhao Feng, ito lamamg ang kaya ko. Kahit papaano ay 70% ng aura ang nakatago."
Napakahina ng boses ng Purple Saint Partial Spirit.
"Maraming salamat po, Senior."
Ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at agad niyang naramdaman na ang panganib na nadarama ng kanyang God's Spiritual Eye ay nabawasan nang bahagya.
Agad niyang minanipula ang kanyang bloodline power para isarado ang God's Spiritual Eye.
Ang kanyang kaliwang mata aya
naging maitim.
"Hmm? Ang pagsasara ng aking eye-bloodline ay makababawas ng 90% ng pagiging sensitibo nito."
Bahagyang nagulat si Zhao Feng, pero alam niya namang hindi na siya pwedeng magtagal pa sa Purple Saint Ruins.