Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 558 - Emperor of Death

Chapter 558 - Emperor of Death

"...ang may-ari ng Token of Death na ito ay nagmumula sa isa sa mga Eight Great Gode Eyes…"

Bago pa man matapos ang kanyang sinasabi, natapos na ang buhay ni Grandmaster Yin Kong.

Plop!

Ang kanyang katawan ay nahulog sa lupa, wala ng buhay, pero may pakiramdam pa rin ng panganib na tanging tumataas laang.

Weng~~

Ang "Death" na nakasulat sa token ay nakatuon kay Zhao Feng at nagbuga ito ng aura of death.

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay tila nagyelo. Sa pagkakataong iyon, naramdaman niyang ang buhay na mayroon siya ay hindi na niya kontroladom

"Ang token na iyan…!!!!!"

Ang tatlong Void God Realms ay napabulalas habang nakatitig sa Token of Death. Kahit sila ay nagulat ditonat napahinga nang malamig.

"Iyan ang Token of Death! Iyan nga talaga iyon!"

Ang ginintuang kalansay ay napabulalas sa takot at taranta. Ang mga mata nito ay puno ng pagkabahala at respeto nang tignan nito ang Token of Death.

"Token of Death!"

Ang tatlong Void God Realm Kings at ilang mga Sovereigns ang naroon na nakarinig na ng alamat nito.

Sa pagkakataong iyon, sa loob ng Purple Saint Ruins, isang aura of death ang tumuon kay Zhao Feng at dama niyang hindi niya na makontrol ang kanyang katawan.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang God's Spiritual Eye ay napadabog nang mas malakas na hindi pa nangyayari noon. Ang aura ng Token of Death ay nagbigay ng kakaiba ngunit pamilyar na pakiramdam sa God's Spiritual Eye.

Biglaan, ang Token of Death ay nagbigay ng itim na liwanag na ilang daang beses na mas malakas, at isang itim na mata ang sumilay rito. Ang token ay tila isang tarangkahan sa mundo ng kamatayan.

"Mahinang nilalang, kukunin ko ang kakayahan mong mabuhay."

Ang itim na mata ay nakatuon kay Zhao Feng. Napasinok siya at naramdaman niyang ang kanyang kaluluwa ay nakatanggap ng isang tiyak na utos.

Sa oras na iyon, ang kanyang paghinga ay huminto. Ang kanyang buhay ay tula nakaabot na sa huli ng daan dahil sa manipulasyon ng isang pwersa.

"Ang Eye of Death! Isa sa mga Eight Great God Eyes!"

"Ang token na iyan ay kumakatawan sa Eye of Death. Nangangahulugan ito na ang may-ari nito ay ang Emperor of Death."

Ang mga eksperto ng tatlong sects ay nagkagulo at nagkaroon ng diskusyon, at lahat ng tatlong Void God Realms ay pinigilan ang kanilang hininga habang nakatitig sa Eye of Death.

"Zhao Feng mag-ingat ka! Mukhang isa siya sa mga tagapagmana ng Eye of Death."

Ang boses ng Purple Saing Partial Spirit ay puno ng takot at taranta.

Eye of Death.

Hindi makagalaw sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader, naramdaman nila na tila nawalan na sila ng kakayahan para mabuhay.

"Isa sa mga Eight Great God Eyes, ang Eye of Death?"

Nanginig ang puso ni Zhao Feng, at kahit ano pa man ang gawin niya, hindi niya matatakasan ang aura of death. Maliban pa sa kanya, kahiy ang Skeletal Division Leader ay nakaluhod na sa lupa at nanginginig.

"Mukhang mamamatay na nga si Zhao Feng. Kinonkontrol ng Eye of Death ang Laws of Death."

Hindi man lang nangahas ang Skeletal Division Leader na huminga.

Ang tutudlain ng Eye of Death ay si Zhao Feng. Kung gagawa siya ng bagay na maaaring ikainis ng mata, maaari nitong kunin ang kanyang buhay.

"Mamatay ka na!"

Isang ipo-ipo ang nagsimulang umikot sa loob ng Eye of Death.

Natumba ang katawan ni Zhao Feng at naramdaman niyang ang kanyang kamalayan ay hinihila ng isang hindi mapigilang kapangyarihan.

"Tama na~~~~~!"

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kalooban para salagin ang kapangyarihan ng eye, pero hindi ito sapat, at ang kanyang kaluluwa ay nahihila papunta sa Eye of Death.

Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang kaluluwa ay umalis sa kanyang katawan. Ang kaluluwa pa naman ang sentro ng isang namumuhay na nilalang.Kapag ang kaluluwa ang isang Void God Realm ay nasira, maaari rin nila itong ikamatay.

Ang pagwasak sa kaluluwa ng tao ay nangangahulugang tiyak na kamatayan, at ang Eye of Death ay inaasinta pa naman ang kanyang kaluluwa.

"Hindi~~~~~~!"

Napahiyaw si Skeletal Division Leader sa takot. Sapagkat napakalapit nito kay Zhao Feng, ang aura of death ay halos mahawakan na ito, kung kaya ang kamalayan niya ay halos matanggalan na rin sa kanyang katawan.

Kahit ano pa man ang gawin ng Skeletal Division Leader, wala itong kwenta.

"Hahaha… patay na ang sutil na iyan!"

"Kahit gaano pa man siya katalino, hindi niya na ito matatakasan."

Ang mga ekspertong nanonood sa labas ay masaya.

"Ang Token of Death ay nagmumula sa matanda at misteryosong Emperor of Death. Kapag nagamit ito, ilalabas nito ang kalooban at kapangyarihan ng Emperor of Death na kayang tumagos sa espasyo."

Bumulong ang Saint Moon Aunt Goddess.

"Zhe zhe, kahit ang mga normal na Void God Realms ay hindi kayang salagin ang kapangyarihan nito. Para naman sa mga nasa ibaba mg Void God Realm, paniguradong mamamatay sila."

Nalugod ang golden skeleton.

Sa ikatlong palapag ng Purple Saint Treasured Palace.

"Senior Purple Spirit, pakiusap iligtas niyo po si Zhao Feng."

Nagmakaawa si Zhao Yufei.

"Maaari ko sanang magapi ang Emperor of Death kung nasa peak ko ako ngayon, pero dahil isang ispiritu lamang ako, kahit subukan ko pa ay may 30-40% lamang ako na tsansa para mapigilan ito, at ganoon pa man, mamamatay ako."

Mapaklang sabi ng Purple Saint Partial Spirit sabay iling. Kapag namatay na siya, mawawalan na ng may-ari ang Purple Saint Ruina at magsisimula na itong masira.

Sa oras na iyon, ang tatlong sects ay magkakaroon ng tsansa para pasukin ang ruins. Hindi makakaiwas si Zhao Feng at Zhao Yufei sa kamatayan. Kung kaya, walang kahit anong magagawa ang Purple Saint Partial Spirit.

"Kapatid na Zhao Feng…."

Ang mga mata ni Zhao Yufei ay nagsimula nang maiyak at may sinag ng pag-asa sa kanya nang maalala niya kung paano nakakayang gumawa ni Zhao Feng ng milagro.

Sa parehong pagkakataon, si Zhao Feng ay nasa bingit na ng kamatayan.

Ang kanyang kaluluwa at kamalayan ay paalis na ng kanyang katawan.

"Hindi, hindi, hindi!"

Nanlaban si Zhao Feng at ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan para pigilan ito.

Subalit, ang kanyang kamalayan ay hinahatak pa rin. Kung ang kanyang cultivation ay umabot ng Void God Realm, makikita niya na ang isang ispiritwal na anyo gaya ng kanyang sarili ay iniaalis sa kanyang katawan.

Kapag nailabas na ang kaluluwa nang matagumpay mula sa kanya, kapareho ito ng pagbawi sa buhay niya.

Ang kanyang panlalaban ay walang kwenta.

Dahil kalahati ng kanyang kaluluwa ang nailalabas, biglang:

Peng! Peng! Peng! Peng!

Mukhang nanlalaban na ang kaliwang mata ni Zhao Feng, tila ba hinihila rin ito. Kung titignan nang malapit, ang kanyang kaliwang mata ay tila lumuluwa na.

Ang aura of death ay hinihila ang God's Spiritual Eye ganoon rin ang kanyang kaluluwa.

"Ganoon pala iyon."

Nakakapit na lamang si Zhao Feng sa huling lubid niya upang masalba - ang God's Spiritual Eye.

Pagkatapos ng ilang taon na magkaisa sila, ang God's Spiritual Eye ay kaanib na ng pagkatao ni Zhao Feng.

Nangangahulugan ito na kapag gustong alisin Eye of Death ang kaluluwa ni Zhal Feng, kailangan rin nitong hilahin palabas ang God's Spiritual Eye.

Subalit, hahayaan ba ito ng God's Spiritual Eye na mangyari?

Peng! Peng! Peng! Peng!

Tila ba nagising ang God's Spiritial Eye habang nagbubuga ito ng isang luma at nangingibabaw na aura.

Naramdaman ni Zhao Feng na tila ba naging isa siyang Diyos. Ang bawat isip at aksyon niya ay nagdudulot na mayanig ang araw at buwan.

"Isang aura mula sa ancient era…!"

Napabulalas amg Purple Saint Partial Spirit.

Sa pagkakataong iyon, naramdaman niyang ang buong Purple Saint Ruins ay nanginnginig. Walang kahit ank ang makapipigil sa pagyanig ng ancient aura na ito.

"Hmm?"

Nagulumihanan ang Eye of Death.

Boom!..Agad na hinarap ng Token of Death ang buong pwersa ng misteryosong ancient aura.

Crack!

Ang Token of Death ay nagsimula nang mabitak, at nandilim na ang Eye of Death at nagpakita ito ng gulat.

"God… God's Eye!!!?? Ang aura ng isang God's Eye!!!"

Napabulalas ang Tokennof Death sa buong soul dimension.

Wala sa mga eksperto sa panlabas na mundo ang nakarinig ng boses na iyon.

"Ano ang nagyayari?"

Nagulat ang tatlong Void God Realms.

Ang Eye of Death ay nakatanggap ng isang malakas na panlalaban at nagmumula ito sa God's Spiritual Eye.

"God's Eye? Ang kaliwang mata ni Zhao Fenh ay isang God's Eye!!?"

Hindi makapaniwala ang Purple Saint Partial Spirit.

Kahit ang Eye of Death ng Emperor of Death ay hindi matatawag na "God's Eye".

Tanging ang Eight Great God Eyes lamang ang matatawag na "God Eyes".

Halimbawa, ang Eye of Rebirth, ang Eye of Space, o kaya ang Eye of Death.

Mayroon silang mga tagapagmana ng kanilang mga bloodlines, gaya na lamang ng Emperor of Death. Subalit, ang mga may aktwal na God Eyes ay bibihira lamang sa mundo.

"...pero ang mata ni Zhao Feng ay hindi naman mukhang kahit alin sa Eight Great God Eyes."

Napailing ang Purple Saint Partial Spirit, pero ang pangungusap ay nanggaling na mismo sa Emperor of Death, isang tagapagmana ng Eye of Death. Bilang isa sa mga tagapagman ng aktwal na God Eye, talagang sensitibo ang Emperor of Death sa aura ng God Eyes.

"Hindi kabilang sa kahit aling Eighy Great God Eyes. Hindi kaya ito ang ikasiyam na God Eye na kagigising lamang?"

Ang liwanag mula sa Token of Death ay nagsimulang maglaho.

Ang itim na Eye of Death ay nagsimulang tumingin kay Zhao Feng sa malalim na isip.

Crack!

Sa ilalim ng ancient aura ng God's Spiritual Eye, ang Token of Death ay nabitak lamang sa isang kumpol ng alikabok.

"Hahabuli ka palagi ng kamatayan hanggang sa huli."

Iaang malamig na bosesnang umalingawngaw sa isip ni Zhao Feng sa pagkakataong nawasak ang token.

Plop!

Lumapag ang Skeletal Division Leaded sa lupa at hindi pa rin makagalaw si Zhao Feng. Patuloy na mararamdaman sa kaliwang mata ni Zhao Feng ang pagliig at paglaki nito, at tila ba may isang kapiranggot ng ancient aura ang hindi agad na naglaho.