Ang ginawa ni Zhao Feng ay naging dahilan upang pagtawanan siya ng mga nanonood.
"Naubusan na ba ng tricks ang batang iyan?"
"Hehe, hindi na magtatagal ang Ghost-Corpse Curse Array na iyan, at kapag umabot na sa Origin Core Realm ang vine king, kakalat pa hanggang sampung milya ang mga baging."
Sa kanilang mata, sumuko na si Zhao Feng sa Ghost-Corpse Curse Array.
Gayunpaman, tumungo si Zhao Feng sa Towering Tree Yao, nagbago ang ekspresyon nila Lu Tianyi, Ye Yanyue, Zhang Wan'er, Chi Gui, at iba pa.
Ang imahe na nagkaisa ang Towering Tree Yao at Zhao Feng ay malinaw pa sa kanilang isipan.
Masyadong maliit si Zhao Feng kung ikukumpara sa Towering Tree Yao.
"Tao, anong gusto mong gawin ko?"
Hindi naglakas-loob ang Towering Tree Yao na maliitin ang kabataan.
"Wala na tayong masyadong oras. Kailangan kong gamitin ang iyong Wood Spirit Essence Soul upang matalo ang vine king."
Nagmamadaling saad ni Zhao Feng. Hindi na kayang pigilan pa ng matagal ng Skeletal Division Leader ang mga bagong. Sa sandlaing masira ang Ghost-Corpse Curse Array, aabot na sa Origin Core Realm ang vine king, at wala nang makapipigil sa pagkalat ng mga baging.
"Zhao Feng, sampung segundo na lamang ang itatagal ko."
Nataranta ang Skeletal Division Leader.
Sampung segundo.
Nagulat ang puso ni Zhao Feng, na presyur din ang Purple Saint Partial Spirit. Mayroon na lamang sampung segundo si Zhao Feng upang gawin ang kailangan niyang gawin.
"Magsanib!"
Makapangyarihang enerhiya ang lumabas mula sa kaliwang mata ni Zhao Feng na kumalat sa hangin.
Weng~~
Ang purong enerhiya mula sa mga sanga ay tumungo sa kaluluwa ni Zhao Feng.
Natiwa ang puso ni Zhao Feng noong maramdaman niya ang komportableng sensasyon.
Ang lakas ng kanyang kaluluwa ay maikukumpara sa Origin Core Realm, at gamit ang Wood Spirit Essence Soul, ang kanyang lakas ay umabot na sa Sovereign.
Isa pa, sa ganitong eatado, ang pandama ni Zhao Feng ay nasa rurok na. Ang mga incomprehensible intents ay madali niya na lamang maiintindihan.
Hu~~
Sa sandaling iyon, si Zhao Feng at Towering Tree Yao ay tila naging sentro ng mundo dahil ang Heaven Earth Yuan Qi ay bumuhos sa kanila. Ang kanilang lakas ay higit na natalo ang isang True Lord Rank.
"Origin Core Realm intent!"
Nagulat ang Skeletal Division Leader at Purple Saint Partial Spirit.
Sa ganoong estado, ang soul-strength ni Zhao Feng ay maikukimpara sa Sovereign, at ang lebel ng kanyang intent ay maikukimpara sa Origin Core Realm.
Ang lahat ng ito ay dahil sa Towering Tree Yao. Napataas nito nang mabilis ng kalahati pa ang lakas ni Zhao Feng.
"Manigas~~~!"
Hinangin ang asul na buhok ni Zhao Feng kasabay ng earth-shking source of mental energy power na tumungo sa vine king.
Umungol ang vine king sa paninigas ng kanyang malaking katawan.
"Gusto niya bang…?"
Natuwa ang Purple Saint Partial Spirit.
Sa panlabas na mundo, nakita ng mga eksperto sa tatlong sekta ang hanggarin niya.
"Mukhang ang kanyang target ay ang vine king."
"Malaki ang katawan ng vine king, at ang kanyang battle power ay malapit na sa Sovereign. Maging ang totoong Sovereign ay maaring hindi siya mapatay."
Nag diskusyonang mga nanonood.
Sa loob ng imahe, nanigas ang katawan ng vine king, ngunit agad din itong nagpumiglas.
"Sandali, maaring hindi gustong patayin ni Zhao Feng ang vine king."
"Gusto niya bang…?"
Nagulat ang mga puso ng mga nakaintindi.
Ganoon pala iyon.
__
Kumislap ang mata ni Grandmaster Yin Kong.
Sigurado siya na hindi gustong patayin ni Zhao Feng ang vine king. Hindi iyon makatotohanan.
Isa pa, hindi na halos magamit ni Zhao Feng ang Jade Dragon Protection dahil masyadong mahina ang butas.
"Hehe, gustong kontrolin ni Zhao Feng ang vine king?"
Ang tawa ni Saint Moon Aunt Goddess ay naging dahilan upang mawala ang hilo ng lahat.
Nakita ng Three Void God Realm ang intensyon ni Zhao Feng.
"Zhe zhe, hindi mababa ang ambisyon ng batang ito. Wala na siyang mga halimaw na makontrol, kaya ngayon ay gusto niya naman ang vine king?"
Mapaglarong saad ng gintong kalansay.
"Ang lakas ng vine king ay malapit na sa Sovereign. Kailangan ng soul-strength ng isang Sovereign upang makontrol ito, maging ang mga Sovereign beast tamers ay hirap na pasunurin ito."
Tumawa ang Three Void God Realm. Hindi sila nag-aalala.
Hindi sila naniniwala na umabot si Zhao Feng sa Sovereign level soul-strength.
Tila bumagal ang oras sa sandaling ito dahil mas nagiging limitado ang galaw ng vine king, at hindi na ito masyadong nagpupumiglas ngayon.
Isang segundo, dalawang segundo, tatling segundo… limang segundo.
Nagbago ang ekspresyon ng Three Void God Realm at ang puso ng mga eksperto ay nagulat.
"Paano… paano ito nangyari?"
Hindi makapaniwala ang mga Sovereign.
Sa imahe, ang vine king ay lalong lumalaki, matapos ng limang segundo, naging kalmado ng vine king.
Hmmm?
Naramdamam ng Skeletal Division Leader na bumaba ang presyur. Tumigil sa pag-atake ang vine king sa Ghost-Corpse Curse Array, ngunit mayroon pa ring ilang mga baging na lumalaban.
Sa pavutan ng mga sanga, taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng.
"Ang isipan ng vine king na ito ay puno ng kaguluhan at paninira. Isa siyang reincarnation ng demonyo."
Ang mental energy ni Zhao Feng ay humarap sa katakot-takot na pagpupumiglas noong pumunta ito sa isipan ng vine king.
Sa bawat sandali, kailangan dumepensa ni Zhao Feng laban sa bloodthirsty at chaotic aura.
Hindi normal na nilalang ang vine king. Ang bawat kilos nito ay naka base lamang sa natural nitong pag-iisip. Kaya't malaki ang pagtanggi nito.
"Sa aking kasalukuyang kalagayan, mayroon lamang akong 40-50% na tsansang makontrol ang Origin Core Realm beast, at ganoon din kahirap para sa vine king.
Patuloy na naglalabas ni Zhao Feng ng eye bloodline power. Kahit ano pa ang mangyari, nasa kanya pa rin ang kalamangan ngayon.
Sa sandaling ito, bahagyang nakontrol ni Zhao Feng ang vine king at nabawasan ang preayur sa Skeletal Division Leader, ngunit hindi niya lubusang makontrol ang vine king.
Eye of Heaven!
Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay umabot na hangganan at iniwan niya ang kanyang pisikal na katawan.
Shua!
Sa isang saglit, ang kamalayan ni Zhak Feng ay tumalon sa mga ulap.
Ang asul na transparent Eye of Heaven ay walang emosyon na tumingin sa mundo.
Sa estadong ito, ang kontrol at kapangyarihan ni Zhao Feng ay umabot na sa rurok.
"Luhod!"
Isang malamig na boses ang nagyanig sa dimensyon ng kaluluwa ng vine king.
Huang!
Ang malaking katawan ng vine king ay nanginig at tila lumuhod ito sa harap ng God's Spiritual Eye.
Kasunod nito, ang mga baging na nasa dalawang milya ang layo ay tila natanggap ang mensahe.
"Tumigil sa pag-atake ang vine king, mukhang naapektuhan din nitp ang mga kalapit na baging."
Ang presyur sa Skeletal Division Leader ay bumaba sa kalahati, at hi di nito mapigilan na tumingin sa Eye of Heaven ng mayroong takot, pag-iingat at kaunting pag-hanga.
"Nagtagumpay siya!"
Natuwa sina Purple Saint Partial Spirit at Zhao Yufei.
Shua!
Biglang naglaho ang Eye of Heaven matapks ang ilang segundo.
"Hehe, Skeletal Division Leader, hindi mo na kailangan na mag-alala sa vine king ngayon. Magpokus ka na alang sa pagwasak sa mga baging."
Tumawa si Zhao Feng at sinabi ito, na naging dahilan upang bumalik sa ulirat ang Skeletal Division Leader.
Sa sandaling ito, ang vine king at ang lahat ng baging na nasa dalawang milya ay tumigil sa pag-atake. Ang mga baging sa malayo ay patuloy na kumalat ngunit hindi na ganoon kabilis.
Sa sitwasyong ito, ang Ghost-Corpse Curse Array ng Demonic Hell Vine ay muling tumatag at nagsimulang wasakin ang mga baging.
Matapos sumanib sa Wood Spirit Essence Soul ng Towering Tree Yao, kinontrol ni Zhao Feng ang vine king na kalabanin ang ibang mga baging.
Kahit na may suporta ang vine king ng patuloy na Lifeforce, siya ay kontrol ni Zhao Feng.
Matapos ang ilang sandali, ang mga baging na sa dalawang milya mula sa vine king ay pira-piraso na, ang Skeletal Division Leader ay ginamitang Ghost-Corpse Curse Array upang wasakin ang mga natitirang baging.
Ang mga baging sa sulok ay walang suporta ng lifeforcwmula sa vine king, kaya mas mabagal ang kanilang paglaki.
Sa himpapawid sa taas ng bundok, masama ang ekspresyon ng tatlong vine king.
Ang plano na gamitin ang Demonic Hell Vine king ay bigo.
Sa imahe, kinontrol ni Zhao Femg ang vine king at binaligtad ang sitwasyon.
Hindi nagtagal, tanging ang vine king at ilang mga baging na lamang ang natira sa lugar.
"Paliitin ang laki ng array."
Nakipag kita si Zhao Feng sa Skeletal Division Leader.
Ang Ghost-Corpse Curse Array ay nagsimulang mag pokus sa vine king na naging dahilan upang magsimula itong mabulok.
"Zhao Feng, hindi mo na kokotrolin ang vine king?"
Bahagyang nagulat ang Skeletal Division Leader. Naisip niya na gagawin ni Zhao Feng spiritual plant ang vine king.
"Hindi matalino ang vine king at masyadong mapanira. Mahirap din itong kontrolin. Ang maliit na pagkakamali magdudulot ng panganib."
Paliwanag ni Zhao Feng.
Nahirapan soyang kontrolin ang vine king sa kabila ng kanyang lakas.
Mabagal na dumaan ang oras habang patuloy na nabubulok ang vine king. Ang labinlimang ghost-corpses sa array ay malapit nang umabot sa peak True Lord Rank, kaya ang kapangyarihan ng kanilang sumpa ay mas katakot-takot.
Bago ito, nakuha na nila ang lifeforce ng ilang daang Trie Spirit Realm beasts, at ngayon ay nakapatay sila ng napakaraming baging.
"Kahit na mayroon lamang labinlimang cursed ghost corpse, ang lakas ng sumpa ay maikukumpara sa dose-dosenang cursed ghost corpse na nagsama."
Tumango ai Zhao Feng.
Matapos ang isang oras, ang baging ay nasira na.
Mas lalong lumiliit ang vine king, at hindi nagtagal ay mawalan ito ng kulay.
Isang matigas na itim na buto ang naiwan sa pwesto ng vine king.
Ito ang Demonic Hell Vine seed.