Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 540 - Maglaho!

Chapter 540 - Maglaho!

"Skeletal Division Leader, patayin mo ang mga halimaw at palawakin ang array!"

Puno nang kagustuhang pumatay ang boses ni Zhao Feng.

Ang Ghost-Corpse Curse Array ay puno ng dugo dahil sa pagkamatay ng mga halimaw.

Ang enerhiya na binigay ng mga True Spirit Realm beasts na ito ay mataas ang kalidad. Sa isang sandali lamang, isang daang mga halimaw ang namatay at yumaas ang enerhiya ng Ghost-Corpse Curse Array.

"Malupit na atake."

Sabik na iwinagayway ng Skeletal Division Leader ang itim na bandila upang direktahin ang kapangyarihan ng array.

Ang labinlimang ghost-corpses ay naging malakas lalo dahil sa enerhiyang nakuha nila mula sa mga halimaw.

Sa sandaling ito, ang mga baging na nakabalot sa array ay nagsimula nang masira.

Gayunpaman, gamit ang Origin Lifeforce, patuloy na lumalaki ang mga baging kahit na may nasisira.

Kahit na nagawang matalo ng array ang mga normal na baging, wala itong nagawa sa Vine King, ngunit sapat na iyon sa Purple Saint Partial Spirit upang maging masaya, "Ginamit ang mga halimaw upang pakainin ang array at palakasin ito… tuso talaga si Zho Feng."

Sa bundok sa labas:

"Nakakagalit ang batang ito."

"Hmph, huwag kang mag-alala. Kalahati sa kanyang mga halimaw ay namatay na; hindi niya na kayang magtagal pa."

Nag-usap ang tatlong eksperto.

Galit ang tatlong sekta kay Zhao Feng. Isang True Lord Rank ay nagawang baliktarin ang sitwasyon laban sa Three Void God Realm. Inaamin nila na katakot-takot ang kanilang kalaban.

Nakatuon din ang atensyon ni Grandmaster Yin Kong sa lalaking may asul na buhok. Ang labanan sa pagitan ng lalaking may asul na buhok at Three Void God Realm ay naging dahilan upang hangaan niya ang kabataan.

"Grandmaster Yin Kong, maghanda ka na sa ikalawang patak."

Nangibabaw ang boses ni Saint Moon Aunt Goddess .

"Okay."

Sumang-ayon si Grandmaster Yin Kong ay sinimulan ang ikalawang patak.

Sa gitna ng misteryosong kanyon, ang air of death at power of curse mula sa array ay bumalot sa lahat ng nasa tatlong milya at nagsimulang kalabanin ang vine king sa gitna.

"Sa kasamaang-palad, tanging labinlimang ghost corpses lamang ang nagawa. Masyadong malawak ang array upang matakot ang vine king."

Kinontrol ni Zhao Feng ang natitirang mga halimaw habang nakatuon ang atensyon sa sitwasyon.

Mayroon na lamang isa hanggang dalawang daang halimaw ang natira. Ang iba ay sinisira ang mga baging habang at ang iba naman ay ginamit na pagkain para sa array.

Sa sandaling ito, nakaramdam ng kakaiba si Zhao Feng sa lugar.

Weng~~

Isang malaking source ng lifeforce ang lumitaw sa gitna ng mga baging.

Sa sumunod na sandali, nakita ni Zhao Feng ang likido na katulad ng Elixir of Life, ngunit mas malaki ito.

"Hindi ito maganda, ikalawang patak ng Origin Lifeforce."

Banta ng Purple Saint Partial Spirit.

Ang unang patak aynagpalaki na masyado sa 89 at nakagawa ng vine king, at ngayon ay mayroon na namang panibagong patak? Naramdaman ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader ang pangingilabot.

Katulad ng inaasahan, ang dagat ng mga baging ah lumawak pa lalo, hindi naito mapigilan.

Ang vine king sa gitna ay ilang dosena na ang haba, ang kanyang aura ay umabot na sa half-step Origin Core Realms.

Qiu~~~

Ang baging ng 89 Vine King at ay tila dragon. Bawat galaw ay maaring pumatay sa normal na True Spirit Realms at ang daan-daang mga baging ay naglilikot sa loob.

Boom!

Ang Ghost-Corpse Curse Array ay agad na tinira ng mga baging at bumaba ang lakas nito.

"Master, hindi magtatagal ang array kung magpapatuloy ito."

Sumigaw ang Skeletal Division Leader habang tumataas ang presyur.

"Tao, iligtas mo ako!"

Ang Towering Tree Yao ay inaatake rin ang 89 king.

Pareho ang kanilang lifeforce sa ngayon, ngunit ang 89 ay maaring kumain at humigop ng buhay at patuloy na lumaki.

Sa kasamaang-palad, ang Towering Tree Yao ay naging pagkain ng mga baging.

Hindi lamang sa hindi makalaban ang Towering Tree Yao, inaatake pa io ng kalaban.

"Laban!"

Nagdilim ang paningin ni Zhao Feng. Kabaliwan ang nakita sa kanyang mata habang inutusan niya ang natitirang mga halimaw na tumungo sa Ghost-Corpse Curse Array.

Weng~~

Malaki ang itinaas sa lakas nh Ghost-Corpse Curse Array, ngunit hindi pa rin mapigilan ng Ghost-Corpse Curse Array ang pagdami ng mga baging.

Sa itaas ng bundok:

"Hahaha, wala nang magagawa ang array ng batang iyan ngayon, at kapag wala na ang mga halimaw, hindi na nila ito kayang pigilan."

"Mukhang ang isa o dalawa pang patak ng Origin Lifeforce ay aabot na ang 89 sa Origin Core Realm level.

Kumislap ang mga mata ng mga eksperto sa kasabikan.

Mula sa pagbubukas ng inheritance, palaging mukhang na kay Zhao Feng ang upper hand. Ang mga eksperto ng tatlong sekta ay galit sa kanya.

Maging ang Three Void God Realm Kings ay hindi na naglakas-loob na hindi pansinin si Zhao Feng.

" Zhao Feng, inaamin ko ang pagkatalo ko sa iyo noon, ngunit ngayon ay may ilang mga Void God Realms Kings at array grandmasters. Hindi ka na makakatakas ngayon."

Isang kabataang babae mula sa mga nanonood ang bumulong sa sarili. Lubha siyang maganda, tila dahon sa hangin. Gayunpaman, ang kanyang mata ay puno nang kagustuhang pumatay habang pinapanood niya ang lalaking may asul na buhok.

Ito si Ye Yanyue.

Sa nakaraang mga aon, nagpokus siya sa kanyang cultivation dahil sa nangyari sa Purple Saint Ruins.

Kalahating buwan ang nakalipas, noong nalaman niya na ang kabataan na kanyang bangungot ay muling lumitaw, agad siyang pumunta.

Ang iba ay dumating na kabilang sa Core disciples ng tatlong sekta na kabilang sa Ruins noon, gaya nila Lu Gianyu, Chu Gui at iba pa.

Sa kanilang lahat, si Lu Tianyi ang pinaka malakas; umabot na siya sa Origin Core Realm. Ang kanyang estado sa mga Core disciples ng Pure Moon Spiritual Sect ay nasa pinakamahusay na tatlo.

"Saint Moon Aunt Goddess , isa o dalawa pang patak ng Origin Lifeforce ay magiging Origin Core Realm na ang vine king."

Ang gintong kalansay ay puno nang pag-asa. Sa sandaling umabot na ang vine king sa Origin Core Realm, magkakaroon ito ng ilang kakayahan at kapangyarihan.

"Zhao Feng, kapag umabot sa Origin Core Realm ang 89 King, maging ang mga normal na Sovereign ay kailangan nang sumuko sa kanya. Sa buong Purple Saint Ruins, wala nang makakatalo sa kanya."

Nangibabaw ang boses ng Purple Saint Partial Spirit, at kumirot ang puso ng Skeletal Division Leader.

Sa sandaling ito, mahirap na para sa Skeletal Division Leader na saktan ang vine king. Sa sandaling umabot na roon ng vine king, mahirap na isipin ang resulta.

Siyempre, si Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader ay hindi natatakot sa kasalukuyang vine king, mas natatakot pa sila sa napakaraming baging.

Hinarang nang napaka raming baging sina Zhao Feng at Skeletal Division Leader.

"Kapag lumitaw ang isa o dalawang patak ng Origin Lifeforce, lahat nang ating pinaghirapan ay mapupunta sa wala…"

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na huminga nang malalim. Sa oras na ito, ang kanyang mag kalaban ay kasapi ng upper echlons ng tatlong sekta, at maaaring ang Void God Realm ay lumitaw din dahil ang isa sa mga kinakailangan ng two-star sect ay Void God Realm expert.

Ang kanyang kinatatakutan ay nagkatotoo na.

May naramdaman nanaman na kakaiba si Zhao Feng sa paligid.

"Hindi ko ito maaaring hayaang mangyari…!"

Sinagad ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye. Sa isang iglap, ang kanyang kaliwang mata ay naging karagatan na naglabas ng kakaibang potensyal.

Sa dimensyon ng kanyang kaliwnag mata, ang lawa ay umabot sa labingwalong yarda, at ang ipo-ipo sa gitna ay mabilis na umikot at naglabas ng ilaw.

"Sarado!"

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay gumamit ng kakaibang teknik na katulad sa Golden Sun Family's Sacred Eye bloodline upang isara ang lugar na mayroong patak ngOrigin Lifeforce.

Sa sandaling magamit ang kapangyarihang ito, ang lugar na nakasaea ay limitado.

Weng~~

Isang imbisibol na pwersa ang dumaloy sa hangin na nagsara sa lugar, at ang misteryosong patak ng likido ay lumitaw na kasing laki lamang ng hinlalaki na naglabas ng napakaraming lifeforce.

"Lumitaw na ito!"

Tumalon ang puso ni Zhao Feng.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang puso at God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay tumibok nang mabilis, at sinara niya ang lugar na pinaglitawan ng patak ng likido.

Ang Skeletal Division Leader at Purple Saint Partial Spirit ay nakikita ang pagbabagong ito.

Ito na ang sandali ng tadhana.

Sa sandaling makakuha ng foothold sa ruins ang 89, magiging daan ito para sa tatlong sekta, at ang resulta nito ay mahirap isipin.

Hu~~

Ang vine king ay nakaramdam nang nillaang na katulad sa Origin Lifeforce at kinuha ito gamit ang kanyang baging.

Sinara ni Zhan Feng ang lifeforce ng Origin Lifeforce gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, ngunit ang aura nito ay lumabas pa rin.

"Alis~~!!"

Kabaliwan ang lumitaw kay Zhao Feng habang nilalayo niya ang patak.

Hanggang hindi pa ito lumalaki, maaari pa itong galawin ni Zhao Feng. Ang problema lamang ay malapit na ang vine king sa patak at maaari niyang harangin ang lugar sa isang iglap.

Qiu~~~

Hindi mabilang na baging ang lumapit sa patak ng Origin Lifeforce.

Sa sandaling madikitan ito ng isang baging, kakalat ang Origin Lifeforce at mapupunta sa wala ang kanilang paghihirap.

Tapos na.

Bumagsak ang puso ng Skeletal Division Leader habang ang Purple Saint Partial Spirit naman ay umabot sa lalamunan ang puso.

Kahit na saan pa ipwesto ang patak ng Origin Lifeforce, hindi ito makakatakas sa kanyang tadhana.

"Maglaho!"

Pinag-igting ni Zhao Feng ang kanyang ngipin habang ang kanyang mukha ay puno ng kabaliwan at halos mawalan na siya nang tamang pag-iisip.

Ang kanyang kaliwang mata ay umikot na tila isang maliit na ipo-ipo at sa kritikal na sandali, ang ipo-ipo ay biglang lumitaw sa paligid ng Origin Lifeforce.

Shua!

Ang patak ng Origin Lifeforce ay biglang naglaho kasabay ng alon ng mga baging.