Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 538 - Ang Kapangyarihan ng Corpse Array

Chapter 538 - Ang Kapangyarihan ng Corpse Array

Sa karagatan, may malalaking bundok na makikita sa ilang milya.

Ilang mga tao ang nakatayo sa bundok, at ang isang daang yarda ang lawak na phantom image ay lumitaw.

Ang kasalukuyang senaryo na pinakikita ng imahe ay naging dahilan upang tumayo ang buhok ng mga nakakita.

Hindi mabilang na dark green Demonic Hell Vine ay bumuo ng karagatan ng baging na hindi mapigilan ang patuloy nitong pagtubo.

Pinigilan ng mang nanonood ang kanilang pag hinga.

"Katakot-takot. Hanggang mayroong aura of life at Heaven Earth Yuan Qi, patuloy na rarami ang Demonic Hell Vine."

"Karapat-rapat nga ito na maging disaster level forbidden vine. Kung hindi ito makokontrol maigi, maaari itong sumira sa buong sibilisasyon."

Ilan sa mga makapangyarihang tao ang hindinito napigilang sabihin.

Ang mga pigurang ito ay mula sa tatlong two-star sects, at ang pinaka mahina sa kanila ay True Lord Rank, at maraming Core Origin Realm experts.

Siyempre, lahat ng paningin ay nakatuon sa tatlong makapangyarihang tao sa himpapawid.

Lahat ng nasa ilang libong milya ang pwesto ay nararamdaman ang kapangyarihan ng tatlong ito, at mukha silang tatlong liwanag mula sa divine light.

Isang gintong kalansay na mayroong aura of death, isang puro at banal na babae, at isang demonic lord na pinalilibutan ng itim na aura.

Three Void God Realm Kings.

Tila tatlong diyos sila na hindi nagbago magmula sa simula ng oras.

Wala ang tatlong taon sa haba ng kanilang buhay. Para sa kanila, katumbas lamang nito ang pagkurap nila sa isang segundo.

"Saint Moon Aunt Goddess, ginamit mo talaga ang Demonic Hell Vine para lamang pigilan ang batng iyan?"

Nagulat ang gintong kalansay.

Ang tatlong Void God Realm Kings ay nagsimulang lumingon sa misteryosong kanyon. Nakita nila ng senaryo ng mga baging at ang imahe ni Zhao Feng at ng Skeletal Division Leader na tinatapos ang mga baging.

Hindi na nabigla ang Three Void God Relm sa presensya ni Zhao Feng.

"Simula noong bumalik ang batang ito mula sa Purple Saint Ruins, sinira niya na ang ating plano. Isa pa, pinatay niya ang marami sa ating Core disciples. Sa pagiging kalaban niya sa ating Pure Moon Spiritual Sect, kailangan niya itong pagbayaran.

Malamig ang boses ni Saint Moon Aunt Goddess.

Sa sandaling bumalik si Zhao Feng sa ruins, naramdaman na ito ng tatlong sekta.

Mayroong giant scorpion ang Saint Moon Aunt Goddess sa kanyang tabi na kasing laki ng toro, at ang pulang mata nito ay naging dahilan upang manlamig ang dugo ng iba.

Ang scorpion na ito ay umabot na sa True Spirit Realm, at ang dalawang mata nito ay nakatuon sa imahe ni Zhao Feng.

Kung nandito si Zhao Feng, lubha siyang magugulat. Ang batang scorpion ay umabot na sa True Mystic Rank.

Siyempre, iyon ay dahil sa tinulungan siya ng Vpid God Realm na lumaki.

Bilang spiritual pet ni Zhao Feng, habng lumalakas ang scorpion, lumalakas din ang mysterious bond sa pagitan nilang dalawa at mas madali itong mapakiramdaman.

"Hahaha, gamit ang forbidden demonic vine, hindi magtatagal ang batang iyan. Ang butas na ito ay ang magiging daan nating tatlong sekta."

Tumawa ang demonic lord na napalilibutan ng itim na aura.

Sa oras na ito, sina Zhao Feng at Skeletal Division Leader at natataranta habang sinusubukan nilang harapin ang mga baging na patuloy na dumarami.

Siyempre, ang phantom image ay walang tunog.

"Zhao Feng, kung hindi ka gagamit nang pamatay na atake, kakalat ang demonic vines na ito sa buong lugar. Sa oras na iyon, mawawalan ng pag-asa na mailigtas ang Purple Saint Ruins."

Saad ng Skeletal Division Leader. Ang kanyang power of death ay mas magagamit pa sa power of lightning or wind dahil ang pwer of death ang katapat ng element of wood.

"Masisira ko lamang ang mga baging na ito sa pamamagitan ng Jade Dragon Protection o Ice Imperial Spear."

Nagulat ang puso ni Zhao Feng, ito ang eksaktong iniisip ng Skeletal Division Leader.

Ang Jade Dragon Protection ay kayang mag-alis nang maraming baging at gamit ang Ice Imperial Shear, mapagyeyelo nita ang lugar at maaalis ang panganib.

"Hindi."

Nagkaroon ng komunikasyon si Zhao Feng at ang Purple Saint Partial Spirit at tumango sila agad.

Ito ay ang mas mahinag parte sa ruins; sa sandaling ginamit ang Jade Dragon Protection, agad na lalaki ang butas.

Sa madaling salita, ang lugar na ito ay hindi masyadong mapipinsala.

"Skeletal Division Leader, tulungan mo ako."

Isang ideya ang naisip ni Zhao Feng noong mapagtanto niya kung gaano kalaki ang pinsala ng power of death ng Skeletal Division Leader sa mga baging.

"Ghost Corpse Curse Array!"

Isangvitim na bandila ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng.

Hu~~~

Limampung True Lord Rank curse ghost-corpse ang lumitaw sa karagatan ng baging.

Tumayo sa pormasyon ang curse ghost-corpse at lahat ng nasa isang daang yarda ay napuno ng air of death.

Shu~~

Ang mga baging na pumasok sa Ghost Corpse Curse Array ay sumabog, nag-iwan ito nang mabahong putik.

"Hindi na masama."

Nagulat si Zhao Feng.

Ang epekto ng Ghost Corpse Curse Array sa demonic vines ay mas malaki pa sa kanyang inaasahan. Maari pa nitong nakawin ang kanilang lifeforce.

Whoosh! Whoosh! Whoosh~~~~

Ang buong lugar na mayroong Heaven Earth Yuan Qi ay agad na naging kadiring putik.

"Ganoon pala iyon. Ang Ghost Corpse Curse Array ay nagllaaman ng power of curses, na katapat ng kahit anong nilalang na may buhay."

Bahagyang nahinto ang Skeletal Division Leader at naintindihan ang teorya sa likod nito.

Ang Ghost Corpse Curse Array ay hindi lamang kombinasyon ng True Lord Rank ghost-corpses, naglalaman din ito ng sumpa.

Kung babalikan ang Bundred Graves Forbidden Ground, tanging ang Scarlet Moon Patriarch at ilang kasamahan nito ng nakalabas ng walang galos.

Ang Hundred Graves Forbidden Ground ay gawa ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Gamit ang Ghost Corpse Curse Array, ang mabilis na pagtubo ng Demonic Hell Vine ay bumagal, ngunit hindi huminto.

"Zhao Feng, ang mga baging ay umabot na sa lima o anim na milya. Kailangan nating palawakin ang Ghost Corpse Curse Array."

Saad ng Purple Saint Partial Spirit.

Bukas!

Pinalawak nina Zhao Feng at Skeletal Division Leader ang radius ng Ghost Corpse Curse Array.

Sa ilang segundo lamang, ang Ghost Corpse Curse Array ay lumawak ng isa pang milya hanggang dalawang milya, nangangahulugan na bumaba ang lakas nito. Gayunpaman, karamihan sa Demonic Hell Vine ay hindi p lubusang lumalaki kaya madali silang natalo ng array.

"Sa kasamaang-palad, mayroon lamang labinlimang ghost-corpses."

Bahagyang nagsisi si Zhao Feng. Kung kalahati lamang sa Hundred Corpse Plan ang natapos, alam niyang mapapatay niya ang lahat ng Demonic Hell Vine bago pa siya mawalan ng kontrol dito.

Sa sandaling ito, sina Zhao Feng at Skeletal Division Leader ay inaayos ng sitwasyon. Kahit na patuloy pa rin ang pagkalat ng mga baging, bumagal naman ito.

Parehong napa-buntong hininga ang Purple Saint Partial Spirit at si Zhao Feng.

"Zhao Feng, maraming salamat. Kung bahagya tayong nahuli, magiging mapanganib iyon para sa Purple Saint Ruins.

Saad ng Purple Saint Partial Spirit.

Taimyim ang ekspresyon ni Zhao Feng. Napigilan lamang ang panganib; hindi pa ito tuluyang naglalaho.

"Skeletal Division Leader, ikaw muna ang magkontrol sa Ghost Corpse Curse Array."

Biglang saad ni Zhao Feng at iniabot niya ang array flag kay Skeletal Division Leader.

"Sa loob lamang ng isang oras."

Tumango ang Skeletal Division Leader. Ang kasalukuyang lakas nito ay hindi masyadong malayo sa Sovereign, kaya ang pagkontrol aa Ghost Corpse Curse Array ay madali lamang sa kanya.

Kasabay nito, sa tuktok ng bundok, gulat ang mga tao mula sa tatlong sekta habang pinapanood nila ito.

"Hindi ko alam na mayroong Sovereign na tutulong kay Zhao Feng."

"Anong klaseng array iyan? Malaki ang pakinabang nito laban sa Demonic Hell Vine."

Nag diskusyon ang grupo, ang Three Void God Realms ay nag tinginan.

"Bakit ka nakatingin sa akin?"

Tanong ng gintong kalansay. Ang Saint Moon Aunt Goddess at demonic lord ay nagtatanong na tumingin.

"Ang array na iyan ay naglalaman ng ghost-corpses at power of corpses. May pagkakatulad ito sa inyong Black Cliff Palace."

Saad ni Saint Moon Aunt Goddess.

"Hmph, hindi lamang ang Blck Cliff Palace ang may kaalaman sa arrays. Ang Moon Demon Palace at ibang mga one-star clans na mahusay sa ghost-corpses ay alam din ito."

Saad ng gintong kalansay.

Nang marinig ito, ang Saint Moon Aunt Goddess at demonic lord ay hindi na nagsalita pa.

"Huwag kayong mag-alala. Kulang sila sa tauhan, bindi sila magtatagal sa dalawang tao lamang."

Saad ng gintong kalansay sa taimtim na tono.

Kahit na imahe lamang ang kanyang nakita, malaki ang kaya nitong suriin sa isang imahe lamang.

Gayunpaman, matapos itong magsalita, nagbago ng imahe.

May bahagyang panginginig at alon ng mga alikabok.

Sou! Sou! Sou~~~~

Daan-daang malalakas na halimaw ang pumunta sa kanyon.

Ang mga halimaw na ito ay nasa True Spirit Realm. Ang pinaka malakas ay umabot sa True Lord Rank at ang battle-power nito ay maikukumpara sa half-step Origin Core Realm.

"Atake!"

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay. Sa isang sandali lamang, ang kanyang God's Spiritual Eye ay kumislap at naglabas ng katakot-takot na eye bloodline power habang kinokontrol niya ang ilang daang True Spirit Realm beasts mag-isa.

Sa sandaling ito, ilang mga True Spirit Realm beast ang tumungo sa karagatan ng mga baging at lumikha ng silakbo.

Ang alon ng Demonic Hell Vine ay nagkapira-piraso, at kahit kayang humigop ng Demonic Hell Vine ng buhay ng normal na halimaw, ang mga halimaw na narito ay marami at nasa True Spirit Realm lahat.