Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 535 - Mayordomo

Chapter 535 - Mayordomo

Sa ikatlong palapag ng Purple Saint Treasured Palace, pagkatapos ng kaunting kamustahan, agad na silang nagtungo sa kanilang pangunahing paksa.

"Senior Purple Saint, ano ho ang maaaring gawin ko rito?"

Napakamagalang ni Zhao Feng. Pagkatapos ng lahat, noong nabubuhay pa ang Purple Saint Partial Spirit, isa itong nilalang na nalagpasan na ang Void God Realm.

Bukod pa roon, binigyan niya si Zhao Feng ng maraming tulong gaya na lamang ng aytems na Jade Dragon Protection, ang Ice Imperial Spear, and Ten Thousand Ghot Pearl atbp.

"Zhao Feng, hindi pa naman kinakaharap ng Purple Saint Ruins ang totoonh panganib. Subalit, ang tatlong two-star sects sa labas ay mayroong mga eksperto ng Void God Realm, at nag-imbita pa sila ng isang array master na siyang inaaksaya ang lakat ng ruins."

Wika ng Purple Saint Partial Spirit.

Komplikado ang sitwasyon sa Purple Saint Ruins.

Una sa lahat, ang Purple Saint Ruins ay 8,000 milya ang haba, na napakalaki para sa isang nakahuwalay na dimensyon. Ang kapaligiran rito ay sampung beses na mas maganda kaysa sa Azure Flower Continent at maraming bilang ng resources rito.

Alam naman ito ni Zhao Feng.

Mayroon pa ngang ilang libong halimaw ang nasa True Spirit Realm dito, at may iilan ring mga natutulog na Sovereign beasts.

Mula sa mga halimaw na ito, maraming kakaiba o species na inakalang ubos na ang siyang may malaking halaga sa labas na mundo.

"Ang swerte na mayroon si Zhao Yufei para manahin ang lugar na ito ay hindi kayang maparam ng ibang mga True Dragon Geniuses."

Napabunton hininga si Zhao Feng sa kanyang puso. Ang pinakamaswerteng tao sa mga henyo ay hindi galing sa limang Napakahusay na Prodigies, kundi si Zhao Yufei.

"Ang Purple Saint Ruins na nakikita mo ngayon ay sampung libong taon na at napakahina na nito at palubog na. Sampung libong taon ang nakararaan, ang lakas nito ay pinangingimbabawan ang lahat at walang-wala kumpara sa kasalukuyan."

Napabuntong hininga ang Purple Sainy Partial Spirit.

Nayanig ang pusonni Zhao Feng. Ang Purple Saint Ruins ay nasa mahina nitong estado? Gaano kaya ito kalakas sa sukdulan nito?

"Maaari ko ho bang maitanong; ano ho ba ang mga banta rito at ano ang magagawa ko upang makatulong?"

Pagtatanong ni Zhao Feng.

"Dahil nababawasan ang kapangyarihan kk habang lumilipas ang oras, wala ako kahit 5% ng lakas ko, at kailangan ko pang tulungan si Yufei upang repinahin ang kanyang inheritance. Wala na akong gaanong kontrol sa lugar na ito."

Wika ng Purple Saint Partial Spiriy kasabay ng isang mahabang buntong hininga at saka nagpatulou, "Kung nasa sukdan ko ako, kaya kong makagawa ng mga tsunami at bagyo sa isang pitik lamang."

Ang Purple Saint Partial Spirit ay may lubusang kontrol sa inheritance noong nasa peak pa siya ng kanyang kapangyarihan.

"Senior, gaano na lamang kadami ang kontrol niyo sa ruins?"

Agad na naguhitan ang mga mata ni Zhao Feng nang tanungin ito.

"Kaya ko na lamang na maramdaman ang ruins ngayon, at kahit ganoon pa, may mga restriksyon pa rin sa mga mahihinang bahagi."

Mapakla ang ngiting ibinigay ng Purple Saint Partial Spirit.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Alam naman niya talaga ito kahit noong nakaraan pa. Nangangahulugan lamang na wala na talagang tunay na kontrol ang Purple Saint Partial Spirit; ang kaya na lamang nitong gawin ay makita at maramdaman ang ruins."Halos lahat ng mga halimaw rito ay hindi na ako pinapakinggan. Dati, kaya kong diktahan ang kanilang buhay at kamatayan sa isang pitik lang. Kahit pa isang eksperto ng Void God Realm ang pumasa, hinding-hindi sila makakalaban."

Nakakaawa na talaga ang sitwasyon ng Purple Saint Partial Spirit, at ikinagulantang ito ni Zhao Feng. Agad niyang nalaman ang rason kung bakit naghahanap ito ng tagapagmana.

"Zhao Feng."

Nagsalita na rin ang Purple Saint Partial Spirit, "Ang kawalan ng kapangyarihan sa ruins ay nagsisimula nang buwayin ang mga bagay-bagay. Lalong dumadami ang mali rito. May mga kailangan kaming gawin ni Yufei, kung kaya kailangan namin ng tulong mo."

Nalaman na rin ni Zhao Feng kung ano ang kanyang gawain. Sa madaling salita, isa siyang "mayordomo" ng Purple Saint Partial Spirit na siyang nabigyan ng responsibilidad para asikasuhin muna ang sitwasyon sa loob ng ruins.

Ang mga mali at butas sa dimensyong ito ay magdudulot upang mabuway ito nang tuluyan, at maaaring maging dahilan ito para mabigyan ng tsansa ang tatlong sects.

"Syempre, bilang iyong pabuya, halos lahat ng resources sa ruins ay maaari mong magamit."

Bahagyang pagngiti ng Purple Saint Partial Spirit.

"Walang problema."

Pagpayag ni Zhao Feng. Kailangan lang naman niyang maging "mayordomo" at makakatanggap na siya ng malaking halaga ng mga pinakanatatanging resources.

Bukod pa roon, magkababata naman sila ni Yufei.

Syempre, isa iyan sa mga dahilan kung bakit pinili ng Purple Saint Partial Spirit na maniwala kay Zhao Feng.

"Diyos ko…. Mukhang may empanada yata na nahulog mula sa langit?"

Napaluwa ang mga mata ng Skeletal Division Leader sa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl.

Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi nag-aalala si Zhao Feng sa mga kakailanganin niyang materyales para repinahin ang hundred corpses.

Isang oras ang nakalipas, naunawaan nanni Zhao Feng ang sitwasyon sa ruins.

Upang kaunti lamang ang magamit na enerhiya, muling pinagkaisa ng Purple Saint Partial Spirit ang Purple Saint Treasured Palace sa gitnang kailaliman ng ruins.

Shua!

Ang anyo ni Zhao Feng ay muling nagpakita sa tabi ng Towering Tree Yao, at ang palasyo ay biglang nawala.

"Isang empanada na nahulog sa langit? Paano naman nangyari na may isang bagay na walang hinihintay na kapalit?"

Hindi pa rin kumakalma si Zhao Feng.

Kahit na ang pagpili ng Purple Saint Partial Spirit sa kanya ay katulad ng isang empanadang nahulog sa langit, ang panganib na kaakibat nito ay malaki.

Kapag umatake na ang mga eksperto ng tatlong two-sects, si Zhao Feng na ang bahala sa unang hanay.

"Ayon sa Purple Saint Partial Spirit, mayroong halos isang daan na pagkakamali at butas sa ruina, pero tanging dalawa o tatlo lamang ang mahalaga."Isang mapa ng mga pagkakamali at mahihinang punto ang sumilay sa isip ni Zhao Feng.

Halos lahat ng mga lugar na ito ay magdadala ng problema sa hinaharap.

"Mayroong halos isang daan."

Naramdaman ni Zhao Feng na namagaga ang kanyang ulo. Karamihan sa mga pagkakamali at butas na ito ay may kinalaman sa laws of space at intricate arrays.

Sa kabutihang palad, mayroon namang mga ibinigay na pamamaraan ang Purple Saint Partial Spirit, kung kaya hindi na ito kailangan pang pag-isipan ni Zhao Feng.

Ang kanyang pangunahing gawain ay asikasuhin ang tatlong malalaking butas, na maaaring maging punto ng pag-atake ng tatlong sects, at ang isa rito ay ang misteryosong kanyon. Sa parehong pagkakataon, ang Towering Tree Yao ang nasa gitna ng misteryosong kanyon.

"Mortal, malapit na ba tayong magtulunganng muli?"

Pagtawa ng Towering Tree Yao.

Ngumiti si Zhao Feng at nagsimula nang ayusin ang mga pagakakamali na ito. Ang isang pagkakamali ay nangangahulugan na hindi nakakadaloy nang maayos ang Yuan Qi at maaaring mangyari rin ito.

Kung hindi sila agad na maayos, ang mga pagkakamali at mga butas na ito ay lalo lamang lalaki, at maapektuhan nito ang buong dimensyon.

Sa madaling salita, tila ba isa itong katawan ng tao na may natatagong mga sugat na kailangang maghilom.

Ang pamamaraan ng Purple Saint Partial Spirit ay gumamit ng mga Primal Crystal Stones upang makapagsuplay ng Heaven Earth Yuan Qi.

Nangangahulugan ito na gagawa sila mg Yuan Qi Gathering Arrays o kapareho pa man nito upang maiayos muli ang dalos ng Yuan Qi sa ruins.

Sa iilang mga lugar, kailangan pang pumunta ni Zhao Feng nang personal para tawagin at padaluyin ang Heaven Earth Yuan Qi.

Pagod na pagod si Zhao Feng pagkatapos ng unang araw.

Habang nag-aayos o gumagawa ng mga arrays, kailangan niya ring magmina ng Primal Crystal Stones at iba pang ispisipikong materyales.

Bukod pa roon, ito lamang ang pinakasimpleng hakbang.

"Lahat kayo, tulungan niyo ako."

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang kamay at ipinatawag ang Skeletal Division Leader, ang dalawang dark-silver ghost-corpses, at ang pitong isinumpang ghost-corpses.

"Master, ikaw…."

Nagugulumihanan ang Skeletal Division Leader.

"Mula ngayon, tutulungan mo akong ayusin ang pagkakamali sa dimensyong ito at magmina ng mga kinakailangang arrays."

Pag-uutos ni Zhao Feng. Napagpasyahan niyang gamitin ang ghost-corpses bilang kanyang manggagawa, pero kaya lamang nilang gumawa ng mga simpleng gawain.

"Zhao Feng, gusto mong ang isang Scarlet Moon Division Leader ay maging isang manggagawa? Hindi mo ba ako kailangan para sa Hundred Corpse Plan mo?"

Pag-atungal ng Skeletal Division Leader.

"Ang pangunahin mong layunin ay gawin ang sinumpaang ghost-corpses, pero may iilang bagay rito na kailangan mo munang asikasuhin."

Wika ni Zhao Feng.

Maraming alam ang Skeletal Division Leader sa arrays. Gamit ang lakas nito na pang-Origin Core Realm, malamang ay ang abilidad nito sa pangangasiwa ay hindi hihina kay Zhao Feng.

"Hindi ka pwedeng maging tamad ngayon."

Dinampot ni Zhao Feng ang natutulog na kulay pilak na abo niyang pusa.

Miao miao!

Ikinumpas ng munting pusang magnanakaw ang kanyang pangalmot sa hindi pagsang-ayon. Ayaw talaga nitong maging isang manggagawa.

"Mali, ikaw lamang ang tagapangasiwa."

Muling dinampot ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw at lumipad sa Purple Saint Ruins.

Kalahating araw ang nakalipas, bumalik na si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw na nababalutan ng alikabok.

Napatingin ang Skeletal Division Leader at napatalon sa takot.

Mayroong mga hukbo ng halimaw sa likod nila Zhao Feng; dose-dosena nila, at lahat sila ay nasa True Spirit Realm.

Ang mga halimaw na ito ay binubuo ng mga gorilya at mga elepante. Ang pinakamaliit sa kanila ay kasinglaki ng isang tao, at ang mga malalaki ay singlaki ng isang maliit na bundok.

Lahat ng mga halimaw na ito ay kontrolad ni Zhao Feng.

Sou! Sou! Sou!

Higit pa sa isang dosenang mala-gorilyang halimaw ang nagsimulang magmina, at ang mga elepante ang bahala sa paggawa ng mga daan.

Ang pinakamalakas na halimawnay nasa 40-50 na yarda ang haba, ang Golden Giant Elephant, at ang cultivation nito ay nasa Peak True Lord Rank.

Boom~~~

Ang Golden Giant Elephant ay tumama sa isang pader sa ilalim ng utos ni Zhao Feng.

"Ikaw… Ikaw ay isang beast tamer?"

Nagitla ang Skeletal Division Leader. Tanging mga beast tamers lamang ang may kakayahang kumontrol ng ilang mga halimaw nang sabay-sabay.

"Napakatalino talaga ng Zhao Feng na ito. Talagang kinontrol niya pa ang lahat ng mga halimaw na ito para maging manggagawa."

Hindi mapigilan ng Purple Saint Partial Spirit na magulat.

Related Books

Popular novel hashtag