"Kekeke, Three Eyed Saint… kung gusto mong maghiganti, maaari kang sumugod sa akin."
Pang-aasar ni Zhao Feng.
"Ikaw~~~!"
Ang Three Eyed Saint ay labis na nagalit na nagsimula nang manginig ang kanyang katawan at gumalaw ang kanyang ikatlong mata.
Huwag kang mayabang!
Nagngalit ang ngipin ni Goddess Bing Wei nang pigilan ang Three Eyed Saint.
Ang totoo, ang kanyang poot kay Zhao Feng ay hindi mas mababa sa Three Eyed Saint, ngunit alam niyang hindi katapat ni Zhao Feng ang Thrre Eyed Saint. Kahit na magkasama sila, hindi pa rin sila mananalo.
"Mayabang!"
Umangal ang Mystic Ice Queen sa hangin at ang puwersa ng mental energy ng kanyang Origin Core Realm ay nadurog.
Sa isang sandali, ang buong upper echelon ng Iron Bloof Religion ay nawalan ng kaayusan para makahinga.
Si Zhao Feng ay nakatayo lang nang hindi gumagalaw habang nililipad ang kanyang buhok. Walang ekspresyon siyang tumingin sa Mystic Ice Queen nang walang bakas ng kahinaan.
Makalipas ang apat na buwan sa seklusyon, ang lakas ni Zhao Feng ay labis na tumaas. Kahit na hindi siya kasinglakas ng isang Sovereign, naniniwala siyang hindi siya magihing mahina tulad ng iba.
"Kailan pa naging malakas ang kaluluwa ng ungas na iyon?"
Lihim.na nagulat si Dao Sovereign Baiyun.
Halata ring napagtanto ng Mystic Ice Queen na ang kaluluwa ni Zhao Feng ay labis na malakas at hindi ito natatakot sa puweraa ng mental energy ng isang Sovereign.
Ang kaluluwa ang pinanggagalingan ng kamalayanat ito ay labis na mahirap palakasin. Kapag mas malakas ito, mas madali para isang tao na mapalakas ang kaniyang mental energy.
Ang cultivation ni Zhao Feng ay nasa True Lord Rank ngunit ang lakas ng kanyang kaluluwa ay lumagpas na sa inaasahan ng lahat.
"Bago pa ang Sacred True Dragon Gathering, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay hindi ganito kalakas."
Nagulat ang Mystic Ice Queen. Pagkatapos mapasok ang hindi malamang inheritance, ang kaluluwa at kamalayan ni Zhao Feng ay parehong kapansin-pansing tumaas.
Habang iniisip ito, naging palaban ang mga mata ng Mystic Ice Queen.
Ang totoo, isa lang sa mga dahilan ang Three Eyed Saint kung bakit siya nandito.
Ang nakapagpapunta talaga sa kaniya ay ang hindi malamang inheritance.
Shua!
Biglang isang scarlet-red na anyo ang naglabas ng nagliliwanag na madugong aura, ang pumagitan sa Mystic Ice Queen at Zhao Feng.
Ito ay si Patriarch Hong.
"Mystic Ice Queen."
Si Patriarch Hong ay nagsalita, "Bilang isang Sovereign ng matandang henerasyon, makikialam ka ba sa pagitan ng Three Eyed Saint at ni Zhao Feng? Ang pagpatay si Zhao Feng sa Head ng pamilyang Golden Sun ay dahil lang sa pagprotekta sa kanyang sarili. Kailan pa hindi naging makatuwiran ang Mystic Ice Queen?"
"Nanumbalik na nga ang lakas ni Patriarch Hong..."
Ang ekspresyon ng Mystiv Ice Queen ay bahagyang nagbago. Kahit na hindi ito dahil sa isang bagay na tinatawag na pagkamakatuwiran, gagawin pa rin ni Patriarch Hong ang kaniyang makakaya para protektahan si Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay isang bihirang prodigy kahit na tignan sa buomg kontinente, ang siya ay parte ng Iron Blood Religion. Ganito rin ang gagawin ng Heavenly Yuan Clan kung sila ang nasa ganitong sitwasyon.
"Sa tingin ko lang ay bahagya itong kahina-hinala. May lakas si Zhao Feng para mapatay ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang First Elder? Dagdag pa rito, si Sheng'er ay ang mapapangasawa ng aking Goddess Bing Wei. Anong mali sa pagtulong ko sa kaniya?"
Lumitaw ang isang ngiti sa mukha ng Mystic Ice Queen.
Mapapangasawa ni Goddess Bing Wei?
Maraming tao ang nagulat. Kahit na magagamit itong dahilan, ito ay hindi pa rin makatuwiran.
Ang Head ng pamilyang Golden Sun naman ang naunang umatake.
"Nagdududa ka ba sa aking lakas? Kung hindi ka naniniwala sa akin, maaari kang magpadala ng dalawang half-step Origin Core Realm expert mula sa Mystic Ice Palace para subukin ako."
Dinilaan ni Zhao Feng ang kanyang labi at mukhang natutuwa.
Ang lahat ay nag-usap matapos na marinig ito.
Ang mayabang na tono ni Zhao Feng ay labis na bastos sa Sovereign, at marami ang nagduda sa kanyang kakayahan.
Lahat ay naniniwalang posibleng matalo niya ang isang normal na half-step Origin Core Realm expert, ngunit ang makapatay ng dalawa ay labis naman.
"Saan nanggagaling ang lakas ng loob ng ungas na ito? Kaya ba talaga niyanh patayin ang dalawang half-step Origin Core Realm?"
Nagulat ang panig ng Mystic Ice Queen dahil sa lakas ng loob ni Zhao Feng.
Kung hindi sila naniniwala, maaari nilang subukan.
Hindi natatakot si Zhao Feng sa hamon, ngunit hindi gagamitin ng Mystic Ice Queen at ng Heavenly Yuan Clan ang buhay ng dalawang half-syep Origin Core Realm para sa wala.
"Lahat kayo, pinatay ng ni Zhao Feng ang Head ng pamilyang Golden Sun, ngunit isa itong personal na problema sa pagitan ng dalawa. Kung sinong mangahas na mangialam, hindi lang ako tatahimik o manonood lang."
Umgalingawngaw ang boses ni Patriarch Hong.
Ang ekspresyon ng Mystic Ice Queen ay nagbago, ngunit nang magkaroon ng plano ay tumingin ito kay Dao Sovereign Baiyun.
"Dao Sovereign Baiyun, pareho nating nais kilatisin si Zhao Feng. Bakit hindi tayo magsama at hulihin siya?"
Nagtinginan ang dalawa habang nag-ugnayan sila gamit ang spiritual sense.
Malalim na tignan ni Dao Sovereign Baiyun ang Mystic Ice Queen ngunit hindi kaagad sumagot.
Kahit na ang "katotohanan" ay naisiwalat na, gusto pa ring kilatisin ng Mystic Ice Queen si Zhao Fenf. Mula rito, makikita na ang kaniyang tunay na pakay.
Nang makaharap ang misteryosong inheritance, kahit ang mga Sovereign ay interesado.
Halatang ang tunay na pakay ng Mystic Ice Queen ay hindi ang katotohanan.
Ang tingin ng Mystic Ice Queen may Dao Sovereig Baiyun ay hindi nakatakas sa mga mata ni Patriarch Hong.
"Mukhang pumunta ang Mystic Ice Queen dito nang may masamang pakay."
Tila nayanig ang puso ni Patriarch Hong.
Matapos ang ilang hininga at pagtinginan, nawala ang mga anyo ni Dao Sovereign Baiyun at ng Mystic Ice Queen.
Shua! Shua!
Nanggaling ang dalawa sa magkabilang direksyon papunta kay Zhao Feng at Patriarch Hong sa gitna.
"Dao Sovereign Baiyun, anong ibig sabihin nito?"
Nagbago ang ekspresyon ni Patriarch Hong.
Si Dao Sovereign Baiyun ay ngumit at sinabi sa kalmadong tono, "Gusto ko lang malaman ang saktong kalagayan ni Zhao Yufei, wala nang iba."
Isang malamig na ngiti ang lumitaw sa mukha ng Mystic Ice Queen.
Paano nagawang tanggihan ni Dao Sovereign Baiyun ang alok niyang magkasamang kumilos?
Sa isang banda ay ang kakaangat lang na Iron Blood Religion at sa kabila naman ay ang isa sa Ten Major Forces. Mas gugustuhin pang galitin ni Dao Sovereign Baiyun ang nauna kaysa sa nahuli.
Dagdag pa rito, gusto rin naman niyang kilatisin si Zhao Feng.
Biglang pinaghanda sa labanan ng sitwasyong ito ang Iron Blood Religion.
Nagliliyab na ang mga puso ni Patriarch Hong at Tiemo, ngunit higit pa ang dalawang Sovereign sa kayang harapin ny Iron Blood Religion.
Gayunman, si Zhao Feng mismo ay hindi nataranta.
Sa mismong sandaling ito, isang walang ekspresyong boses ang umalingawngaw, "Walang mangingialam sa laban sa pagitan namin ni Zhao Feng."
Ang boses na ito ay galing sa youth na may itim na buhok.
Yu Tianhao!
Ang kahat ay bahagyang nagulat. Nakalimutan na nila ang tungkol sa Lord Prodigy na ito.
Shua!
Si Yu Tianhao ay lumitaw sa tabi ni Zhao Feng.
"Yu Tianhao, ikaw…"
Hindi naintindihan ni Zhao Feng. Ito ay sarilu niyang problema. Bakit pupunta si Yu Tianhao?
"Hindi kita hahayaang mapinsala bago pa tayo maglaban. Kahit sinong kalaban mo ay dapat munang dumaan sa akin."
Si Yu Tianhao ay tumayo sa tabi ni Zhao Feng nang magkatapat ang kanilang balikat.
Hindi man lang natakot si Yu Tianhao na makaharap ang dalawang Sovereign. Sa kabilang banda, ang kanyang dugo ay kumukulo na sa tuwa at battle intent.
Ang invisible battlenintent ay lumagpas na sa hangganan ng kanyang cultivation.
Sa sandaling iyon, nagulat ang dalawang Sovereign.
Nang isinantabi ang kanyang cultivation, ang battle intent na nanggagaling kay Yu Tianhao lang ay kaya nang mapagbantaan ang mga nasa Origin Core Realm.
"Nakakasindak!"
"Ito ba ang maalamat na Unparalleled Heaven Battling bloodline?"
Hindi mapakali ang dalawang Sovereign at mababakas ito sa kanilang mga mata. Ang Unparalleled Heaven Battling bloodline ay siguradong ipinagbabawal na alamat, at ang dalawa ay hindi rin mapakali sa karanasan ng ama ni Yu Tianhao at ng pamilyang Yu.
"Yu Tianhao, hindi problema sa akim kung sasali ka, ngunit ito ay aking problema. Bakit kita hahayaang pumunta sa harapan?"
Si Zhao Feng ay humakbang paharap.
Sa sandaling iyon, ang kanyang God's Spiritual Eye ay bumukas at naglabas ng aura ng mental energy.
"Paano ito naging posible…? Paanong naging sobrang lakas ng kaniyang mata?"
Nagsimula nang maramdaman ng Sacred Eye ng Three Eyed Saint ang puwersa.
Kahit ang dalawang Sovereign ay bahagyang nagulat.
Ang lakas ng eye bloodnine ni Zhao Feng ay nakaabot na sa lebel na magagalaw nito kahit ang mga Origin Core Realm.
Kailan pa nagkaroon ng malahalimaw na henyo ang Azure Flower Continent?
Sa sandaling ito, ang mental energy at kaluluwa ni Zhao Feng pati rin ang battle intent ni Yu Tianhao ay nakabuo ng momentum na nakagulat sa mga nasa Origin Core Realm.
Ang parehong aura nila ay kayang makapagbanta sa mga Sovereign.
Peng! Peng! Peng! Peng!
Ang lahat ng nasa ilalim ng Origin Core Realm ay nagulat.
Baliw!
Ang dalawang Lord Prodigy ay nagsama, at ant kanilang kalaban ay hindi isang True Lord Rank o half-step Origin Core Realm expert, ngunit isang Sovereign na nasa tuktok ng kontinente.
"Ang iyong mungkahi ay hindi na masama. Any aking bloodline ay mukhang nagliliyab na."
Mababakas ang tuwa sa mukha ni Yu Tianhao.
Kahit na siya ay mayabang, alam niyang ang kanyang pagkakataong matalo any isang Sovereign nang mag-isa ay mababa. Ngunit kapag sumama siya kay ZhaonFeng, kahit ano ay posible.
Biglang nagbago ang sitwasyon. Si Yu Tianhao, na gusto talagang makalaban si Zhao Feng, ay sumama na lang sa kaniya at magkasangga sila ni Patriarch Hong.
Hinarap ni Patriarch Hong ang Mystic Ice Queen habang si Zhao Feng at Yu Tianhao ay hinarap si Dao Sovereign Baiyun.
"Siguro ay magagawa na nila ito."
Nakaramdam si Patriarch Hong ng isang makapangyarihang paniniwala mula sa kanila. Tila ba magagawa nila ang kahit na ano.
Ang kanilang lakas ng loob at momentum ay may bakas pa ng kakayahang mapigilan ang isang Sovereign.
Habang nakatingin sa dalawang Lord Prodigy, lahat ng tatlong Sovereign ay naramdamang matanda na sila.
Ang nagliliyab na battle intent ng isang youth ay isang bagay na hindi na nila makakamtan.
Ito ay dahil si Zhao Feng at Yu Tianhao ay mga Lord Prodigies. Noong mga youth pa ang mga Sovereign, siguradong ilang mga tao lang ang mga humahanga sa kanila.