Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 518 - Isang Hakbang na Layo

Chapter 518 - Isang Hakbang na Layo

Boom!

Ang dalawang Divine Lights of Destructions ay nagtama.

Ang Divine Light ni Zhao Feng ay isang matalim na malamig at asul na liwanag na bumaba mula sa langit, habang ang Divine Light ng Three Eyed Saint ay minadaling nakakasunog na liwanag ay kayang siraina ng lahat ng nasa daan nito, kasama ang kaluluwa.

Nagsiliparan ang mga liwanag kahit saan sa sandaling nagtagpo ang dalawang liwanag, ngunit sa halip na mapagod ang bawat isa, nilagpasan nila ang isa't isa nang gumamit nang kaunting enerhiya.

Ang pangyayaring ito ay hindi inaasahan ng lahat, kasama na ang Three Eyed Saint mismo.

Qiu! Qiu!

Ang dalawang Diving Lights of Destruction ay lumagpas sa bawat isa.

Ang kaibahan sa pagitan nila ay ang Divine Light of Destructio ni Zhao Feng ay isang dalisay at pisikal na atake habang ang sa Three Eyed Saint ay parehong pisikal at mental energy attack.

Sa tuktok ng isang malayong bundok.

"Hindi, ang kaniayng Divine Light of Destruction ay hindi pa kumpleto, naglalaman lang ito ang kapangyarihang nakakasira ng mga pisikal na atake!"

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay sumigaw.

Ang kumpletong Divine Light ng Destruction ay kayang mapalaganap ang parehong pisikal at mental energy attack. Gayunman, maaring dahil hindi gumugol si Zhao Feng ng mahabang oras, ang kaniyang bersyon ay may epekto lang sa pisikal na dimensyon.

Ang ibig sabihin nito ay ang Divine Light of Destruction ni Zhao Feng ay humiwalay sa pisikal na aspeto ng Three Eyed Saint mula sa kaniyang Divine Light of Destruction ngunit walang epekto sa pagpigil sa mental energy attack.

Gayunman, kasabay nito, napahintulutan nitong magkaroon ng napakahusay na kapangyarihan ang Divine Light of Destruction ni Zhao Feng na nababase sa pisikal.

Kaya nagkaroon ng isang pangyayaring may dalawang mga liwanag na lumampas sa isa't isa.

"Hahaha... Zhao Feng, gusto mong matutunan ang aking Divine Light of Destruction, ngunit kalahati lang nito ang natutunan mo."

Ang Three Eyed Saint ay labis na natuwa.

Nagawa lang ni Zhao Feng na kopyahin ang kalahati ng intent ng Divine Light of Destruction.

Ang dahilan kung bakit ang Sacred Eye bloodline ng pamilyang Golden Sun ay natatapatan ang mga eye bloodline sa kontinente ay dahil mahusay ito sa parehong pisikal at mental energy dimension, na nangangahulugang ang mga atake nito ay kayang harapin ang mga karaniwang secret technique.

"Ang kalahati ay sapat na para matalo ka."

Mahinang sinabi ni Zhao Feng.

Pagkatapos sabihin ito ni Zhao Feng, ang dalawang Diving Lights of Destruction ay tumama sa kani-kanilang mga pakay.

"Hindi ito maganda, hindi ba ibig sabihin nitong mapipinsala ang parehong panig!?"

Ang ilan sa mga manonood ay sumigaw.

Ang mga ekspresyon ng mga grass-hat elder at ang Head ng pamilyang Golden Sun ay nanigas.

"Ang isang tabla ay hindi na masamang resulta."

Sabi ng grass-hat elder nang hawakan ang kaniyang balbas.

Nakita ng lahat ang isang mahinang malamig at asul na liwanag na tumama sa Three Eyed Saint. Ang anyo ng Three Eyed Saint ay nayanig nang ipalaganap niya ang kaniyang Qi of True Spirit, na nakabuo ng isang gintong kalasag para masalag ang malamig at asul na liwanag.

Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay nakatayo nang hindi gumagalaw at walang ginagawa, na nagpalagpas ng nakasusunog na liwanag sa kaniyang katawan.

Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata, isang misteeyosong ipo-ipo ang lumitaw sa gitna ng lawa na nagpahintulot sa nakasusunog na liwanag na gawin ang gusto nito.

Tila isa itong chainsaw ng sumusubok na hiwain ang tubig.

"Paanong... paano ito naging posible!?"

Naramdaman ng Three Eyed saint ang Divine Light of Destruction na pumasok sa malalim na lawa. Ganap na hindi pinansin ni Zhao Feng ang Divine Light of Destruction.

"Ganoon pala iyon."

Ang lalaking may malamultong mata at si Tuoba Qi ay nagtinginan at naintindihan.

Ang Divine Light of Destruction ni Zhao Feng ay ganap na nakatuon nsa pisikal na mundo; samakatuwid, ang kapangyarihan nito ay mas malakas sa mga pisikal na atake.

Ang ibig sabihin nito ay ganap na nakakalat ang parteng pisikal ng atake ng Three Eyed Saint, na naiiwan ang mental energy attack.

Gayunman, ganap na hindi na pinansin ni Zhao Feng ang mental energy attack. Ito ang pinakamalaking kalamangan ng kaniyang God's Spiritual Eye, ngunit ang kaniyang kalaban ay walang angkop na kakayahan para hindi mapansin ang pisikal na atake.

Sii!

Ang Three Eyed Saint ay umangal habang ang 30-40% na kapangyarihan mula sa Divine Light of Destruction ni Zhao Feng ay hinarap niya.

Kailangan niyang kontrolin ang Divine Light of Destruction bilang karagdagan sa pagpapalaganap ng kaniyang Qi of True Spirit para sa depensa, habang si Zhao Feng ay kailangan lang na tumuon sa isa sa mga ito.

Ang pagkakaiba sa paggamit ng lakas ay malaki.

Ang malamig na asul na liwanag ay nagsimulang hiwain at sirain ang katawan ng Three Eyed Saint.

Sa loob lang ng tatlong hininga, ang Three Eyes Saint ay nagsimula nang sumigaw habang may mga maliliit na sugat ang lumitaw sa kaniyang katawan.

"Sinabi ko na sa iyo, matatalo kita gamit lang ang kalahati ng Divine Light of Destruction."

Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Tama, hindi pa niya ganap na naunawaan ang Divine Light of Destruction, partikular na daihl ang mental energy na parte nito ay mas magulo.

Gayunman, hindi na ito kailangan ni Zhao Feng.

Kailangang malaman na ang Three Eyed Saint ay may tatlo o apat na soul-defending item na ginawa para talaga umatake kay Zhao Feng.

Kung naglalaman ng mental energy na parte ang atake ni Zhao Feng, hindi ba ito makakasayang ng kaniyang lakas?

Dahil dito, nagdesisyon si Zhao Feng na magpokus sa pisikal na aspeto para maatake ang kahinaan ng Three Eyed Saint.

"Masira ka~~~~!"

Isang mas makapangyarihang ragasa ng eye bloodline power ang lumabas mula sa kaliwag mata ni Zhao Feng. Sa wakas ay ginagamit na niya ang kaniyang tunay na lakas.

Weng~~

Ang mayelong asul na liwanag ay mas lumamig at mas matalim.

"Arghhhh!"

Ang Three Eyed Saint ay sumigaw habang ang kaniyang katawan ay nabalot ng madugong mga sugat.

Bam!

Ang katawan ng Three Eyed Saint ay lumipad, bumagsak at naligo sa kaniyang sariling dugo.

Nanatili si Zhao Feng sa langit na nakatingin sa ibaba, ngunit hindi na nagpatuloy sa pag-atake.

Sa parehas na sandali, ang Tea Party ay napakatahimik. Pagkatapos nito ay may tunog ng malamig na mga hininga ang naidadala.

Ang lalaking may malamultong mata at si Tuoba Qi ay nagtinginan.

Hindi lang natalo ang Three Eyed, napahiya rin siya. Hindi siya natalo sa eye bloodling technique, natalo siya sa kaniyang sariling Divine Light of Destruction.

Nagawa nitong mapaalala sa lahat ang sinabi ni Zhao Feng, "Nandito ako nang may mapagkumbabang puso at kalabanin ang nangungunang pamilang may eye bloodline."

Sa isang malayong bundok.

Mapagkumbabang pagkatuto?

Ang mukha ng grass-hat elder ay gumalaw, "Ang Zhao Feng na ito ay malalim. Mayroon siyang lakas para madaling manalo ngunit umarteng 'mapagkumbaba' para kalabanin si Sheng'er."

"Ibinigay ko na ang eye bloodline power ko kay Sheng'er.. ngunit nasira tayo sa hul!"

Sumigaw sa hindi pagsang-ayon ang Head ng pamilyang Golden Sun.

Ayon sa plano, sa pagsuporta niya sa Three Eyed Saint, ang kaibahan sa pagitan ng lakas ng eye bloodline ng kaniyang anak at kay Zhao Feng ay hindi ganoon kalahata, kaya ang pagkakataong tumabla ay malaki.

"Sinong masisisi mo? Ang huling hakbang ay masasabi ng katalinuhan, hindi ng lakas."

ang grass-hat elder ay nagbuntong hininga.

Nang marinig ito, ang Head ng pamilyang Golden Sun ay natahimik at naging seryoso siya.

Malinaw na nakontrol ni Zhao Feng ang sitwasyon.

Una, sinadya niyang hindi unawain nang ganap ang Divine Light of Destruction, na kalahati lang ng nilalaman nito ang ginamit niya para mas madali itong makontrol.

Kasama ang elemento ng hangin, ang Divine Light of Destruction ay magiging mas matalim; ay iba ito sa elemento ng liwanag o apoy.

Kinopya ni Zhao Feng ang teorya ng Divine Light of Destruction at ginamit ito kasama ng God's Spiritual Eye.

Ikalawa, ang apat na soul-protecting item na mayroon ang Three Eyed Saint ay tumaas ang depensa ng kaniyang kaluluwa, ngunit kapalit ng pisikal na depensa.

Hua!

Pagkatapos ng sandaling katahimikan, ang Tea Party ay naging isang malakas na pag-uusap.

Masyadong maraming salik na nadamay sa laban sa pagitan ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint.

Tanging isang maliit na bilang ng mga tao ng nakaramdam sa Head ng pamilyang Golden Sun sa likuran.

Ang usaping "mapagkumbabang pagkatuto" ay pinag-usapan sa lahat ng mga tao, at sa wakas ay naintindihan nila ang mga intensyon ni Zhao Feng sa pagkalaban sa pinakamalakas na eye bloodling ng kontinente.

"Hindi ba ibig sabihi nnito ay natutunan na ni Zhao Feng ang secret technique ng lahat ng tatlong pangunahing pamilyang may eye bloodline...!?"

Ang isang tao ay sumigaw. Ang mga tao ay kaagad na nag-usap nang sinabi ito. Lahat sila ay huminga nang malalim nang tumingin sa anyong may asul-na buhok sa langit.

Sa tuktok ng isang malayong bundok.

"Ang lahat ng tatlong eye bloodline technique ay nakopya na niya. Ito ba ang kaniyang tunay na kakayahan ng eye bloodline?"

Ang mga puso ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay nagulat.

Kung kayang kopyahin ni Zhao Feng ang mga teorya ng ibang mga eye bloodling, hindi ba ibig sabihin nito, hangga't walang natatanging limitasyon at ang kaniyang cultivation ay mataas na, walang hindi makokopya ni Zhao Feng?

Maiiisp na ang kuwento ni Zhao Feng na "mapagkumbabang natututo" ay mapag-uusapan sa buong kontinente.

"Ang iyong eye bloodling ay hindi pa nalalaman. Pagkatapos ng labang ito, hindi maraming tao ang nais na labanan ka."

Ang kalansaty na boses ng Division Leader ay umalingawngaw sa Dark Heart Seed.

Hindi mapakali si Zhao Feng dahil sa mga kakaibang tingin mula sa lahat sa ibaba.

"Isa itong karangalan para makalaban ang tagapagmana ng pamilyang Golden Sun. Nagpapasalamat ako sa iyong mga itinuro."

Magalan na yumuko si Zhao Feng at nagpaalam sa iba.

Ang kaniyang pakay ay nakumpleto na, kaya wala nang silbi sa kaniya kung mananatili pa siya rito.

Sa labang ito, nakuha ni Zhao Feng ang titulo ng pinakamalakas na aye bloodline ng kontinente mula sa pamilayang Golden Sun, kasama ang kanilang secret technique.

Wah!

Ang Three Eyed Saint, na sa wakas ay nagawa nang makaupo, ay dumura ng dugo matapos itong marinig.

"P*t*ng*n*ng ungas!"

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay nagalit na tila isang kidlat at ang kaniyang boses at tila nakarating sa Tea Party.

Hmm?

Ang mga henyo ng True Dragon ay tila may narinig at lumingon sa isang direksyon.

"Ungas, gusto mo bang mapahiya ang buong pamilyang Golden Sun?"

Mga mga lumitaw na mga itim na linya sa mukha ng grass-hat elder nang itulak ang Head ng pamilyang Golden Sun sa lupa.

Ang Three Eyed Saint ay natalo ang lahat ng kanilang natalo ay ang karangalan ng pagiging pinakamalakas ng eye bloodline sa buong kontinente.

Kahit na hindi na ito unang beses, ang ikalawa ay hindi na rin masama.

Ngunit kung malalaman ng buong mundong nandaraya ang pamilyang Golden Sun, ano pang mukha ang kanilang maihaharap sa kontinente?