Shuu!
Tumalsik ang dugo ng Three Eyed Saint matapos mahiwaan ng patalim na hangin.
Ang talim at bilis nito ay higit pa sa hangganan ng True Lord Rank.
"Bakit sobrang parehas ng atake na iyon sa Heavenly Piercing Eye?"
Lahat ng henyong True Dragon na naroroon ay nakita na iyon.
Nakatayo lamang sa gulat at lito si Tuoba Qi.
Sa oras na iyon ay nakopya na ni Zhao Feng ang Heavenly Piercing Eye ni Tuoba Qi, bukod pa roon ay naging mas malakas pa ito kaysa sa orihinal na Heavenly Piercing Eye.
"Tama, and uri ng copying ability na ito…"
Tumalon ang puso ng ghost-eyed man. Dati sa Sacred True Dragon Gathering ay kinopya rin ni Zhao Feng ang Ghost Eye Flame niya, at gamit iyon ay ginawa niya ang Lightning Fire God's Eye, na mas kilala bilang Wind Lightning Eye Flame.
Ngayon, ang paraan niya ng pagkopya ay muli niyang ginamit. Ayaw maniwala ng ghost-eyed man na kayang maunawaan ni Zhao Feng ang Azure Eye Sharp Slice na sobrang kaparehas ng Heavenly Piercing Eye.
Ang tanging kaiba lamang ay ang gamit na elemento.
Ang Azure Eye Sharp Slice ay naka-base sa hangin, samantalang ang Heavenly Piercing Eye naman ay sa metal. Pero parehas na may espesyalidad ito sa pagtagos at talim.
"Kailan… kailan niya natutunan ang aking Heavenly Piercing Eye technique?"
Napatigil si Tuoba Qi, pero hindi ngayon ang tamang oras para kwestyunin ito; nagtuloy ang laban sa pagitan ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint.
Nakakalamang na si Zhao Feng ngayon, at dahil iyon sa imitasyon niya sa Heavenly Piercing Eye.
Pait na pait si Tuoba Qi. Hindi lamang sa natalo na nga siya kay Zhao Feng, ginamit pa niya ang sarili niyang technique at naging mas malakas pa ito sa kamay ni Zhao Feng.
"Heavenly Piercing Eye? Natutunan niya ang secret technique na ito sa Tuoba Family?"
Nagpigil ang Three Eyed Saint ng sakit na naramdaman nito sa kaniyang likod.
Sa nakaraan, ang tanging major eye-bloodline technique lamang na kaniyang pinag-iingatan ay ang Heavenly Piercing Eye dahil sa sobrang bilis nito.
At ngayon ay naging parang bangungot na si Zhao Feng.
Sa totoo lang ay matagal na siyang natalo. Kung hindi lang dahil sa pinasahan siya ng lakas ng kaniyang ama ay hindi siya magtatagal.
Sa malayong bundok.
"Ang batang ito ay may espesyalidad ng Wu at Tuoba family, at dagdag pa roon ay mayroon pa siyang Eye of Illusion at Eye of Ice…."
Huminga nang malalim ang Head of the Golden Sun family.
Kayang iangkop ni Zhao Feng ang kaniyang mata sa kahit anong sitwasyon, at gamit ang lakas ng kaniyang kaluluwa, ay naging mas lamang pa siya.
Sa sitwasyong iyon, lahat lamang ng kayang gawin ng Golden Sun family Head ay pasahan ng lakas.ang anak niya.
"Kaya lamang, marami ang lakas na mawawala dahil sa layo."
Napabuntong hininga ang elder na may damong sumbrero.
Kaya lamang ng Three Eyed Saint ang sumipsip ng 60 porsyento ng enerhiya na pinasa ng Head of the Golden Sun family.
Kaya lamang, kahit pa ganoon, ay kaya lamang gawin nitong doblehin ang eye-bloodline power ng Three Eyed Saint.
Pero hindi na lang eye-bloodline ang magpapasiya ng tagumpay.
"Three Eyed Divine Light!"
Isang nakasusunog na liwanag nanaman ang pumuntirya kay Zhao Feng.
Shua!
Ang Wings of Wind and Lightning sa likod ni Zhao Feng ay pumapagaspas ulit nang iniwasan niya ang atake ng Three Eyed Saint.
Azure Eye Sharp Slice!
Wind Lightning Eye Flame!
Lumipad si Zhao Feng sa himpapawid at pinwersa ang Three Eyed Saint para madurog.
Nagawang maharangan ng Three Eyed Saint ang Azure Eye Sharp Slice, pero hindi sapat ang oras niya para pakalatin ang Wind Lightning Eye Flame.
Nagka-punit-punit ang kaniyang suot, pero nagawa niyang gumanting-salakay nang hindi naghihinagpit sa kaniyang mga sugat.
"Three Eyed Divine Light — Dazzling Solar Sky Stars!"
Ang pangatlong mata niya ay parang bulkan na sumabog ng libo-libong magulo at mapanorang liwanag ng ilaw.
Boom~~~~~Nanginig ang mundo at umihip ang buhangin sa himpapawid.
Ang libo-libong guhit ng liwanag ay nagmukhang parang mga bulalakaw na bumagsak sa lupa na gumawa ng malalaking butas.
Ang libo-libong liwanag na bumagsak mula sa kalangitan ay parang isang daluyong, at ang lakas na iyon ay ginamit lamang sa isang tao.
Kahit pa ang isang half-step Origin Core Realm ay susuko sa ganoong klase ng atake dahil sa ayaw nitong makipagpaligsahan dito ng harapan.
"Dazzling Solar Sky Stars! Isa bang move iyon!?"
"Sheng'er, nabaliw ka na! Kapag wala ka pa sa Half-Step Origin Core Realm, ang paggamit sa atakeng iyan ay makapipinsala ng iyong Sacred Eye bloodline."
Nagbago ang ekspresyon ng Golden Sun Family Head at napabuntong hininga siya.
Kapag mas malakas na eye-bloodline technique ang ginamit, mas malaki rin ang pasang nilalagay nito sa eye-bloodline.
Isang halimbawa nito ay ang Wind Lightning Eye Flame ni Zhao Feng. Hindi ito maaaring magamit ng dalawa hanggang tatlong beses nang sunod-sunod at si Zhao Feng pa ito na may sobrang lakas na eye-bloodline.
Hindi man lang nagamit nang maayos ang Dazzling Solar Sky Stars ng Three Eyed Saint kahit pa may suporta ito ng kaniyang ama, pero kaya pa rin nitong sirain ang buong Broken Moon Clan nang madalian.
Boom! Boom!
Nanginig ang buong arena kung nasaan ang Tea Party.
Nagsimulang matakot ang mga manonood. Naramdaman nilang para silang mga langgam na nakaharap sa mga gintong guhit.
Buti na lamang ay nakapuntirya lamang sa kalahating milya paikot ang atakeng ito kay Zhao Feng, kung hindi ay sobra sa kalahati ng manonood ay maaaring masaktan o mapatay.
"Napakalakas na malawakang atake."
Kaharap nito ay ang Wings of Wind and Lightning ni Zhao Feng na mabilis na pumapagaspas nang dalhin siya paalis sa lugar.
Bo~~
Isang asul na alon ang umikot kay Zhao Feng, habang may iilang guhit ng liwanag ang bumagal sa paligid niya.
May isang biglang malabong aura na kulay lila ang lumabas sa Wings of Wind and Lightning na nagtulak sa bilis niya para umabot sa bagong lebel.
Nanggaling sa Wind Lightning Stone Tablet ang malabong aura na iyon, at kahit ang simpleng kapiranggot niyon ay magdudulot ng malaking pagbabago.
Shua!
Sa isang pikit lamang ay malapit na agad si Zhao Feng sa mga ulap. Kaya hindi siya masyadong naapektuhan ng Dazzling Solar Sky Stars.
Sa kabilang band, ang mga manonood naman sa ibaba ang nagsigawan dahil sa katakot-takot na atakeng ito.
"Extreme speed…. Mukhang magiging mahirap para kay Sheng'er para manalo."
Napabuntong-hininga ang elder.
Kung kaya niyang umiwas sa isang normal na Three Eyed Divine Light, ayos lang naman 'yon.
Kaya lamang ay kung kaya ni Zhao Feng umiwas ng pangmalawakang atake tulad ng Dazzling Solar Sky Stars, ang ibig sabihin noon ay wala nang tutulong sa kanila.
Syempre, nakikita ng elder na kayang-kaya ni Zhao Feng na madaling iwasan ang mga atake dahil sa kaniyang prediksyon at matalim na pangdama.
Bago pa gamitin ng Three Eyed Saint ang kaniyang skill ay mayroon ding paghahandang ginawa si Zhao Feng.
Kaharap ang katakot-takot na kalabang ito na may sobrang lakas na pangdama, kasama na rin ang sobrang bilis nito, lalong bumaba ang tsansa ng Three Eyed Saint na manalo.
"Kahit pa hindi siya manalo, ang kailangan lang gawin ni Sheng'er ay gamitin ang kaniyang Divine Light of Destruction para dumepensa, at kasama ang suporta ko, magiging posible para sa kaniya ang hindi matalo."
Nagngitngit ang ngipin ng Head of the Golden Sun Family.
Dalian niyang naibigay ang kaniyang estratehiya sa Three Eyed Saint gamit ang kanilang eye-bloodline connection.
"Mukhang ganiyan lang ang kaya kong gawin. Kailangan kong kumapit sa titulong pinakamalakas na eye-bloodline sa kontinente."
Nalaglag ang puso ng Three Eyed Saint. Hindi na importante kung matalo siya o hindi, pero siya ang nasa pinakamataas na henyo at ang pagkapuro ng Sacred Eye bloodline ay nasa ilalim lamang ng Three Eyed Heavenly Emperor.
Magbabago ang kamay na hahawak ng titulong pinakamalakas na eye-bloodline kung matatalo siya.
Nang hindi inaakala, ang ekspektasyon ng Head of the Golden Sun Family sa Three Eyed Saint ay unti-unting bumababa.
Sa simula, gusto lamang nilang talunin si Zhao Feng kahit ano pa ang mangyari.
Ngayon, ang pinakakaya na lang nilang gawin ay hindi matalo.
"Zhao Feng, ang labang ito ay nagrerepresenta ng ating mga eye-bloodlines. Anong ibig noon kung puro pag-ilag lang ang ginagawa mo?"
Huminga nang malalim ang Three Eyed Saint at tumingin sa batang nasa langit.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin naapektuhan ng Dazzling Solar Sky Stars si Zhao Feng.
Base sa bilis at opensa, naabot niya na ang limit ng True Lord Rank.
"Magaling, magaling!"
Sabi ni Zhao Feng habang naka-ngiti.
Shua!
Nalaglag ang anyo niya bago naging asul ang kaliwa niyang mata.
Weng~~
Isang matalim na ilaw ang sumiglap sa kaliwang mata ni Zhao Feng.
"'Yan ang…!!"
Tumingin si Tuoba Qi at ang ghost-eyed man sa kaliwang mata ni Zhao Feng at nakaramdam sila ng pagyanig sa kanilang mga dibdib.
Nagbago ang hugis ng kaliwang mata ni Zhao Feng at ginaya nito ang hugis ng sa Three Eyed Saint.
Sa puntong iyon, biglang namuo ang kaliwang mata Zhao Feng, at may kasama rin itong perpektong kontrol.
Ang mga tagapamana ng eye-bloodlines ay naramdaman ang preparasyon ni Zhao Feng na ginagamit ang kaniyang kakaibang skill na gawa sa 'di-mabilang na atoms.
"Anong klaseng atake ang ginagamit ni Zhao Feng?"
Napatigil ang hininga ni Zhao Feng.
"Sobrang lakas ng eye-bloodline strength…. Ito ba ang totoong lakas ni Zhao Feng?"
Nanginig ang dibdib ng Three Eyed Saint at ng Head of the Golden Sun Family.
Kung ginamit ito ni Zhao Feng sa una pa lang ay hindi na makakaabot pa ang Three Eyed Saint hanggang ngayon.
Kaya lamang ay hindi ito ginawa agad ni Zhao Feng. Ano ang gusto niyang mangyari?
"Sinabi ko na pumunta ako dito nang may mapagkumbabang puso para matuto at hamunin ang numero unong eye-bloodline family sa kontinente."
Tumunog ang isang kalmadong boses sa himpapawid.
Matapos ang mga salitang ito, naglabas ng nakasisilaw na guhit ng ilaw ang kaliwang mata ni Zhao Feng.
"Divine… Light… of… Destruction!"
Isang asul na ilaw ang kumislap sa himpapawid na pumutol at dumurog sa lahat ng nasa daan nito.
Bago pa lumapit ang ilaw na ito, nakaramdam ng lamig ang lahat sa kanilang mga dibdib.
Nang tumingin sila sa kaliwang mata ni Zhao Feng ay para bang nararamdaman nilang pinuputol-putol sila.
"Paano ito naging posible? Ang Divine Light of Destruction ay secret technique ng Golden Sun family. Paano nagawa iyon ng bata…?"
Hindi makapagsalita ang Head of the Golden Sun Family.
"Siya… paano niya nalaman ang aking Divine Light of Destruction!?"
Sigaw ng Three Eyed Saint sa gulat at ginamit niya rin ang sarili niyang Three Eyed Divine Light sa kritikal na oras iyon.
Oiu! Oiu!
Sa langit, isang nakakasunog na pulang ilaw at isang malamig na asul na ilaw ang nagtalo.