Sa iglap na iyon, nakikita ng lahat ng nasa loob ng ilang daang milya ang nagliliyab na ilaw.
Para bang araw na nakatirik ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint.
Boom!
Nilamon si Zhao Feng ng liwanag.
"Isang napakalakas na eye-bloodline technique!"
"Iyan ang Three Eyed Divine Light na sinasabing kayang sumira ng kahit anong skill."
Humagpis ang nakapanlulumong lakas nito sa loob ng isang milyang paikot. Kahit pa ang may mga eye-bloodline, tulad nila Tuoba Qi at ng ghost-eyed man, ay nakaramdam ng pagnginig sa kanilang mga mata.
Bam! Peng!
Para bang napaatras si Zhao Feng sa lakas ng tama sa kaniya ng atake.
Naramdaman ni Zhao Feng na bumigat ang kaniyang dibdib at katawan, na para bang humaharap siya ng isang ancient dragon.
Weng~~
Nagsimulang mawala ang alon sa paligid ni Zhao Feng.
"Inaatake yata ng Three Eyed Divine Light ang pisikal at mental na dimensyon ko."
Kinutuban si Zhao Feng. Umuusok ang lapag na kinatatayuan niya.
Masyadong malakas ang Three Eyed Divine Light, sa puntong kaya nitong sirain ang kahit anong nasa daan nito.
Shuuuuu!
Biglang nagliyab ang katawan ni Zhao Feng, at hindi rin maiwasang masunog ang kaniyang kaluluwa.
Matapos ang dalawang hininga, nang lumayo lamang si Zhao Feng ng kalahating milya ay tsaka lamang nawala ang atake ng Three Eyed Divine Light.
Sa oras na iyon, sobra pa sa kalahati ang nawala sa asul na along umaaligid kay Zhao Feng. Nagkaroon din ng malaking bukana sa gitna ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint.
Dahil dito, hindi mapakali ang mga manonood.
"Karapat-dapat as titulong pinakamalakas na eye-bloodline sa kontinente…. Talaga ngang napakalakas nito."
Magulo na ang buhok at damit ni Zhao Feng. May tusok ng sakit ang lumalabas sa kaniyang katawan at mga buto na para bang naiipit siya ng isang 'di makitang presyon.
Hindi sa ayaw ni Zhao Feng na iwasan ang atake, kundi hindi niya lamang ito kaya.
Sa totoo lang ay hindi kasing bilis ng atake ng Three Eyed Saint ang Heavenly Piercing Eye. Kaya lamang ay napuntirya na siya ng Sacred Eye bloodline. Ang epekto nito ay para siyang pinaligiran ng eye-bloodline power ng Three Eyed Saint, at dahil doon ay para bang nalubog sa putik si Zhao Feng.
Kaya, kahit pa nakita ni Zhao Feng ang ruta ng atake ng Three Eyed Saint, mahihirapan pa rin siyang iwasan ang atake nito.
Sa oras na iyon, sa kabilang dulo ng butas.
"…hindi ka man lang nasaktan ng buong lakas ng Three Eyed Divine Light? Walang tao sa ilalim ng Origin Core Realm ang may kayang makaligtas nito ng walang pinsala."
Nagulat ang Three Eyed Saint.
Sa panlabas ay mukhang hindi naapektuhan si Zhao Feng.
Lahat ng may malakas na kaluluwa ay kadalasang hindi malakas ang katawan, at ang may malakas namang katawan ay kadalasan ring hindi malakas ang kaluluwa.
Kaya lamang, ang batang nasa harap niya ay hindi tinablan ng atake niya, ang atakeng pinipinsala ang pisikal at mental na dimensyon.
Matapos ang nakaraang ebolusyon, mas naging dalubhasa sa depensa at sa pagpapagaling ang Water Bloodline ni Zhao Feng.
Mas nakapokus ang Three Eyed Divine Light sa elemento ng apoy, kaya madaling nalabanan ito ng Water Bloodline ni Zhao Feng.
"Ako naman!"
Biglang naging asul na may halong lila ang kaliwang mata ni Zhao Feng.
Ano? Pagpapalit ng eye-bloodline powers?
Gulat na gulat ang Three Eyed Saint at ang dalawa pang tagapagmana ng eye-bloodline families.
Ang elemento ng eye-bloodline ay nadidikta sa kapanganakan, at ang pagbabagong ito ay nakikita lamang sa mga legendary bloodlines.
Whoosh!
Isang may kalabuang apoy ng hangin at kidlat ang lumitaw mula sa ibang dimensyon ang siyang tumama sa Three Eyed Saint.
Wind Lightning Eye Flame!
Ito ang pinakamalakas na atakeng eye-bloodline ni Zhao Feng. Naglalaman ito ng tatlong elemento: apoy, kidlat, at hangin, at may halo rin itong aura ng kawasakan.
Nang dumikit ang Wind Lightning Eye Flame sa katawan ng Three Eyed Saint, nakaramdam siya ng sobrang nakakapasong sunog na parang galing ito sa impyerno.
Hindi kasing tagal ng Wind Lightning Eye Flame ang Three Eyed Divine Light, pero mas malakas ang pagputok nito.
Kumibot ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint nang dahil sa delikadong sitwasyon nito.
"Divine Light of Destruction!"
Isang liwanag ng araw ang para bang lumipas sa hangin.
Whoosh!
Ang kakaibang ilaw na ito ay para rin bang isang physical at mental energy attack nang tumama ito sa Wind Lightning Eye Flame.
Kakaiba ang pangyayaring sumunod.
Shuuu~~
Ang magulong Wind Lightning Eye Flame na sasabog na sana ay biglang gumuho sa harap ng Divine Light of Destruction, at dahil doon ay nangalahati ang lakas nito.
Boom!
Nanginig ang anyo ng Three Eyed Saint nang matulak siya ng ilang hakbang. Naramdaman niyang nasira ng pwersa ang kaniyang katawan at kaluluwa.
Kaya lamang, matapos harapin ang Divine Light of Destruction, nabawasan naman ang pagbabanta ng liyab sa kaniya.
Huminga ang Three Eyed Saint bago ngumisi.
Ang atake ni Zhao Feng ngayon-ngayon lang ay sobrang lakas na, agad nitong matatalo ang mga nasa huling yugto ng True Lord Rank.
Sa kabilang dulo ng bukana.
"Ito ang Three Eyed Divine Light of Destruction? Kaya nitong tunawin at sirain ang pinakamalakas kong atake."
Taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng.
Dalawa ang pangunahing techniques ng Three Eyed Saint.
Ang isa ay isang nakakasakit na atake na kayang sirain ang ano mang nasa daan nito, at ang pangalawa naman ay isang skill na pangdepensa na kayang sumira ng kahit anong atake, kabilang na rito ang mga eye-bloodline techniques.
Sabay na naapektuhan ng dalawang skills na ito ang pisikal na mundo at ang mental energy world.
Ito ang Golden Sun family's Sacred Eye bloodline, na umabot na sa isang lebel ng pagiging perpekto.
Mas nakatuon ang ibang eye-bloodline techniques sa isang aspeto lamang.
Halimbawa nito ay si Zhao Feng na mas nakapokus sa kaluluwa, si Chi Gui naman na mula sa Black Cliff Palace ay nakapokus sa mental energy world of the Ghost Dao, at ang Heavenly Piercing Eye naman ni Tuoba Qi ay mas nakabase sa pisikal na dimensyon.
Kaya lamang ay mas mataas ang lebel ng Sacred Eye bloodline ng Golden Sun family sapagkat kaya nitong maapektuhan ang pisikal at mental na dimensyon.
"Zhao Feng, hindi ko inasahang mayroon kang legendary ability na magbago ng bloodline power, pero kaharap ang Sacred Eye Bloodline ng Golden Sun Family, wala pa ring epekto ang kahit ano mang pagpapalit mo."
Nagliwanag ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint.
Eye of Illusion!
Pinuntirya ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint.
Iba-ibang pang-akit ang lumabas sa kaliwang mata ni Zhao Feng na hindi mapigilan ng Three Eyed Saint.
Nirepresenta ng Eye of Illusion ang pinakaperpektong technique ni Zhao Feng, at dahil sa napakalakas niyang mental energy, hindi ito kinayang hadlangan ng Three Eyed Saint.
Shua!
Pumasok sa isang kakaibang dimensyon ang kamalayan ng Three Eyed Saint na napupuno ng hangin, kidlat, at yelo.
Nakatali sa kadena ng kidlat ang katawan niya, at dahil doon ay nahihirapan siyang makagalaw.
"Malakas nga talaga ang eye-bloodline mo, Zhao Feng."
Kaya lamang, kahit pa nakatali ang Three Eyed Saint, ay ngumiti ito.
Divine Light of Destruction!
Bumukas ulit ang pangatlo niyang mata, at naglabas ito ng nakapapasong liwanag.
Boom!
Nasira agad ang dimensyon ng God's Spiritual Eye.
Hindi lamang apoy ang kayang ilabas ng Divine Light of Destruction, kundi pati na rin ang mental energy.
Marami ang nagsabing kayang sumira ng kahit ano ng Three Eyed Divine Light.
Sa totoong mundo.
Shua!
Nakatayo sa magkabilang dulo si Zhao Feng at ang Three Eyed Saint na para bang walang nangyari.
Nagpigil ng hininga ang mga manonood.
Tanging si Tuoba Qi, ang ghost-eyed man, at maliit na dami ng tao ang nakakasaksi ng totoong labanan.
"Masyadong malakas ang mental energy ni Zhao Feng. Buti na lang ay sinunod ko ang payo ni Wei na magsuot ng tatlo o apat na soul-defending items, at iyon pa ang pinakatodong limit para sa Golden Sun family…."
Malamig ang pawis sa noo ng Three Eyed Saint.
Dahil sa preperasyon na ito, kaya siya nakawala sa dimensyon ni Zhao Feng kahit pa mas malaki ang mental energy ni Zhao Feng sa kanya.
"Tulad nga ng inaasahan."
Tumayo lamang si Zhao Feng nang hindi gumagalaw, ang buhok niya naman ay wumawagayway sa ihip ng hangin.
Hindi niya inasahang gagana ang Eye of Illusion, pero hindi niya rin inasahang may tatlo o apat na soul-defending items na suot ang Three Eyed Saint.
"Zhao Feng, ang pinakainaasahang bloodline mo ay dito magtatapos."
Mayabang ang porma ng Three Eyed Saint.
Sa oras na iyon, sabay na nagbuntong hininga sa pagsisisi sina Tuoba Qi at ghost-eyed man.
Pasalamat na lamang ang Three Eyed Saint na kayang sanggain ng Sacred Eye bloodline ang karamihan sa mga atake, kung hindi ay matagal nang nawala ang titulong pinakamalakas na eye-bloodline sa kanila,
"Three Eyed Divine Light – Golden Crow World Smothering!"
Naglabas muli ng gintong ilaw ang pangatlong mata ng Three Eyed Saint. Umikot ang ilaw na ito bago bumuo ng isang malaking uwak na naglalabas ng nagliliyab na apoy sa paligid.
Umakyat na naman ng bagong lebel ang Three Eyed Saint.
Naramdaman na ni Zhao Feng na napuno ng init ang himpapawid bago pa dumating ang atake sa kaniya.
Hindi kakayaning depensahan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili dahil nakapuntirya na siya sa Three Eyed Divine Light.
Kaya lamang, hindi pag-iwas ang iniisip ni Zhao Feng.
"Eye of Ice Soul – Ice Soul Shooting Line!"
Naglabas bigla ng malabong asul na ilaw ang kaliwang mata ni Zhao Feng.
Whoosh!
Ang malamig na asul na ilaw na iyon ay tumusok sa hangin at bumangga sa Three Eyed Divine Light.
Agad na nalamangan ang Ice Soul Shooting Line.
Sa kabila ng lahat, mayroon pa ring abilidad ang Three Eyed Divine Light na pakalatin ito, pero tuloy pa ring nilabas ni Zhao Feng ang atake.
Sa loob ng dimension ng kaniyang kaliwang mata, ang 17 hanggang 18 na yarda ng lawa ay sumuporta sa eye-bloodline power ni Zhao Feng.
Wu~
Isang malamig na yelong ilaw ang bumuo sa hangin at tumuloy na umatake.
"Eye of Ice Soul – Ice Soul Freeze!"
Nagawang maintindihan ni Zhao Feng ang ilan sa core essence ng Ball of Ice Soul.
Lumamig at pinag-yelo ng ice-blue light ang Three Eyed Divine Light.