Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 509 - Three Eyed Saint

Chapter 509 - Three Eyed Saint

"Zhao Feng! Zhao Feng!"

Nagsimulang magkaroon ng malaking usapan sa Golden Sun City.

Ang isang Napakahusay na Prodigy ay siguradong magiging bida sa Tea Party.

Ang bagong dating rin ay ang pinakabata sa limang Napakahusay na Prodigies.

Kahit pa may ibang Napakahusay na Prodigies na kasama, ang kasikatan nila ay mas mababa pa kumpara kay Zhao Feng.

"Nandito… ang pinakamalakas na True Dragon Genius."

Naghihiyawan at nagsasaya ang mga tao sa Golden Sun Sacred City.

Sa loob ng siyudad, sa taas ng bakal na tore, may ilang anyo ang nagmamasid kay Zhao Feng at sa grupo niya.

"Zhe zhe, Jinyang Shengtian, parang mas masigabong pa ang pagtanggap ng mga tao mo kaysa sa pagtanggap sa iyo. At nakipag-usap ka pa sa Three Saints Palace tungkol sa pagkorona sa iyo bilang mamumuno ng nakababatang henerasyon…."

Paglait ng isang batang may makapal na kilay.

Nagtinginan ang mga tao sa paligid tungo sa batang olandes. Ang olandes na batang iyon ay may malamig na ekspresyon sa kaniyang mukha at may lumulutang na yabang sa hangin, at pati na rin ang nakasarang mata niya sa noo.

Siya ang Three Eyed Saint.

"Hmph! Galing ka sa panlabas na mundo. Huwag kang manggugulo sa Tea Party. Maghanda ka na lang para manood ng isang palabas."

Pagbabala ng Three Eyed Saint as batang may makapal na kilay.

"Kapatid na Jinyang, normal lang na hindi ka maalala ng mga tao dahil sampung taon kang nawala sa kontinente."

May isang boses na tumunog mula sa nagyeyelong binibini sa malapit. Kasing perpekto ng yelo ang kaniyang balat, at naglalabas siya ng aura na parang ginagawang yelo ang hangin.

Kaya lamang, malumanay at mainit ang kaniyang tingin nang lumingon siya sa Three Eyed Saint.

Bihirang-bihirang makita ang Goddess Bing Wei na magkaroon ng ganoong ekspresyon.

"Kapatid na Bing Wei, masyado kang nag-iisip."

Sinalo ng Three Eyed Saint ang tingin ng babae, at sabay ngumiti, "Ang Zhao Feng na ito ay hindi ang tunay kong kalaban. Ang lakas niya ay nanggagaling sa kaniyang eye-bloodline, kaya ang resulta ay napagpasiyahan na. Isa lamang ang totoo kong mortal na kaaway sa buong Azure Flower Continent, at siya ay si Yu Tianhao."

Lito ang sumalpak sa mga mata ng Goddess Bing Wei matapos marinig ito. Sobrang magkaiba ang pagganap nina Zhao Feng at Yu Tianhao.

Parang may pagkikiling ang Three Eyed Saint sa pagturing niya bilang kalaban si Yu Tianhao pero hindi kay Zhao Feng.

Ang Goddess Bing Wei mismo ang nakakita ng kapangyarihan ni Zhao Feng at ang abilidad niyang gumawa ng milagro.

Nag-alala siyang maliitin ng Three Eyed Saint si Zhao Feng.

"Sa lahat ng pamilya sa kontinente, ang Unparalleled Heaven Battling Bloodline lamang ang maikukumpara sa aking Sacred Eye Bloodline."

May ekspektasyon sa mga mata ng Three Eyed Saint nang maalala niya ang dating dangal ng kaniyang pamilya.

_Unparalleled Heaven Battling bloodline?_

Kahit ang batang may makapal na kilay ay nagkarooon ng interes.

"Bakit ngayon ko lang narinig ang bloodline na ito?"

Tanong ni Goddess Bing Wei.

"Sapagkat hindi normal na bloodline ang Unparalleled Heaven Battling bloodline, nalagpasan ng bloodline na iyon ang lahat ng maaaring hangganan ng isang normal na bloodline. Para mas sakto, mas parang intent ito – ito ang hari ng mga digmaan. Kapag may isang lumitaw, wala na silang makikitang kalaban sa kaparehas na panahon. Kaya lamang ang tsansang lumitaw ulit ito ay sobrang baba. At kahit ganoon pa man, kadalasan ay normal na Heaven Battling Bloodline lamang ito…."

Nagbuntong hininga ang Three Eyed Saint.

Naintindihan ng lahat ang ibig sabihin niya matapos itong marinig.

Kumpara sa mga bloodlines, ang Yu Family lamang ng kontinente ang may tsansang makalagpas sa Golden Sun family.

"May ganoong bloodline si Yu Tianhao?"

"Nasa kaniya ang lahat ng senyales nito, pero kahit ano pa man ang mangyari, siya ay isa pa ring kalaban na kaya kong talunin. Ako ang gagawa ng isang bagay na hindi magawa ng sarili nating mga henerasyon."

May layuning pumatay ang bumuhos sa mata ng Three Eyed Saint.

Nagsimulang mag-isip ang Goddess Bing Wei.

Narinig niya na lahat ng usap-usapan tungkol sa Golden Sun family at sa Yu family.

Ang Golden Sun Family at Yu Family ay ang dalawang pinakamalakas na pamilya sa kontinenteng iyon, at libo-libong taon na silang naglalaban.

Ang Yu family ang kadalasang mas lamang, lalo na sa mga nakaraang daang taon.

Isang halimbawa nito ay ang ama ng Three Eyed Saint na nadurog ng Sovereign Yu Xingchen.

Matapos ang lahat, ang henerasyon ng ama ng Three Eyed Saint ay hindi dalisay ang Sacred Eye bloodline, kaya wala silang Sovereigns.

Kaya lamang, iba ang Three Eyed Saint. Ang bloodline niya ay direktang nanggaling sa Three Eyed Sky Emperor. Ang katotohanang ito ay kaya ganoon na lamang ang tingin niya kay Yu Tianhao, kahit hindi niya iniisip na malaking banta iyon.

"Zhao Feng! Zhao Feng!"

Nagsimulang kumalma ang pagsigaw sa loob ng kastilyo at nakapagpadala na rin ng mga tauhan ang Golden Sun family para batiin si Zhao Feng at ang grupo niya.

Dose-dosenang henyo ng True Dragon ang naroroon, kasama ang iba pang mga henyong galing sa Middle Continent.

Binigyan ng pangmahalang silid pambisita ang mga henyo ng True Dragon.

"Nandito ka na rin, Zhao Feng."

Ilan sa mga henyo ng True Dragon at ilan rin sa mga Napakahusay na Prodigies ang lumapit at binati si Zhao Feng.

Lumingon si Zhao Feng upang tumingin nang makita niyang nakarating na rin sina Shi Chengtian at Tantai Lanyue.

Nakita niya na rin ang Goddess Bing Wei nang dumating siya sa siyudad.

Maliban sa lakanila, nandoon na rin ang mga nasa tuktok ng top-tier geniuses na tulad nina Mo Tianyi, Cang Yuyue, at ang mga grupo nila.

At sa ngayon, lima sa Overwhelming Prodigies, si Yu Tianhao lamang ang wala doon.

Nagmasid ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng sa buong lugar at hindi niya nakita si Xin Wuheng, at dahil doon ay nagsisi siya nang bahagya.

Hindi pa pala nakakabalik si Xin Wuheng mula sa pagpasok niya sa Heavens Legacy Inheritance.

Nawalan ng interes si Zhao Feng nang hindi niya makita ang dalawang taong inaasahan niyang makita – sina Xin Wuheng at Yu Tianhao.

Sobrang init ng pag-asta ni Shi Chengtian kay Zhao Feng at paulit-ulit siyang pinasalamatan. Nag-away ang dalawa sa pangalawang yugto ng Sacred True Dragon Gathering, at niligtas siya ni Zhao Feng sa panahong iyon.

Lumipas ang oras. Sa isang iglap lamang ay para bang sampung araw na ang nakalipas.

Dumating na ang oras, kaya lamang ay hindi nagsimula ang Tea Party.

Nasa seklusyon si Zhao Feng at hindi iniisip ang bagay na iyon. Kaya lamang ay nag-uusap-usap na ang mga henyo ng kontinente.

Sa mga pangmahalagang silid pambisita ng Golden Sun family.

"Goddess Bing Wei, kailan magsisimula ang Tea Party?"

Tanong ng karamihan.

Lumitaw ang Goddess Bing Wei sa pangmahalagang silid pambisita.

"Kung isasaalang-alang na hindi makakarating si Yu Tianhao at ang iba pang henyo ng True Dragon, kailangan nating ipagpaliban ang Tea Party ng ilan pang araw."

May malungkot na ekspresyon ang Goddess Bing Wei. Matapos ang lahat, may iba pang Napakahusay na Prodigies na nandoona at kalebel niya.

"Hay nako, maghihintay na lamang tayo ng ilang araw para kay Yu Tianhao. Hindi magiging masaya ang pagtitipon nang walang malakas na kalaban."

Tumunog ang boses ni Shi Chengtian.

Nagtinginan siya at si Tantai Lanyue sa isa't isa nang walang protesta.

Laging si Yu Tianhao ang lider ng Napakahusay na Prodigies, at matagal nang marami ang may gustong humamon sa kaniya. Wala lamang ang ilang araw para maghintay sila.

Gayunpaman, ang ibang henyo ng True Dragon ay malakas ang loob sa mga paglago nila matapos bumalik sa mga inheritances.

Nang ganito lamang, naghintay pa sila tatlo o apat pang araw, pero hindi pa rin siya sumipot.

"Pumunta si Yu Tianhao dati. Pero bakit hindi siya pupunta ngayon?"

"Kakaiba nga. Kalahating taon nang hindi nagpapakita si Yu Tianhao."

Nag-usap muli ang mga henyo ng True Dragon.

Matapos maantala nanaman ng sampu pang araw, nagsimula nang hindi mapakali ang mga henyo ng True Dragon. Ang iba sa kanila ay gusto nang umalis.

"Deputy Patriarch, laging naaantala ang Tea Party. Maghihintay pa rin ba tayo?"

Tanong ni Jiang Sanfeng.

Nagsalita si Zhao Feng, "Ang Tea Party ay isa lamang na maliit na pagtitipon. Maghintay pa tayo ng tatlong araw. Kung hindi pa ito magsisimula, babalik na tayo sa Canopy Great Country."

Makapangyarihan ang salita ni Zhao Feng bilang iisang kayang pumantay kay Yu Tianhao.

Marami ang sumuporta sa mga salita niya.

"Tama iyon, aalis tayo kung hindi pa nagsimula ang pagtitipon sa loob ng tatlong araw."

Si Shi Chengtian ang unang sumang-ayon. Sumuporta rin sina Tantai Lanyue, Mo Tianyi, at ang grupo niya.

Sa ilalim ng sitwasyong ito, hindi na kayang umupo na lamang ng Goddess Bing Wei at ng Three Eyed Saint.

Personal na humarap ang Three Eyed Saint sa harap ng mga henyo ng True Dragon para mapakalma sila.

"Maaari bang bigyan niyo ako ng oras pa at maghintay ng sampu pang araw?"

Tumayo ang Three Eyed Saint nang nasa likod ang kaniyang mga kamay, at biglang umilaw ang kaniyang buhok.

Kumibot ang pangatlong mata nito sa noo at naglabas siya ng kakaibang aura na tumakot sa henyo ng maraming bloodline.

Matapos ang lahat, siya pa rin ang nagpanalo ng Sacred Dragon Gatherings, at isa siya sa mas matandang henerasyon.

Marami ang takot at malaki ang respeto sa kaniya at sa pangalan niya.

"Sige, sampu pang araw."

Hindi makatanggi sina Shi Chengtian, Tantai Lanyue, at ang grupo nila sa Three Eyed Saint, kung kaya't pumayag na lamang sila.

Nakatayo lamang si Zhao Feng sa gitna ng mga tao nang walang ekspresyon.

"Magaling!"

Ngumiti ang Three Eyed Saint nang may aroganteng mukha habang tumitingin sa mga tao.

Hindi niya nilagay ang kahit sino sa kanila sa mata niya – kahit ang mga Napakahusay na Prodigies.

Matapos ang lahat, mas matanda siya sa kanila at nakapag-cultivate siya sa Three Saints Palace nang mas matagal pa sa dosenang taon. Ang kaalaman niya ay mas higit pa sa simpleng kaalaman ng kontinente.

Kaya lamang, kumunot ang kilay ng Three Eyed Saint nang lumapag ang tingin niya sa batang may asul na buhok.

Ang limang Napakahusay na Prodigies ay ang mga nangunguna. Tumauli sina Shi Chengtian at Taitan Lanyue. Si Zhao Feng lamang ang hindi nagbigay ng reaksyon.

"Zhao Feng, wala kang sasabihin, ano?"

Sinulyapan siya ng Three Eyed Saint.

Umabot na sa huling yugto ng True Lord Rank ang cultivation niya, at ang Sacred Eye bloodline niya ay nagising na sa pangatlong yugto. Halos wala na siyang kapantay sa ilalim ng Origin Core Realm.

Naglabas nang kaunti pang aura ang Three Eyed Saint na siyang nagpabalisa sa ibang Napakahusay na Prodigies.

"Ikaw ang namumuno ng Tea Party. Syempre wala akong reklamo."

Sabin ni Zhao Feng.

"Maganda iyan."

Nayamot ang Three Eyed Saint sa pinakitang kiyas ni Zhao Feng, na siyang hindi tinutulan nito. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Pero… desidido na akong bumalik sa Northern Continent matapos ang tatlong araw. Kung hindi pa magsisimula ang Tea Party sa oras na iyon, gugustuhin ko pa ring makita ang pinakamalakas na eye bloodline mg kontinente. Sana hindi ako tanggihan ng Three Eyed Saint."