Ilang araw ang makalipas, maraming mga kabataan ang nakatayo sa isang blangkong kapatagan sa loob ng main headquarterz ng Iron Blood Religion.
"Wala pa rin dito si Zhao Feng? Gaano katagal tayong maghihintay?"
Isang kabataang nakasuot ng damit na maraming kulay ang magkasalubong ang braso, umaakto na tila isang mambubutang.
"Wang Xiaoguai! May tapang ka pa pala na umaktong bastos sa loob ng teritoryo ng Iron Blood Religion."
Malamig na sabi ni Jiang Sanfeng.
Napansinghal si Wang Xiaoguai, pero ang walang pasensya niyang mukha ay naglaho na.
Sa tabi ni Wang Xiaoguai, may dalawa pang kabataan. Ang isa ay nakasuot ng robang kulay ginto samantalang ang isa ay kasuotang panlaban.
Ang tatlong ito ay ang mga True Dragon Geniuses sa loob ng Canopy Great Country na nagsasama-sama para sa True Dragon Tea Party.
Ang dalawang nasa tabi ni Wang Xiaoguai ay sina Prinsipe Jin at Tian Yunzhi.
Ang ipinakita ng Canopy Great Country ay napakahusay. Ang bilang ng mga True Dragon Geinuses na maytoon ito ang siyang tinaguriang nangunguna sa lahat ng great countries.
Ang Iron Blood Religion pa lang ay may tatlong True Dragon Geniuses: si Zhao Feng, Jiang Sanfeng, at Die Ye.
"Jiang Sanfeng, wala nang masyadong oras bago magsimula ang Tea Party. Kung hindi dahil kay Zhao Feng, isang buwan na sana tayong nakaalis."
Hindi mapigilan ni Prinsipe Jin na mapadaing.
Ang dahilan kung bakit nila hinihintay si Zhao Feng ay hindi lamang dahil siya ang numero unong henyo sa great country, pero dahil isa siyang Napakahusay na Prodigy.
Kapag kasama nila si Zhao Feng, maaaring makatanggap pa sila ng espesyal na pagtrato.
Sa madaling salita, si Zhao Feng ang pinuno ng great country at ng buong Northern Continent.
"Sinabi ni Deputy Patriarch Zhao na ngayon tayo aalis."
Kampanteng sabi ni Jiang Sanfeng.
Sa mismong pagkakataon na iyon, ang tunog na lumilipad ay maririnig.
"Parating na ang Deputy Patriarch."
Isang babaeng nakakulay rosas ang lumapag nang may ngiti sa mukha. Si Die Ye ito.
Nang matapos ang kanyang mga salita, isang bahagyang nakakamanhid na pakiramdam ang kumalat sa kapatagan, at isang kabataang may kulay asul na buhok ang lumapag nang kasabay ni Die Ye.
"Zhao Feng!"
Ang gulat ay gumuhit sa mga mata ni Prinsipe Jin at Tian Yunzhi. Ni hindi nga nila nakita kung paanong andyan na lang si Zhao Feng.
Sigurado silang nauna si Die Ye bago kay Zhao Feng, pero sabay silang lumapag.
"En, lahat kayo. Tara na."
Malutong na sabi ni Zhao Feng.
"Aalis na lang tayo nang ganyan?"
Ang mga mata ni Wang Xiaoguai ay nakatitig kay Zhao Feng at, kahit na puno ito pagbabahala, mayroong layuning makipaglaban ang sumilay sa mga mata nito.
Ngumiti si Jiang Sanfeng, "Deputy Patriarch, umaasa kami na bibigyan niyo po kami ng mga direksyon doon para hindi namin maipahiya ang aming mga sarili sa Tea Party.
"Oo naman."
Hindi tumanggi si Zhao Feng. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagkita-kita muna sila dito.
Ang tingin ni Zhao Feng ay gumala mula kay Wang Xiaoguai, Prinsipe Jin, at Tian Yunzhi. Lahat sila ay nakaabot na ng maagang yugto ng True Mystic Rank, at si Prinsipe Jin naman ay malapit na sa huling yugto.
Kakaabot lamang ni Jiang Sanfeng sa True Mystic Rank, at si Die Ye naman ay nasa Peak True Human Rank.
Kumpara sa kalagayan nila noong Sacred True Dragon Gathering, lahat sila ay nagkaroon ng mga pangunahing paglago. Karapat-dapat nga talaga sila sa titulo ng True Dragon Genius.
Ang paglalaban nila ay nagsimula na rin.
Ang unang tumalon ay si Wang Xiaoguai, na tumitig nang masama kay Jiang Sanfeng na tila ba naalala niya na sinigawan siya nito kanina.
Hindi takot si Jiang Sanfeng. Nakaabot na siya sa True Mystic Rank at ang kanyang technique ay tumaas na rin ang antas, kung kaya ang kumpiyansa niya ay lalong umangat.
Dalawang anyo ang sumunod na pumupulupot sa kapatagan habang nanonoo si Zhao Feng nang may interes.
Subalit, ang bilis para malaman kung sino ang nanalo ay mas matulin pa sa inaakala.
"Sky Ape Divine Luo!"
Umungol si Wang Xiaoguai at ang kanyang balat ay naging bato na nagbigay ng aurang malasingsing na ginintuan.
Ang kanyang kamao ay tila ba mayayanig ang mundo ar madudurog ang mga bundok sa tiyak nitong lakas.
Ang intent lamang mula sa kanyang kamao ay sapat na para mapadura ng dugo si Jiang Sanfeng.
"Bam!"
Ang skill ni Jiang Sanfeng ay kalalabas lamang nang pinalipad siya ng kamao ni Wang Xiaoguai.
"Jiang Sanfeng!"
Napabulalas si Die Ye sa hindi pagkapaniwala nang tulungan niya si Jiang Sanfeng.
Isang suntok lamang ang kinailangan para hindi na makatayo pa si Jiang Sanfeng.
Napagpasyahan na ang laban sa isang atake lamang. Ang dalawa ay magkaibang-magkaiba ng antas.
"Pagkatapos pasukin ang inheritance, ang bloodline ni Wang Xiaoguai ay nagising na, at ang bilis ng kanyang paglago ay ang pinakamatulin sa kanilang lahat."
Nanliit ang mga mata ni Zhao Feng. Hindi niya akalaing ganito pala kalakase si Wang Xiaoguai.
Natalo si Jiang Sanfeng nang patas at walang panlilinlang.
Talagang dinurog siya ni Wang Xiaoguai, at kahit pa nasa maagang yugto siya ng True Mystic Rank, hindi siya nalalayo mula sa lebel ng limang Napakahusay na Prodigy.
Hindi na nagulat pa si Prinsipe Jin at Tian Yunzhi.
"Natalo tayo sa sutil na ito sa nakaraang kalahating taon."
Malungkot na sabi ni Prinsipe Jin at naunawaan naman agad ito ni Zhao Feng.
Bago pa bumalik si Zhao Feng, si Wang Xiaoguai ang numero unong henyo.
Pagkatapos noon, si Prinsipe Jin at Tian Yunzhi ay nagpakita naman ng isang kagila-gilalas na laban.
Pagkatapos ng ilang dosenang atake, ang "Tian" at "Yun" na fusion-bloodline ni Tian Yunzhi ay naglabas ng isang blade intent na siyang tinalo si Prinsipe Jin.
"Tian Yunzhi, hindi ko akalaing lumaho ka nang ganyang kabuti."
Mapakla ang mukha ni Prinsipe Jin. Minsan siyang naging numero unong henyo, at sa mga nakaraang buwan, pantay silang dalawa ni Tian Yunzhi, pero mas nakakaangat na ito ngayon sa kanya.
Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. May potensyal si Tian Yunzhi. Mayroon rin siyang bloodline, naunawaan niya na ang blade intent, at ang kanyang battle power ay napakataas mula sa mga True Lord Rank.
Pagkatapos manalo ni Tian Yunzhi, ang kanyang battle intent ay dumaloy at hinamon niya si Wang Xiaoguai.
Tumawa si Wang Xiaoguai. Gumawa siya ng mga bitak sa lupa sa bawat suntok niya.
Wala namang ginamit ma skill, tanging kapangyarihan lamang.
Sampung atake ang makalipas.
Dang!!
Si Tian Yunzhi ay napalipad sa pamamagitan lamang ng isang ispada.
Ang katawan ni Wang Xiaoguai ay napakalakas; kaya niya pa nganh talunin ang halos lahat ng nasa True Mystic Rank gamit lamang ang kanyang katawan. Kapag ginamit na niya ang kanyang bloodline power, ang kanyang opensa at depensa ay agad na tataas, kung kaya nawawala ang lamat sa cultivation.
"Wooooo...!"
Itinama ni Wang Xiaoguai ang dalawa niyang kamao sa kanyang dibdib bago maglabas ng isang nangingibabaw na aura, na siyang ikinagulat ng mga malalapit na eksperto ng Iron Blood Religion.
Talagang hindi siya mapapantayan sa ilalim ng True Lord Rank.
Kung depensa lang namannang pag-uusapan, hindi naman siya hihina Kay Shi Chengtian mula noon, pero mas maganda ang kanyang opensa.
Natalo ni Wang Xiaoguai ang lahat ng mga kalahok.
"Sige, tara na."
Ibinuod ni Zhao Feng ang mga magagandang bagay pati na rin ang hindi sa mga naganap na laban at naghanda na para umalis.
Parehong sina Tian Yunzhi at Prinsipe Jin ay nakakuha ng ilang mga dapat maunawaan pagkatapos ng ebalwasyon.
"Zhao Feng, hindi pa kita nakakalaban."
Wika ni Wang Xiaoguai habang hinaharang si Zhao Feng.
Nagulantang ang lahat.
"Wang Xiaoguai, nangangahas ka na hamunin ang Deputy Patriarch? Kahit nga ang mga True Lord Ranks ay hindi niya kapantay."
Iniiling ni Jiang Sanfeng ang kanyang ulo at ngumiti.
Mukhang hindi niya talaga papakawalan ang pagkakataon para kutyain si Wang Xiaoguai, at karamihan sa mga manonood ay natawa.
Alam nila ang reputasyon ni Zhao Feng. Marami na siyang natalo na True Lord Ranks at pinatay niya pa nga ang Qin Sword Palace Master.
Kahit na malakas si Wang Xiaoguai, hindi talaga siya ang nababagay na kalaban ni Zhao Feng.
Syempre, sina Prinsipe Jin, Tian Yunzhi at ang mga kasama nito ay bahagyang umaasa. Baka naman pwedeng masubukan ni Wang Xiaoguai ang lakas ni Zhao Feng.
Subalit, magiging dismayado lamang sila.
"Magsimula ka na."
Ngumiti nang bahagya si Zhao Feng at hindk na tumanggi pa.
Sky Ape Divine Luo!
Agad na ginamit ni Wang Xiaoguai ang kanyang bloodline power nang walang pag-aalangan at agad na sumuntok na siyang ikinayanig nang buong kalupaan.
Kahit ang mga normal na True Lord Ranks ay makakaramdam ng presyur dahil sa agwat pagdating sa pisikal na lakas.
Booom!
Isang malaking kawalan ang biglang nagpakita, na halos ilang daang taon ang haba, dahil sa kamao ni Wang Xiaoguai.
Ang mga mata ng mga manonood ay nanlalabo. Nang makita nila ulit si Zhao Feng, ang laban ay tapos na.
"Arghh!"
Si Wang Xiaoguai ay nakalutang na sa ere at ang kanyang mga braso ay pinipilit na kumawala.
Gusto niyang makatakas, pero isang suson ng kidlat ang pumipigil sa kanya kung kaya napapasigaw siya.
Ang lahat ng mga nanonood ay nagulat. Sina Tian Yunzhi at Prinsipe Jin ay patingin sa isa't isa nang may gulat.
Halata namang umabot ang lakas ni Zhao Feng sa isang lebel na hindi nila maabot.
"Sige, halina't umalis na tayo."
Pinakawalan na ni Zhao Feng ang paa ni Wang Xiaoguai sa gitna ng ere.
Plop!
Nahulog si Wang Xiaoguai, at nakagawa siya ng isang hugis taong butas sa lupa.
Kahit ang mga normal na True Spirit Realms ay magsisimula nang mabahala kapag naging duguan sila sa ganyang bagay, pero wala namang nag-alala sa kanya.
Sa parehong araw, may kabuuang bilang ng anim na True Dragon Geniuses ang nagsama-sama sa main headquarters ng Iron Blood Religion.
Ang grupo ay mayroong mga kakaibang lumilipad na halimaw na napakatuling nagtungo sa Middle Continent.
Nagkaroon silang lahat ng mga pangnahing paglago, kung kaya hindi sila takot sa kahit anong panganib na dala ng paglalakbay.
Bukod pa roon, kasama naman nila si Zhao Feng. Wala naman silang dapat pang alalahanin.
Dalawang buwan ang nakalipas, ang pangkat ng anim na ito ay nakarating na rin sa wakas sa Middle Continent.
Kinalkula ni Zhao Feng na ang distansya sa pagitan ng Cloud Area at Canopy Great Country ay hindi naman kasinglayo gaya ng sa Canopy Great Country at Middle Continent.
Ito ay dahil sa ang Middle Continent au nalakalapit sa bawat bahagi ng kontinente, kung kaya ito pinakamabisang lugar para pagdausan ng Tea Party.
"Narinig kong ang Middle Continent ang pinakamalakas at may pinakamaraming mga henyo. Halimbawa na lang, ang Three Eyed Saint at si Yu Tianhao ay parehong galing sa Middle Continent."
Wika ni Jiang Sanfeng.
Kahit na sumali silang lahat sa Sacred True Dragon Gathering, hindi sila gaanong napapadpad sa Middle Continent.
"Darating tayo pagkatapos nating malagpasan ang tatlo o apat pang stronh countries."
Inilabas ni Prinsipe Jin ang mapa at ang anim ay mabilis na nawala sa langit.
Shua! Shua!
Dalawang malabong maitim na anyo ang nagpakita nang may madilim na mukha mula sa isang kagubatan na ilang daang milya ang layo.
Ang isa ay babaeng nakaitim habang ang jsa naman ay isang matangkad na anyo na may suot na itim na korona.
"Elder, kakaunting mga sutil lang naman sila, at ang pinakamalakasnay nasa maagang yugto lamang ng True Lord Rank. Bakit kailangan pa natin silang habulin nang ganito? Pwede ko naman silang hulihin o kaya naman ay patayin ko na agad ngayon."
Wika ng babaeng nakaitim nang may paggalang.
"Ang mga sutil na ito ay may aura ng isang Scarlet Moon Division Leader Token at mukhang kakarating lamang nila ng Middle Continent. Ginagamit ng Sacred Alliance ang mga tokens na ito para sugurin ang mga eksperto natin. Huwag kang gagawa ng kahit anong padalos-dalos."