Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 504 - Sikreto ng mga Sovereigns

Chapter 504 - Sikreto ng mga Sovereigns

Sa loob ng underground palace, si Zhao Feng ay nasa gitna ng isang magulong ipo-ipo, at nararamdaman niya ang presyur ng Heaven Earth Yuan Qi na umaatungal sa kanya.

Kahit sinong True Lord Rank ay mararamdaman na tila isa silang bangka sa isang mabagyong karagatan.

Ang mga mas mataas ang pang-unawa ay mas nakaramdam ng presyur. Sa kabilang banda, ang mga normal na tao ay walang mararamdaman.

"Siya nga ang lalaking iyon…."

Isang bahagyang gulat na boses mula sa Ten Thousand Ghost Pearl ang umalingawngaw sa isip ni Zhao Feng sa pamamagitan ng Dark Heart Seed.

Huminto si Zhao Feng. Hindi niya maisip na ang Skelet Division Leader ay kilala pala ang Patriarch ng Iron Blood Religion, pero nang isipin ito, ang Skeletal Division Leader ay isang eksperto sa Scarlet Moon Demonic Religion at matagal na itong nabubuhay sa loob ng ilang daang taon. Kung kaya kakaiba naman kapag hindi niya kilala ang Iron Bloodn Religion Patriarch.

Walang duda, ang elder na may makapal na kilay ay isang Sovereign na nasa Peak nito.

Hindi ito ang unang beses na nakakilala si Zhao Feng ng isang taong nasa Origin Core Realm Level Intent.

Ang una ay ang Grand Elder ng Imperials. Subalit, nasa Half-Step Origin Core Realm lamang ito, kung hindi, hindi sana siya mababahala sa Deputy Patriarch.

Ang ikalawa ay si Lu Tianyi ng Purple Saint Ruins.

Hindi naman nalalayo si Lu Tianyi sa Origin Core Realm. Sa tingin ni Zhao Feng, basta hindi namatay si Lu Tianhi mula sa maliit na poisonous scorpion, siguro ay maabot niya ang Origin Core Realm sa loob ng isa o dalawang taon.

Ang Skeletal Division Leader ay mayroon ring mataas na uri ng intent, pero ang intent na mayroon ang Patriarch sa harap niya ay napakaelegante.

"Ang ganitong uri ng intent ay ginagawang sentro ang sarili ng kalupaan, kung kaya napayuyuko ang Heaven Earth Yuan Qi kahit wala silang ginagawa. Ang pagpapaangat ng buhay ng isa ay….."

Ipinikit ni Zhao Feng anh kanyang mga mata at sinuri ang intent ng Sovereign. Kahit na ang mundong ito ay malayo pa kay Zhao Feng, hindi siya nito pipigilan para matuto.

Kinumpara pa nga ni Zhao Feng ang Patriarch kau nila Lu Tianyi at Skeletal Division Leaded, kung saan sinusubukan niyang malaman ang mga pagkakapareho sa kanila.

Ang pagkakapareho nila ay nasa core ng Origin Core Realm.

Habang ipinagkukumpara sila, nagsimula nang maunawaan ni Zhao Feng, at ang karamihan sa kanyang mga tanong ay nasagot na.

"Ang Patriarch, Skeletal Division Leader, at Lu Tianyi….. Ang pinakamalakas na intent ay sa Patriarch, ang pinakakakaiba naman ay sa Skeletal Division Leader, at ang kay Lu Tianyi naman ang pinakamalalim at mukhang malapit sa origin ng Heaven o Kalangitan at Earth o Kalupaan….. "

Paglalagom ni Zhao Feng. Kung intent lamang ang pag-uusapan, kay Lu Tianyi ang pinakamalalim, kahit hindi ito ang pinakamalakas.

Naisip lamang ito ni Zhao Feng dahil na rin siguro si Lu Tianyi ay galing sa isang two-and-a-half star super sect - ang Pure Moon Spiritual Sect.

Ang mga matataas na uri ng pwersa ay may mas mga magagandang skills na inilalatag, kahit na hindi si Lu Tianyi ang Head Disciple, isa siyang elite mula sa mga Core Disciples.

Ito ay sa kadahilanang ang Purple Saint Ruins ay mas restriksyon sa edad.

Halimbawa, ang Three Eyed Saint na mangangasiwa ng Tea Party ngayon ay hindi nakasali sa kagaganap lamang na Sacred True Dragon Gathering dahil sa limit sa edad.

Mabagal na lumipas ang oras.

Nakatayo lamang si Zhao Feng habang nararamdaman niya ang intent ng Origin Core Realm. Kahit na hindi nito hinayaang marating ni Zhao Feng ang Origin Core Realm, pinalago naman nito ang kanyang mental energy.

Nagpatuloy lamang ito hanggang sa dumating sa isang punto, nang ang intent ay nagsimula nang maglaho at naging kalmado na ang Heaven Earth Yuan Qi.

"Zhao Feng."

Isang matandang boses na puno ng kapangyarihan ang maririnig sa tabi ng kanyang tainga. Ang elder na nakahiga kanina sa kama ay muling nabuhayan ng dugo sa kanyang mukha.

"Patriarch Hong."

Agad na yumuko si Zhao Feng.

"Zhao Feng, hindi ko inaakaa na makapag-uuwi ka ng isang Elixir of Life mula sa isang inheritance."

Ang elder ay puno ng ligalig at kasiyahan.

Humingi siya nang ganitong kapritsong pakiusap at halos hindi na siya umaasa. Ito ay dahil sa ang mga kayamanan gaya ng Elixir of Life ay napakabihira at kung mayroon man sa mga inheritances, napakatindi n kompitensya.

Noong mga panahong iyon, ang lakas ni Zhao Feng ay sapat pa lang sa top 150.

"Kung hindi dahil sa bola ng Ice Soul at sa Dark Eye Incomplete Page, ang batang ito ay hindi makakagawa ng ganoong paglago at hindi makakalaban sa mga prodigies ng Sacred True Dragon Gatherin o kahit man lang sa mga henyo ng inheritance."

Tapat na wika ni Zhao Feng. Talagang nagpapasalamat siya sa elder na ito.

Ang bola ng Ice Soul ay hinahayaan siyang maabot ang Dao of Soul na tinataguriang pinakabagay na Dao para sa kanyang God's Spiritual Eye.

Ang Dark Eye Incomplete Page naman ay hinahayaan si Zhao Feng na maunawaan ang mga basikong bagay sa eye bloodline na siyang nagpapalawig ng kanyang dunong.

Masasabing ang dalawang aytems na ibinigay ng Patriarch ang siyang nagpabago ng tadhana ni Zhao Feng.

Nag-isip muna saglit ang elder bago ngumiti, "Isang malamig na halik, isang maiinom. Baka ito ang tadhana."

Nakaramdam si Zhao Feng namg hindi maipaliwanag na pag-unawa mula rito, pero isang bagay ang sigurado; binuo ng Patriarch si Zhao Feng, ganoon rin si Zhao Feng sa Patriarch.

"Subalit, ang pagdadala ng Elixir of Life ang siyang nakaligtas sa akin. Zhao Fenh, kung may gusto kang kahiy ano, pwede mo akong sabihan at gagawin ko ang makakay Ko para tulungan ka."

Ngumiti ang elder at patuloy na sinusuri si Zhao Feng nang may paghanga.

May isang paniguradong ugali si Zhao Feng, at iyon ay ang bayaran ang kabaitan gamit ang kabaitan.

Aling pwersa naman ang ayaw na magpalaki ng ganitong klaseng prodigy?

"Patriarch, ang Elixir of Life ay para bayaran ho kayo. Wala ho akong gustong iba."

Mapagkumbabang tugon ni Zhao Feng.

Mula sa kanyang perspektibo, iniligtas siga ng elder, kung kaya pantay na silang dalawa ngayon.

"Hahahaha.... Mabuti!"

Tumawa muna ang elder nang saglit bago sinuri si Zhao Feng muli. Lalo niyang hinangaan ang kabataan.

Kahit sinong henyo ay matutuwa nang sobra sa ganitong klase ng alok mula sa isang Sovereign, pero iba si Zhao Feng.

Syempre, ano pa ang ikinasiya ng puso ng elder ay ang potensyal ni Zhal Feng, ganoon rin ang eye bloodline nito na kahit siya ay hindi niya mabasa.

"Kapatid na Hong, si Zhao Feng ngayon ay isang Napakahusay na Prodigy na, at nakoronahan siya bilang Lord ng mga Napakahusay na Prodigies kasama na si Yu Tianhao."

Ginamit ni Tiemo ang pagkakataong ito para ibuod ang mga tagumpay ni Zhao Fwng noong Sacred True Dragon Gathering.

Agad niyang sinabihan ang Patriarch kung paano nila pinatay ang mga True Lord Ranks kani-kanina lamang.

Sa prosesong ito, kahit ang napakamaalam na Patriarch Hong ay natulala sa hindi pagkapaniwala.

Sa wakas, huminga na nang malalim ang Patriarch. Napagtanto niyang minaliit niya si Zhao Feng.

"Tiemo, ang mga mata mo ay talagang mabuti. Hindi ko akalain na malalabanan ni Zhao Feng ang Yu Tianhao na ito at nagpantay pa sila. Kahit na ang ama ni Yu Tianhao na sinYu Xingchen ay isang miyembro ng Sacred Alliance, ang kanyang lakas ay hindi mapapantayan. Kaya niya akong talunin sa pinakasukdulan ko…."

Napabuntong hininga si Patriarch Hong.

Alam niya kung gaano kalakas si Yu Tianhao. Si Sovereign Yu Xingchen, na ama nito, ay isang miyembro ng Sacred Alliance na kasingtulad niya rin ang lakas.

Nang marinig ito ni Zhao Feng, naunawaan niya na kung bakit ang iilang mga Sovereigns ng Sacred Alliance ay mukhang kilala ang Deputy Patriarch.

Pagkatapos makakilala ng isang Sovereign, nagsimula nang matuto si Zhao Feng tungkol sa kanilang grupo.

Ang Sacred Alliance ay isang organisasyon na binuo ng mga Sovereigns na siyang nagdidikta nang magiging tadhana ng isang kontinente.

Malaking ang ginampanan nito para matalo ang Scarlet Moon Demonic Religion.

"Kapatid na Hong, ngayong nakabalik ka na, at ang lakas ni Zhao Feng ay hindi hihina kaysa sa akin, mapapasaatin na ang Canopy Great Country."

Pagmamalaking sabi ni Tiemo.

Aling pwersa sa Canopy Great Country ang mapipigilan ang isang Sovereign at dalawang True Lord Ranks na kasinggaling ng isang normal na Half-Step Origin Core Realm.

"Masyado akong matagal na natulog, kung kaya baka kakakailanganin ko pa ng isa o dalawa pang taon baka manumbalik ang tunay kong lakas."

Wika ni Patriarch Hong nang malalim.

Naguhitan ang mga mata ni Zhao Feng. Ang kasalukuyang estado ni Patriarch Hong ay hindi ganoon kalakas kumpara sa Skeletal Division Leader noong nasa kastilyo pa ito.

Ang kasalukuyang misyon ng Patriarch ay ang magpagaling muna. Kapag nanumbalik na ang kanyang lakas, pwede nang maghari ang Iron Blood Religion sa Canopy Great Country nang walang kahit anong mga kawal na sinasakripisyo.

"Nakalimutan ko iyan. Bukod pa dyan, ang mga alagad ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nagsimula na namang gumawa ng mga atake at plano. Kahit sa loob ng Canopy Great Country, ang kanilang mga pwersa ay nagdulot ng kaguluhan."

Ang mga salita ni Deputy Patriarch ay biglang nagbago ang tuon.

"Scarlet Moon Demonic Religion!"

Ang mga mata ni Patriarch Hony naging malamig at naglabas siya ng mental energy force na tila pinagyeyelo ang buong underground palace.

Ang balitang ito ay hindi ikinagulat ni Zhao Feng.

Ang sitwasyon sa Cloud Area ay ipinakita rin ang sitwasyon ng kontinente sa kabuuan.

Kung babalikan, habang naglalakbay siya papuntang Canopy Great Country napag-alaman niyang nakontrol na ng Scarlet Moon Demonic Religion ang iilang strong countries.

Kung tama ang mga hula ni Zhao Feng, ang estratehiya ng Scarlet Moon Demonic Religion ay ang magsimula sa mga maliliit na bayan, hanggang sa papalaki, at tuluyan nang masakop ang mga malalakas na clans at great countries.

"Sa loob ng nakaraang taon, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay nakabuo ng mga kuta sa malalayong teritoryo ng Canopy Great Country. Kahit ang eight major forces ay mukhang napasukan na rin nila."

Pagbubuod ni Tiemo sa sitwasyon nila.

Nang marinig ito, parehong ang ekspresyon ni Patriarch Hong at Zhao Feng ay nandilim.

Lalo na para kay Patriarch Hong, na nabuhay sa panahon ng Scarlet Moon Demonic Religion era. Alam niya kung gaano ito kahindik-hindik.

Ilang daang taon ang nakalilipas, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay isang yapak na lamang ang laya para makontrol ang buong kontinente.

Nanlamig ang puso ni Zhao Feng. Marami na siyang napatay na eksperto ng Demonic Religion at nabihag niya na rin ang Division Leader sa Ten Thousan Ghost Pearl.

"Zhe zhe zhe… Zhao Feng, may pag-asa pa naman kung papanig ka sa Scarlet Moon Demonic Religion ngayon. Sinasabi ko sa'yo, ang Patriarch ng Scarlet Moon Demonic Religion ay nagising na, at higit siyang mas malakas kaysa sa Sovereign na nasa harap mo."

Ang maitim na boses ng Skeletal Division Leader ay umalingangaw sa koneksyon nila sa Dark Heart Seed.