Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 502 - Patayan

Chapter 502 - Patayan

Ang nakasisindak na aura na nagmumula sa pandayan ay halos masaktan ang spiritual senses ang apat na True Lord Ranks.

Nabaliktad ang sitwasyon sa isang kisapmata lang.

Wala na si Zhao Feng sa pandayan. Nagpakita na siya sa apat na True Lord Ranks.

Ang pandayan ay nababalutan ng suson ng itim na usok at walang kahit anong makita, kung kaya higit itong naging kakaiba.

"Ang ganitong klaseng bagay ay nangangailangan ng cultivation ng isang taong nasa Half-Step Origin Core Realm at pataas…"

Ang ekspresyon ni Empress Qin ay nagbago nang higit. Hindi niya maisip kung anong klaseng pag-iral ang mayroon sa pandayan.

Napagtanto niya lang ngayon kung bakit sinabi ng kanyang Master na subukan niyang resolbahan ang alitan nila ni Zhao Feng.

"Tumakas na tayo dali! Ang Zhao Feng na ito ay hindi ang sarili niya. Sinong nakakaalam kung sinong eksperto ang nasa likod niya?"

Ang iba pang tatlong True Lord Ranks ay nagsimula ang tumakbo palayo sa Tiegan Palace.

"Gusto mong tumakbo? Hehe… Huli ka na."

Isang malakas na silakbo ng hangin at kidlat ang siyang bumaba.

Namanhid ang apat na True Lord ranks, at ang kanilang bilis ng paglipad ay bumagal ng 20-30%.

Ang Qin Sword Palace First Elder ay hindi gaanong naapektuhan sapagkat siya ang may pinakamataas na cultivation.

Sa isang bigla, ang Wind Lightning Yuan Qi sa malapit ay naging isang nagngangalit na ipo- ipo na siyang bumalot sa apat na True Lord Ranks.

"Anong lakas ng kanyang mental energy!"

Ang mga mata ng Iron Blood Religion Deputy Patriarch ay nagningning. Naguhitan ng saya ang kanyang mukha pero hindi siya bumagal habang ginagawa ang paghabol.

Nang magpakita si Zhao Feng, ang nag-aalab na apoy sa puso ni Tiemo ay nakalabas na rin. Hindi naman siya takot sa apat na True Lord Ranks dahil malakas rin naman siya, pero napwersa siyang magdepensa, kung kaya nadismaya siya.

"Light and Darkness Flying Rotational Slash!"

Ang Wheel of Light and Darkness ay nagsimulang bumilis sa pag-ikot at naging isang umiikot na patalim na siyang kumuha sa atensyon ng lahat.

Shu~~~

Ang pormang patalim ng Wheel of Light and Darkness ay gumuhit sa hangin na parang kidlat.

"Arghhhh!"

Ang First Elder ng Liu Family, na nakalipad lamang ng isang daang yarda, ay nahati sa dalawa.

Hindi niya naisip na ang sakop ng Wheel of Light and Darkness ay napakalawak.

Dahil napwersang magdepensa si Tiemo kanina, karamihan sa kanyang mga skills ay hindi nagamit. Ngayong wala nang makapipigil sa kanya, agad niyang ipinakita sa lahat ang kanyang lakas at ang kapangyarihan ng Wheel of Light and Darkness.

Sa parehong pagkakataon.

"Wind Lightning Crackling Strike!"

Ang anyong may kulay asul na buhok ay gumuhit sa langit habang isang patalim na gawa sa hangin at kidlat o blade of wind ang lightning ang siyang nabuo.

Crackle!

Ang patalim na ito ay siyang humiwa sa ere kasabay ng dagundong ng kulog.

Ang bilis at liksi ni Zhao Feng ay ang pinaka sa kanilang mga True Lords na naroroon, at bigla na lamang siyang nagpakita sa likod ng Qin Sword Palace Master.

Huwag~~~!""

Napahiyaw ang Qin Sword Palace Master nang biglang mamutla ang kanyang mukha at ang kanyang katawan ay namanhid.

Weng~~

Ang blade of wind ang lightning ay nagdala ng nakawawasak na aura habang sinisira nito ang kanyang depensa.

Ag mga normal na True Lord Ranks ay walang tsana na labanan ang nakasisindak at mabibilis na mga atake ni Zhao Feng.

Punong-puno ng takot ang mukha ng Qin Sword Palace Master, at ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa.

Ang pagsisisi at kapaklaan ay sumilay sa kanyang puso.

Pero huli na ang lahat.

"Ikaw lang naman ang nagbigay ng problema sa sarili m."

Isang malamig na boses ang umalingawngaw habang ang wind and lightning blade ay sumabog, at bigla na lamang nahinto ang paghiyaw ng Qin Sword Palace Master.

Sa loob lamang ng dalawang maiksing hininga, namatay na ang Qin Sword Palace Master ganoon rin ang First Elder ng Liu Family.

"Dalawang True Lord Ranks lang naman ang namatay nang sabay!"

Napuno ng ligalig at kumulo ang dugo ng mga manonood sa loob ng Tiegan Palace.

Sabay na umatake sina Zhao Feng at Tiemo, at sabay rin nilang inaasinta ang kalaban.

Umungol ang dalawag True Lord Ranks nang sabay at sa parehong halaga. Nang matapos nila ang kanilang mga kalaban, nagpalitan ng ngiti sina Zhao Feng at Tiemo.

Napakasaya ni Tiemo. Hindi lamang bumalik si Zhao Feng nang ligtas mula sa kanyang inheritance, kundi ang kanyang lakas ay nasa isang mataas na antas.

Mula sa kanyang mga pamamaraan ngayon, ang lakas ni Zhao Feng ay hindi na halos naiba kay Tiemo.

Bukod pa roon, baka nga hindi pa ito ang tunay niyang lakas eh.

"Napakabilis… Parehong ang Qin Sword Palace Master at ang Liu Fmily First Elder ay namatay…."

"Takbo! Ang lakas ng Zhao Feng na ito ay umabot na sa nakasisindak na antas pagkatapos niyang bumalik."

Gulat na gulat sina Empress Qin at Qin Sword Palace First Elder, at sabay nilang sinunog ang kanilang Qi of True Spirit para makatakbo.

Sou! Sou!

Ang dalawang anyo ay mabilisang naglaho sa ulap pero itinuon ni Zhao Feng ang malalamig niyang tingin sa kanila.

Ang kanyang kaliwang mata ay nakakawing sa Qin Sword Palace First Elder.

"Unahin mo munang patayin ang Qin Sword Palace First Elder!"

Umalingawngaw ang boses ni Tiemo. Parehong-pareho sila nang naiisip ni Zhao Feng.

Syempre, ang punto kung saan sila nagsimula ay magkaiba.

Ang dahilan kung bakit gustong patayin ni Tiemo ang Qin Sword Palace First Elder ay dahil sa epektong kaya nitong dalhin sa Canopy Great Country.

Ang Qin Sword Palace ay isa sa eight major forces o walong pangunahing pwersa ng Canopy Great Country at may dalawa itong True Lord Ranks.

Naabot na halos ng Qin Sword Palace First Elder ang Peak True Lord Rank. Kapag nangyari na nga ito, ang kanyang lakas ay aabot nang tulad kay Deputy Patriarch. Sa pagkakataong iyon, magiging isang malaki na siyang banta.

"Patay na ang Qin Sword Palace Master. Kung papatayin rin natin ang Qin Sword Palace First Elder, mawawalan na ang Qin Sword Palace ng mga True Lord Ranks. Tila ba isa silang hukbo na nawalan ng kanilang heneral."

Natinag si Tiemo. Ang pagpatay sa Qin Sword Palace First Elder ay nangangahulugang maaaring mawasak ang eight great forces.

Sa normal na pagkakataon, ang tsansa para mapatay ang Qin Sword Palace First Elder ay mababa lang, sapagkat kung gusto nitong tumakas, wala naman siyang masyadong magagawa.

Subalit, sa tulong ng isang espeyalista sa pagiging matulin na si Zhao Feng, mayroong pag-asa na mapatay ang First Elder ngayon.

"Eye of Ice Soul!"

Naging nakakapangatog na kulay asul ang kaliwang mata ni Zhao Feng at nakatuon na lamang ang tingin nito sa First Elder.

Naramdaman ng Qin Sword Palace First Elder na ang kanyang katawan ay nanlamig, at kahit ang kanyang pag-iisip ay bumagal. Higit rin namang nabawasan ang kanyang bilis.

"Ano ang nangyayari…!?"

Napabulalas ang Qin Sword Palace First Elder. Ang kanyang mga reglexes at bilis ay talagang bumagal

Matagal niya munang napagtanto na nakawing ang eye bloodline ni Zhao Feng sa kanya, pero kahit alam niya pa iyon, wala naman siyang magagawa na kahit ano.

"Hahaha…. Napakagaling, Zhao Feng!"

Tumawa si Tiemo habang papalapit ito kasama ang kanyang Wheel of Light and Darkness.

Lumipad na si Zhao Feng papunta sa Qin Sword Palace First Elder.

"Light and Darkness Flying Rotational Slash!"

Lumipad na ang Wheel of Light and Darkness ni Tiemo at halos lumapag na ito sa Qin Sword Palace First Elder.

Hindi na makaiwas pa ang First Elder sapagkat nakakawing sa kanya ang Eye of Ice Soul, kung kaya kailangan niyang sunugin ang Qi of True Spirit niya para masalag ito.

Wah!

Ang gulong ay nag-iwan ng isang malalim na sugat sa buto habang nagkalat ang dugo niya sa kanya.

Shua!

Pagkatapos, isang kabataang may asul na buhok ang siyang nagpakita sa likod ng Qin Sword Palace First Elder sa bilis na hindi mapantayan.

Shuu!

May hawak si Zhao Feng na isang blade of wind and lightning na walang emosyon niyang isinaksak sa likod ng First Elder.

Whoosh!

Sinubukan ng Qin Sword Palace First Elder na iwasan ang atakeng ito, kaya lamang isa sa kanyang mga braso ay nahiwa na ng blade of wind and lightning.

Sa pinagsamang punyagi ni Zhao Feng at ng Deputy Patriarch, hindi na makalaban pa ang Qin Sword Palace First Elder at agad itong napaslang sa loob lamang ng dalawang atake.

"Magaling! Buti naman at maayos ang lahat."

Puno ng saya ang mukha ni Tiemo.

Pagkatapos ng lahat, ang cultivation ng Qin Sword Palace First Elder ay malapit na sa isang Peak True Lord Rank, kung kaya kapag gusto niyang tumakbo, mahirap para sa kanya na paslangin siya.

Bigla niyang napagtanto tuloy na mukhang minaliit niya ang lakas at eye bloodline ni Zhao Feng.

Sa katotohanan, ang Qin Sword Palace First Elder ay nahatulan na ng kamatayan sa oras na binuksan ni Zhao Feng ang kanyang eye bloodline – kahit na wala pang gawin na kahit ano si Tiemo.

Walang emosyon si Zhao Feng nang patayin nila ang Qin Sword Palace First Elder. Ang kanyang eye bloodline ay bumalik na sa normal at mukhang hindi man lang ito nabagab kahit kaunti.

Hindi mapigilan ni Tiemo na mapatingin kay Zhao Feng nang malalim. Pagkatapos makilala si Zhao Feng ngayon, hindi niya mapigilang hindi makita ang bagong Napakahusay na Prodigy na ito.

Shua!

Biglang may naalala si Zhao Feng. Agad na nagbago ang kanyang mukha at bigla itong naglaho sa isang pitik lamang.

Ilang hininga lamang ang nakalipas, nang may kasamang mga arko ng kidlat, nagpakita na si Zhao Feng sa sikretong pandayan.

Ang pandayan ay nababalutan pa rin ng itim na usok na kayang salagin ang pandama ng mga True Lord Ranks.

Gulat na gulat si Master Tiegan. Naramdaman niyang nahirapan siyang huminga, at halos hindi niya makita ang isang kalansay na may dalawang pulang liyab sa mga mata nito.

Ang Wheel of Light and Darkness ay lumutang sa harap ng kalansay.

"Master, huwag kang mag-alala. Pinag-aralan ko ang pagpapanday sa loob ng ilang daang tao, mas mahusay ako kaysa sa mga normal na blacksmith masters."

Tinatapos na ng Skeletal Division Leader ang huling hakbang sa Wheel of Light and Darkness.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Kahit na hindi alam ni Skeletal Division Leader ang mga blueprints at hindi niya matapos ang huling hakbang na ito, hindi naman mahirap na panatilihin ang ganitong estado.

Dapat lamang malaman na ang Skeletal Division Leader ay isang Sovereign na nasa sukdulan. Ang karanasan at dunong nito ay higit pa kay Zhao Feng at Master Tiegan.

"Panatilihin mo muna iyan sa ganyang estado."

Wika ni Zhao Feng nang muli siyang maglaho sa pandayan.

Hindi nagtagal.

Qiu!

Isang bayo ng hangin at kidlat ang nakahabol kay nila Iron Blood Religion Deputy Patriarch ta Empress Qin.

"Hahaha Empress Qin! Naging kalaban na kita sa loob ng ilang taon, pero hindi mo naisip na ito rin pala ang kalalabasan balang araw, hindi ba?"

Tumawa ang Iron Blood Religion Deputy Patriarch nang sagarin niya si Empress Qin sa desperadong sitwasyon.

Ang dugo ay nagkalat sa sirang damit ni Empress Qin na siyang nagpakita ng kanyang nakahuhumaling na puting balata.

"Lord Tiemo, hayaan niyo po akong mabuhay."

Kahit sino ay mukhang mapapa-oo sa pagmamakaawa ni Empress Qin.

Kahit ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion ay kailangan munang pakalmahin ang kanyang puso sakaling maapektuhan siya ng Dao of Charm ni Empress Qin.

"Mamatay ka na!"

Nag-alala ang Deputy Patriarch na baka may mangyaring hindi inaasahan, kung kaya hiniwa niya muna ang kanyang Wheel of Light and Darkness patungo kay Empress Qin.

Sa pagkakataong iyon, lubhang nasaktan si Empress Qin at hindi niya na masasalag pa ang atake.

"Teka."

Isang kalmadong boses ang umalingawngaw sa ere at isang bugso ng hangin at kidlat ang lumapag sa pagitan ng dalawa.

Weng~~

Ang Wheel of Light and Darkness ay nasalag ng alon na kulay asul at hindi na makaabante pa sapagkat kaharap nito ang karagatan.

"Zhao Feng, ikaw…"