Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 501 - Ikaw ang Nagbigay ng Problema sa Sarili Mo

Chapter 501 - Ikaw ang Nagbigay ng Problema sa Sarili Mo

Sa itaas ng Golden Spear Blood Dragon Sedan, nakatayo si Tiemo nang mag-isa at habang malamig siyang nakatingin sa apat na True Lord Ranks.

Sina Empress Qin, Qin Sword Palace Master, at ang dalawang Elders ay parehong nababahala sa Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.

"Timeo, kung isa laban sa isa, siguradong hindi kita mapapantayan. Pero huwag mo kaming sisisihin sa pang-aapit ngayong marami kami."

Ang mga mata ng Qin Sword Palace Master ay agad na tumalim.

Siya ang pinakamalakas sa apat na True Lord Ranks at siya rin ang talagang pangunahing sandata nila laban kay Tiemo.

Subalit, ang unang umatake ay ang Qin Sword Palace Master.

"Qin Sword Twin Desolation!"

Ang Qin Sword Palace Master ay may hawak na Qin sa kabila niyang kamay at lumilipad naman ispada sa kabila pa.

Qiu!

Ang kanyang lumilipad na ispada ay nagningning sa tatlong kulay at gumawa ito ng tuloy-tuloy na ulan ng sword-beams.

Sa parehong pagkakataon, ang dagundong ng mga kabayo ay nagmula sa kanyang Qin at naging isang mental energy force na inatake si Tiemo.

"Sword Stopping Heaven and Earth!"

Ang Qin Sword Palace Elder ay agad na tumalon at humiwa patungo kay Tiemo.

Sa isang bigla, ang ispada ng First Elder ay naging pilak na guhit, at napuno ito ng intent ng isang hari.

Ano pa ang mas nakakamangha ay sapagkat ang kanilang atake ay perpektong umaayon sa isa't isa.

Ang kombinasyon ng kanilang mga atake ay tila Yin at Yang, at ang kanilang battle power ay mas malakas pa kaysa sa isang normal na True Lord Rank.

"Isang perpektong kombinasyon!"

Napabulalas sina Empress Qin at First Elder ng Liu Family. Hindi nila maisip na ang Qin Sword Palace Master at ang First Elder ay agad na kikilos.

Habang kaharap ang ganyang klaseng atake, ang mukha ni Tiemo ay nanatiling malamig.

Weng~~

Isang metal na aytem ang biglang nagpakita sa kanyang kanang braso at lumaki ito para maging isang itim at pilak na gulong na siyang umikot nang kay tingkad.

"Break!"

Ang itim at pilak na gulong ni Tiemo ay mabilis na umikot, at nakagawa ito ng mga magagandang liwanag na lumipad patungo sa First Elder ng Qin Sword Palace.

Hindi nagpatinag ang Qin Sword Palace First Elder at nakipagsagupaan ito.

Shuu~~~

Ang umiikot na gulong ay tumama sa sword beam at sinira ang opensa ng First Elder ng Qin Sword Palace.

Ding!!! Shu~~~

Ang mabilis na umikot na gulong na ito ay agad na tinamaan ang ispada ng Qin Sword Palace First Elder at nagkaroon ng mga kislap dahil dito.

"Ang aking Mystic Silver Divine Sword~~~!"

Napahiyaw agad ang First Elder nang hiwain ng gulong ang kanyang sandata.

Sa isang hininga lamang, ang ispada ng First Elder, na kasinglakas ng isang High-Tier Spiritual Grade, ay nagkaroon ng maliit na galos.

Ding!

Itinulak ng dalawa ang isa't isa, napalipad ang First Elder sa naganap at halos mapadura na siya ng dugo.

"Wheel of Light and Darkness!"

Ang iba pang mga True Lord Ranks, sina Jiang Sanfeng at Die Ye ay hindi mapigilang mapabulalas.

Ding!

Ang Wheel of Light and Darkness ay muling umikot at naging panalag na siyang tumama sa lumilipad na ispada ng Qin Sword Palace Master.

Bukod pa roon, ang Wheel of Light and Darkness ay umikot na nang sapat – kahit na sa pagdepensa – kung kaya kinaya rin nitong pinsalaan ang lumilipad na ispada.

Napasinghal ang Qin Sword Palace Master at halos mahulog na sa lapag ang kanyang lumilipad na ispada.

Shua!

Pagkatapos makumpleto ang lahat ng ito, ang sandata ni Tiemo ay naging isang brasong mekanikal.

Ang palitan ng atake sa pagitan ng tatlong True Lord Ranks ay nagtagal lamang ng ilang hininga at ang pagkakaiba sa kanilang lakas ay kita na agad.

Ang perpektong atake ng Qin Sword Palace Firsts Elder at ng Qin Sword Palace Master ay agad na napaglaho ni Tiemo nang biglaan sa halip na sugatan siya nang bahagya.

"Ang Tiemo na ito ay napakalakas. Karapat-dapat nga talaga siyang mangasiwa sa Iron Blood Religion."

Isang malaking galos ang naiwan sa First Elder na pilak ang buhok at ang kanyang paghinga ay bumilis nang ilang beses.

Sa sikretong pandayan na nasa ilalim ng lupa, tinatapos na nila Zhao Feng at Master Tiegan ang huling hakbang.

"Matatapos na ito sa loob ng isang oras…."

Halos lahat ng atensyon ni Zhao Feng ay nasa pagpapanday, pero nag-iwan pa rin naman siya ng kanyang kamalayan para sa labang nagaganap sa labas.

Ang battle power ni Tiemo at ang Wheel of Light and Darkness nito ay siyang ikinatinag ni Zhao Feng.

Dapat malaman ng isang tao na ang cultivation ng First Elder na may pilak na buhok ay malapit na sa True Lord Rank at kasama ng Qin Sword Palace Master, ang kanilang atake ay sapat na para pagbantaan ang mga Peak True Lord Ranks.

Subalit ang ganoong kalakas na atake ay agad na nasalag ni Tiemo at siya pa rin ang nakaaangat.

"Sabay-sabay tayong umatake. Si Tiemo ay kasama sa top three na pinakamalalakas na eksperto ng great country. Siguro tanging sila Grand Elder Long Mu lamang ang kayang talunin si Tiemo sa labanan ng isa sa isa."

Ang perpektong anyo ni Empress Qin ay lumipad sa ere.

Qiu! Qiu! Qiu~~~~

Ang mga lasong kulay bahaghari at halos isang dosenang yarda ang haba ay lumabas mula sa kanya habang sinusubukan nitong balutan si Tiemo.

Sa parehong pagkakataon, ang Liu Family First Elder, Qin Sword Palace Master, at Qin Sword Palace First Elder ay sabay-sabay na inatake si Tiemo sa magkakaibang direksyon.

Boom! Bam Bam~~~~~

Nakaramdam sila Zhao Feng at Master Tiegan ng matinding pagyanig, pero sa tulong ni Tiemo at ng Golden Spear Blood Dragon Sedan, halos 90% ng atake ay nasalag, o kung hindi, matagal nang nasira ang protective array.

"Zhao Feng, hindi kayang magtagal ng Deputy Patriarch laban sa apat na True Lord Ranks."

Nag-alala nang bahagya si Master Tiegan.

Siya ang naman ang katulong sa oras na ito at hindi ang mismong gumagawa kung kaya may oras pa siya at enerhiya para panooring ang laban sa itaas.

Nagsimula ang dumepensa si Tiemo at ang pag-atake niya ay pabawas nang pabawas.

Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye para suriin ang mga bagay bago napangiti nang bahagya, "Wala namang dapat alalahanin."

Kahit na ang Deputy Patriarch sa itaas ng Golden Spear Blood Dragon Sedan ay nakadepensa, napag-alaman ni Zhao Feng na walang bakas ng kahit anong takot sa kanyang mukha.

"Nauunawaan ako. Pinoprotektahan ng Deputy Patriarch ang pandayan, kung kaya kailangang nasa depensa siya."

Napagtanto ni Jiang Sanfeng.

"Hindi ba nangangahulugang hindi takot ang Deputy Patriarch sa apat na True Lord Ranks na magkakasama?"

Nagulat si Die Ye. Ayon sa mga usap-usapan, may sakit raw ang kasalukuyang Patriarch at ang lahat ng bagay ay pinapatakbo ng Deputy Patriarch.

Paano naman masusukat ang mga pamamaraan ni Tiemo gamit ang lohika? Siya ang pinuno ng Iron Blood Religion, na siyang lumaban sa Imperials, Liu Family, at Qin Sword Palace.

Ang opensa mula sa apat na True Lord Ranks ay lalong umiigting.

"Mukhang minaliit ko ang battle power ng Deputy Patriarch. Kung hindi ko ginamit ang eye bloodline ko at ilang mga hidden cards, mahirap para sa akin na matalo siya nang direktahan."

Kahit na isa o dalawang beses lamang tumingin si Zhao Feng sa itaas, mas alam niya ang sitwasyon higit man kanino.

Kung hindi dahil sa pinoprotektahan ni Tiemo ang pandayan, agad niyang matatalo ang apat na True Lord Ranks kahit magkakasama pa sila.

"Mukhang ang tsansa natin para mapatay ngayon si Zhao Feng ay napakaliit."

Hindi mapigilan ni Empress Qin na maging mapakla ang pakiramdam. Ang sunod-sunod niyang mga atake ay agad na nasalag ni Tiemo.

Ang ekspresyon ng iba pang tatlong True Lord Ranks ay taimtim.

Ang lakas ni Deputy Patriarch ay napakatindi, at ang kanyang Wheel of Light and Darkness ay napakahirap kalabanin sapagkat agad nitong nasisira ang mga sandata.

"Kahit na hindi natin mapatay si Zhao Feng, pwede naman nating istorbohin ang pagpapanday niya. Sa itsura niya, mukhang ginagawa niya ang ikalawang Wheel of Light and Darkness. Hindi natin siya pwedeng hayaan na magtagumpay."

Nagngitngit ang ngipin ng Qin Sword Palace Master habang sinasabi ito nang may disgusto sa mukha.

Ang iba pang True Lord Ranks ay binuksan ang kanilang spiritual sense at nakita nila ang sitwasyon sa pandayan.

Ang hugis ng ginagawa ni Zhao Feng ay mukhang ang ikalawang bersyon ng Wheel of Light and Darkness.

"Hindi natin siya pwedeng hayaan na magtagumpay. Kaya pala ganito, hindi nakapagtataka na binabantayan ng Deputy Patriarch ang lugar na ito."

Napasinghal ang First Elder na may pilak na buhok habang sinisimulan niyang asintahin ang sikretong pandayan.

"Kasuklam-suklam!"

Nagbago nang higit ang ekspresyon ni Tiemo habang minamanipula ang Wheel of Light and Darkness para salagin ang atake ng First Elder.

Subalit, ang iba pang tatlong True Lord Ranks ay itinuon ang kanilang mga atake sa pandayan.

Boom!

Nayanig ang pandayan sa ilalim ng lupa at halos matumba na ito.

"Ang mga True Lord Ranks na ito ay walang hiya…."

Malakas na pagmumura ni Master Tiegan. Subalit, sa kabilang panig, ayaw nilang makita ang ikalawang Wheel of Light and Darkness.

"Zhao Feng, kung wala kang gagawin, ang lahat ng ginawa natin ay masasayang lang."

Napabuntong hininga si Master Tiegan.

Ang pandayan ay hindi na magtatagal ng higit pa sa ilang bilang ng hininga.

Si Tiemo, na nasa Golden Spear Blood Dragon Sedan, ay wala na ring magawa.

Kahit na hindi siya takot sa apat na True Lord Ranks, hindi niya mapigilan ang natitirang kapangyarihan sa labanan na hindi maapektuhan ang pandayan. Bukod pa roon, ang mga atake ng kalaban ay doon na ngayon nakatuon.

"Hmph! Ikaw mismo ang nagbigay ng problema sa sarili mo. Huwag mo kong sisihin dahil pinapahirapan kita."

Isang malamig na boses na puno ng intensyong makapatay ang umalingawngaw sa ere, at ang mga puso ng apat na True Lord Ranks ay biglang nanigas.

"Iyan ang boses ng Chapter Leader!"

Napabulalas sina Jiang Sanfeng at Die Ye nang mapatingin sila sa itaas.

Shua!

Isang kabataang may asul na buhok ang nagpakita sa bayo ng hangin at kidlat sa itaas ng apat na True Lord Ranks.

"Zhao Feng!"

Ang ekspresyon ng lahat ay talagang nagbago.

Nagulat ang Deputy Patriarch pero nagsisisi siya. Ang proseso ng pagpapanday ni Zhao Feng ay naantala.

Sina Empress Qin, Qin Sword Palace Master at dalawa pang True Lord Ranks ay punong-puno ng gulat at pagkabahala.

Ang nakita lamang nila ay ang paggalaw ng Wind Lightning Yuan Qi. Tila ba si Zhao Feng ay bahagi na nito.

"Bilisan niyong tumakas! Wala tayong tsansa na manalo laban kay Zhao Feng at Tiemo nang magkasama sila."

Ang boses ng Qin Sword Palace Master ay nagmamadali.

_Retreat!_Hindi man lang nag-alangan ang apat.

Hindi nga nila matalo si Tiemo nang mag-isa, at ngayong andyan na si Zhao Feng, pagtakbo na lamang ang magagawa nila.

"Zhe zhe, kahit na hindi natin napatay si Zhao Feng, napatigil naman natin siya sa paggawa ng Wheel of Light and Darkness."

Panghahamak ng Liu Family First Elder sa malamig na paraan.

Ang apat na True Lord Ranks ay binuksan ang kanilang spiritual sense patungo sa pandayan.

Subalit, sa segundong nakalapit ang kanilang spiritual sense, nasunog ito ng isang malamig at madilim na aura.

Ang buong pandayan ay napuno ng madidilim na apoy.

Hindi lamang ang spiritual sense ng apat na True Lord Ranks ang nabigo na makita kung ano ang nangyayari roon, pero halos masaktan pa sila. Hindi nila mapigilang magulantang; anong klaseng nakasisindak na pag-iral ang nasa loob ng pandayan?