Nang ginagawa nila ang aktwal na Wheel of Light and Darkness ngayon, hindi na lamang isang tagatulong si Zhao Feng; siya na ang mismong gumagawa.
Ito ay dahil sa wala si Tiemo ngayon.
Ang cultivation ni Zhao Feng ay lagpas pa ng kay Master Tiegan, at ang kanyang Wind Lightning True Spirit Flame ay mas malakas sa tuwing nagpapanday siya.
Ang buong proseso ngayon ay mas simple. Pagkatapos ng lahat, nagawa na nila ang mas komplikadong bersyon nito dati.
"Napakatiyak talaga ng kontrol mo sa iyong eye bloodline."
Nasisiyahan talaga si Master Tiegan at naging kampante.
Si Zhao Feng ay may makapangyarihan na True Spirit Flame at isang perpektong kontrol. Ito ay napakahalaga kapag nagpapanday ng mga sandata.
"Matatapos na ito sa sampung araw o mas mababa pa, basta sangkapat lang ng huling ginawa."
Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naging mas tiyak lalo nang nirepina niya ang ibang bahagi.
Habang nagpapanday sila Zhao Feng at Master Tiegan, tinatrato sila na parang nasa isang seklusyon. Hindi sila pwedeng istorbohin.
Pagkatapos ng lahat, ang Wheel of Light and Darkness ay nagmula sa Heavens Legacy Inheritance, ang hirap sa paggawa nito ay ilang dosenang beses kaysa sa mga normal na aytems ng kaparehong antas o grade.
Sa loob ng Tiegan Palace.
"Sampung araw."
Narinig ni Jiang Sanfeng at Die Ye ang boses ni Zhao Feng.
Ngumiti nang bahagya si Die Ye, "Sinabihan ko na ang mga miyembro ng Religion bago pa tayo dumating sa Flooding Lake City. Sa ngayon, nakarating na siguro sa headquarters ang balita tungkol sa pagbabalik ni Zhao Feng."
Itinango ni Jiang Sanfeng ang kanyang ulo. Wala naman silang kahit anong aalahanin ngayon.
Sa Canopy Great Country, ang Iron Blood Religion ay napakalakas, at tanging mga Imperials lang ang lumalaban sa kanila.
Ang sampung araw ay hindi matagal o maiksi. Subalit, nararamdaman nila Jiang Sanfeng at Die na napakatagal nito. Basta ba makabalik lang si Zhao Feng sa main headquarters, ang kanilang misyon ay makukumpleto.
Walong araw ang nakalipas.
Weng~~
Isang himig ang nanggaling sa sikretong pandayan.
Kahit na may malakas na protective array, ang mga ekspertong nasa taas ay nararamdaman ang aurang matalim ng isang sandata.
"Ang pagpanday ay nasa huling yugto na siguro kung kaya ganyan na kalakas ang aura nito."
Naramdaman ni Jiang Sanfeng na kahit ang kanyang sandata ay agad na nanginig.
Ang bagong aura ay pinatunog ang lahat ng sandata sa loob ng Tiegan Palace.
Sa loob ng sikretong pandayan.
"Isang hakbang na lamang ang layo natin."
Nagpakawala si Zhao Feng ng mababaw na hininga habang isang bola mula sa hindi mabilang na bahagi ang sumilay sa kanyang kamay at nagniningning sa kidlat.
Hu~
Ang bola ay nilamon na ng kidlat at okasyonal itong kumikislap sa kulay na lila, isang senyales na ang lakas nito ay tumataas.
"Hindi ko akalain na ang Flame of True Spirit mo ay ganito kakakaiba na pati ang kontrol mo ay napakaperperkto…"
Biglang nakaramdam ng ligalig si Master Tiegan.
Ang pinasimpleng bersyon ng Wheel of Light and Darkness ay mas maganda pa kaysa sa inaasahan sapagkat ang kontrol at lakas ng True Spirit ni Zhao Feng ay mas mataas rin kaysa sa inaakala ng lahat.
Ang oras ay mabagal na tumakbo. Ang aura ng bola sa harap ni Zhao Feng ay nagsimula nang matipon at ang mga bahagi nito ay nagsimula nang gumalaw.
_Hmm?_
Sa huling kritikal na pagkakataon, biglang may naramdaman si Zhao Feng na papunta sa kanya ay napatingin siya sa direksyong iyon.
Subalit, ito na ang huling hakbang at hindi mangangahas si Zhao Feng na mawalan ng konsentrasyon o kung hindi, ang lahat nang ito ay isang kabiguan na lamang.
Sa isang bundok sa likod ng Tiegan Mountain.
Qiu Qiu Qiu Qiu~~~~
Apat na anyo ang nagsagupaan sa ere at ang kanilang mga aura ang siyang nagpatahimik sa mga nalalapit na hayop.
Ang apat na anyo na ito ay binubuo ng dalawang babae at dalawang lalaki.
Ang dalawang babae ay nakagugulantang ang ganda, at ang isa kanila ay kayang sumira ng bansa gamit lamang ang kanyang itsura. Nakasuot siya ng isang palace gown, at ang kanyang balingkinitang katawan ay napupuno ng walang hanggang humaling.
"Empress Qin, gamit ang tulong mo, ang tsansa naming magtagumpay ay higit na tataas."
Ang isa pang eleganteng babae ay nagngitngit ang ngipin habang nakatingin ito sa direksyon ng Tiegan Mountain nang may pagkamuhi.
Itinaas niya ang kanyang kamay at isang ancieng Qin na kulay berde at lumilipad na ispada ang sumilay.
Qin Sword Twin Desolation.
Siya ang Qin Sword Palace Master na lubhang nasaktan ni Zhao Feng dati. Kahit na napakaganda niya at elegante, si Empress Qin, na may espesyalisasyon sa Dao of Charm, ay nalalagpasan siya.
Ngumiti si Empress Qin nang lumingon siya sa dalawang lalaki, "Kahit na wala ang tulong ko, ang Qin Sword Palace Master at ang Liu Family Elder pati na rin ang Qin Sword Palace Elder ay agad na magagapi si Zhao Feng. Gamit ang suporta ng Palace Master, hindi makakalipad paalis si Zhao Feng kahit may mga pakpak pa siya."
Ang mga aura ng dalawang lalaki ay mas malakas kaysa sa dalawang babae.
Ang isa ay ang First Elder ng Qin Sword Palace. Mayroon siyang malamig na ekpresyon, pilak na buhok at mukhang nasa 30-40 taong gulang na ito, pero mahirap pa rin tantsahin ang tunay niyang edad.
Subalit, ang kanyang aura ay malapit na sa Peak True Lord Rank at siya ang nangingimbabaw sa kanilang apat.
Ang isa pa ay isang Elder na nakaroba ng luma at nasa True Lord Rank na rin. Siya naman ang First Elder ng Liu Family.
Silang apat ay lahat nasa antas ng True Lord Rank.
"Huwag mong maliitin si Zhao Feng. Noong tatlo lamang kami, mayroon lang kami 70-80% na tsansa para matalo siya, pero hindi namin siya mapapatay. Gusto naming tumulong ang Flooding Lake City Lord, pero ginamit niya ang 'seklusyon' bilang dahilan. Sa kabutihang palad, nakasalubong namin si Empress Qin habang nasa daan."
Ang Qin Sword Palace Master ay kalmado at malamig. Hindi siya nabubulag ng pagkamuhi.
Ang pagkapahiya na ibinigay sa kanya ni Zhao Feng sa Flooding Lake City ay naukit sa kanyang mga buto, at sa pagbalik niya sa Qin Sword Palace, nakilala niya ang dalawang First Elder habang naglalaban ang mga itos.
Agad na pinayagan ng Qin Sword Palace at ng Liu Family na mga First Elders na maghiganti ang Palace Master.
Kung kaya naririto sila sa kasalukuyang eksena.
Ang apat na True Lord Ranks ay nagpakita sa Tiegan Mountain.
Ang pinagkaiba lamang, sa halip na ang Flooding Lake City Lord ang naririto, si Empress Qin ang siyang naroon.
"Bago ako umalis, sinabihan ako ni Master na sundan ang momentum at umasang maialis ang mga problema sa pagitan ko at ni Zhao Feng….
Naalala ni Empress Qin ang sinabi sa kanya ng Sage.
Ang pagsunod sa momentum ay ayos lang – hindi naman isang insekto si Empress Qin na tatayo na lamang sa daan ng isang karwahe – pero nang isipin niya kung paano siya ginawang bihag ni Zhao Feng, hindi niya mabitawan ito.
Sa kabutihang palad, nakasalubong niya ang tatlong ito sa daan. Isa itong magandang pagkakataon para mapatay si Zhao Feng.
"Dapat mamatay si Zhao Feng. Kapag nagkita na sila ng Iron Blood Religion, muli na namang magagapin ang Imperials."
Ang paghihirap at pag-aalangan ay agad na napalitan ng pagiging desidido at ng layuning makapatay. Hindi niya hahayaang mawala ang tsansang paslangin si Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay isa lang naman sa limang Napakahusay na Prodigies at may hindi mapantayang potensyal. Kapag naabot niya na ang sukdulan niya, hindi na maisip ni Empress Qin kung anong kahihinatnan ng Imperials.
"Nahanap na ng spiritual sense ko si Zhao Feng. Hehe, ang galing. May oras pala siya para magpanday ng sandata?"
Pagkutya ng First Elder ng Qin Sword Palace.
Mula sa apat, ang kanyang cultivation ang pinakamataas kung kaya siya rin ang agad na nakahanap kay Zhao Feng.
Kinumpirma ng iba pang True Lord Ranks ang lokasyon ni Zhao Feng.
"Huwag niyo siya hayaang makatakas. Ang kanyang eye bloodline ay kakaiba at mukhang naramdaman niya na ang presensiya natin."
Ang apat na True Lord Ranks ay naging apat na guhit ng liwanag at agad na tumungo sa Tiegan Palace.
Qiu Qiu Qiu Qiu~~~~
Ang apat na True Lord Ranks ay pumuwesto na sa apat na direksyon habang pinapalibutan ang Tiegan Palace. Ang True Lord Rank intent nila ay siyang nagpanginig sa Heaven at Earth Yuan Qi.
Agad na nagkagulo ang Tiegan Palace.
"Zhao Feng, ayokong pumatay ng mga inosente. Lumabas ka na at harapin kami."
Ang mga mata ng Qin Sword Palace Master ay malamig habang ipinukol niya ang kanyang lumilipad na ispada.
Boom!
Ang gusali na nasa itaas ng pandayan ay agad na nawasak, pero hindi umabot ang ispada sa mismong pinagpapandayan nila sapagkat nasalag ito ng protective array.
Subalit, ganoon pa man, naramdaman ni Zhao Feng at Master Tiegan na nanginig ang buong pandayan.
"Isang hakbang na lang ang layo ko para makupmpleto ito."
Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng.
Kailangan niyang ituon ang atensyon sa kanyang ginagawa, dahil kapag hindi, mabibigo silang lahat.
Ngunit, ang apat na True Lord Ranks ay ngayon pa nagpakita.
Hindi naman takot si Zhao Feng sa apat na True Lord Ranks na ito. Ayaw niya lang talaga na mabigo siya sa sandatang ginagawa niya ngayon.
"Qin Sword Palace at Liu Family. Huwag niyong iisipin na ang Iron Blood Religion ay takot sa inyo."
Tumayo si Jiang Sanfeng at Die Ye, baliat-sa-balikat, at hindi tumatakas.
Alam nilang nasa huling yugto na si Zhao Feng at kailangan lang nilang patagalin ito nang kaunti.
"Iron Blood Religion? Sa tingin mo hindi ko kayo papatayin?"
Panghahamak ng Qin Sword Palace Master.
Kahit na nababahala siya sa Iron Blood Religion, ang Qin Sword Palace ay isang pwersa na nasa ilalim lamang ng Imperials at ng Iron Blood Religion.
Bukod pa roon, ang Qin Sword Palace sa ngayon ay nasa kaparehong panig ng Imperials.
"Hehehe… Sino naman ang may ganyang kabibigat na salita at gusto nilang saktan ang mga miyembro ng Iron Blood Religion?"
Isang boses na puno ng malamig na intensyon ang bumungad sa kabilang panig ng Tiegan Mountain.
Habang nasa ere, isang sedan na may ispada at patalim na nakapulupot sa isa't isa ang siyang nagpakita. Buhat-buhat ito ng apat na True Human Rank Experts.
"Golden Spear Blood Dragon Sedan!"
Agad na nagbago ang ekspresyon ng apat na True Lord Ranks.
Hindi naman sila kabilang sa kakarampot na tao na hindi alam ang Golden Spear Blood Dragon Sedan.
Kapag nagpakita na ang Golden Spear Blood Dragon Sedan, nangangahulugan ito na magpapakita rin ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.
"Isang pagbati, Deputy Patriarch."
Yumuko sina Jiang Sanfeng at Die Ye. Hindi na sila nagulat na nagpakita ang Golden Spear Blood Dragon Sedan.
Natanggap na ni Tiemo ang balitang babalik si Zhao Feng kalahating buwan ang nakalilipas kung kaya agad siyang nagpunta rito.
Dumating na siya rito dalawang araw ang nakalilipas pero hindi muna siya nagpakita para hindi maistorbo si Zhao Feng.
Tanging sa pagkakataon lamang na ito kung saan nagpakita ang apat na True Lord Ranks saka rin siya nagpakita.
"Samahan niyo ako rito."
Iwinagayway ni Tiemo ang kanyang kamay at pinaupo si Jiang Sanfeng at Die Ye sa sedan.
Weng~
Pagkatapos noon, ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay bumaba na sa pandayan.
"Tiemo, sa tingin mo ba kaya mo kaming salagin na apat gamit lamang ang sarili mo?"
Panghahamak ng First Elder ng Qin Sword Palace.
Kung cultivation lang naman ang pag-uusapan, hindi naman tataas sa kanya si Tiemo, at apat rin naman silang True Lord Ranks, kasama na ang Qin Sword Palace Master na may espeyalisasyon sa pagtutulungan.
"Halika't subukan niyo ako."
Napasinghal ang may kulay dugong buhok na si Tiemo habang nakatayo siya sa kanyang sedan at kaharap ang apat na True Lord Ranks.