Ang panghuhula ng Sage ay ikinalungkot ng lahat ng bisita at hindi sila mapakalma.
Hindi mahirap unawain ang resulta ng divination. Ang mga kababalik lamang sa inheritance ay may walang kapantay na hinaharap, samantalang ang mga hindi na bualik ay patay na o kaya naman ay haharap ng maraming kamalasan.
Sa pagkakataong iyon, sina Zhao Feng, Mo Tianyi at iba pang mga bisita ay tahimik at may kakaibang ekspresyon.
Sinuri muna ng Sage si Zhao Feng bago sagutin ang mga tanong nito.
Hindi nagtagal, kumalma na rin ang puso ni Zhao Feng.
Mabuti na rin at alam ko ang kalagayan ni Yufei. Ang Purple Saint Partial Spirit ay binigyan ako ng Purle Saint Token na siyang nakakonekta sa Purple Saint Ruins.""
Isang kulay lilang token ang nagpakita sa palad ni Zhao Feng. Ito ang Purple Saint Toen, na siyang nagbibigay ng mahinang alon bago nawala.
Pinaliwanag na ng Purple Saint Partial Spirit kung paano gamitin ang token dati. Kaya nitong buksan ang daan patungo sa inheritance, at kung kailangan ni Zhaoo Yufei ng kahit ano, o gustong pumunta ni Zhao Feng sa Purple Saint Ruins, pwede itong mangyari sa pamamagitan ng Purple Saint Token.
Subalit, limitado lamang ito sa tatlong gamit.
"Ang pinakatanong ay kung buhay pa ba si Qinxin o hindi na."
Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng.
Mabagal na lumipas ang oras. Ang mga bisita ay nagsimula nang umalis pagkatapos ng isa; gabi na, at ang Sage ay pagod na at gusto nang mamahinga.
Sina Zhao Feng at Mo Tianyi ay hindi pa umaalis.
"Sage, kailangan ko pa ho ng inyong tulong."
Mabagal na sambit ni Zhao Feng.
Hindi na nagulat pa ang Sage at saka ngumiti, "Andito ka ba para kay Liu Qinxin?"
"Tama iyan. Pwede ko bang tanungin kung buhay pa siya Sage o hindi na?"
Dumiretso agad si Zhao Feng sa kanyang punto.
Ang panghuhula na sinabi ni Sage ay para sa buong grupo, pero tungkol lamang sa iisang tao ang itinatanong ni Zhao Feng ngayon.
"Zhao Feng, ang Liu Qinxin na iyon ay pumasok sa isang inheritance na napakalayo at walang mga bakas. Gusto mong tanungin si Master kung buhay pa ba siya o hindi? Kaaawa-awa!"
Umalingawngaw ang boses ni Empress Qin.
Hindi ito pinansin ni Zhao Feng at tumitig lamang kay Sage habang nakaangkla sa iisang kapiranggot ng pag-asa.
Alam niyang ang panghuhula ay nangangailangan ng iilang dami ng impormasyon at mga bakas.
Syempre may alam si Empress Qin kahit kaunti sa Dao of Life, kung kaya alam niyang kulang sila sa impormasyon at wala pa silang malalamang kongkreto tungkol doon.
"Zhao Feng, hindi ko masasagot ang tanong na iyan."
Ang Sage ay tumayo habang nasa likod ang kanyang mga kamay. Walang mga bakas ng emosyon ang makikita sa kanya.
Hindi niya masasagot?
Huminto si Zhao Feng. Hindi naman sinabi ng Sage kung pwede niya bang hulaan o hindi, ang sabi niya hindi niya "masagot".
"Sage, ayon sa aking nalalaman, ikaw ang grandmaster ni Qinxin."
Hindi pa rin sumuko si Zhao Feng. Napagtanto niyang may alam ang Sage pero ayaw lang nitong sabihin sa kanya. Subalit, habang lalo siyang nagiging ganyan, mas lalo siyang nag-aalala para kay Liu Qinxin.
Hindi na tumanggi pa ang Sage. Tumahimik muna siya bago nagsalita, "Si Qinxin ay napakatalentado lalo na sa Dao of Life at Dao of the Qin. Gustong-gusto ko siya, at inihahanda ko siya para maging tagapagmana ko pero pagkatapos niyang lumabas sa inheritance. Sa kasamaang palad…"
Hanggang sa magsalita rin, napabuntong hininga si Sage. Tila ba ang tadhana ay ginawa siyang kaaawa-awa.
"Hindi ba makita ng Zhao Feng an ito na patay na si Qinxin? Bakit pa ng aba hindi siya kayang sagutin ni Master?"
Mapangutyang isip ni Empress Qin.
Siya at si Liu Qinxin ay magkalaban. Sinabihan siya ng master ni Liu Qinxin na palitan rin ang kanyang pangalan at itulad kay Empress Qin para mapalitan ang kanyang tadhana at labanan ang kalangitan.
Alam ni Empress Qin ito at kinaiinisan ang nangyari.
"Kung hindi ako makakakuha ng sagot, mananataling masikip ang aking puso."
Yumuko si Zhao Feng kay Sage.
"Zhao Feng, hindi kita msasagot. Ang resulta kapag binago ko ang tadhana ay isang bagay na hindi ko kayang panghawakan."
Iniiling ng Sage ang kanyang ulo nang mapait.
Nang marinig ito, kahit si Empress Qin ay nagulantang.
Mukhang nababahala ang Sage sa isang bagay. Hind siya nangangahas na baguhin ang tadhana ni Zhao Feng, kung hindi, iba ang mangyayari.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita ng pag-unawa.
Miao!
Ang malaking tamad na pusa ay kumislot ang mga mata at nagtapon ito ng lumang tansong barya sa hangin. Tinignan nito si Zhao Feng sa nang matagal bago ito nagpakita ng ekspresyon na takot na takot.
"Ano ang nangyayari? Mukhang may alam ang Sage tungkol sa akin, pero natatakot siyang mabago ito sapagkat ang resulta ay nakakasira?"
Maraming tanong si Zhao Feng.
"Pwede lamang kitang bigyan ng mga direksyon. Wala namang bagay gaya ng tiyak na kamalasan o tiyak na kasuwertehan. Kahit ang mga namamatay ay pwedeng mabuhay. Halimbawa, ang isa sa walong God Eyes, ang Eye of Rebirth, ay may kapangyarihang buhayin ang isang tao."
Kalmadong sabi ni Sage.
Ang Eye of Rebirth, isa sa mga walong God Eyes?
Naramdaman ni Zhao Feng na kumislot ang kanyang kaliwang mata nang marinig ito.
"Mayroong isang eye bloodline na kayang iwaksi ang nais ng kalangitan at kaya ring makontrol ang buhay at kamatayan?"
Gulat na gulat si Zhao Feng.
Kahit na ang mga salitang "pagkontrol sa buhay at kamatayan" ay mukhang lumilitaw naman sa mga espesyal na aytems o resources, pero ang "kamatayan" na ito ay isang pagkakataon kung saan hindi pa naman talaga patay ang tao.
Sa kabilang banda, ang Eye of Rebirth ay isang reperensya ng Sage sa kakayahang buhayin ang isang tao kahit naging abo na sila at ang kanilang kaluluwa ay wala na.
"Syempre, nasa mga alamat lang naman ito. Ang Eight Great God Eyes ay namumuno sa kalupaan at ang bawat isa ay may kakayahang iwinawaksi ang kalooban ng langit. Ang Eye of Rebirth ay isa lamang sa kanila."
Ngumiti ang Sage.
Isa o dalawa lamang ang alam ni Zhao Feng sa mga alamat ng Eight Great God Eyes.
Ganoon rin, ang Eight Great God Eyes ay ang mga ninuno ng lahat ng eye bloodlines sa mundo.
Kahit nga ang Purple Saint Partial Spirit ay sinabing may mga inheritances ang Eight Great God Eyes.
Para naman sa kung bakit ang inheritances ng Eight Great God Eyes ay hindi bumaba sa Azure Flower Continent, hindi alam ni Zhao Feng kung bakit.
Baka napakalakas nila at ang Azure Flower Continent ay hindi sapat para tanggapin sila, o baka dahil sa kadahilanang napakalayo nila at ang Dragon Blessing ng Azure Flower Continent ay kulang pa.
"Salamat, Sage. Wala namang kahit ano ang tiyak sa mundo. Kung magiging malakas ako, baka mabago ko ang lahat."
Mukhang may naintindihan si Zhao Feng at pinasalamatan niyang muli ang Sage.
Nang banggitin ng Sage ang Eight Great God Eyes, ang bloodline ni Zhao Feng ay biglang napuno ng tuwa at pagnanasnag makipaglaban.
"Eight Great God Eyes… Ten Thousand Ancient Races… Balang araw ay kakaharapin ko rin kayong lahat."
Biglaang nagbago ang layunin ni Zhao Feng, at ang lahat ng ito ay dahil kay Sage.
"Ngayon, alam mo na ba ang gagawin?"
Mayroong bakas ng kasiyahan sa mga mata ni Sage.
"Nauunawaan ho ng batang ito."
Ang paninikip sa puso ni Zhao Feng ay unti-unti nang lumuluwag habang ang kanyang daan at paningin sa buhay ay lumilinaw.
Nagningning ang kanyang mga mata, "Isang araw, aalis ako sa kontinenteng ito at maglalakbay sa panlabas na mundo kung saan ang mga two-star at three-star sects ay naroroon… Kapag malakas na ako, pwede na akong pumunta ng diretso sa Sky Saint Qin Inheritance."
Biglaang nalinis ang puso ni Zhao Feng. Ang natira na lamang ay ang pag-asa niya upang magawa ang mga ito.
Sa mismong iyon, ipinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at ang kanyang kaluluwa ay nalinis at mas nalipon.
Sa ilang hininga lamang, ang estado ng puso ni Zhao Feng ay umangat na.
Ang kanyang mental energy level ay umabot sa Peak True Lord Rank at maikukumpara sa Half-Step Origin Core Realm.
Kahit na hindi tumaas ang kapangyarihan ng kanyang kaluluwa, naging mas dalisay naman ito.
Kung babalikan sa Purple Saint Ruins, ang Wood Spirit Essence Soul ay nagpahintulot sa kaluluwa ni Zhao Feng na tumaas ang antas nang ilang talon at dami.
Subalit, hindi naging maayos ang pundasyon niya dahil dito, pero sa pamamagitan ng tulong ng Sage, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay muling naayos.
"Salamat, Sage. May isa pa akong tanong bago ako umalis…."
Inabot ni Zhao Feng at hinawakan ang kanyang kaliwang mata.
"Nalaman ko na ang tungkol sa eye bloodline mo matagal na. May kaugnayan ito sa Ten Thousand Ancient Races, pero ang saktong pinagmulan nito ay hindi na kaya ng panghuhula ko. Subalit, sigurado akong may potensyal ito na maabot ang Eight Great God Eyes."
Sambit ng Sage.
Nang marinig ito, nagulat si Zhao Feng. Ang Sage ay may alam pala sa kanyang God's Spiritual Eye at pareho rin sila nang sinabi ni Purple Saint Partial Spirit.
Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay may kinalaman sa Ten Thousand Ancient Races.
"Potensyal na maabot ang Eight Great God Eyes?"
Nagulantang sina Mo Tianyi at Empress Qin.
Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay may potensyal na maabot ang antas ng Eight Great God Eyes, kahit ang tsansa nito aya napakaliit.
Siguro ay hindi alam nila Mo Tianyi at Empress Qin kung gaano kalakas ang Eight Great God Eyes, pero maalamat sila para maituring na walong pinakamalalakas na eye bloodlines sa buong mundo.
Kahit si Zhao Feng ay nagulat rin sa kanyang sarili. Hindi niya akalain na may ganoon palang potensyal ang kanyang eye bloodline.
Ang Eight Great Gode Eyes ay ang simula ng lahat ng eye bloodlines.
Halimbawa, ang Eye of Rebirth, na sinasabi ni Sage ay kayang buhayin ang mga tao. Ano pa ang kaya nilang gawin kung nagagawa naman nila ang mga hiwagang ito?
Mabuti na lang at sa ngayon, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay wala pa sa ganoong antas.
Pagkatapos ng huling tanong, tumayo na si Zhao Feng at handa nang umalis.
"Zhao Feng!"
Agad silang hinabol ni Mo Tianyi.
"Mo Tianyi, nag-aalala k aba kay Yufei?"
Mukhang inaasahan na ito ni Zhao Feng at ngumiti siya nang bahagya.
"Kapatid na Zhao, wala namang mga tagalabas ditto. Ikaw lang naman ang pumasok rito sa misteryosong inheritance kasama si Yufei. Kumusta na siya? Buhay pa ba siya?"
Huminga nang malalim si Mo Tianyi. Sa halip na tanungin si Sage, mas mabuting tanungin niya na lang si Zhao Feng.