Ang itsura ng pusang kulay pilak-at-itim ay agad na umagaw ng atesiyon sa maraming tao.
Mula sa reaksiyon ni Empress Qi, ang pusa na ito ay posibleng isa sa palaging kasama ng Sage .
"Ang Sage ba ay exiting seclusion?"
Ang mga mata ng bisita ay lumiwanag at sila ay napuno ng kaapurahan at pag-asa.
Ang sabi sa mga tsismis na mayroon raw na isang kakaibang pusang palaging kasama ng Sage. Ngayon na nabigla ang Six Warlock Divine Tower sa pusa, ang ibig sabihin ba nito na ang Sage ay mayroong exited seclusion?
" Ang pusang ito…"
Huminto si Zhao Feng, at ang kaniyang mata ay kumislap.
Mayroon siyang sariling pusa, ngunit ang pinaka importante, na ang kabaliwan ng pusa na ito ay naglalaman ng hindi maipaliwanag na katalinuhan na hindi maikukumpara sa mga normal na beasts.
Ito ay isang pagkakatulad sa pagitan ng munting magnanakaw na pusa at nitong malaking baliw na pusa.
Bukod pa dito, ang tiyempo ng hitsura ng malaking baliw na pusa ay sobrang hindi sinasadya.
Ito ay dumating ng si Zhao Feng at Empress Qi ay nakakandado na sa isa't isa, at naramdaman ni Zhao Feng na ito ay hindi isang pagkakataon lamang.
Dapat malaman ng isa, na siya ay nag-iisip lamang tungkol sa kung paano niya gagalitin ng husto ang Empress Qi, at kung hindi man ay atatakihin na lamang niya ito sa kaniyang lugar.
"Malaking baliw na pusa, kailan lalabas si Master sa seclusion?
Inatake ni Empresa Qi ang balahibo ng pusa na may kulay pilak at itim, at kinuha niya rin ang ilang mga Spiritual Pills upang pakainin ang pusa.
Kasabay nito, siya ay bumuntong hininga.
Sa ngayong pagtatangkang pag atake laban kay Zhao Feng, naramdaman ni Empress Qi ang mapanganib na pakiramdam na nagmumula sa kaniya. Sa kabutihang palad, napigil ang nakanenerbiyos na atmospera sa pagitan ng dalawa dahil sa hitsura ng malaking tamad na pusa.
Miao!
Ang malaking tamad na pusa ay nasiyahan matapos makakain ng ilang Spiritual Pills.
Ding! Ding! Ding!
Sumandal ang malaking tamad na pusa sa katawan ni Empress Qi habang hinahagis nito ang ilang lumang tansong barya sa hangin.
Dahil sa eksenang ito ay napaurong ang mga mag-aaral ni Zhao Feng.
Pagkatapos nito, kumaway ang malaking tamad na pusa gamit ang kaniyang paa.
"Sinasabi mo na tapos na ang Master, ngunit pagod at kikitain niya na lamang ang mga bisita mamaya?"
Tanong ni Empress Qi.
Tumango ang malaking tamad na pusa at kinaway ulit ang kaniyang paa.
"Nais ng Master na makipag-usap sa akin muna? "
Pagdinig nito, labis na natuwa si Empress Qi. Sinundan niya ang malaking tamad na pusa at naglakad patungo sa Six Warlock Divine Tower.
Miao!
Habang ang malaking tamad na pusa ang nangunguna sa daan, walang sino man sa mga eksperto ng Six Warlock Divine Tower ang pumigil sa kanila, ngunit ang ibang mga bisita ay pinigilan ang lahat na nasa labas ng tower, kasama na rito si Zhao feng.
"Pari, kung ang Sage ay maaaring kitain si Empress Qi, maaari bang kami rin ay papasukin?"
Malinaw na ayaw sila papasukin ng mga bisita.
"Hindi, tanging si Empress Qi lamang ang imbitado. Kung wala ang pahintulot ng Sage, walang makakapasok."
Ang mga guwardiya ay hindi nagagalaw.
"Lord Lazy Cat, pahintulot papasukin mo kami."
"Hehe, Lord Lazy Cat, mayroon akong ilang mga natatangi at bihirang magagandang pusa para sa iyong kasiyahan…"
"Isang pagbati Lord Lazy Cat, narito ang ilang mga regalo para sa iyo."
Ang mga bisitang ito ay malinaw na tuso, sinusubukan ang iba't ibang mga paraan upang makisalamuha sa malaking tamad na pusa.
Ang malaking tamad na pusa ay hindi umalis sa tabi ng Sage at mayroon itong malalim na relasiyon sa kaniya.
Ibig-sabihin lamang nito na siya ang representante ng Sage, at maaaring nakadepende ang lahat sa isang salita na mula sa pusang ito.
Miao!
Ang malaking tamad na pusa ay tumingin sa mga tao na may pangmamata at lumalakad patungo sa tore.
"Bwisit!"
Ang lahat ng mga bisita ay nataranta, kabilang na si Mo Tianyi.
Marami sa kanila ang may mahahalagang bagay na hindi maaaring maantala.
Kumunot ang kilay ni Zhao Feng. Ang dahilan ni Liu Qinxin ay napakahalaga. Kahit na walang pagbanggit sa anumang ibang aspeto, ito ay isang buhol na puso na kinakailangang ayusin.
Miao miao!
Isang pamilyar na tunog ang nagmula sa tabi ng tainga ni Zhao Feng.
Miao?
Ang katawan ng malaking tamad na pusa ay agad na bumaling.
Isang kulay pilak-abo na pusa, na halos kalahating laki ng malaking tamad na pusa at may mga mata na parang mga hiyas, na nakaupo sa balikat ni Zhao Feng.
Ding! Ding!
Ang munting magnanakaw na pusa ay nagtapon ng ilang mga lumang tansong barya sa hangin at tumingin ng mahinahon sa malaking tamad na pusa.
"Munting magnanakaw na pusa, ang tamad na pusa ba na ito ay mula sa inyong lahi?"
Si Zhao Feng ay may kakaibang ekspresiyon.
Pagkatapos ng lahat, maraming mga pagkakatulad sa pagitan ng dalawa, at kung ang dalawa ito ay nagustuhan ang isa't isa, marahil maaaring mabilis na makita ni Zhao Feng ang Sage.
Miao miao!
Mayabang na kinaway ng munting magnanakaw na pusa ang kaniyang paa, ikinumpas-kumpas niya ito na iyon ang "nag-iisa sa ilalim ng langit," puno ng pagpapagalit ng tumingin ito sa malaking tamad na pusa."
Miao!
Ang malaking tamad na pusa at tila nagagalit na ng lumitaw ang malamig at babala sa kaniyang mga mata.
Inilabas nito ang kaniyang mga ngipin at winagayway ang mga paa nito,
at mahirap isipin kung ano ang sinasabi ng malaking tamad na pusa; "Ito ang aking teritoryo. Ako ang hepe rito."
Miao miao!
Inalis ng munting magnanakaw na pusa ang mga lumang tansong barya, pagkatapos ay tumalikod at sinimulang kinendeng ang kaniyang puwit patungo sa malaking tamad na pusa.
Huminto ang malaking tamad na pusa. Ito ay nalilito, ngunit may nakita siyang isang bahid ng dilaw na ihi sa pagitan ng mga binti ng munting magnanakaw na pusa.
"Hahahaha! Malakas ang loob ng magnanakaw na pusang ito. Mang-ahas pang umihi sa harap ng Six Warlock Divine Tower."
Maraming mga tao na sa una ay nasindak, pagkatapos ay nagsimulang nag-ingay sa katatawa.
Biglang lumamig ang mukha ni Empress Qi. Sariwa parin sa kaniyang ala-ala ang munting magnanakaw na pusa. Noon sa Capital, ang munting magnanakaw na pusang ito ang tumulong kay Zhao Feng upang siya'y maagaw.
Miao!
Ang malaking tamad na pusa ay agad na nagalit. Ito ay umungol at nagpadala ng isang malamig na di-nakikitang intent patungo sa munting pusa na nagdulot sa pagnginig ng mga puso ng ilang na sa True Lord Ranks.
Malinaw na nasaktan ang munting mananakaw na pusa sa aksiyon na ginawa ng malaking tamad na pusa.
Ang bundok ay hindi maaaring magkaroon ng dalawang tigre, at ito ang teritoryo ng malaking tamad na pusa. Paanon ito pinahintulutan ng isa pang pusa na umuhi sa harap niya?
Shua!
Isang malabong itim na anino ang lumabasa sa hangin, at kahit na ang malaking tamad na pusa ay mataba, nakarating agad ito nang mabilis sa harap ng munting magnanakaw na pusa.
_Sobrang bilis!_
Nabigla ang mga eksperto na nasa True Spirit Realm.
Kung ang pag-uusapan ay bilis, ang malaking tamad na pusa ay nalagpasan ang karamihan sa mga taong narito.
Sa susunod na sandali.
Pa!
Ang malaking tamad na pusa ay sumalakay patungo sa munting magnanakaw na pusa. Kung ang pag-uusapan naman ay sukat at lakas, ito ay nalampasan na ng munting magnanakaw na pusa.
Whoosh!
Ang anyo ng munting magnanakaw na pusa ay nag kalat, ito ay isa lamang anino.
Miao!
Nagulat ang malaking tamad na pusa at biglang nakaramdam ng isang bugso ng hangin mula sa kaniyang likuran.
Miao miao!
Ang munting magnanakaw na pusa ay parang isang multo na bigla nalang lumitaw sa likuran ng malaking tamad na pusa at inatake ang ulo nito.
Pa!
Ang malaking tamad na pusa ay umubo na may galit bago pa man maharang ng paa ng munting magnanakaw na pusa at tinulak sa likuran ng ilang yarda ang layo.
Miao miao!
Ang munting magnanakaw na pusa ay pumilantik sa hangin at maayos na bumagsak sa lupa bago pa man siya mawala ulit.
Malinaw na ang munting magnanakaw na pusa ay walang kalamangan pagdating sa lakas.
Ang malaking tamad na pusa ay ngumiti nang mapanukso bago naging isang anino at agad na sinundan ang munting magnanakaw na pusa.
Tanging ang God's Spriritual Eye lamang ni Zhao Feng ang tanging nakakakita ng malinaw sa munting magnanakaw na pusa.
"Ang malaking tamad na pusa na ito ay hindi lamang simple. Kaya nitong habulin ang munting magnanakaw na pusa kahit sa malawak."
Bahagyang nagulat si Zhao Feng.
Noon sa Purple Saint Ruins, hindi mahanap ni Lu Tianyi at Ye Yanyu ang munting magnanakaw na pusa kung hindi sila ang nagbabantay.
Ceng! Ceng! Sou! Shua!
Sa harap ng Six Warlock Divine Tower, isang anyo ng malaki at maliit na pusa ang nag-aaway pabalik-balik.
Ang mata ng mga bisita ay nanlaki, ngunit halos lahat ay hindi makita ang kahit anong detalye.
"Tunay ngang karapat-dapat si Zhao Feng bilang isang Overwhelming Prodigy. Kahit ang pusa lamang nito ay kapantay na ng pusa ng Sage."
"kahit na ang dalawang pusa na ito ay maliit, ang kanilang lakas at kakayahan ay higit pa sa normal beasts."
Ang True Lord Ranks ay mayroong matutulis na tingin, kaya masasabi nila na ang kasaysayan ng dalawang pusang ito ay hindi simple.
"Ang pusa ni Zhao Feng ay kayang aktwal na makipaglaban sa malaking tamad na pusa ng Master?"
Panggagalaiti at selos ang lumitaw sa mga mata ni Empress Qi.
Alam niya ang kakayahan ng malaking tamad na pusa. Kung mayroon siyang katulad nito, kasama ng kaniyang lakas at katalinuhan, maaaring sapat na ito upang kontrolin ang kapalaran ng Canopy Great Country.
Gayon pa man, mayroong pusa na kapantay ng malaking tamad na pusa, at ito ay alaga ng isang kaaway.
Bam! Pa! Shuuu~~~
Ang dalawang pusa ay parehong kumikislap sa hangin, at ito ay pabilis ng pabilis.
Ang malaking tamad na pusa ay mas angat sa kapangyarihan, kaya't tinutulak nito ang munting magnanakaw na pusa tuwing sila ay magkakasalungatan sa ulo.
Sa kabilang banda, ang munting magnanakaw na pusa naman ay maliksi, kaya kaya nitong lituhin ang malaking tamad na pusa gamit pati narin ang mga paa nito.
Subalit, ang malaking tamad na pusa ay hindi normal; ito ay bahagya lamang naaapektohan ng nakamamanhang epekto.
Dagdag pa dito, hanggat hindi pa ito natatamaan sa ulo, hindi ito masisindak.
Miao miao~~~~!
Ang munting magnanakaw na pusa ay bigla na lamang sumigaw at malawak na iwinagayway ang kaniyang mga paa, at ipinadala ang kaniyang paw-shadows sa pamamagitan ng hangin.
Nagulat ang malaking tamad na pusa at nagsimulang mawala ang kaniyang kalamangan. Kahit na ang balat nito ay makapal at medyo mabilis, ang madugong mga marka ang naiiwan sa kaniyang katawan sa tuwing matatamaan ito ng paw-shadows.
"Hmm? Ito ba ang inheretance na mula sa mysterious dagger?"
Ang mga mata ni Zhao Feng ay lumiwanag. Sa oras na ito, hindi talaga inilabas ng munting magnanakaw ang kaniyang mysterious dagger, sa halip hiniram lamang nito ang kaniyang intent.
Hindi ito mahirap isipin, kung si Zhao Feng ay kayang makakuha ng katalastasan mula sa Ice Imperial Spear, ang munting magnanakaw na pusa rin ay kayang maintindihan ang mysterious dagger.
_Pag-intindi? Ang isang pusa na ilang taong gulang lamang ang maaaring gawin iyon?_
Lalong nagtaka si Zhao Feng tungkol sa nakaraan ng munting magnanakaw na pusa.
Sa simula, ang munting magnanakaw na pusa ay nagmula sa pisang itlog. Ito ay kahina-hinala, dahil ang mga pusa ay mammals, at ang mammals ay malinaw na hindi nagmula sa mga itlog.
Miao miao!
Ang battle-intent ng munting magnanakaw na pusa ay lalong lumitaw ng itulak nito ang malaking tamad na pusa papunta sa Six Warlock Divine Tower.
"Master, ang dalawang pusa ay nag-aaway na ngayon sa loob ng tore."
Sinabi ng mga pari sa puting-may-balbas na elder na umubo kanina na may dugo.
Ang malaking tamad na pusa ang representante ng Sage at, ngayon na maaaring makipag-away ito sa isa pang pusa na kapareho niya ng lahi, hindi nila alam kung ano ang gagawin.
"Hindi tayo dalubhasa sa labanan. Ang kasaysayan ng magnanakaw na pusa na iyan ay hindi malaman katulad ng malaking tamad na pusa, at mukhang konektado ito sa Dao of Life at hea na hindi tayo dalubhasa sa labanan ng ven's legacy. Marahil ito ang mananayaw ng kapalaran."