Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 495 - Nagkita ang mga Magkakalaban

Chapter 495 - Nagkita ang mga Magkakalaban

Ang pagdating ni Zhao Feng ay nagdulot ng pag-uusap mula sa mga

taong nasa harap ng Six Warlock Divine Tower.

"Si Zhao Feng ay isa sa limang mahuhusay na mga prodigies mula sa

Sacred True Dragon Gaethering."

Ang iba sa mga tao ay madali siyang nakilala. Halos isang taon na ang

nakalipas noong matapos ang Sacred True Dragon Gathering, at ang mga pangalan ng mga mahuhusay na mga prodigiesay kumalat na sa buong kontinente.

Sa lahat ng limang mga mahuhusay na mga prodigies, sina Zhao Feng at Lu Tianhao ang tinaguriang Lord Prodigies na nakakuha ng

pinakamataas na posisyon sa panahon na iyon.

Pinagmasdan ni Zhao Feng ang mga kumpol ng tao at saka nakita ang

mga pamilyar na mga anyo.

Nandoon sila Prince Jin, Tian Yunzhi, at kahit si Mo Tianyi mula sa

Heavenly Yuan Clan.

Maliban sa kanila, mayroon ding nakakaakit na babae na nakasuot ng

itim na may aura na sobrang kakaiba.

Nang makita ng babaeng naka itim na suot si Zhao Feng, siya ay

bahagyang napatigil.

"Zhao Feng, nakabalik ka mula sa inheritance? Kamusta na si Sister

Yufei? Agarng tanong ni Mo Tianyi nang makuta niya si Zhao Feng.

Ang buong dahilan kung bakit siya ay nasa Six Wakrlock Divine Tower ay para makumpirma kung si Zhao Yufei ay buhay pa o patay na.

Siya ay hindi pa nakakabalik sa kontinente kahit na napunta ito sa

mysterious inheritance sa loob ng anim na buwan, ngunit ang Heavenly Yuan Clan ay hindi sumuko.

Nang nagtanong si Mo Tianyi, ang lahat ng mga eksperto na nasa True

Spirit Realm – lalo na ang mga nasa True Lord Rank – ay nakinig.

Ang pinakabagong Sacred True Dragon Gathering ang pinakamagandang nangyari sa loob ng maraming milenya. Hindi lamang ang apat na dakilang inheritances ang lumapag, nakilala rin ang isang makapangyarihang unknown inheritance.

Bago ito, ang dalawa ay pumasok sa unkown inheritance at hindi na

nakabalik, ngunit ngayon, isa sa kanila ang nakabalik, kaya ang iba ay

nagtataka.

"Mo Tianyi."

Maputlang ngumiti si Zhao Feng at hindi agarang nakasagot sa tanong.

Maraming tao ang nasa harap ng Six Warlick Divine Tower. Bakit niya

agarang ibibigay ang impormasiyong nakuha niya tungkol sa unkown

inhwritance?

Bahagyang nakaramdam ng pagkailang si Mo Tianyi. Minadali niya ito. Hindi ito magandang lugar para pag-usapan ang mga sikreto.

Ang mga taong halatang nakikinig ay nabigo, at ang mga kilay ng True

Lord Ranks ay tumaas, malinaw na sila'y hindi nakuntento.

Tumayo ng may kumpiyansang ngiti si Zhao Feng at ang kanjyang mga kamay ay inilagay niya sa kaniyang likod. Sa kaniyang lakas, siya ay walang kinakatakutan.

"Brother Zhao, nagulat ako na makita kita dito. Naniniwala akong

matutuwa ang mg elders mula sa Heavenly Yuan Clan na makita ka."

Ngumiti si Mo Tianyi at binati si Zhao Feng. Hindi siya agad sumunod sa mysterious inheritance.

Sila Prince Jin, Tian Yunzhi, at ang iba pa ay lumapit para batiin si Zhao Feng. Kahit na ang mga hindi siya kilala ay bumati rin para ipakilala ang kanilang mga sarili.

Isang karangalan ang makausap ang isang mahusay sa prodigy, at ang

ganoong pangyayari ay maaaring maipagyabang sa kanilang mga

kaibigan.

Mapagkumbabang nakipag-usap si Zhao Feng sa mga eksperto.

"Dahil ang lahat ay naghihintay dito, anong nangyayari sa sa Six

Warlock Divine Tower?"

Tanong ni Zhao Feng. Halatang maraming tao dito ang gustong

magtanong para sa gabay o kaya nama'y gusto ng divination.

Gustong magpasalamat ni Tian Yunzhi sa Sage at naratanggap ng mga

gabay.

Narito si Mo Tianyi upang magtanong sa Sage upang mahanap ang

lokasiyon ni Zhao Yufei.

"Ang Sage ay nasa tagong lugar sa loob ng mga buwan at inaaral ang

hinaharap ng kontinente."

"Walang nakakaalam kung kailan lalabas ang Sage. Maaaring malapit na o matagal pa."

"Tama iyon, lahat kami ay naghihintay para sa Sage. Ito na ang aming

tiyansa."

Bulalas ng lahat ng tao.

Naintindihan ni,Zhao Feng ang buod ng sitwasiyon matapos marinig ang lahat. Ibig sabihin: ito ay isang linya, at ang lahat ay naghihintay.

"Kailangan kong magawa ang Wheel of Light at Darkness at bumalik sa punong himpilan ng Iron Blood Religion…."

Naisip ni Zhao Feng. Hindi na siya makapaghintay pa, ngunit kapag siya ay umalis sa kalagitnaan, maaaring mawala ang tiyansa niyang malita ang Sage.

Nang lumabas sa pagtatago ang Sage, ang Sage ay nagsimulang lumibot sa buong lugar. Mahihirapan ang lahat na makita ang Sage sa mga oras na iyan.

Sou! Sou!

Sina Jiang Sanfeng at Die ye ay lumipad at saka lumapag sa kabilaang panig ni Zhao Feng.

"Chpater Leader, hayaan mong subukan ko ito. Kapag nalaman ng Sage na isa sa mga mahuhusay na prodigies ay nandito, ay maaari siyang lumabas."

Ngumiti si Jiang Sanfeng sa kaniyang sinabi. Nais niyang matapos ito sa lalong madaling panahon uoang makabalik na si Zhao Feng sa Iron Blood Religion.

Hindi ito pinigilan ni Zhao Feng, ang kaniyang katahimikan ang

nagpahiwatig na dapat subukan ito ni Jiang Sanfeng.

"Sana ang mga pari mula sa Six Warlock Divine Tower ay mag-ulat kay Chapter Leader Zhao, isa sa mga limang mahuhusay na mga prodigies, ay nandirito."

Itinaas ni Jiang Sanfeng ang kaniyang ulo at saka sumigaw sa mga anyo na nasa Six Warlock Divines Tower.

Maliban sa legendary sage, mayroon ding mga eksperto at mga pari ay

narito.

"Isa sa limang mahuhusay na mga prodigies?"

Ang mga anyo mula sa Six Warlock Divine Twoer ay nagtayakang

tumingin sa ibaba. Kunsabagay, hindi lamang ang sage ang maaaring

makapg-aral ng mga bagay-bagay.

"Ang limang mga mahuhusay na mga prodigies ay nakalampas sa mga nakaraang mga henerasiyon at pangungungunahan ang hinaharao ng kontinenteng ito."

Ang iba sa mga pari ay alam ang ibang divination.

Samakatuwid, ang panlabas na itsura ni Zhao Feng ay nakaakit din ng

kuryosidad ng ibang mga eksperto sa loob ng Six Warlock Divine Tower.

Ang ibang mga eksperto sa divination ay tumingin kay Zhao Feng ng

may kumikislap na mga mata at nagsimulang pag-aralan ang kanyang hinaharap.

Gayon pa man, karamihan sa kanila ay hindi nakakita ng kahit na anong resulta.

Ang isa sa mga elders na may puting balbas ay ipinikit ang kaniyang mga mata at nagsimulang pag-aralan ito habang nanginginig ang kanyang katawan.

Wah!

Isang guhit ng dugo ang lumabas mula sa bibig ng elder na may puting balbas.

"Master!"

Ang mga paring nasa malapit ay napasigaw nang lumapit sila para

suportahan ito.

"Tunay ngang nararapat siya bilang isang mahusay na prodigy. Minsan nang sinabi ng Sage na pamumunuan nila ang peak ng kontinente at may malapit na koneksiyon sa legacy of the heavens."

Ang matandang lalaki na may puting balbas ay pinahid ang dugo nang

pinagmasdan niyang mabuti ang batang may asul na buhok.

Ang panandaliang kaguluhan sa Six Warlock Divine Tower ay nagdulot sa mga tao para tumingin sa isa't isa.

Walang nag-akala na ang isang Master ng divination ay uubo ng dugo

habang gumagawa ng divination kay Zhao Feng.

Nanatiling 'di gumagalaw si Zhao Feng at hindi na inabala pa ang mga

pari sa Six Warlock Divine Tower.

"Ang mga Seniors ng Six Warlock Divine Tower, ang Chapter Leader ay mayroong importantwng isyu na itatanong sa Sage. Umaasa akong

papapasukin ninyo siya."

Mabilis na sabi ni Jiang Sanfeng.

Nang marinig ito, ang grupo sa harao nh Six Waelock Divine Tower ay

umasa.

Siguro'y makakatanggap na espesiyal na pagtrato ang isang mahusay na prodigy mula sa Six Warlock Divine Tower.

Malamig na ekspresiyon ang kumislap sa mga mata ng babaeng

nababalutan ng itim na kasuotan na katabi ni Prince Jin.

Ang matandang lalaki na may puting balbas mula sa Six Warlock Divine Tower ay umubo, "Ang sabi ng Sage ay lalabas siya kapag dumating na ang tamang oras. Kahit na interesado akong tulungan ang isang mahusay na prodigy, ay wala akong kakayahan na katulad ng sa Sage…."

Nang marinig niya ito, ang grupo ay nabigo.

Hindi na nagulat si Zhao Feng. Siya tumingin sa babaeng naka-itim na

katabi ni Prince Jin.

"Empress, ang tagal nating hindi nagkita."

Ngumiti si Zhao Feng. Ang kaniyang mga titig ay tila tumatagos sa itim na belo na bumabalot sa mukha ng babae.

"Ikaw…"

Ang babae ay nagulat at saka umubo ng malamig nang tinanggal niya

ang kaniyang itim na belo, nagpapakita ng isang kakaibang mukha.

Ang bawat aksiyon at paghinga niya ay nagdadala ng matataas na bilang ng alindog.

_Empress Qin!_

Ang mga eksperto na nandoon ay nagulat.

Karamihan sa kanila ay hindi alam na pati si Empress Qin ay naghihintay din sa Sage.

"Kahit na ang disciple ng Sage ay kailangang maghintay, mukhang

mahihirapan tayong makita ang Sage."

Katamihan sa kanila ay umiling at bumuntong hininga na lamang.

Nang ipakita ni Empress Qin ang kaniyang sarili, ang paligid ay naging tensiyonado.

Tumitig sa isa't isa sina Zhao Feng at Empress Qin. Sa huli ay hindi

naitago ang kaniyang kalamigan o ang kaniyang intent, na naglalabas ng kaniyang aura ng True Lord Rank.

Noon, ang balitang kinuha ni Zhao Feng si Empress Qin ay nagpagulat sa great country.

Kailan pa napahiya ang Empress Qin maliban doon?

Ngayong nagkita silang muli, ang kaniyang mga mata ay naging pula.

"Zhao Feng, ang utos para sa iyo ng Imperials ay hindi pa tapos."

Walang pagrespeto si Empress Qin kay Zhao Feng. Alam rin niyang

walang epekto ang Dao of Charm niya sa mahusay na prodigy na ito.

"Tama ba iyon? Buweno, wala naman sa isip ko na kuhanin ka ulit."

Tumawa si Zhao Feng na may pang-asar na ngiti.

_Kuhaning muli si Empress Qin?_

Nang marinig ito, ang puso ng lahat ay nagulat.

Si Zhao Feng ay mayabang talaga; ang kaniyang lakas ng loob ay

nakaabot na sa mga langit.

Kailangan nilang malaman, na ito ay ang Canopy Great Country, na

pinamumunuan ng mga Imperials.

"Ikaw… anong karapatan mo para sabihin sa akin iyan..?"

Namula ang mukha ni Empress Qin, at tumibok ng mabilis ang mga puso ng karamihan.

Nanatiling nakatayo at hindi naaapektuhan si Zhao Feng.

Ang dalawa ay tumingin sa isa't isa, at kahit na galit si Empress Qin, siya ay walang ginawa.

Si Prince Jin, na nasa likod ni Empress Qin, ay natulala. Hindi niya maisip kung anong level na ang naabot ni Zhao Feng para kasuwal na laitin si Empress Qin.

At muli, ang balitang ito ay kumalat, ang mga sabi-sabi ay paniguradong nagsasabi na si Zhao Feng ay ginalit na naman si Empress Qin, na nagpatuloy sa pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng mga Imperials at ng Iron Blood Religion.

Kapag ito ay lumala, ay maaari itong magdulot ng giyera sa pagitan ng

dalawa.

"Ang Empress Qin na ito ay pinigilan ang kaniyang sarili na umatake sa akin?"

Nag-iisip si Zhao Feng kung paano gagalit si Empress Qin o kaya naman ay kung pabagsakin niya na lamang ito ngayon.

Sa mga oras na iyon.

Miao!

Isang kakaibang tunog ng pusa ang umalingawngaw sa himpapawid.

_Hmm?_

Ang mga puso ng karamihan ay nagulat nang tumingin sila sa Six

Warlock Divine Tower.

Ceng!

Isang kulay pilak-at-itim sa pusa ang tamad na humikab nang ito'y

tumalon sa Six Warlock Divine Tower.

"Ito ba ang pusa nsa laging kasama ng Sage?"

Nagliwanag ang mga mata ng karamihan.

Nakarinig na sila ng maraming balita tungkol sa Sage, at laging lamang itong pare-pareho; laging mayroong pusa na laging kasama ng Sage kahit na saan pa ito magpunta.

Ceng!

Isang tamad na kulay pilak-at-itim na pusa ang tumalon sa balikat ni

Empress Qin.

"Malaking tamad na pusa, hindi ka natutulog?"

Si Empress Qin ay nagkaroon ng masayang ekspresiyon, Tila ba pamilyar siya sa malaking tamad na pusang ito.