Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 494 - Six Warlock Divine Tower

Chapter 494 - Six Warlock Divine Tower

_Six Warlock Divine Sage?_

Ang mga mata ni Zhao Feng ay kumislap nang tumingin siya patungo kina Jiang Sanfeng at Die Ye na nasa tabi niya.

Hindi ito ang unang beses na narinig niya ang Six Warlock Divine Sage.

Bigla niyang naalala si Liu Qinxin habang kinukuwento nito ang istorya ng Sage na kumukuha ng mga disciples.

Ang Sage ay kumuha ng tatlong babaeng disciples na nagcucultivate ng Dao of Life, Dao of Charm, at ng Dao of Entertainment.

Ang isang nagcucultivate ng Dao of Charm ay si Empress Qin. Ang impormasiyong ito ay hindi naman sikreto sa mga upper echelon ng Canopy Great Country.

Ayon sa sinabi ni Liu Qinxin, ang taong nagcucultivate ng Dao of Entertainment ay ang kaniyang ina, na pinatay ni Empress Qin.

Ang pinuno ni Qinxin ay ang taong nagcucultivate ng Dao of Life, at ang kanyang pinuno ay sinabihan siyang palitan ang kaniyang pangalan dahil maaaring maapektuhan ang kaniyang hinaharap.

Ibig sabihin ay si Liu Qinxin ang batang cultivator ng Dao of Life at ng Dao of Entertainment.

Isang imahe ang mabagal na nabuo sa utak ni Zhao Feng.

"Ibig sabihin, nag senior ni Qinxin ay ang Six Warlick Divine Sage."

Hindi naiwasang sabi ni Zhao Feng.

"Tama iyon, si Qin ay nakipagkita sa Sage bago pa maganap ang Sacred True Dragon Gathering. Sa mga iras na iyon, kinalkula ng Sage ang tiyansa ng Heaven's Legacy Inheritance na nakakonekta sa kontinentw ay tumataas."

Nagsimulang mag-isip ang Flooding Lake City Lord.

Natahimik si Zhao Feng. Tila ang Six Warlock Divine Sage ay hindi magiging simple.

Kahit na ang pagpunta nina Jiang Sanfeng at Die Ye sa Cloud area ay mayroong Six Warlock Divine Sage sa likod nito.

Sa oras na iyon, si Zhao Feng ay naguguluhan kung bakit siguradong-sigurado ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion na si Zhao Feng ay hindi namatay sa Inheritance at kung bakit ginawa ng Deputy Patriarch ang lahat para mahanap siya.

Kung hindi bumalik ang isa man lang sa loob ng matagal na panahon, paniguradong sila ay mamatay.

"Nakipagkita nga ang Deputy Patriarch sa Sage at nagpadala ng mga tao para hanapin si Chapter Leader Zhao. At isa tayo sa mga grupong ipinadala sa Cloud area.

Tumango si Jiang Sanfeng at kinumpirma ito.

_Tama nga_

Ang mga mata ni Zhao Feng ay kumislap. Mas maraming impormasiyon ang nalalaman niya, ay mas nagiging misteryoso ang Sage.

Kahit na hindi sumasali ang Six Warlock Divine Sage sa mga usapan sa Canopy Great Country, ang kaniyang estado ay napakataas.

Ang Sage ay napaka-maalam at halos alam na niya ang lahat – ang mga arrays, divination, heyograpiya…

May mga sabi-sabi na kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay bumisita sa Sage.

"Mukhang kailangan ko pumunta sa Six Warlock Divine Tower."

Pasya ni Zhao Feng at saka dahan-dahang tumayo.

Sa umpisa nito, siya at ang Flooding Lake City Lord ay maglaban dahil sa Iron Blood Religion at sa relasiyon niya sa pamilyang Liu. Panigurading alam ito ng Flooding Lake City Lord at alam niya ring hindi puwedeng magtagal si Zhao Feng sa loob ng matagal na

panahon.

"Zhao Feng, ang Sage ay gustong nag-iisa lamang at hindi rin nakipagkita kay Empress Qin."

Babala ng Flooding Lake City Lord.

Si Empree Qin ay isa sa mga disciple ng Sage, kaya maraming nakakaalam na mahirap makipagkita sa Sage lalo na't hindi rin siya nakikipagkita sa kaniyang disciple.

"Gaano man ito kahirap, ang mas mahalaga ay sinubukan ko."

Tumayo si Zhao Feng, nagbigay ng paalam, at saka umalis sa City Lord's Palace kasama sina Jiang Sanfeng at Die Ye.

Sa mga oras na iyon, ang mga eksperto sa pamilyang Liu na malapit sa Flooding Lake City ay nanonood lang na kuhanin ng kulay ginto-at-berdeng ibon ang tatlo paalis. Walang sinuman ang pumigil sa kanila.

Matapos ang ilang sandali, ang balita na natalo ni Zhao Feng ang dalawang True Lord Ranks ay kumalat sa buong Flooding Lake City.

Maaaring isipin ito, sa 'di katagalang nang kumalat ang balita, ang balitang bumalik na si Zhao Feng sa kontinente ay kumalat na din sa buong Canopy Great Country.

"Kailangan muna nating pumunta sa Tiegan Mountain."

Maputlang sabi ni Zhao Feng nang umupo siya sa kulay ginto-at-berdeng ibon.

Kahit na naguguluhan si Jiang Sanfeng, hindi siya nagdalawang isip na nagpunta patungo sa Tiegan Mountain.

Ang kalahating oras ay naubos gaya ng sa paggawa ng tsaa, at sa 'di

katagalan ay nakita na ni Zhao Feng si Master Tiegan.

"Zhao Feng, nagbalik ka?"

Nagulat si Master Tiegan. Halos lumuwa na ang mga mata niya nang

makita niya si Zhao Feng.

Matapos ang Sacred True Dragon Gathering, si Zhao Feng ay itinuring ng isang mahusay na prodigy, at maraming mga balita na siya'y hindi na nakabalik sa kaniyang inheritance.

Kagaya ng karamihan, ay inakala rin ni Master Tiegan na si Zhao Feng ay nawalan ng pag-asa atnamatay sa inheritance.

"Master Tiegan, narito ako ngayon para sa isang bagay."

Prangkang sabi ni Zhao Feng.

Dalawang taon na ang nakalipas, si Zhoa Feng ay pumunta rito para

sumali sa paggawa ng Wheel of Light at Darkness.

Kahit na hindi nakita ni Zhao Feng ang orihinal na plano nito at hindi

gaanong sumali sa importantwng proseso ng paggawa, alam niya ang

lahat ng tungkol sa mga parte nito.

Ang mga imahe ng mga parte ay malinaw pa rin sa kaniyang isipan.

Hindi ito magiging mahirap kung gusto nilang gumawa ng mas

madaling bersiyon ng Wheel of Light at Darkness.

"Sa kasalukuyang lagay ng iyong cultivation at kontrol, hindi ka na

mahihirapang gumawa ng mas simpleng bersiyon ng Wheel of Light at Darkness, o kahit na ang buong bagay na ito, kung ikaw ay lamang ay sumama sa akin."

Tumawa si Master Tiegan. Malinaw napakalaki ng kumpiyansa niya sa

sarili sa harap ni Zhao Feng.

Noong tagumpay nilang ginawa ang Wheel of Light at Darkness, ang

kalahating paggawa nito ay tinapos ni Zhao Feng.

Sa oras na iyon, si Zhao Feng ay nasa ika-anim o ika-pitong Sky of the

Ascended Realm, at ang kapangyarihan ng kaniyang eye bloodline ay

hindi pa kasing lakas ngayon.

"Siyempre, iyan ay kung mayroon kang materyales. Naniniwala akong

hindi ganiyan kahirap ang Iron Blood Religion. Gayon pa man, kung

gusto mong gumawa ng kumpletong Wheel of Light at Darkness,

kinakailangan mo ng pahintulot ng Deputy Patriarch, dahik kailangan

kong isikreto ang orihinal na plano."

Ang mga sinabi ni Master Tiegan ay napansin niya. Kahit na gustong

gumawa ni Zhao Feng ng mas simpleng bersiyon, ang halaga ng mga

resources na kailangan ay malaki pa rin.

"Hindi mo na kailangang problemahin ang mga resources. At saka, hindi ko kailangan ng kumpletong bersiyon."

Ang ngiti ni Zhao Feng ay napuno ng kumpiyansa sa sarili.

Gaano karaming nasirang giyera ang kaniyang nakuha mula sa Purple

Saint Ruins at pinatay na mga True Lord Ranks?

Dahil sa limitasiyon ng cultivation ng First Elder, hindi niya sana

magagamit ang kumpletong bersiyon ng Wheel of Light at Darkness.

Alam ng lahat na ang half-step Origin Realm cultivation ng Deputy

Patriarch ay sapat na para magamit ang kapangyarihan ng Wheel of

Light at Darkness.

Matapos ang ilang sandali, sina Zhao Feng at Master Tiegan ay pumasok na sa pagawaan.

Shua!

Naglabas si Zhao Feng ng mga katangi-tanging mga resources, at

bundok-bundok na mga primal crystal stones.

"Sapat na ba ang mga ito?"

Tanong ni Zhao Feng.

"Ito'y…. Ito'y sapat pa sa sapat para gumawa ng totoong bagay."

Natuwa ang mga mata ni Master Tiegan; napuno ito ng kasiyahan at

pagmamahal nang tumingin sa kumpol na mga resources.

Karamihan sa mga resources ay katangi-tangi.

Noong gustong gumawa ng Deputy Patriarch ng Wheel of Light at

Darkness, siya'y kulang kulang pa sa mga resources, at kahit na ang Iron Blood Religion ay nahirapan ding gumawa.

Gayon pa man, si Zhao Feng ay tila hindi nahirapan sa pagkuha ng mga resources.

"Ang halaga ng mga resources na ito ay mas sapat pa para gumawa ng

totoong bagay na gusto mo, ngunit kakailangan ng kalahating buwan

para magawa ito."

Sabi ni Master Tiegan.

Kahit na halos parehas na sa orihinal na resources ang mga kinuhang

resources ni Zhao Feng, ito'y may pagkakaiba pa rin.

"Sige, sa loob ng kalahating buwan, makakapunta na ako sa Six Warlock Divine Tower."

Hindi na nagulat si Zhao Feng.

Nagpadala siya ng mga tao para maghanap ng mga resources sa Cloud

area, ngunit dahil ang Cloud area ay napakalayo, ang ibang mga

resources ay hindi nahanap at nangangailangan ng mga kapalit.

Matapos magawa ang tungkulin, sila Zhao Feng, Jiang Sanfeng, at Die Ye ay umalis na.

"Napakayaman ng Zhao Feng na ito."

Hindi naiwasang mag-isip ni Master Tiegan nang umalis ang tatlo.

Ang mga resources na kinuha ni Zhao Feng ay mas mahal ng sampung

beses na halaga ng simpleng Wheel of Light at Darkness, ngunit ibinigay ni Zhao Feng ang mga tira-tira niya kay Master Tiegan bilang kabayarin.

Hindi rin alam ni Master Tiegan na mayroong legendary Earth-Grade na gamit si Zhao Feng. Anong paki niya sa mga materyales ng Spiritual-Grade?

Kahit na pagsama-samahin ang sampung libong Spiritual-Grade hindi ito magiging kasing halaga ng materyales ng Earth-Grade.

Ang puwesto ng kumpletong Wheel of Light at Darkness ay nasa pagitan ng High-Tier at Peak-Tier Spiritual-Grade.

Isang mas simpleng bersiyon ang mas mataas ng kaunti sa normal na

Middle-Tier Spiritual-Grade sapagkat kailangan nitong gumana gamit ang kamay ng First Elder.

Dang! Dang! Dang!

Matapos umalis ng tatlo, ang mga materyales sa pagawaan ay

nagsimulang manginig, na para silang natatakot.

_Anong nangyayari?_

Emosiyonal na nagbago ang ekspresiyon ni Master Tiegan. Hindi ito

nangyati kahit nang magawa ang Wheel of Light at Darkness.

Gayon pa man, bilang isang blacksmith, naalala niya ang pagkabalisa ng mga materyales na kaniyang ginawa nang pumasok sa pagawaan si Zhao Feng.

Nang umalis si Zhao Feng, tila nakahinga ng malalim ang mga ito.

"Ang tanging materyales na nasa Peak-tier Spiritual-Grade o Earth-

Grade ay ang tanging may epekto dito… ngunit halos ay nasa kamay ng mga Sovereigns."

Inisip ni Master Tiegan ang mga sikreto ni Zhao Feng.

Malalipas ang ilang araw, ang kulay ginto-at-berdeng ibon ay pumasok sa kailaliman ng burol.

"Chapter Leader, malapit na tayo sa Six Warlock Divine Tower."

Tumuro paharap si Die Ye.

Ngumiti si Zhao Feng, "Nakita ko na ito."

Nakita ng kaniyang God's Spiritual Eye ang isang mataas na toreng itim na may anim na gilid.

Ang Six Warlick Duvine Tower ay mayroong forty-nine na palapac, at

ito'y nababalutan ng misteryosong kapangyarihan na bahagyang

humarang sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Bilang paggalang, ay hindi pinaikot ni Zhao Feng ang kapangyarihan na kaniyang bloodline sakaling hindi matuwa ang Sage.

Sou! Sou! Sou!

Ang tatlo ay itinago ang kulay ginto-at-berdeng ibon at saka lumapag sa harap ng Six Warlock Divine Tower.

Shua!

Si Zhao Feng ang unang dumating at hindi niya itinago ang kaniyang

aura ng True Lord Rank.

Kasalukuyang napakaraming mga bisita dito. Karamihan sa kanila ay

mula sa True Spirit Realm, at apat o lima sa kanila ay mga True Lord

Rank.

"Panibagong True Lord Rank ang dumating, at siya'y napakabata pa."

Ang mga ekspresiyon ng mga bisita ay nagbago.

Kahit na ang ibang mga True Lord Ranks ay pinagmasdan si Zhao Feng sa gulat.

"Siya iyon…. Siya talaga iyon!"

"Zhao Feng, isa sa limang mahuhusay na mga prodigies ng Sacred True Dragon Gathering."

Ang mga bulalas ay nanggaling sa mga bisita. Karamihan sa kanila ay

nakilala si Zhao Feng.

_Hmm?_

Nakakita rin si Zhao Feng ng mga pamilyar na mga anyo.