Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 491 - Qin Sword Palace Master

Chapter 491 - Qin Sword Palace Master

Sa loob ng eleganteng gusali sa City Lord's Palace.

Isang lalaki at babae ang magkaharap na naka-upo sa isa't isa.

"Qin Sword Palace Master, naparito ka para sa Sky Qin Nine Music kahit na galing ka pa sa Flooding Lake City Lord?"

Umupo nang tuwid ang Flooding Lake City Lord, ngunit may kalamigan pa rin sa kanyang ekspresiyon.

Ang babae sa harap niya ay mukhang nasa twenty-seven o twenty-eight na taong gulang pa lamang at nagtataglay ng 'di pangkaraniwnag na kagandahan.

Mahirap isipin na ang kagandahang ito ay isang pinuno ng isa sa walong pinaka-dakilang puwersa sa Canopy Great Country – ang Qin Sword Palace.

"Liu Jiutian, magkakilala na tayo dati pa. Ang Sky Qin Nine Music ay isang napakalakas na skill mula sa Dao of the Qin at may kaugnayan sa Qin Sword Nine Mystic Technique ng Qin Sword Palace. Ang musika ay walang halaga para sa iyo."

Ngumiti ang Qin Sword Palace Masters at sinubukang kumbinsihin ang Flooding Lake City Lord.

"Alam kong interesado ka sa Sky Qin Nine Music. Kahit si Empress Qin ay ganoon din."

Kalmadong sabi ng Flooding Lake City Lord. Walang bahid ng emosyon ang makikita sa kaniyang mukha.

"Empress Qin? Nagpunta siya para hanapin ka din?"

Napataas ng kilay ang Qin Sword Palace Master.

Ang estado ni Empress Qin ay napakataas at kahit ang Palace Master ay nag-iingat din sa kaniya.

Bukod pa rito, ang Qin Sword Palace at ang pamilya ng Liu ay parehong nasa panig ng mga Imperials.

Sina Empress Qin at Qin Sword Palace Master ay parehong babae sa great country na may pinakamataas na estado at lakas.

Kung ang dalawa ay parehong gusto ang isang bagay, kahit na ang mga True Lord Ranks ay mahihirapan, upang 'di magkaroon ng pinsala sa parehong panig.

"Tinanggihan ko na si Empress Qin."

Ang sabi ng Flooding Lake City Lord.

"Tinanggihan mo si Empress Qin?"

Nag marinig ito, ang Qin Sword Palace Master ay kalahating natuwa at kalahating nabahala.

"Masaya siya dahil hindi ito nakuha ni Empress Qin, ngunit nag-aalala siya na hindi rin ibigay sa kaniya ng City Lord kung tinanggihan na niya si Empress Qin.

"Ang musika ay iniwan ng ina ni Qinxin, kaya pinapahalagahan talaga ito ni Qinxin. Kahit na ito'y hindi mahalaga para sa akin, hindi ko ito ibibigay ng agad-agaran."

Umiling ang Flooding Lake City Lord, ipinapakita ang kaniyang desisyon.

Hindi na nagulat ang Qin Sword Palace Master. Ang Flooding Lake City Lord ay isang klase ng tao na napakamatapat sa kaniyang nararamdaman. Hindi magiging madali na kumbinsihin siya."

Nagsimula siyang mag-isip kung paano niya makukumbinsi ang Flooding Lake City Lord.

Sa mga oras na iyon, mga nagmamadaling hakbang ang narinig sa labas ng pinto.

"City Lord, hindi ito maganda~~~~!"

Isang sigaw ang nagmula sa labas.

_Hmm?_

Bahagyang nagalit ang Flooding Lake City Lord, "Anong nangyayari?"

Ang gusaling ito ay ang lugar kung saan mag-isang pumasok ang City Lord.

Kadalasan, kapag narito ang City Lord, walang sinuman ang puwedeng gumambala sa kaniya.

Bukod pa rito, siya nakikipag-usap pa kay Qin Sword Palace Master.

"May malaking kaganapan bang nagyari?"

Kuryosong tanong din ng Qin Sword Palace Master.

Napaubo ang Flooding Lake City Lord.

Shua!

Isang anino ang lumapag sa gilid ng kuwarto, "Nag-uulat sa City Lord, si Zhao Feng ay nakabalik na."

"Sino ang nagbalik? Zhao… Zhao Feng?"

Nanigas ang katawan ng Flooding Lake City Lord.

"Zhao Feng? Siya ba'y isa sa mga mahuhusay na prodigies? Ang taong tumakas sa kasal?"

Naglabas ng nagtatakang mukha ang Qin Sword Palace Master.

"Si Zhao Feng ay nasa labas ng City Lord's Palace at kasalukyang hinahanap ka…."

Maingat na sabi ng anyo.

Gayon pa man, bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin, ang mga mata ng Flooding Lake City Lord ay naging pilak at pula at saka naglabas ng nakakatakot na aura.

"Zhao Feng, ang kapal ng mukha mo para magpakita pa sa Flooding Lake City Lord?

Gusto mo na bang mamatay~~~!"

Umugong ang isang pagsabog sa buong Flooding Lake City.

Isang alon ng pulang ilaw ang lumitaw sa itaas ng City Lord's Palace at umalingawngaw kasama ang Fire Yuan Qi.

Sa mga sandaling iyon, ang lahat mula sa Consolidated Relam hanggang sa True Spirit Realm ay nakaramdam ng matinding init.

Para itong kumukulong putik na sinusubukang sumabog mula sa lupa.

Nang lumabas na ang intensiyon ng True Lord Rank, ang bawat nasa True Spirit Realm sa loob ng libo-libong milya ay nakaramdam ng pagbabago sa Heaven Earth Yuan Qi.

"City Lord!"

"Isang pagbati, City Lord!"

Ang mga tao sa harap ng City Lord's Palace ay napayuko sa takot.

Sa sandaling iyon, hindi mabilang na mga tao ang tumingin sa isang dakilang lalaki na nakalutang sa himapapwid – ang Flooding Lake City Lord.

"Napaka-makapangyarihang aura. Paniguradong walang laban sa kaniya ang mga normal na True Lord Ranks."

Sina Die Ye at Jiang Sanfeng ay nagpalitan ng gulat na mga titig.

Sila'y sumali rin sa Sacred True Dragon Gathering at may alam sa nangyayari.

Sa kalagayan ng kaniyang pagkagalit, ang fire skills ng Flooding Lake City Lord ay nakaabot na sa pambihirang level.

Noong tumakas si Zhao Feng, ang Flooding Lake City Lord ay nakalampas na sa True Lord kagaya ng kalagayan niya ngayon.

"City Lord Liu, ang batang ito ay naparito para batiin ka. Noon-"

Yumuko si Zhao Feng. Kahit na anong mangyari, ama pa rin ito ni Qinxin.

"Bata, anong karapatan mo para banggitin ang nakaraan!? Nang dahil sa iyo, nadungisan ang pangalan ni Qinxin at ang pamilya ng Flooding Lake Liu ay naging katawa-tawa."

Sigaw ng Flooding Lake City Lord, ang kaniyang boses ay umaalingawngaw na parang kidlat.

Nanatiling naka-estatwa at kalmado si Zhao Feng, hindi sineseryoso ang mga sinasabi ng City Lord.

Noon, kung hindi lamang siya pinilit ng City Lord na makipag laban, hindi sana siya ipapakasal kay Liu Qinxin at hindi mapilitang tumakas sa simula pa lang.

Nakaramdam ng konsensiya si Zhao Feng nang makahabol si Liu Qinxin, kaya siya ay gumawa ng pangako na kailangan niyang pagbayaran.

"Mabuti naman at dumating ka sa tamang oras.... Kailangan kong maghiganti sa iyo!"

Ang boses ng Flooding Lake City Lord ay napuno ng paghihinagpis.

However, he didn't fully lose his mind.

Gayon pa man, hindi pa rin siya nagpadala sa knaiyang nararamdaman.

Ang cultivation ni Zhao Feng ay nakaabot na sa maagang yugto ng True Lord Rank at maaaring maikumpara na sa kaniya. Sa oras na maglaban ang dalawa, maraming inosenteng tao ang mapipinsala.

Kahit na malakas ang kumpiyansa sa sarili ng Flooding Lake City Lord, hindi pa rin siya sigurado kung mapapatay niya si Zhao Feng sa isang atake lamang.

"Maghiganti? Anong nangyari kay Qinxin?"

Nagulat ang puso ni Zhao Feng at 'di maiwasang magtanomg dahil sa pag-aalala.

Mula sa tono ng Flooding Lake City Lord, ay tila nagkaroon ng aksidente si Qinxin.

Sa Sacred True Dragon Gathering, ang Flooding Lake City Lord ay gustong-gusto ng patayin si Zhao Feng, ngunit hindi niya ito magawa dahil sa Iron Blood Religion.

Gayon pa man, ngayon ay tila naging paghihiganti na lamang ang kagustuhan niyang mapatay ito.

"Zhao Feng, isa kang prodigy ng Sacred True Dragon Gathering, hindi mo ba alam na hindi pa nakakabalik si Qinxin sa kaniyang inheritance?"

Malamig na napatawa ang Flooding Lake City Lord at saka tumitig kay Zhao Feng.

Sou! Sou! Sou!

Sa mga iras na iyon, maraming spectators na ang lumikas, naiwan lamang si Zhao Feng at ang iba pa sa loob ng daan-daang yarda.

"Hindi pa nakakabalik si Qinxin?"

Emosiyonal na nagbago ang ekpresiyon ni Zhao Feng nang tumingin siya kina Jiang Sanfeng at Die Ye para makumpirma ito.

Bahagyang tumango ang dalawa.

Narinig nilang hindi pa nakakabalik si Liu Qinxin, ngunit hindi nila ito pinagtuonan ng pansin dahil akala nila ay naparito si Zhao Feng para maghiganti.

"Paano ito nangyari?"

Matapos makumpirma ang balita, ang puso ni Zhao Feng ay tila pinukpok at napatualala na lamang.

Sa kaniyang puso, siya ay nabigo, nanlumo, at nakonsensiya.

Ngayong alam na ni Zhao Feng na hundi pa nakakabalik si Liu Qinxin, ang tiyansang siya'y buhay pa ay napakaliit lamang.

Kunsabagay, hindi lahat ay kagaya ni Zhao Yufei na sobrang masuwerte.

"Gusto ni Qinxin ang mapag-isa at sa tahimik. Kung hindi dahil sa iyo, hindi sana siya sumali pa sa Sacred True Dragon Gathering."

Sigaw ng Flooding Lake City Lord at naging guhit ng pulang ilaw na sumugod kay Zhao Feng sa lupa.

Sa mga oras na iyon, ang lahat ng malapit sa City Lord's Palace ay nakalikas na at si Zhao Feng ay mapatulala na lamang. Ito na ang tamang oras para umatake.

"Mystic Fire Scorchin Demon!"

Ang anyo ng Flooding Lake City Lord ay agarang nakalapit at saka naglabas ng malaking alon ng apoy na tila kayang makasunog kahit na ang hangin.

_Hindi ito maganda!_

Naramdaman nina Jiang Sanfeng at Die Ye ang hangin na napuno ng pulang ilaw, at kahit na ang kanilang protective Qi of True Spirit ay hindi ito napigilan.

Ito lamang ay aura ng kaniyang atake.

Mahirap isipin kung gaano kalakas ang atake niya.

"Walang duda kung bakit pinalikas ng Flooding Lake City Lord ang lahat."

Napamura sina Jiang Sanfeng at Die Ye.

Kahit na naniniwala sila na kayang iwasan ni Zhao Feng ang atake ng Flooding Lake City Lord, maaari pa rin silang mapinsala sa laban.

"Umalis muna kayong dalawa."

Isang mahinang bulong ang narinig nila.

Weng~

Isang nakakamanhid na sensasiyon ang tumama sa kanilang dalawa at bumuo ng isang ipo-ipo na tumulak sa kanila sa loob ng dose-dosenang yarda pabalik.

Sa sumunod na sandali.

Boom!

Ang nag-aapoy na palad ng Flooding Lake City Lord ay lumagapak sa lupa.

Ang lugar sa harap ng City Lord's Palace ay nagulat at isang anatnapu hanggang limampung yardang lalim na butas ang nabuo.

Si!

Ang mga eksperto sa malapit ay huminga ng malalim at nakaramdam ang isang alon ng mainit na hangin na sumabog sa kanila.

Bam!

Kahit na siksik na siksik ang kapangyarihan sa kaniyang palad, kahit na ang pinakamaliit na parte nito ay kayang makapagpabagsak ng City Lord's Palace.

"Para maligtas tayo, Chapter Leader…."

Hindi naiwasang malungkot ni Die Ye. Sa ngayon, ay nakita nila si Zhao Feng na gumamit ng isang teknik na makakapagpaalis sa kanila sa saklaw ng atake ng Flooding Lake City Lord kaya siya'y hindi na pumalag pa.

Habang nakatingin sa umuusok na maitim na butas, ang dalawa ay pinagpawisan ng malamig.

Sa kanilang mga mata, kahit na si Zhao Feng ay malakas, siya ay hindi nag-cultivate ng kahit na anong teknik na body-strengthening at hindi nagawang iwasan ang mga atake ng True Lord Rank.

Bukod pa rito, ang Mystic Fire Scorching Heaven Manual ng Flooding Lake City Lord ay nakaabot na sa mataas na yugto at ang abilidad ng opensa nito napakalakas.

Shua!

Ang umaapoy na anyo ng Flooding Lake City Lord ay nanigas nang makalapit ito sa butas.

"City Lord Liu, nakokonsensiya ako tungkol kay Qinxin."

Isang buntong hininga ang nanggaling sa himpapawid, na may kasamang bugso ng hangin at kidlat, isang anyo ng batang may asul na buhok ang lumitaw.

"Napakagaling na paggamit ng hangin at kidlat. Habang tinutulak ang dalawa paalis, iniwasan niya ang atake ng Flooding Lake City Lord. Narinig kong pumunta si Zhao Feng sa mysterious inheritance. Anong alam natin sa kung ano ang nakuha niya rito?"

Sa 'di kalayuan, ang mga mata ng Qin Sword Palace Master ay kumislap.