Kinaumagahan, ang mga hukay ay wala ng laman. Mayroon na lamang malalaking butas na mabaho.
Tinago na ni Zhao Feng at ng munting magnanakaw na kuting ang mga kagamitan at ngumiti.
Ang hindi kagustuhang nararamdaman ng Skeletal Division Leader ay naging gulat, inggit at selos. Sa huli, nasanay na rin siya.
"Isang daang mga kalansay! Agghhh! Isang daang perpektong True Lord Rank na kalansay ang nakatago sa Mystic Yin Black Crystal Stone coffins. Ang mga aura nila ay hindi pa nawawala."
Ang Skeletal Division Leader ay sumigaw sa kanyang puso. Sa kasamaang palad, ang nakatanggap ng lahat ng swerteng ito ay hindi siya.
Kahit na alam niyang mayroong isang daang True Lord Rank corpses, wala siyang kakayahan na kuhanin ito.
Sa kabilang banda, isang bata at pusa ang nakahukay sa source of Hundred Graves Forbidden Ground's power.
"Hindi na masama. Marami kang nagawa ngayon, munting magnanakaw na kuting."
Namumula sa kasabikan ang mukha ni Zhao Feng. Sa sandaling ang isang daang katawan na True Lord Rank ay nagawang ghost corpses, magkakaroon siya ng hukbo na puro True Lord Ranks.
Ang kahit sinong may ganoong kapangyarihan ay kayang tumalo sa isang malakas na bansa at lahi na tila naglalaro lamang. Maging ang mahusay na bansa ay masisira nang walang kahirap-hirap.
Siyempre, hindi madaling gawing ghost-corpses ang lahat ng katawang ito.
Isa pa, ang bilang ng ors at enerhiya na gagamitin ay malaki.
Ang dalawang True Lord Rank ghost corpses ni Zhao Feng ay nalooban na. Ang pagtaas ng ghost-corpse sa isang True Spirit Realm ay mahabang proseso.
"En, marunong ako aa ghost corpses, ngunut hindi ako mahusay. Isang daang True Lord Ranks ang gagawin…"
Tumingin si Zhao Feng sa Skeletal Division Leader na nag pasinok dito.
Ilang sandali.
"...ang trabahong ito ay ibibigay ko sa iyo."
Ngumiti at tinapik ni Zhao Feng ang balikat ng Skeletal Division Leader.
Tumango ang Skeletal Division Leader at halos malaglag ang mga buto nito.
"Kahit ang lahat ng kalansay na ito ay may pundasyon na True Lord Rank, ang paggawa sa isang ghost corpses ay nangangailangan ng maraming oras at enerhiya."
Halos maiyak ang Skeletal Division Leader sa kanyang puso. Ginagamit talaga siyang trabahador ni Zhao Feng. Gayunpaman, kontrol nito ang kanyang buhay, kaya kailangan nitong sundin ang mga utos nito.
Hawak ni Zhao Feng ang Ten Thousand Ghost Pearl ay nilagay niya ang kanyang kamalayan rito.
Ang Ten Thousand Ghost Pearl ay mamasa-masa.
Dalawang dark-silver ghost corpses ang nakahiga sa sulok at nililinis ng air of death sa Ten Thousand Ghost Pearl.
Ang makapangyarihang aura at kaluluwa ng isang daang True Lord Rank na kalansay ay nagsimulang maglaho noong pumasok sa pearl.
"Hmm? Ang Ten Thousand Ghost Pearl ay mukhang mayroong misteryosong kapangyarihan na lubhang angkop sa pagpapalakas at pagpapalaki ng ghost corpses."
Hindi talaga nagsaliksik si Zhao Feng tungkol sa Ten Thousand Ghost Pearl. Matapos ang lahat, ang kanyang kahusayan ay sa eye bloodline at Wind Lightning Emperor's inheritance. Sinubukan niya lamang ang ghost corpses.
Sa estado ng pangyayari, ang isang daang True Lord Rank na kalansay ay agad na magiging ghost corpses matapos ang ilang taon, o ilang daang taon.
Matapos ang ilang araw, sa Iron Dragon Country.
Sa isang tigang na disyerto, ang kastilyo aybhalos binalot na ng buhangin.
Ang isang malaking kastilyo noon ay na nadurog, at ang taguan ng Iron Dragon Alliance noon ay nasira.
Maliban sa Skeletal Division Leader, ang natitirang upper echelons ng Iron Dragon Alliance ay nahuli o napatay. Ang mga mapalad na nakatakas ay wala ring nagawa.
Kahit ilang dosenang araw na ang nakalipas, marami pa ring eksperto ang naroon.
Old Su, Elder Bai, Cang Yuyue, Lin Tong at ang mga kasamahan nila ay naroon pa rin.
Marahil ay hinihintay nila ang pagbabalik ng Skeletal Division Leader, o marahil ay may iba pa silang inaasahan.
"Si Zhao Feng ay nawala at itinuloy ang pagtugis sa miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion upper echelon. Marahil ay hindi maganda ang sitwasyon ngayon."
Tumingin si Lin Tong sa labas at bumulong sa sarili.
Sa kailaliman ng kanyang puso, hinahangaan niya talaga si Zhao Feng dahil sa lakas at tapang nito, ngunit umaasa rin siya na mamatay na si Zhao Feng upang maging malaya siya muli.
Alam niya na hindi mataas ang posibilidad nito. Ang kaluluwa at eye power ni Zhao Feng ay ang mga bagay na tinitingala niya.
Ang kabataang iyan ay naging napaka husay na prodigy, at hari ng Cloud area matapos bumalik.
"Ilang dosenang araw na ang nakalilipas, ngunit wala pa ring balita."
Naging balisa si Old Su. Walang pumayag na sundan ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader.
Kahit na nasira ang Scarlet Moon Demonic Religion, mahirap pa rin silang talunin. Sinong nakakaalam kung ilang paraan pa ang tinatago ng Skeletal Division Leader?
"Old Su, huwag kang mag-alala masyado. Hindi mayabang si Zhao Feng. Mayroon siyang inaasahan kung malakas ang loob niya na tugisin ang Skeletal Division Leader mag-isa."
Bahagyang ngumiti si Elder Bai.
Wala talaga siyang pakialam sa buhay ni Zhao Feng, ngunit iniisip niya kung anong pamatay na atake ang gagamitin ni Zhao Feng matapos bumalik sa "unknown inheritance."
Sa gabing ito.
Qiu~~~
Isang maliwanag na arko ng kidlat ang nagliwanag sa kastilyo.
"Nakabalik na ako."
Ang alon ng hangin at kidlat ang umihip sa kastilyo.
Nakaramdam ng kiliti sila Old Su, ngunit komportable ito.
Tumalon ang puso nang lahat noong tumingin sila sa lalaking may asul na buhok.
"Nakabalik ka na rin. Maganda iyan."
Naging panatag na si Old Su, at maraming tao ang huminga nang malalim.
Walang umaasang mapapatay ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader. Malaking surpresa na sa kanila na makabalik ito.
Isa pa, mukhang walang galos si Zhao Feng, pagod lamang ito.
"Chapter Leader, nakabalik ka na rin sa wakas. Nag-alala kaming lahat."
Lumabas sina Die Ye at Jiang Sanfeng mula sa kabilang sulok ng kastilyo.
Dumiretso si Zhao Feng sa kastilyo gamit ang kanyang Eye of Heaven habang naiwan ang dalawa.
Noong makarating sila ay wala na si Zhao Feng.
Matapos magtanong-tanong, nalaman nila na si Zhao Feng ay umalis upang tugisin ang Skeletal Division Leader at nagulat sila rito.
Maraming mga tao ang ayaw kahit na makita lamang ang Skeletal Division Leader, ngunut hinabol mo pa siya mag-isa?
Gayunpaman, ang ligtas na pagbabalik ni Zhao Feng ay naging dahilan upang mapa buntong -hininga ang iba.
Kasama rito si Lin Tong, na mapait na bumuntong-hininga. Hindi siya nakatakas sa pagiging alipin kay Zhao Feng.
Tumingin si Elder Bai kay Zhao Feng na mayroong magulong ekspresyon.
Naisip niya na kahit hindi mapatay ni Zhao Feng ang Skeletal Division Leader, marahil ay sugatan siya ngunit maayoa ang kalagayan nito.
Sa puntong ito, lahat ay interesadong tumingin kay Zhao Feng.
Ano ang resulta.
"Zhao Feng, naabutan mo ba ang Skeletal Division Leader?"
Tanong ni Elder Bai.
Ang lahat kabilang si Old Su, Cang Yuyue at Lin Tong at dalawang tao mula sa Canopy Great Country ay pokus sa tanong na ito.
"Naabutan ko ba?"
Naguluhan si Zhao Feng. Naisip ng lahat na hindi niya naabutan ang Skeletal Division Leader dahil mukhang hindi siya galing sa labanan. Tila umalis siya para mag bakasyon.
"Ang problema sa Skeletal Division Leader ay naresolba na. Wala nang natira sa Cloud Area. Malapit na rin akong umalis."
Nakaramdam sita nang kaligtasan at tagumpay matapos na maresolba lahat sa Cloud area.
Isa pa, nagawa niyang makakuha nang higit pa sa kanyang inaasahan matapos pumunta rito.
Matapos itong marinig, natuwa ang lahat at tila nahawaan sila sa saya ni Zhao Feng.
"Simula sa araw na ito, ang Iron Dragon Alliance ay nakaraan na lamang."
Pumlakpk si Old Su.
Alam niya n hindi basta aalis si Zhao Feng na hindi maayos ang Cloud area.
"Zhao Feng, pinatay mo ba ang Skeletal Division Leader?"
Pakiramdam ni Elder Bai ay may kakaiba. Sinabi lang ni Zhao Feng na "naresolba," hindi "napatay."
Malaki ang kaibahan ng dalawa.
Noong marinig ito, lumingon muli ang lahat kay Zhao Feng.
"Tama iyon, paano nareaolba ang problema sa Skeletal Division Leader."
"Patay na ba ang Skeletal Division Leader?"
Tila hindi sapat para sa lahat ang salitang "naresolba" at nais na malaman ang detalye.
Ang mata ni Old Su ay kumislap at nakaramdam na mayroong lihim na tinatago.
"Lahat kayo, huwag na kayong mag-alala. Kahit na hindi pa patay ang Skeletal Division Leader, hindi na ito makakapang gulo sa Cloud area."
Walang nakaintindi sa ngiti ni Zhao Feng.
Hindi niya gustong malaman ng marami na alipin niya na ang Skeletal Division Leader, lalo na si Elder Bai.
"Hindi pa patay ang Skeletal Division Leader?"
Malamig na sininok ang mga tao, at nabalit ng kadiliman ang kanilang saya.
Ang upper echelon ng Dragon Killing Alliance ay naging balisa.
Kahit na malakas si Zhao Feng at wala nang panganib, balisa pa rin sila.
Ang Scarlet Moon Demonic Religion Sub-Division na nasa peak state ay sapat na upang sirain ang Cloud area at ngayon ay mayroon pa ring buhay sa Division Leader?
Kumunot ang kilay ni Lin Tong. Ang kumpyansang ngiti ni Zhao Feng ay hindi kagaya ng kanilang iniisip.
Gayunpaman, kahit ano pa ang itanong nila ay ngumingiti lamnag si Zhao Feng at hindi sumasagot nang malinaw.
"Hindi kaya'y nabawian ng Skeletal Division Leader si Zhao Feng at kino kontrol siya nito ngayon?"
Isang malamig na ilaw ang lumitaw sa mata ni Elder Bia, ngunut hindi siya gumalaw bago ito kompirmahin.
Isa pa, hindi niya agad matatalo si Zhao Feng. Ang tsansa na manalo siya ay 50% lamang.
Makalipas ang kalahating araw, sila Elder Bai, Cang Yuyue at mga kasama nito ay umalis na.
Nag-uusap si Zhao Feng at Old Su sa sikretong silid sa ilalim ng kastilyo.
"Brother Zhao, anong nangyari? Kung aalis ka ng ganito, paano ko mararamdaman ang kaligtasan?"
Tanong ni Old Su.
"Gusto mong malaman kung nasaan ang Skeletal Division Leader?"
"Tama," pinag-igting ni Old Su ang kanyang mga ngipin.
"Hehe, hindi ba't nasa tabi mo siya?"
Isang madilim na aura ang bumalot sa silid.
Noong marinig ito, nanliit ang mata ni Old Su. Isang pamilyar na kalansay ang nakita niya at dalawang nag-aalab na apoy ang lumitaw sa eye sockets nito.
"Skeletal… Division… Leader?"
Tumayo si Old Su at halos mahulog siya sa kanyang upuan.