Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 483 - Paglaban sa Division Leader

Chapter 483 - Paglaban sa Division Leader

Sa isang tuyot na disyerto, kung saan naroroon ang kastilyo.

Nagsimulang mabuo ang itim na usok matapos ang ilang matinding pagyanig.

Napahinga ang skeletal Division Leader, hindi na siya muling pumasok sa labanan. Sa halip, kinontrol nito ang itim na bandera, ginamit niya ang itim na usok upang ayusin ang mga wasak sa array. Naglagay ito ng malaking importansya sa mata ng aray, na siyang napinsala ng Eye of Heaven.

Subalit, ang mga eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion ay napapaatras sa kasalukuyan.

Ang mga sword attacks nina Elder at ni Cang Yuyue ay sinira ang lahat ng nasa kanilang daanan.

Ang halos bangkay at nabubulok na katawan ni Sub-Division Leader Bati ay mayroong higit pa sa isang dosenang galos, na sobrang lalim makikita na ang mga buto.

"Magsumikap ka pa at patayin ang Sub-Division Leader ngayon, o kung hindi mas magiging mahirap ito sa oras na tuluyan nang naayos ang array."

Nagpakawala ng sunod-sunod na atake si Old Su at ang Dragon Killing Alliance.

Ding Ding Boom Bam~~~~~

Ang mga pinsala ni Sub-Division Leader Batie ay nagsimulang lumala, at halos kalahati ng kaniyang mga kasamahan ay patay na.

Sou!

Biglang kumislap ang anyo ni Sub-Division, pinapangunahan ang mga natitirang tao na umatras sa kastilyo na walang kahit anong pag-aalala para sa depensa.

"Patayin siya! Mayroon na lamang siyang isang paghingang natitira sa kaniya!"

Ang mga eksperto ng Dragon Killing Alliance ay sumugod sa kastilyo.

Nang hindi inaasahan, ang skeletal Division Leader ay nagpatuloy sa pag-ayos ng array at hindi sila pinakialaman.

Ang himig ng labanan ay lumitaw muli nang sila ay sumugod sa kastilyo.

Ang kastilyo ay napuno ng puting mga buto. Paminsan-minsan may mga lumilitaw na bangkay, kalansay o mga multo.

"Ang mga ghosts na ito ay ang pinanggagalingan ng kapangyarihan para sa Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array. Pumatay kayo ng kung gaano karami ang kaya niyo."

Utos ni Elder Bai.

Ang paglalayong pumatay ay lumawak hanggang sa buong kastilyo habang ang lahat ay nagpupunta sa mata ng array.

"Sinabi na sa amin ni Zhao Feng kung nasaan ang mata ng array gamit ang kaniyang eye flame."

Malinaw ang mga mata ni matandang si Su.

Narating na ng grupo ang kanilang destinasyon, kung saan nila nakita si Sub-Division Leader Batie at ang tatlong bola ng nakakakilabot na mga apoy sa tabi ng mata ng array.

"Patayin sila, sunod ay asikasuhin niyo ang Division Leader."

Walang kinatatakutan si Elder Bai dahil siya ay malakas.

Sa tabi niya ay naroroon si Cang Yuyue. Kahit na ang cultivation niya ay kararating pa lamang sa half-step True Lord Rank, ang kaniyang sword intent ay napakamakapangyarihan at ang kaniyang battle power ay bahagyang mas mataas kaysa sa mga normal na early-stage True Lord Ranks.

Subalit, ang tatlong bola ng nakakakilabot na mga apoy sa tabi ni Sub-Division Leader Batie ay hindi madaling asikasuhin, o kung hindi hindi na dapat sila gumamit ng isang paraan upang tapatan ang Eye of Heaven.

Wu~ Wu~

Ang tatlong bola ng nakakakilabot na apoy ay nagpadala ng mga liwanag ng transparent green na mga apoy at isang ikot ng mental energy attacks na ikinataranta ng Dragon Killing Alliance.

Suwerte, sina Cang Yuyue at si Elder Bai ay mga eksperto na nagcomprehend ng sword intent, na kayang umatake sa spiritual dimension.

"Arghh!"

Ang nakakakilabot na apoy ay hindi kalaunan nasira ni Cang Yuyue at ang dalawa ay labis na napinsala.

Tumango ang matandang si Su sa paghanga. Ang dalawa mula sa Ten thousand Sword Clan ay malaki ang nagawa.

"Zhe zhe zhe… Tapos na ang laro."

Isang malalim at paos na tawa ang bumanda sa buong kastilyo.

Shua!

Hinawakan ng skeletal Division Leader ang itim na bandila nito at kumislap sa kung saan naroroon ang lahat ng tao. Nagawa nitong maayos ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array.

Nanginig ang mga puso ng mga miyembro ng Dragon Killing Alliance. Sa wakas ay gumalaw na ang Division Leader.

"Kampon mula sa Scarlet Moon Demonic Religion, mamatay ka na!"

Iwinagayway ni Elder Bai ang kaniyang roba at sumira ng isa na namang nakakakilabot na apoy bago nakipagsagupaan sa Skeletal Division Leader.

Ten Thousand Sword Destruction!

Ang atake ni Elder Bai ay gumawa ng libu-libong matatalim na liwanag ng espada na umiikot-ikot sa ere, sinisira ang lahat ng bagay na nasa daan nito.

Sa puntong ito, ang kapangyarihan ni Elder Bai ay umabot sa isang level kung saan lagpas na ito sa True Lord Rank, at kung purong battle power ang pag-uusapan, ito ay maikukumpara na sa half-step Origin Core Realm.

"Zhe zhe, tiyak na karapat-dapat siyang maging descendant ni Nan Jianfeng."

Ang Skeletal Division Leader ay bahagyang nagulat. Iwinagayway nito ang itim na bandila sa kamay nito na mayroong "hu~", nilalamon ang nahuhuling bola ng nakakakilabot na apoy sa itim na usok.

Wu~

Ang bola ng nakakakilabot na apoy ay nalamon at naging isang maitim na naglalagablab na orb, na may sukat na dalawampu hanggang tatlumpung yarda, ito ay puno ng walang hanggang itim na usok at apoy na nagsimulang kumalat.

Weng~

Ang atake ni Elder Bai ay nakipagsagupaan sa dark flaming orb at isang nakakayanig na pagsabog ang maririnig.

Makalipas ang isang paghinga, ang dark flaming orb ay nagsimulang manginig. Tila ba sumasabay ito sa Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array, tumataas ang kapangyarihan nito.

Bam Bam!

Ang atake ni Elder Bai ay nalamon ng flaming black orb at siya ay namutla.

"Hindi maganda!"

Nagsigawan ang mga eksperto mula sa Dragon Killing Alliance.

Wu~

Nagsimulang lumaki ang dark flaming orb simula pitumpu hanggang walumpung yarda, sumasanib sa array na parang isang itim na hugis payong na screen.

Ang grupo ng Dragon Killing Alliance ay dahan-dahang nalalapitan ng itim na hugis payong na screen.

"Zhe zhe… Ang Dark Ghost Night na ito ay ang aking ikalawang plano upang tapusin ang lahat ng naglakas-loob na pumasok sa kastilyo."

Tumawa ang skeletal Division Leader at iwinagayway ang itim na bandila nito upang kontrolin ang dark flaming orb, nagdulot upang matulak sa sahig ang mga kalaban.

"Ten Thousand Swords into One!"

"Heavenly Despair Chaotic Style!"

"Wasakin~~~!"

Ginawa ng grupo ang lahat ng makakaya nila upang lumaban.

Subalit, nang makalapit ang kanilang mga atake, ito ay nahihigop lamang ng dark flaming orb at ginagawang eherhiya ito.

"Walang kuwenta ang ginagawa mo. Ang Dark Ghost Night ko ay nakakasabay sa Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array at mayroon itong walang hanggang kapangyarihan."

Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang itim na bandila nito at mayabang na sinambit ito.

"Argh! Ahhh!!"

Mayroon na agad mga anyong nalalamon ng Dark Ghost Night.

Sila Elder Bai, Cang Yuyue, at ang matandang si Su lamang ang kayang makasalag, subalit halatang hindi sila masiyadong makakatagal.

Isang kakaibang tunog ang lumitaw sa labas ng kastilyo sa pagkakataong ito.

Qiu~~~~

Isang ragasa ng hangin at himig ng kidlat ang lumitaw mula sa sulok ng alapaap.

"Mga kasama, huwag kayong mag-alala."

Isang pares ng pakpak, nabuo mula sa hangin at kidlat, ay pumagaspas sa likuran ng isang batang mayroong asul na buhok, at sila ay tugma sa Wind Lightning Yuan Qi na nasa himpapawid. Siya ay parang isang bumababang God of Lightning.

Shua!

Ang pares ng pakpak na nasa likuran ni Zhao Feng ay nagsimulang maglaho, at isang bola ng hangin at kidlat ang nagsimulang mabuo sa kaniyang palad.

"Wind Lightning Tornado!"

Ang bola ng hangin at ng kidlat ay nagsimulang mabilis na lumaki. Ang sentro nito ay labis na naging malalim habang umiikot ito pababa na mayroong kasamang mga arko ng kidlat.

"Mas mabilis pa siya sa inaakala ko…"

Bahagyang nasurpresa ang skeletal Division Leader.

Shua!

Isang ginto at pilak na bone-whip ang lumitaw sa kabilang kamay ng Skeletal Division Leader. Sa isang pitik, isang red-purple na apoy ang lumitaw, gumagawa ng isang bone dragon na nakipagsagupaan sa Wind Lightning Tornado.

Boom~~~ Bam!

Ang Wind Lightning Tornado at ang bone dragon ay nagsagupaan, nagdulot upang bahagyang manginig ang array ng kastilyo.

"Anong klaseng inheritance ang nakuha ng batang ito? Paanong ang isang walang kuwentang early-stage True Lord Rank ay may ganito kalakas na battle power…?"

Bahagyang naging taimtim ang ekspresyon ng Skeletal Division Leader nang ipitik niya ang ginto at pilak na latigo nito nang maraming beses, gumagawa ng isang nag-aapoy na bone dragons nang sunod-sunod.

"Wind and Lightning Crackling Strike!"

Hinawi ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at isang malaking espada na gawa sa hangin at kidlat, na higit pa sa isang dosenang yarda ang haba, ang kumislap sa himpapawid patungo sa skeletal Division Leader.

Kinontrol ng Skeletal Division Leader ang itim na bandila gamit ang isang kamay at sa kabila naman ginamit niya ang bone-whip upang kalabanin si Zhao Feng.

Bam! Boom~~

Ang Wind and Lightning Crackling Strike ni Zhao Feng ay kayang makapatay ng normal na late-stage True Lord Rank, subalit madali itong natutunaw ng skeletal Division Leader.

Ang skeletal Division Leader ay nakatungtong na sa isang matinding level. Ang bawat paghinga at kilos nito ay parang sumasanib sa Heaven Earth Yuan Qi, at ito ay labis na kagaya ni Lu Tianyi noon sa Purple Saint Ruins.

"Mayroon siyang comprehension ng isang Origin Core Realm Sovereign, subalit ang katawan ng skeletal Division Leader ay masiyadong mahina, kaya't nakakagamit lamang ito ng 30-40% ng buong lakas nito."

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader muli.

Sa katotohanan, ang Eye of Heaven ay gumawa na ng pagsusuri, kaya't mayroon nang tantsa si Zhao Feng sa lakas ng skeletal Division Leader.

Subalit, kahit ganoon, ang skeletal Division Leader ay kaya pa ring mapigilan sila Elder Bai, Cang Yuyue, matandang si Su at ang isa pang dosena o dalawang True Spirit na mga eksperto kasabay nang pakikipaglaban niya kay Zhao Feng.

"Mukhang hindi sapat ang mga normal na atake. Kaya nitong patuloy na higupin ang Heaven Earth Yuan Qi sa isang level na hindi maikukumpara ang True Spirit Realm…"

Hindi ito masiyadong ikinagulat ni Zhao Feng.

Matapos makalabas sa seklusyon, ang breakthrough ng mata ni Zhao Feng ay nagdulot upang makaabot ang kaniyang battle power sa peak True Lord Rank. Nang tuluyan niyang padaluyin ito, ito ay maikukumpara na sa half-step Origin Core Realm.

Subalit, hindi ito ang pinakamalaki niyang paglago.

Shua!

Ang isang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat ang lumitaw sa likuran ni Zhao Feng at, sa isang marahang pagkibo nito, ay nagdulot na upang makaatras siya ng isang milya sa loob lamang ng ilang paghinga.

Tumayo siya roon habang nagbabago ang kulay ng kaniyang mata at ang kaniyang buhok ay sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

Nagbabago ng kapangyarihan ng kaniyang mata?

Nagpakita ng isang gulat na hitsura ang skeletal Division Leader.

Sa kalahating paghinga pa lamang, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay naging asul.

Ang asul na kaliwang mata ay isang parang walang katapusang bangin, nagpapakawala ng isang tumataas at nakakasindak na aura.

Sa mga oras na ito, ang mental energy pressure mula kay Zhao Feng ay mas lumalakas nang lumalakas, lumalagpas pa sa mga hangganan ng tatlong Heavens ng True Spirit Realm.

"Napakalakas na kaluluwa. Halos na sa level na ito ng Sovereign…"

Labis na nagbago ang ekspresyo ng skeletal Division Leader, subalit napigilan nito ang pagkabalisa sa kaniyang "puso".

Kahit na isa itong Origin Core Realm Sovereign na nasa kaniyang tugatog at mayroong isang kaluluwa na nasa Sovereign level din, sa kasalukuyan ito ay nasa isang mahinang kalagayan, at ang kaluluwa nito ay hindi na kasinglakas gaya noon.

Ang oras na ginugol ni Zhao Feng ay dalawang beses na mas matagal kaysa sa normal.

"Wind Lightning God's Flame!"

Kumislap ang kaliwang mata ni Zhao Feng na mayroong katiting na kulay lila.

Whoosh!

Isang hugis dragon na half-transparent na apoy na gawa sa hangin at kidlat ang parang nagteleport nang lumapag ito sa skeletal Division Leader.

Sii!

Umubo ang skeletal Division Leader nang matamaan ang kalahati ng katawan nito ng apoy. Kumulog ang kidlat sa palibot nito, at napaguho ng kapangyarihang ito ang kaniyang kaluluwa.

Ang kaluluwa ni Zhao Feng ay lagpas na sa half-step Origin core Realm at halos nasa Sovereign level na ito. Ang kapangyarihan ng kaniyang mata ay napapakita sa spiritual dimension.

Ang atakeng ito ang nakapinsala sa skeletal Division Leader.

Shuuu!

Habang tulala ang skeletal Division Leader, ang Dark Ghost Night screen ay nahati dulot ng dalawang nakakasindak na tira ng mga espada.

"Kampon ng Scarlet Moon Demonic Religion, mamatay ka na!"

Sumugod pataas sina Elder Bai at Cang Yuyue at nagpadala ng mga tumatagos na tira patungo sa skeletal Division Leader.