Itim na usok ang pumalibot sa himpapawid sa taas ng kastilyo.
Ang gold at silver skeleton ay tumingin patungo sa Eye of Heaven.
Ang mga buto ng skeletal Division Leader ay nangingibabaw mula sa mga usok at pulang mga apoy ang lumabas mula sa mga lagayan ng mga mata nito.
Walang takot itong tumingin sa Eye of Heaven.
Malamig na sinuri ng Eye of Heaven ang skeletal Division Leader sa loob ng isa o dalawang paghinga bago magsalita, "Ikaw pala."
Ikaw pala.
Bumanda ang boses na ito sa loob ng mental energy dimension at nagdulot upang magusap-usap ang iba.
"Anong nangyayari? Kilala ba ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader?"
"Sandali, ang skeletal Division Leader ay isang anyo mula sa nakaraang ilang daang taon at hindi pa nga nakakaabot ng dalawampung taong gulang si Zhao Feng."
Ang parehas na mga magkakaibigan at magkaaway ay natulala at nagulat.
Si Elder Bai, si Old Su, at ang iba pa ay sa wakas nagkaroon na ng oras upang makahinga.
Sa kabilang banda, ang Sub-Division Leader Batie at ang Palace Lord You Long ay nag-aalala. Pinababa nito ang presyon mula sa Iron Dragon Alliance.
Sa oras na ito, nakaramdam ng malaking mental energy pressure si Elder Bai habang nakatingin siya sa Eye of Heaven. Maaari bang lagpas na ang soul power ni Zhao Feng kaysa sa kaniya?
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay nasa mga ulap habang nakasuri siya sa baba.
"Matapos lumago ang God's Spiritual Eye at tuluyang paghigop ng Wood Spirit Soul Essence, ang aking kaluluwa ay nakaabot na sa isang panibagong level."
Mayroong kakaibang pakiramdam si Zhao Feng kaysa noon.
Nakaraan, sa tuwing ginagamit niya ang Eye of Heaven, mabilis na nababawasan ang kaniyang enerhiya at tila ba maglalaho na ito kahit kailan. Subalit, sa oras na ito, mas matatag ang Eye of Heaven at mas solido kaysa noon.
"Kilala mo ako? Maaari bang…?"
Tila ba ang mga apoy ay tumatalon nang pataas at pababa sa mga sockets ng Skeletal Division Leader na para bang may naisip itong isang bagay.
Tama, nakatagpo na ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader noon.
Dati, sa Sky Cloud Forest, may minanmanan si Zhao Feng na isang "kalansay" na labis ang pagkahina.
Naaalala pa rin ni Zhao Feng ang eksena mula sa araw na iyon. Ang kalansay na iyon ay nag-iwan ng isang "marka" kay Zhao Feng na pinandirihan niya sa loob ng matagal na panahon.
Matapos 'yon, gumamit si Zhao Feng ng mapanganib na kapangyarihan ng Hundred Graves Forbidden Ground upang sirain ang marka, nagbayad siya ng malaking presyo at bumaba pa nga ang kaniyang cultivation.
"Zhe zhe… Nakamamangha. Malamang ay tadhana ito. Sa wakas ay dumating ka na makalipas ang ilang taon."
Tila ba may naalala rin ang skeletal Division Leader at parang nabubuo ang paglalayong pumatay mula sa mga mata nito.
Shua!
Biglang naglaho ang anyo ng skeletal Division Leader nang kumislap ito.
"Dark Ghost Prison!"
Binuksan ng skeletal Division Leader ang bibig nito.
Hu~~
Apat na mga bola ng kakaibang apoy na lumitaw, ang bawat isa sa mga ito ay halos dalawang yarda ang sukat, at nagpakawala ng isang nakakatakot na aura.
Weng~~ Qiu~~ Qiu~~ Qiu~~ Qiu~~
Ang apat na kakaiba at nakakakilabot na mga apoy ay nagsimulang magpakawala ng mga linya ng berdeng aura na gumawa ng isang kulungan, na dumakip sa Eye of Heaven.
"Hindi maganda!"
Sigaw ng upper echelon mula sa Dragon Killing Alliance.
Tila ba handa na ang skeletal Division Leader para sa Eye of Heaven at gumamit ito ng isang misteryosong teknik.
Sa alapaap, ang mga auras ng apat na kakaiba at nakakakilabot na mga bolang apoy ay mabilis na umangat at nakaabot sa True Lord Rank.
Hindi gawa ang mga ito sa laman at dugo, sila ay espiritwal. Kung pisikal na mga atake ang pag-uusapan, ang apat na kakaiba at nakakakilabot na mga bola ay hindi kasing lakas ng isang normal na True Spirit Realm, subalit mataas ang kanilang mga mental energy attacks.
Sa puntong ito, ang apat na bolang apoy ay gumawa ng isang kulungan na bumalot sa Eye of Heaven.
"Zhe zhe zhe… Ang Dark Ghost Prison ay tiyak na ginawa para tapatan ang mga spiritual forms at isang malaking pinsala ito para sa kanila. Halimba, kung may nagpuntang isang multo rito, hindi sla makakatakas."
Tumawa sa kakaibang paraan ang Skeletal Division Leader.
Umikot ang dark-red na apoy mula sa laglagyan ng mata nito at napunta sa Dark Ghost Prison.
"Titiyakin kong hindi ka rin makakabalik."
Ang malalim at paos na boses ay maririnig sa buong kastilyo. Ang Eye of Heaven ay hindi gumalaw sa loob ng kulungan.
Ang skeletal Division Leader ay nagpakawala ng mga sagitsit ng dark-red na apoy na mabilis na nagpaguho sa Eye of Heaven.
"Tiyak na nakakapagpabuntong-hininga ang eye bloodline ni Zhao Feng para sa iba dahil nakakahanga ito. Sa kasamaang palad, ang skeletal Division Leader na ito ay Soul ang forte ay ito ay isang Sovereign na nasa kaniyang tugatog."
May simpatyang pinanood ni Lin Tong ang labanang ito.
Kahit nasa ilalim siya ng kontrol ni Zhao Feng at hinahangaan ang lakas ng huling nabanggit, kailangang tanggapin ni Lin Tong na nahanap ni Zhao Feng ang kaniyang katapat.
"Ang skeletal Division Leader na ito ay may alam din tungkol sa mga teorya ng Dao of the Soul."
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay nasa alapaap at ang kulungang ito ay nagdulot upang siya ay mabalisa.
Ang mga sagitsit ng dark-red na apoy ay parang naglalaman ng isang nakakatakot na kapangyarihan. Walang ginawa si Zhao Feng, marahil walang bagay na kaya niyang gawin.
"Galing mo Division Leader!"
Labis na natutuwa si Palace Lord You Long at gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Ang mga sagupaan mula kanina ay nagdulot upang katakutan ni Palace Lord You Long si Zhao Feng, kaya't ang paglitaw ng Eye of Heaven ngayon ay nakakataranta.
"Zhao Feng, kahit na napakatalentado mo at ikaw ay isang napakahusay na prodigy, dahil nakatapat mo ang isang Division Leader ng Scarlet Moon Demonic Religion nangangahuluguhan ito na malas ka."
Gumaan ang loob ni Palace Lord You Long at ng iba pa.
Pakiramdam nila silay ay ligtas at masaya sa kasalukuyang eksena.
Simula noong nagpunta sila sa lugar ng Cloud, ang batang ito ay parang isang Diyos na nagdulot upang mapunta sa kagipitan ang Dragon Killing Alliance.
At ngayon, ang parang bangungunot na nilalang na ito ay tila maglalaho na.
"Junior! Sa tingin mo ba ay kaya mo akong istorbohin sa pamamagitan ng walang kuwentang teknik na ito? Ano ang nais mong sabihin bago ka mamatay?"
Mayabang na tanong ng Skeletal Division Leader.
Tinantsa nito kung paano niya matatalo ang buong upper echelon ng Dragon Killing Alliance nang sabay-sabay, at halatang hindi nito nakalimutan si Zhao Feng.
Naramdaman na ng skeletal Division Leader ang God's Eye Mark kay Palace Lord You Long, subalit hindi niya ito tinunaw.
Subalit, ang Eye of Heaven ay naging mapaglaro tungkol dito.
"Hmm?"
Biglang may napagtanto ang skeletal Division Leader; ang Eye of Heaven ay hindi man lamang sinubukang pumalag o lumaban sa Dark Ghost Prison.
Azure Eye Piercing Slash!
Tumira ng dalawang liwanag ng asul na ilaw ang Eye of Heaven.
Sa sumunod na sandali, dalawang half-transparent blades of wind na parang espada ang lumipad pababa.
"Arghh!"
Kumalat ang dugo mula sa dalawang anyo sa tabi ng kastilyo.
Plop! Plop!
Ang dalawang anyo ay nahiwa sa dalawa at nahulog sa lawa ng sarili nilang dugo.
"Paano… paano…?"
Ang katawan ni Palace Lord You Long ay nahati sa dalawa at ang kaniyang mukha ay puno ng pagaalinlangang at takot.
Sa kabilang banda, ang late-stage True Lord Rank na gray-robed elder ay mayroong naguguluhang ekspresyon. Hindi niya pa nakikita noon ang eye bloodline, at namatay siya na mayroong bukas na mga mata.
Ang mabilis na pagbabagong ito ay nagdulot upang manlamig ang paghinga ng mga taong naroroon.
"Sunod-sunod na mabilisang pagpatay ng dalawang late-stage True Lord Rank? Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay nakaabot na sa ganitong level?"
Natulala si Lin Tong habang nakatayo siya at hindi gumagalaw.
Sa taas ng kastilyo, ang ekspresyon ng skeletal Division Leader ay nanigas at siya ay natulala, "Bakit ganito? Bakit hindi nito pinapansin ang Dark Ghost Prison Ang Eye ba na ito ay hindi isang normal spiritual form?"
Ang pagpaslang ng Eye of Heaven sa dalawang True Lord Ranks ay ikinagulat din ng skeletal Division Leader, subalit ang hindi niya maintindihan ay kung paanong nabubuhay pa ang Eye of Heaven ngayon.
Ang Eye of Heaven ay parang isang parte ng Heaven at Earth at ito ay isang "imahe" lamang ng totoong bagay. Ang tunay na kamalayan nito ay wala rito.
Wind Lightning Fire Eye!
Ang malaking mata ay biglang tumira ng isang half -transparent na apoy na gawa sa hangin at kidlat.
Boom~~~
Ang isa sa mga apat na bola ng nakakakilabot na mga apoy ay nagsimulang masunog sa ibang kulay at tila ba sumigaw ito.
Whoosh!
Ang isang tiyak na lugar sa kailalian ng kastilyo ay nagsimulang masunog, nagdulot upang manginig ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array at maging magulo.
"Hindi maganda, ang mata ng array ay nasusunog."
Sa wakas ay nagsimula nang mataranta ang skeletal Division Leader.
Sa oras na masira ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array, haharapin niya ang pinagsamang atake ng ilang libong elites ng Dragon Killing Alliance. Ang stronghold na ito ay masisira rin.
Shua!
Matapos makumpleto, ang Eye of Heaven ay nagsimulang lumabo at maglaho mula sa alapaap.
Huminga ang skeletal Division Leader. Suwerte, dahil ang enerhiyang kinakailangan upang gamitin ang skill na ito ay masiyadong malaki at hindi ito maaaring tuloy-tuloy na gamitin.
Sou!
Bumalik ang skeletal Division Leader sa kastilyo at nagsimulang iwagayway ang array flag at ayusin ang mata ng array.
"Mga kasama, ito na ang pagkakataon natin upang sirain ang array!"
Nagliwanag ang mga mata ng matandang si Su at sumigaw.
Malinaw na niyang nakikita ang sitwasyon. Habang hindi pa maayos ang Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array, ito ang pinakamadaling pagkakataon upang makatagos dito.
Dagdag pa rito, hindi sinira ni Zhao Feng ang hugis tatsulok na pader na gawa sa apoy sa likuran nila. Malamang ay intensyon niya rin ito.
Tinulungan sila ni Zhao Feng umatake, subalit hindi niya nais na umatras ang Dragon Killing Alliance.
Suwerte, dahil ang dalawang late-stage True Lord Rank ay patay na at si Sub-Division Leader Batie na lamang ang natitirang nagbabantay. Biglang naging lamang ang kabilang tauhan.
"Patayin!"
"Atakihin ang kastilyo at sirain ang array!"
Sila Elder Bai, Cang Yuyue, at ang iba pa ay nagpakawala ng sunod-sunod na atake.
Ding Ding Ding!
Iwinagayway ni Sub-Division Leader Batie ang kaniyang palakol at napilitan siyang dumepensa dahil namatay na ang mga kasamahan niya sa tabi niya.
Buti na lamang, kaya rin siyang bigyan ng suporta ng skeletal Division Leader habang inaayos nito ang mata ng array o kung hindi malamang ay hindi makakatagal ang Sub-Division Leader ng sampung paghinga.
Kasabay nito, mula sa ilang libong milyang layo, sa isang malaking green-gold na ibon.
Shua!
Bumalik ang kamalayan ni Zhao Feng sa kaniyang katawan at siya ay huminga.
"Chapter Leader Zhao, ano ang nangyari ngayon-ngayon lamang?"
Nagtatakang tanong ni Die Ye.
Sa huling ilang paghinga, pumasok si Zhao Feng sa isang kakaibang kalagayan, at ang kaniyang mental energy aura ay ikinanginig ng mga puso ng dalawa.
Talagang nagamit na ang Eye of Heaven ni Zhao Feng sa Purple Saint Ruins. Hindi ito naintindihan nina Jiang Sanfeng at Die Ye.
"Mas mahirap pa ito kaysa sa iniisip ko… Ang Division Leader ng Scarlet Moon Religion ay parang isang Sovereign na nasa peak ng Origin Core Realm. Ako na mismo muna ang pupunta roon.
Ano?
Division Leader ng Scarlet Moon Demonic Religion? Origin Core Realm Sovereign?
Dali-daling nagulat sina Jiang Sanfeng at Die Ye at hindi nila agad-agad na natanggap ang katotohanang ito.
Shua!
Bago pa man matapos ang mga sinasabi niya, isang malabong arko ng kidlat ang biglang kumislap sa alapaap.