Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 481 - Origin Core Realm?

Chapter 481 - Origin Core Realm?

Sa tapat ng kastilyo, ang itim na usok ay parang nawawasak at mabilis na bumabalik sa dati.

"Patayin!!"

Ang mga elites ng Dragon Killing Alliance ay sumugod sa pagitan.

Sila Elder Bai, Cang Yuyue, Old Su, at ang ilang dosena pang mga eksperto na nasa True Spirit Realm ay sumali sa labanan.

Sa usok, iwinagayway ng Sub-Division Leader Batie ang kaniyang higanteng battleaxe at hiniwa ang kalupaan na mayroong hindi mapapantayang kapangyarihan.

Sa tabi ng Sub-Division Leader Batie ay naroroon si Palace Lord You Long at ang isang elder na mayroong gray na robe, sila ay parehas na nasa late-stage True Lord Rank, at pinaatras nila sina Old Su at Cang Yuyue.

Ten Thousand Swords Returning to One!

Sigaw ni Elder Bai nang iwagayway niya ang kaniyang manggas, bumubuo ng isang nakakaakit na mga liwanag ng ilaw na nabuo at umulan patungo kay Sub-Division Leader Batie.

Ding! Ding! Ding!

Iwinagayway ni Sub-Division Leader Batie ang kaniyang palakol, hinaharapng niya ang atake ni Elder Bai at nagpapadala ng kislap kung saan-saan.

Kung bilang at top-level na lakas ang pag-uusapan, ang Dragon Killing Alliance ang nakalalamang.

Subalit, ang panig ng kastilyo ay hindi natatakot sa kamatayan, at ang tatlong mga taong humarang sa daan ay lahat nasa late-stage True Lord Rank.

Ang pinakamahalagang bagay ay, ang kastilyo ay mayroong array, at ang itim na hamog ay parang isa harang ng kamatayan.

Ang mga nasa ibaba ng True Spirit Realm ay hindi kayang harangin ang kapangyarihan. Ang pinakakatiting na paghawak dito ay magdudulot sa pagbulok ng kanilang mga laman at tiyak na gagawin silang isang bungkos ng mga puting buto, magiging resources sila para sa Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array.

Kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay maaapektuhan at mawawalan ng battle power.

Ang mga normal na True Human Ranks ay mawawalan ng 50% ng kanilang lakas sa hamog na ito, kung saan ang mga True Mystic Rank naman ay mawawalan ng 20-30%. Ang mga nasa True Lord Rank ay ang pinakahindi maaapektuhan, mawawalan lamang sila ng 10% ng kanilang battle strength.

Sa kabilang banda, ang kastilyo ay mayroong dose-dose ng mga anyong nasa True Spirit Realm.

Kahanga-hanga, talagang hindi naaapektuhan ang mga taong ito ng itim na usok.

"Tiyak na karapat-dapat siya maging isang Division Leader. Kinokontrol niya ang array para ang kalaban lamang ang maapektuhan."

Nakatayo si Lin Tong sa kalayuan at hinahangaan ang sitwasyon nang hindi nakikisali sa labanan.

Hindi nga halos makita ng kaniyang eye bloodline ang nangyayari sa hamog patungo sa skeletal Division Leader sa kailaliman ng kastilyo.

Whoosh!

Ang itim na bandila sa tapat ng skeletal Division Leader ay patuloy na wumawagayway at kinokontrol ang itim na hamog sa paligid ng kastilyo.

Sobrang nag-iingat si Lin Tong, tinitiyak niya na hindi direktang tumingin sa skeletal Division Leader upang hindi siya mapansin nito.

Kapag nakarating ang isang tao sa level ng isang Division Leader, ang mga paraan niya ay hindi na lubos maiisip. Ang pagpatay sa True Mystic Rank ay magagawa sa pag-iisip pa lamang.

Ding! Ding! Shu~~~~

Peng! Bam! Boom~~~~

Ang dalawang panig ay nagsimula ng isang mapulang labanan malapit sa espasyo.

Niyanig ng labanan nina Elder Bai at ni Sub-Division Leader Batie ang kalangitan at ang kalupaan. Ang nakapaligid na isang daang yarda ay ang lugar ng kamtayan. Walang nasa ibaba ng True Lord Rank ang mabubuhay doon.

Ding Ding Ding~~~

Dahan-dahang napilitang dumepensa ni Sub-Division Leader Batie, iwinawagayway niya ang kaniyang palakol upang gumawa ng isang "axe wall."

"Ang babaeng ito mula sa Ten Thousand Sword Clan ay napakalakas. Kahit si Sub-Division Leader Batie ay napipigilan niya."

Nagulat si Palace Lord You Long at ang isa pang late-stage True Lord Rank.

Ang labanan sa pagitan ng dalawa ay hindi patas.

Una, si Elder Bai ay naapektuhan ng Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array at nawalan siya ng 5% ng kaniyang tunay na lakas.

Ikalawa, si Batie ay isang power-type cultivator na ngayon ay dumedepensa.

Kailangang makipagsagupaan ni Elder Bai kay Sub-Division Leader Batie, na siyang nag pinakawalang bisang paraan.

Subalit, kahit ganoon, natatalo niya pa rin si Batie.

Kumpara sa kaniya, si Zhao Feng ay nakaasa sa bilis, likdi at sa kaniyang bloodline power.

Kung direktang makikipagsagupaan si Zhao Feng kay Sub-Division Leader Batie, tiyak na matatalo siya.

Ginawa ni Elder Bai ang hindi niya magagawa sa sitwasyong ito.

"Hindi na masama, hindi na masama. Ang iyong Ten Thousand Sword Technique ay kailangang maensayo hanggang sa ikalabingpu't apat at may pagasa dapat ito na makaahabol kay Nan Jianfeng mula noon."

Isang misteryoso at gasgas na boses ang maririnig mula sa kastilyo.

"Sino kang buwisit ka?"

Bahagyang nanginig ang nang marinig niya ang mga salitang "Nan Jianfeng."

"Hehe, noon, si Nan Jianfeng ay hindi pa halos nakakaabot ng isang daang taon at kahit ganoon halos makatungtong na siya sa Origin Core Realm upang maging ang ikalawang Sword Saint. Nagbayad ako ng malaking halaga upang patayin siya."

Nangibabaw ang anyo ng skeletal Division Leader sa taas ng kastilyo sa isang posisyon kung saan ang lahat ng tao ay nakikita siya.

"Si Nan Jianfeng ay ang aking lolo. Kung ganoon ikaw ang salarin mula sa Scarlet Moon Demonic Religion na pumatay sa kaniya~~~!?"

Nanlamig ang mukha ni Elder Bai nang humiwa siya ng mga liwanag ng espadang puno ng paglalayong pumatay patungo sa skeletal Division Leader sa himpapawid.

Tumawa ang skeletal Division Leader at iwinagayway ang kaniyang bandera, gumagawa ng isang dragon ng usok na nasusunog sa isang scarlet-purple na apoy.

Boom!

Ang mga sword beams na hiniwa ni Elder Bai ay madaliang nasira ng skeletal Division Leader.

"Dominating Heaven Limitless Slash!"

Ginamit ni Sub-Division Leader Batie ang pagkakataong ito upang patalsikin si Elder Bai ng ilang dosenang yarda.

Shu!

Napunit ang mga damit ni Elder Bai at isang gasgas ang naiwan sa kaniyang kulay nyebeng balat.

"Master!"

Sigaw ni Cang Yuyue.

"Zhe zhe zhe… bakit ang lakas ng loob mong hindi bigyang-pansin ang aking Devouring Spirit Ten Thousand Withering Array?"

Mapaglarong tinanong ng skeletal Division Leader.

Nagpatuloy siya sa pagwagayway ng bandera at sa pagkontrol ng usok.

Ang kakaibang bagay ay si Skeletal Division Leader ay nanatili sa himpapawid sa taas ng kasilyo at hindi tinugis si Elder Bei o kung sino man.

"Mukhang hindi maganda ang sitwasyon para sa Dragon Killing Alliance, at ang Scarlet Moon Demonic Religion ay mayroon pa ring isang Division Leader na nagmamanman. Sinong nakakaalam kung ano ang iniisip niya?"

Nanood si Lin Tong sa labanan nang walang kahit anogn senyales ng pakikisali. Kahit na siya ay alalay ni Zhao Feng, walang makakapag-utos sa kaniya.

Sa tapat ng kastilyo, si Elder Bai ay bahagyang napinsala mula sa paglilipat ng kaniyang atensyon, subalit inatake niya pa rin si Sub-Division Leader Batie. Subalit, malinaw na ang kaniyang battle power ay bumaba at hindi na kasingdali noon.

"Ang pagitan ng usok ay mas lumiliit."

Nagawang matiis ng matandang si SU ang isa pang late-stage True Lord Rank na naka gray na robe, subalit siya ay napaatras pa rin.

Wu~

Ang butas sa usok ay mabilis na naayos at mas kumalat pa ito palabas.

"Lahat kayo, maghanda kayong umatras!"

Labis na nagbago ang ekspresyon ng matandang si Su. Kahit na sa ganito kagandang pagkakataon, hindi pa rin makalagpas ang Dragon Killing Alliance sa array. Nangangahuluguhan ito na ang kanilang pagasang magtagumpay ay mas bababa pa kapag naayos ang array.

Dagdag pa rito, ang skeletal Division Leader na nasa himpapawid ay parang isang hindi nakikitang bundok na nagdulot upang hindi makahinga ang lahat ng tao.

Ang ideya na totoong lalaban nang harapan sa skeletal Division Leader ay napakahirap isipin.

"Hehe, huli na ang lahat~~~!"

Iwinagayway ng skeletal Division Leader ang itim na bandera at nagpalabas ng isang naglalagablab na itim na usok mula sa ulap patungo sa espasyo.

Boom!

Ang naglalagablab na itim na usok ay nagsimulang bumuo ng isang hugis tatsulok na scarlet-purple na apoy na pader na kumulong sa lahat ng taong nasa loob nito, hinaharangan ang kanilang daan.

Hindi maganda!

Lumingon ang upper echelon ng Dragon Killing Alliance at nakakita ng isang pader ng apoy na nakaharang sa kanilang daan palabas. Dagdag pa rito, ang apoy ay kinokontrol ng itim na bandila, kaya't mayroon itong sampung beses na kapangyarihan ng normal na itim na usok.

"Wala ng paraan para umatras."

Mayroong madilim na mga ekspresyon ang upepr echelon ng Dragon Killing Alliance.

Magiging isang lawa ng dugo at tubig ang mga normal na True Spirit Realm at kung mahahawakan nila ang itim na usok na ito na kinokontrol ng itim na bandila, at ang pader na gawa sa apoy sa likuran nila mas nakakatakot ito dahil ito ay naglalaman ng 'Core Flame' ng Skeletal Division Leader."

"Wala ka pa sa half-step Origin Core Realm!"

Labis na namutla ang mukha ni Elder Bai at siya ay nalugmok.

"Ganito pala. Ang tunay na layunin ng Skeletal Division Leader ay tapusin ang buong upper echlon ng Dargon Killing Alliance nang sabay-sabay."

Nagpakita ng hitsura ng nakakaintindi si Lin Tong.

Para naman sa cultivation ng skeletal Division Leader… bilang isang parte ng upper echelon ng Scarlet Moon Demonic Religion, hindi na nakakagulat para sa kaniya ang magkaroong ng cultivation na nasa Origin Core Realm.

"Zhe zhe, noon, ako ay naipuwesto bilang middle-high rank sa lahat ng labingdalawang Divisions. Kahit na kagigising ko pa lamang nakaraang ilang taon at hindi pa ako gumagaling, ang mga nasa half-step Origin Core Realm ay hindi pa rin maikukumpara sa akin."

Mayroong mayabang na ekspresyon ang skeletal Division Leader.

Sa wakas ay nakulong na niya ang buong upper echelon ng Dragon Killing Alliance.

Sa puntong ito, ang buong Dragon Killing Alliance, kabilang na si Elder Bai, ay nasa bingit ng kamatayan.

Ang pagsugod ay walang pagasang magtagumpay. Ang pag-atras ay maglalapit lang sakanila sa kamatayan.

Dagdag pa rito, ang skeletal Division Leader ay hindi pa umaatake. Nagpaplano siya sa buong oras.

"Mayroon pang isa…"

Ang mga pulang alab sa mga mata ng skeletal Division Leader ay tila ba nagsitalunan nang tumitig siya kay Palace Lord You Long.

"Division Leader, ano ang mga utos ninyo?"

Kinilabutan si Palace Lord You Long matapos matitigan sa loob ng mahabang panahon. Mayroon bang dumi sa kaniyang mukha?

Pinanood ni Lin Tong ang eksena na walang simpatya.

"Kailangan ko bang sabihin kay Zhao Feng?"

Nagdalawang-isip si Lin Tong.

Naalala niya kung ano ang sinabi sa kaniya ni Zhao Feng noon, "Hindi mo kailangang sumali sa labanan, subalit kung ang Dragon Killing Alliance ay nasa panganib, hawakan mo ang Dark Heart Seed sa iyong isipan. Mararamdaman ko ito at tutulong ako."

Ang Dark Heart Seed ay isang espesyal na markang iniwan ni Zhao Feng sa kaluluwa ni Lin Tong.

Ang markang ito ay kakaiba mula sa God's Eye Mark dahil ito ay nakatuon lamang sa pagkontrol sa ibang tao.

Habang nagdadalawang-isip si Lin Tong…

Miao miao!

Isang maliit na silver-gray na pusa ang biglang lumitaw kung saan. Umakyat ito sa balikat ni Lin Tong at marahang tinapik ang kaniyang leeg.

Nanigas ang katawan ni Lin Tong at mapait siyang ngumiti. Minaliit niya si Zhao Feng. Paanong walang natitirang plano si Zhao Feng matapos magbigay ng ganito kahalagang gawain kay Lin Tong?

Nang walang pag-aalinlangan, itinulak niya ang kaniyang mental energy patungo sa Dark Heart Seed.

Hmm?

Tila ba may naramdaman ang skeletal Division Leader at lumingon siya sa direksyon ni Lin Tong habang lumilipad ang mga alab sa palibot ng kaniyang mga sakong.

Shua!

Isang enggrandeng mental energy aura ang biglang lumitaw sa alapaap sa taas ng kastilyo. Kahit ang mga nasa True Lord Rank ay hindi makahinga.

"Sinong naroroon!?"

Tumalon ang puso ng skeletal Division Leader.

Isang malaking mata ang lumitaw sa alapaap at tila ba kasabay niyong nabubuhay ang kalangitan at ang kalupaan habang malamig itong nakatitig sa kaniya.

"Iyon ang…!!"

Nanginig ang mga puso ng eksperto ng Dragon Killing Alliance at bigla silang nakaramdaman ng pangangailangang yumukod.

Nandito na naman 'yan!

Sininok si Palace Lord You Long, halatang mayroon siyang masasamang alaala.

"Zhe zhe zhe… Matagal kitang hinintay. Ang marka kay You Long ay kagagawan mo, diba?"

Kahit na nagulat ang skeletal Division Leader sa kung paano lumitaw ang Eye of Heaven, hindi siya masiyadong nagulat dito.