Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 473 - Scarlet Moon Division Leader

Chapter 473 - Scarlet Moon Division Leader

Napakislot ang mga mata ni Zhao Feng habang pinapanood niyang umalis sina Elder Bai kasama si Cang Yuyue.

"Ang Elder Bai na ito ay hindi nagmula sa Clour Area. Mayroon siguro siyang mga intensyon para pumunta ng Broken Moon Clan."

Pagkamuhi ang siyang bumuo ng mukha ni Lin Tong. Kung hindi dahil sa dumatin si Zhao Feng, sinong nakakaalam kung ano ang gagawin sa kanya ni Elder Bai.

Si Lin Tong ang tipo ng tao na nagdadala ng galit, at ngayon kinaiinisan niya na si Elder Bai.

"Naabot niya ang Peak True Lord Rank at hindi na siya mapantayan. Umaasa ako na huwag sana niyang pakialam ang kasalukuyang sitwasyon ng Cloud Area."

Bumuntong hininga si Tandang Su.

Parehong siya at si True Lord Tiexiao ay nakaramdam ng presyur ng kaharapin nila si Elder Bai.

"Isa siyang dagdag pwersa at personal na tagabantay ni Cang Yuyue."

Hindi pinaniwalaan ni Zhao Feng kung ano man ang sinabi ni Lin Tong. Ayon sa kanyang sariling analisis, si Elder Bai ay nasa parehong panig nila Zhao Feng at ng Dragon Killing Alliance.

"Subalit, kahit ano pa man, walang kahit sinong tagalabas ang dapat na guluhin ang lugar na ito."

Isang malamig na aura ang makikita sa mga mata ni Zhao Feng. Hindi lamang ito dahil sa kampante siya pero dahil ito sa ayaw niyang may mga nakakapasok na iba sa Cloud Area.

Pagkatapos nitong lahat, bumalik na si Zhao Feng sa kanyang seklusyon. Nakakuha siya ng ilang kabatiran mula sa paglalaban nila ni Cang Yuyue at mukhang aayusin niya na naman ang kanyang pundasyon.

Kalahating araw nag makalipas, ang aura ni Zhao Feng ay hindi na mararamdaman. Ang kanyang Source ng True Spiirt sa loob ng kanyang dantian ay lalong kumapal at ang estadong likido ng kanyang True Spirit ay kumislap.

Ang Qi ng kanyang True Spirit ay kasingbilis ng kidlat at kasingliksi ng hangin habang humihimig ito sa kanyang buong katawan. Ang kapiranggot lamang ng kanyang aura ay sapat na para agad na mapatay ang mga nasa True Human Rank.

Ang Qi ng True Spirit ng mga nasa True Lord Rank ay napakalaki at kahit kapiraso lamang nito ay sapat na para patayin ang mga nasa Ascended Realm.

Kapareho ito sa kung paanong ang True Force ng mga nasa Ascended Realm ay kayang patayin ang mga nasa Consolidated Realm.

"Mayroong pitong dakilang realms sa mundo ng cultivation at nang hindi ko nalalaman, naabot ko na ang sukdulan ng ikatlo."

Bumuntong hininga si Zhao Feng habang inaaalala ang nakaraan.

Mayroong pitong dakilang realms mula noon hanggang ngayon: Consolidated Realm, Ascended Realm, True Spirit Realm, Origin Core Realm, Void God Realm, Mystic Light Realm, at Heavenly Divine Realm.

Si Zhao Feng ay kasalukuyang nasa ikatlong Sky ng True Spirit Realm – ang "True Lord Rank"– at siya ang nasa tuktok ng Cloud Area. Isa siyang eksperto kahit pa sa kabuuan ng kontinente.

Hindi nagtagal, nakiisa ang kamalayan ni Zhao Feng sa Ice Imperial Spear, isang Earth-Grade Inheritance weapon.

Hindi nangahas si Zhao Feng na ilabas ang Ice Imperial Spear pagkataposn niyang makabalik ng Azure Flower Continent. Alam niya kung gaano ka nakakagulat ang pagkakaroon ng isang Earth-Grade Weapon sa kontinente, kahit pa sira ito.

Mayroong mga alamat tungkol sa Earth-Grade Weapons.

Sa mga ancient records o lumang tala, mayroong isang napakalaking bansa – ang Daguang Dynasty.

Ang pagkakaroon ng mga Dynasties ay isang bagay na kahit kailanman ay hindi papangarapin ng Azure Flower Continent.

Sa kasalukuyan, ang kontinente ay mayroong small countries, strong countries, at great countries. Ang salitang "dynasty" ay ipinagbabawal.

Subalit, ang pinuno ng Daguang Dynasty ay hindi naniniwala rito at gumawa siya ng isang dynasty.

Hindi nagtagal, isang divine weapon ang nabuo at isang gabi na lang ay nasira ang buong Daguang Dynasty.

Mula noon, ang mga dynasties ay alamat na lamang at talagang ipinagbabawal.

"Ang Imperial Spear na nasa aking kamay ay isang sirang Earth-Grade Weapon at halos lahat ng kapangyarihan na ito ay nasa mahimbing na pagtulog."

Pagsusuri ni Zhao Feng.

Pagkatapos makipag-isa ng Ice Imperial Spear sa kanyang katawan, nawala ito. Subalit, nararamdaman ni Zhao Feng ang impormasyong nilalaman nito.

Ang Ice Imperial Spear ay talagang magkatugma at si Zhao Feng kung kaya pwede niya itong maunawaan kailanman niya gustuhin.

Habang lumilipas ang oras, unti-unti na niyang nauunawaan ang gamit ng kanyang bloodline ng yelo at tubig.

Ilang araw ang makalipas.

"Mukhang ang Imperial Spear ay nasa mahimbing na pagtulog sa aking katawan. Kung mapapadaloy ko ang aking bloodline, baka magamit ko ang kapangyarihan nito."

Mukhang gusting subukan ito ni Zhao Feng, pero pinilit niya munang alisin ito sa kanyang isip. Hindi niya pwedeng hayaan na lumabas ang aura ng isang Earth-Grade Weapon.

Katulad ito ng isang mortal na biglaang nabiyayaan ng isang nakasisindak na killing machine. Mayroon silang pagkamaligalig, ekspektasyon at hindi mapakaling pakiramdam.

Sky Cloud Forest.

Mayroong isang malaking lawa sa kailaliman ng Sky Cloud Forest.

Sa araw na iyon, isang malalim na ungol ang maririnig mula kaibuturan ng lawa.

Sa tunog na "huala", isang malaking itim na ahas, na halos 20 yarda ang haba, ang siyang lumabas mula sa lawa. Ang malakas at madugong aura nito ay kayang panginigin ang mga halimaw na nasa loob ng sampung milya ang layo mula rito.

Ceng Ceng!

Isang lalaki at babae rin ang lumutang mula sa kalaliman ng Sky Cloud Forest na tila mga multo.

Ang babae ay nakadamit ng itim at may napakanormal na mukha. Ang kanyang ekspresyon ay kasingkalmado ng tubig.

"Protector Youmo, ang Black Water Python mo ay kumain lang naman ng napakaraming True Spirit Realm na mga halimaw, at isa pang True Mystic Rank na tao. Mas malakas na rin ang aura nito ngayon pagkatapos nitong magising…"

Nakangiting wika ng lalaking nakaputi.

Si!

Ang Black Water Python ay tila isang maliit na bundok habang nakatayo ito. Bigla nitong binuksan ang kanyang mga mata na mas malaki pa kaysa sa mga parol, at sapat na ito para takutin palayo ang mga tao.

"En, binigyan ko ito ng Triple Yin Soil at Scarlet Demonic Water. Ang battle power nito ay maihahalintulad na sa isang True Lord Rank."

Isang ngiti ang masisilayan sa mukha ng babae.

"Isa itong nilalang na maihahalintulad sa isang True Lord Rank. Mukhang si Protector Youmo ay mabibigyan ng malaking importansya ng mga nakatataas ng Scarlet Moon Demonic Religion."

Wika ng lalaking nakaputi nang may halong inggit.

"Masyadong mapagkumbaba si Protector Sanling. Narinig ko na dalawang True Lord Ranks ang namatay sa Sanling Grass Sword Technique mo kalahating taon ang nakalilipasa sa isang strong country sa North."

Syempre hindi nangahas ang babae na maliitin ang lalaking nasa harap niya.

Ceng Ceng!

Ang dalawa ay sumakay na sa Black Water Python at saka umalis na.

Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang lumang templo.

"Protector Youmo, Protector Sanling, hinihintay naming kayo."

Isang pangit na bangkay ang lumabas mula sa templo. Mayroon itong mga madugong guhit sa buong katawan.

"Protector Blood Corpse."

Sou Sou Sou!

Ang tatlong Protectors ay agad nang pumasok sa misteryosong templo.

Sa loob ng isang sirang gusali.

"Isang pagbati, tatlong Protectors."

Maraming mga anyo ang tumayo mula sa sulok at yumuko.

"Tatlong Protectors na ang nagpakita. Ganoon rin, ang pinuno muna sa ngayon ay si Sub-Division Leader Batie."

"Ang sitwasyon sa Cloud Area ay hindi raw maganda? Narinig kong si Deputy Sub-Division Leader You Long at ang tusong Protector Blood Corpse ay parehong natalo."

Dose-dosenang mga auras ang mararamdaman sa templo.

Ang pinakamahina sa mga auras na ito ay isang True Mystic Rank at karamihan sa kanila ay may obligasyong magbantay.

"Kailangan mo pa bang magtanong? Si Deputy Sub-Division Leader You Long ay nawalan ng isang binti at isang braso naman ang nawala kay Protector Blood Corpse. Lahat ng ito ay ginawa lamang ng isang kabataan…."

Karamihan sa kanila ay nakikihalubilo sa spiritual sense o kaya naman ay mga sikretong techniques.

Ang Palace Lord You Long at Palace Lord Blood Corpse ay nasa iisang pangkat lamang.

Ang nangungunang trono ay walang laman, at si Palace Lord You Long ay nakaupo lamang sa ikalawang upuan nang may madilim na mukha.

"Narito na ang Sub-Division Leader!"

Isang nanginginig na boses ang umalingawngaw sa templo at isang mahigpit na aura ang pumuno sa mapanirang gusali.

Hu~

Isang malalim na aura ang sumilay sa templo at tumawag ng mga bayo ng hangin.

Ang templo ay tila nanginig sa pagbaba ng taong ito.

"Isang pagbati, Sub-Division Leader."

Ilang dosenang anyo sa templo, kasama na sina Palace Lord You Long, Protector Blood Corpse, at ang lalaki at babaeng kapapasok lamang kanina, ay napatayo.

Isang malaking anyo ang nagpakita sa unang upuan o ang trono. Ang laki ng kanyang katawan ay maihahalintulad sa isang baka, at ang anyon ito ay may matabang mukha at maliliit na mga mata. Ang mga palad nito ay singlaki ng isang pamaypay at ang mga kalamnan nito ay katakot-takot tignan.

Ang taong ito ay tila isang pagbaba ng kabundukan. Maraming mga anyo sa ibaba ang nagsimulang magpawis at nahirapang huminga.

"Sub-Division Leader Batie, hindi ko akalaing pupunta ka talaga para suportahan ang Cloud Area."

Isang malamig na boses ang nagmula kay Palace Lord You Long.

"Hmph, You Long, isang tao ka na may potensyal na umangat sa religion, pero ang kalahati ng Sub-Division ay natalo ng isang sutil?"

Napasinghal si Sub-Division Leader Batie sa pagkadismaya.

Nang marinig ito, ang mukha ni Palace Lord You Long ay pumangit, pero hindi na siya umangal pa.

Kung lakas at estado lang naman ang pag-uusapan, nahuhuli na si Palace Lord You Long dahil sa kanyang sugatang binti at hindi na siya ganoon kalakas katulad ng ibang Protectors.

Sa sumunod na bahagi ng usapan, nanatiling tahimik lamang si Palace Lord You Long.

"Narinig kong ang Sub-Division Leader Batie ay napakatalino at isang napakagaling na sundalo na siyang pumatay ng siyam na True Spirit Realms, kasama na ang isang True Lord Rank. Simula ngayon, makikinig na kami sa inyong mg autos…."

Sa kabilang banda, aktibong sumali naman si Protector Blood Corpse sa diskusyon.

"Tama iyan! Kami na ang bahala sa Cloud Area."

Pumayag rin ang iba.s

"Isang lipon ng mga tanga!"

Pinanginig ng boses ni Sub-Division Leader Batie ang buong templo.

"Hmph! Kung ang sutil na si Zhao Feng ay ganyan lamang kadali ligpitin, tingin niyo ba matatalo si You Long? Tingin niyo ba ang titulo ng isang napakahusay na prodigy ay isang palabas lamang?s"

Napasinghal si Sub-Division Leader Batie at nagpawis tuloy ang iba.

Syempre, hindi rin naman siya ang tipo ng taong natatalo agad.

"You Long, may mga suhestiyon ka ba?"

Ang mga mata ni Sub-Division Leader Batie ay napunta sa tahimik na Palace Lord You Long.

Nagsalita si You Long, "Ang tagasunod na ito ay inirerekomenda na bantayan muna ang dalawang strong countries at ang thirteen small countries at panooring ang pagbabago. Dapat muna nating hayaan ang oras."

"Duwag! Ang Scarlet Moon Demonic Religion ay hindi pa nagkakaroon ng isang basurang tulad mo noong kami pa ang namamahala sa kontinente."

Napamura si Sub-Division Leader Batie at dinuraan si Palace Lord You Long.

Nakakatawa!

Paalis na sana si Lord You Long pero bigla siyang nanlamig at nang iangat niya ang kanyang ulo.

Tila ba may isang mata na nasa kalangitan, malamig na minamanmanan ang lahat ng kanyang kilos.

Hindi siya mapakali sa pakiramdam na ito.