Habang nasa ere, ang sagupaang naganap sa pagitan ni Zhao Feng at Cang Yuyue ay agad na naunawaan ng mga nasa True Spirit Realm.
Ang mga mata ni Elder Bai ay puno ng gulat at ang kanyang ekspresyon ay naging taimtim.
"Zhao Feng, nalagpasan mo na ang mga kalkulasyon ko, pero kasisimula pa lang naman ng laban. Pagkatapos kong makalabas ng Seven Sword Inheritance, ang layuin ko ay talunin ang limang napakahusay na prodigies."
Ang sword intent ni Cang Yuyue ay patuloy na tumataas at ang kanyang kalooban ay ganoon rin, lalong lumalakas.
Shua!
Isang daluyong ang makikitang nabubuo sa sira-sirang ispada. Humimig ito na tila ba isang tunog na kayang yanigin ang buong kaluluwa.
Isang nakapapanirang sword intent ang nabuo na siyang nagdala ng matinding presyur sa mental energy dimension kung kaya nayanig ang mga puso ng ibang nasa True Spirit Realm.
"Walang kahit anong sword intent ang kasinglakas nito sa buong Cloud Area."
"Ang sword intent na ito ay napakadominante na kaya nitong pagbantaan at atakihin ang mga isip ng True Lord Ranks."
Nagsimula nang magpokus sina Tandang Su at True Lord Tiexiao. Ang distansya sa pagitan nila ay medyo maiksi, kung kaya nararamdaman nila kung gaano kalakas ang sword intent. Isa itong bagay na hindi dapat tinitignan nang direkta.
Weng~~
Ang ancient sword ni Cang Yuyue ay nagsimula nang manginig, at isang matingkad na malamig na liwanag ang nagsimulang suminag mula rito, sabay naglabas ito ng isang guhit na kayang makatusok at may kasamang malamig na pagnanasang makapatay.
"Anong lakas ng kanyang sword intent. Teka, ang ispadang iyan…"
Ang tingin ng lahat ay napunta sa ancient sword.
Paniguradong malalim ang kasaysayan nito.
Sa loob lamang ng ilang hininga, ang aura mula sa sira-sirang ispada ay dumoble, at naging triple pa nga yata, na tila ba may isang hindi pa natutukoy na kapangyarihan ang gumising mula rito.
"Heavenly Despair Killing Sword – Random Slaughter Sword Style!"Nilipad ng hangin ang buhok ni Cang Yuyue habang ang matingkad at maliwanag na guhit na ito at umanib sa kanyang katawan.
Shu Shu Shu!!!
Ang mga alon ng sword lights ay gumuhit sa ere at tila ba nawala ng kulay ang araw at buwan dahil ditto. Ang mga nakatutusok na sinag na ito ay kalahating transparent at kaya nitong sirain ang lahat ng nasa daan nila.
Bam Bam Bam~~~~~
Ang mga ulap at kabundukan ay nawawasak sa tuwing natatamaan sila ng mga sinag na ito. May mga butas na nabubuo at napakalalim, at walang kahit sino ang makakita ng hangganan nito.
"Umiwas agad kayo at buksan niyo ang protective array!"
"Buksan ang array!"
Nagkagulo ang buong Broken Moon Clan.
Maraming mga manonood ang nanginginig sa takot sa harap ng atakeng ito. Mukhang libo-libong mga sinag ng ispada ang nagsisimula ng karumal-dumal na patayan.
Ang pagnanasang makapatay ng mga sinag ng ispada na ito ay kayang patumbahin ang mga nasa ilalim ng True Lord Ranks.
"Ang kapangyarihan ng ispadang ito ay sapat na para pagbantaan ang mga normal na True Lord Ranks."
Sina True Lord Tiexiao, Tandang Su at Lin Tong ay tumakas habang sinusubukan nilang alisin ang kapangyarihan nito sa kanila.
Shu~
Maraming mga galos ang makikita sa katawan ni Lin Tong at hindi niya mapigilang sumigaw.
"Ito ba talaga ang kapangyarihan ng isang nasa True Mystic Rank? Kahit si Yu Tianhao ay hindi ganito kalakas ang opensa bago pa niya maabot ang True Lord Rank."
Mukhang nakuha na ni Cang Yuyue ang atensyon ni Zhao Feng, nawala na ang pagiging kaswal nito sa mukha.
Ang kapangyarihan na mayroon sa sira-sirang ispada ni Cang Yuyue ay nagdulot sa Ice Imperial Spear na makaramdam ng isang bagay.
Ang atakeng ginawa ni Cang Yuyue ay malawak ang sakop at wala itong sinusundan kaya hindi ito maiiwasan.s
Wu~~
Isang alon ng kidlat ang makikita sa harap ni Zhao Feng at agad itong umikot nang mabilis.
Ding Ding Ding~~~
Maraming mga tilamsik ang siyang kumalat at sinalag ang mga sinag ng ispada, pero may iilan pa ring mga matatalas na sinag ng ispada na siyang humiwa patungo kay Zhao Feng.
Qiu!
Ang anyo ni Zhao Feng ay biglang naglaho sa pagitan ng hangin at kidlat.
Subalit, ang pang-unawa ni Cang Yuyue sa kanyang ispada ay lagpas sa inaakala ni Zhao Feng. Marami pang sinag ng ispada ang nakatuon sa kanya sa segundong muli siyang nagpakita.
"Hmm?"
Nagpakita si Zhao Feng ng isang ekspresyon nang pagkagulat.
Weng~~ Boom!
Sa isang ungol, nagpadala siya ng mga alon ng hangin at kidlat na siyang sumira sa lahat sa loob ng 20 milya na paikot.
Halata namang lumagpas si Cang Yuyue sa mga inaasahan ni Zhao Feng at napilit siya nitong gamitin ang kanyang totoong lakas bilang isang True Lord Rank.
"Hehe, matapos pagliyabin ng kanyang kalaban, ang sword intent ni Cang Yuyue ay tumaas na sa isa pang lebel, at ang kapangyarihan na nasa loob ng 'ancient inheritance sword' ay nagsisimula nang magising…. Ang supreme sword killing technique ng Seven Sword Inheritance ay talagang nakasisindak."
Ang mukha ni Elder Bai ay puno ng papuri at paghanga.
Isang invisible barrier ang siyang sumasalaw sa alon ng mga sinag ng ispada na napupunta sa kanya.
Mula sa mga manonood, tanging si Elder Bai lamang ang nakakanood nang maayos.
Kumpara sa kanya, ang iba pang dalawang True Lord Ranks na sina Tandang Su at True Lord Tiexiao ay natataranta.
"Mabuti ito, karapat-dapat ka nga sa Seven Sword Inheritance."
Masaya si Zhao Feng sa halip na magulat at sinimulan na niyang suriin ang paligid.
Wu~
Isang suson ng kulay asul na hangin ang pumalibot sa kanya na siyang nagpadala ng mga arko ng kidlat at sinira ang mga sinag ng ispada sa harap niya.
Itinuon ni Zhao Feng ang kanyang atensyon sa paggalaw. Kasingliksi siya ng hangin at kasingbilis rin ng kidlat.
Ginagamit niya ang bilis at liksi na ito para makalaban gamit ang hangin at kidlat bilang kanyang kapangyarihan.
Wind Lightning Chaotic Storm!
Isang bola ng hangin at kidlat ang nabuo sa palad ni Zhao Feng habang bumubuo siya ng mga bayo ng umaatungal na hangin at ulan sa loob ng isang milyang paikot.
Boom~~~
Ang buong lugar ay nabalot ng mga maiitim na ulap at pagkidlat.
Ang skill na ito ay lagpas pa sa mga normal na techniques at gumagamit ito ng esensya ng Heaven Earth Yuan Qi sa pinakamataas nitong antas.
"Destruction Slaughter Sword Style!"
Ang mukha ni Cang Yuyue ay nagbago sapagkat natutulak siya ng bagyo ng hangin at kidlat.
Gumamit na naman siya ng iba pang inheritance sword technique at saka gumawa ng mga sword-winds.
Bam!
Ang paghinga ni Cang Yuyue ay bumilis at ang kapangyarihan ng paggising ng kanyang inheritance sword ay umanib na sa kanyang sword intent, na siyang nagdulot sa kanya ng dalawang beses pa na dami ng kapangyarihan kaysa sa normal na mayroon siya.
Subalit, kahit may kapangyarihan siyang hindi maikukumpara sa dati, ang kalabang nasa harap niya ay hindi niya pa rin mapipigilan.
Matagal nang naunawaan ni Zhao Feng ang inheritance ng Wind Lightning Emperor kung kaya ang bawat kilos niya ay nagdadala ng pagkabahala sa mga True Lord Ranks.
Wah!
Isang tulo ng dugo ang makikita mula sa bibig ni Cang Yuyue habang namumutla siya.
Weng~
Isang hangin ang dumaan kay Cang Yuyue na siyang nakapagpamanhid ng buong katawan niya.
"Natalo ka na."
Bahagyang idiniin ni Zhao Feng ang kanyang kamay sa balikat ni Cang Yuyue.
Gumamit si Cang Yuyue ng mga makapangyarihang atake at halos kalahati ng kanyang Yuan Qi ang naubos, samantalang si Zhao Feng ay punong-puno pa rin ng enerhiya.
Ito ang pagkakaiba ng isang True Lord Rank at True Mystic Rank.
"Hindi pa ito tapos….Heaven Sword Defiance Slaughter Style!"
Isang nakakapagpanginig ng kaluluwang sword intent ang lumabas kay Cang Yuyue at mukhang ginagawa nitong kadiliman ang liwanag. Gustong-gusto niyang manalo na kahit pagbaliktarin ang langit at lupa ay gagawin niya.
Kahit na hindi pa siya lumingon, ang sira-sirang ancient sword sa kanyang kamay ay biglang nawala at tumungo kay Zhao Feng sa isang magandang bulusok.
Ang mukha ng lahat ay nagbago nang makita ang eksenang ito.
"Hindi ko gaanong makita ang sword intent na ito. Ang ispadang ito ay sapat na para makapatay ng kalahti ng mga nasa True Lord Ranks, at kahit ang mga nasa huling yugto ay mahihirapang tumakas nang walang galos mula sa isang maiksing distansya."
Naging masaya ang mukha ni Elder Bai.
Umaasa siya na ang ataken ito ay mapapatay si Zhao Feng.
Sa kabilang banda, sina True Lord Tiexiao at Tandang Su ay nagulantang. Walang duda, ang sword intent ni Cang Yuyue ay may kapangyarihan ng isang nasa Peak ng Sword Dao. Kahit ang dalawang True Lord Ranks na ito ay walang laban sa atakeng ito.
Booooom~~~
Isang alon ng nakakapanlululang tubig ang siyang sumalag sa nakakatakot na ispada na ito.
Whoosh!
Ang alon ng tubig na ito ay naglalaman ng isang kalambutan na hindi mapaliwanag.Dalawang hininga ang makalipas, higit pa 90% ng magandang ispada ang naglaho. Tanging kaunting liwanag lamang ang nakapasok sa alon.
"Malamig yata?"
Hinawakan ni Zhao Feng ang napakaliit na sugat sa kanyang balat.
Ang gulat ay nakasulat sa kanyang mukha. Mukhang minaliit niya ang kanyang kalaban.
Bukod pa roon, ang huling atakeng ginawa ni Cang Yuyue ay hindi niya inaasahan, ang kapangyarihan na nilalaman nito ay sapat na para mapatay ang isang normal na True Lord Rank.
Subalit, ang maliit na sugat na ito ay agad na gumaling sa tulong ng kanyang bloodline power.
"Zhao Feng, hindi ko akalain na ganyan ka pala kalakas. Ginamit mo ba ang totoo mong kapangyarihan….?"
Ngumiti nang mapakla si Cang Yuyue bago pa siya mahimatay.
Ang kanyang pinakamalakas na atake ay sapat na para makapatay ng halos kalahati ng mga True Lord Ranks pero halos hindi man lang nito nasugatan si Zhao Feng.
"Yuyue!"
Sa isang guhit ng puting liwanag, agad na nasalo ni Elder Bai ang malaglag pa lamang sana na si Cang Yuyue.
Broken Moon Clan.
Sina Tandang Su, First Elder at ang mga kasama nito ay nagpakawala ng hininga.
Kahit na nag huling ispadang atake ay napakalakas, mas hinahangaan pa rin nila ang ipinakitang kapangyarihan ni Zhao Feng.
Sa harap ng atakeng iyon, agad na nakakilos si Zhao Feng, at agad rin siyang nakabuo ng isang malakas na depensa ganoon rin ay napagaling niya agad ang sarili.
"Pagkatapos lumabas ni Zhao Feng sa hindi matukoy na inheritance na ito, lumalago na siya na tila isang Diyos. Ang kanyang bloodline, ganoon rin ang kanyang mga skills ay tumaas nang higit higit at hindi na mabilang…."
Ang mga mata ni Elder Bai ay naguhitan habang nakatingin siya kay Zhao Feng nang ilang sandal. Nakaramdam agad si Zhao Feng ng isang mahinang panganib at pagnanasang patayin siya, pero hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong bakas ng pagkatakot.
Hindi nagtagal, tinignan ni Elder Bai si Zhao Feng nang malalim at saka umalis.
Mayroon lamang siyang 60% na tsansa para patayin siya.
"Ang sutil na ito ay nagpopokus sa hangin at kidlat. Bilis at opensa ang kanyang forte. Ang kanyang eye bloodline naman ay pangdepensa at nakakapagpagaling pa. Mahirap talaga siyang patayin."
Nararamdaman ni Elder Bai na mahirap nga talaga itong gawin.
Wala nga siyang halos mahanap na kahinaan kay Zhao Feng at sumasakit na ang ulo niya dahil dito.
Bukod pa roon, may dalawa pang ibang True Lord Ranks dito at hindi rin naman simple ang Iron Blood Religion. Makabubuti kung huwag niya silang kalalabanin.
Ang mga rasong ito ang siyang nagpasuko kay Elder Bai na patayin si Zhao Feng, pero pansamantala lamang ito.