Sa ibabaw ng bulwagan, isang bola ng hangin at kidlat ang nagsimulang maipon at naging ipo-ipo, at makikita ang mga kidlat.
Weng~~
Ang ipo-ipo ng hangin at kidlat ay nagsimulang umikot nang mas mabilis habang may maririnig ng nakakayanig na tunog. Ang Yuan Qi sa hangin ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa kidlat at hangin.
Ang pinanggagalingan nito ay nagmula kay Zhao Feng.
Sa layong kalahating milya, ang dalawang True Lord Rank ay nagtinginan nang may gulat sa kanilang mga mata.
Sa oras na ito, isang makapangyarihang aura ng True Lord Rank ang kumakalat sa ilang milya.
Sa kabutihang palad, ang lugar na napili ni Zhao Feng ay liblib, ngunit kahit na ganoon, ang buong Broken Moon Clan ay hindi mapakali.
Boom!
Maiitim na ulap ang bumalot sa langit sa ibabaw ng Sky Moon Mountain at ang magulong hangin at kidlat ay kumalat sa loob ng ilang milya.
Ang ganitong pagpapakita ng kalikasan ay nagdahilan para hindi mapakali ang Broken Moon Clan.
Sa loob ng bulwagan, ang youth na may asul na buhok ay kumaway sa hangin habang minsan ay may lumilitaw na mga liwanag sa kaniyang mukha at isang bilog ng hangin at kidlat ang kumonekta sa ipo-ipo sa itaas.
"Kaisa ng kalikasan... konsentrasyon... Xin Wuhengm hindi ko inakalang ang iyong intent ay magiging ganito kaisa ng kalikasan at matutulungan ako nang malaki sa pagtatagumpay sa True Lord Rank."
Ang mga mata ng youth ay napuno ng galak.
Sa sandalint ito, nakaabot na si Zhao Feng sa huling hakbang.
Ang katotohanan, hindi siya nahirapan sa pag-abot ng True Lord Rank, ngunit ang paghahanda ay mas matagal sa inaasahan.
Sa isang kamay, kailangang pagyabungin ni Zhao Feng ang kaniyang Source of True Spirit. Sa kabilang banda, ang makapangyarihang kaluluwa ni Zhao Feng ay may kahanga-hangang epekto sa proseso.
Ang "kaisa ng kalikasan" ni Xin Wuheng at ang Wood Spirit Soul Essence ay nagbigay kay Zhao Feng ng isang hindi inaasahang bagay.
Sa kaniyang isip, iba'ti bang uri ng pag-unawa at intent ang nagtatama na tila mga liwanag na nagdadahilan ng apoy.
Huala! Boom~~
Ang mga ekspresyo ng dalawang True Lord Rank ay seryoso nang tumingin sa makapangyarihang hangin at kidlat.
Ang gulo ay sapat na para sirain ang isang nayon, at ang mga Elder ng Broken Moon Clan ay bunuksan pa ang protective array kapag hindi nakontrol ang gulo.
"Bukas!"
Isang sigaw ang nanggaling sa loob ng bulwagan.
Crack!
Isang bilog ng hangin at kidlat na kasingkapal ng isang kamao ang kaagad na nasira sa madilim na langit.
Huala~~~
Umulan at umaraw.
Ang mga disipulo ng Broken Moon Clan ay naramdamang tila nakapasok sila sa ibang mundo. Noong nakaraang sandalim isang makapangyarihan aura ang tila kayang sirain ang Broken Moon Clan sa isang sandali.
Boom!
Kumidlat nang malakas sa langit at may lumabas na bahagahari.
Kasabay nito, isang bagong True Lord Rank aura ang bumalot sa ilang milya.
"Nagtagumpay na siya?"
"Isang dalisay na aura... Hindi ito beginning-stage True Lord Rak na maikukumpara sa iba."
Ang dalawang True Lord Rank ay nagulat. Nakalagpas na si Zhao Feng sa beginning-stage True Lord Rank, na nakatipid ng ilang taon.
Sa puntong ito lang ay tila nabugbog na ang dalawang True Lord Rank.
Dagdag pa rito, ang mental energy ni Zhao Feng ay bahagyang mas lumakas. Pagdating sa dalisay na mental energy, nakalagpas na siya sa late-stage True Lord Rank.
Isang bilog ng kidlat ang lumitaw sa hanign at lumabas sa harapan ng dalawang True Lord Rank.
Agad na pagkatapos nito, isang nakakamanhid na pakiramdam ang nagpayanig sa puso ni Old Su.
Huminga nang malalim ang dalawa at tumingin sa youth na may asul na buhok nang may magulong ekspresyon.
Matapos na maabot ang True Lord Rank, tila naging isa si Zhao Feng sa hangin at kidlat sa paligid, na hindi nakikita.
"Pagbati para kay Brother Zhao Feng para sa pag-abot sa True Lord Rank."
"Ang pag-abot sa early-stage True Lord Rank mula sa True Mystic Rank sa isang hakbang. Siguradong ikaw na ang pinakamalakas na tao sa lugar ng Cloud."
Si Old Su at True Lord Tiexiao ay masaya, ngunit nagbuntong hininga kasabay nito.
Ang tunog ng paglipad ay lumitaw at ang mga upper echelon ng Broken Moon Clan, kasama si Clan Master Yang Gan at mga kasama nito, ay pumunta para bumati.
Ang buong Clan ay napuno ng galak.
Ang pagsibol ng isang True Lord Rank ay sapat na para mabago ang sitwasyon ng Cloud.
Ang bilang ng mga True Lord Rank dito ay maliit lang na nabibilang ito sa iisang kamay at lahat sila ay mga supremong pinuno.
Para sa isang maliit na puwersang tulad ng Broken Moon Clan, ang pagsibol ng isang True Lord Rank ay isang himala.
Kahit sa Canopy Great Counry, isang True Lord Rank ang nakapagbigay ng malaking pagbabago.
Makalipas ang kalahati ng kailangang oras sa paggawa ng tsaa, sa Central Hall Division.
Si Zhao Feng, Old Su, Tiexiao, First Elder, Yang Gan, at ilang upper echelon ay nagtipon.
Matapos lumabas sa seklusyon, naintindihan na ni Zhao Feng ang karamihan sa sitwasyon sa Thirteen Countries.
Ang lahat ay nangyayari nang mas maayos sa inaasahan.
Gamit ang Broken Moon Clan bilang gitna, ang ibang mga puwersa ay nagsimula nang tumakas sa kontrol ng Iron Dragon Alliance. Dagdag pa rito, si Cang Yuyue mula sa Cloud Sword Clan ay nakabalik sa at pumatay ng ilang mga tao mula sa Iron Dragon Alliance.
Syempre, ang nakarami pa rin ay si Zhao Feng. Nakatalo siya ng tatlong Palace Lord at sinira ang kasunduan. Ang kuwento ni Zhao Feng ay isang alamat.
Ang kaniyang pangalan at kasikatan ay nagsimula nang kumalat sa buong Cloud area, at sa ilang tsismis, siya ang sinasabing pinakamalakas sa lugar ng Cloud.
"Old Su, anong kailangan ninyong pag-usapan at nagmamadali kayong pumunta?"
Napunta ang tingin ni Zhao Feng kay Old Su.
Naramdaman niya ang aura ni Old Su habang siya ay nasa seklusyon.
"Ang kapangyarihan ng Iron Dragon Alliance ay kumalat na sa bawat sulok ng lugar ng Cloud. Hindi na isang lihim na sinuportahan sila ang Scarlet Moon Demonic Religion. Halimbawa, si Palace Lord You Long, ang Blood Corpse Palace Lord, at ilang Core Elders ay mula sa Scarlet Moon Demonic Religion lahat. Ilang araw na ang nakalipas, ang Dragon Killing Alliance ay nakatanggap ng masamang balita..."
Nagsimulang mas maging seryoso ang boses ni Old Su.
masamang balita?
Ang lahat ay nagulat.
"Sa lugar sa tabi ng dalawang malakas na bansa at ang Thirteen Countries, may mga paglitaw ng Scarlet Moon Demonic Religion at mga elite ng Iron Dragon Alliance..."
Sabi ni Old Su.
Scarlet Moon Demonic Religion?
Ang malakas na kapangyarihang ito ba ay nagsisimula nang magbalik?
Tila nayanig ang mga puso nila First Elder, Yang Gan, at mga kasama. Si Zhao Feng lang ang kalmado at hindi natatakot sa Scarlet Moon Demonic Religion noon pa.
"Old Su, kailangan mong tignan nang maigi ang mga kilos ng Iron Dragon Alliance. Sa tingin ko ay hindi bababa nang ganoon kadali ang Iron Dragon Alliance, at hindi magtatagal ay aatake na sila."
Malakas na loob na sinabi ni Zhao Feng.
"Paano ka nakakasigurado?"
Si Old Su ay bahagyang nagulat. Ang Alliance ay sumailalim sa maraming pagsusuri para mapunta sa ganoong seklusyon.
Walang ekspresyong ngumisi si Zhao Feng, "Dahil si Palace Lord You Long ay nasa Thirteen Countries pa rin. Kaya ko siyang habulin kahit kailang ko naisin at tapusin din ang iba."
Ang God Eye Mark na iniwan ni Zhao Feng kay Palace Lord You Long ay nararamdaman pa rin.
Gamit ang markang ito, makukumpirma ni Zhao Feng na kung hindi pa bumalik si Palace Lord You Long sa Iron Dragon Country at nasa Thirteen Countries pa rin.
Sa bakas na ito, kayang atakihin ni Zhao Feng ang upper echelon ng Iron Dragon Alliance nang isa pang beses.
Pagkatapos nito, si Old Su at Zhao Feng ay nagsimulang mag-usap kung paano lilinisin ang grupo ng Iron Dragon Alliance at Scarlet Moon Demonic Religion.
Sa oras na ito, nagpakita si True Lord Tiexiao ng ilang mga lihim ng Iron Dragon Alliance at Scarlet Moon Demonic Religion.
Makalipas ang isang oras, lumabas na ng Central Hall si Zhao Feng.
Ipinalaganap niya ang kaniyang kaliwang mata at naramdaman ang direksyon ni Palace Lord You Long na malapit kung saan sinabi ni Old Su na lumitaw ang grupo ng Scarlet Moon Demonic Religion.
"Ngayong naabot ko na ang True Lord Rank, ang kailangan ko lang gawin ay ang magpokus sa Wind Lightning Stone Tablet at ang Imperial Spear, na makakapagpataas ng aking battle power. Sa oras na ito, walang nasa ilalim ng Origin Core Realm ang makakapantay sa akin."
Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng. Ang Wind Lightning Stone Tablet ay ang kaniyang pangunahing pinanggagalingan ng pagyabong.
Kay Palace Lord You Long naman, hangga't hindi niya nararamdamang may markang inilagay sa kaniya, halos imposible na itong mahanap.
Ang ibig sabihin nito ay hinihintay na lang ang oras para habulin ni Zhao Feng si Palace Lord You Long.
Habang nag-iisip si Zhao Feng, osang tunog mula sa paligid ng Broken Moon Clan at ang aura ng sword intent ay tila sumasaksak sa lugar.
Ang mga puso ng mga disipulo ng Broken Moon Clan ay nanlamig.
Gaano kalakas ang kaluluwa ni Zhao Feng?
Naunawaan na niya ang Dao of the Soul at labis na sensitibo sa sword intent na nakakarating sa soul dimension.
Sa harapan ng Broken Moon Clan, isang walang ekspresyong lalaki ang nakaharap sa isang babaeng may payak na damit.
"Scarlet Demon Moon Eye – Demonic Hell Asura!"
Ang mga mata ni Lin Tong ay naging itim at nakabuo ng isang bloody demonic moon.
Weng~
Isang blood-red demonic moon ang lumitaw sa ibabaw ng ulo ni Cang Yuyue sa bahagyang hindi maramdamang paraan at nagpakawala ng isang malaimpyernong aura na angbibigay ng nakakasindak na mga pangyayari sa kaniya, na nakagawa ng kaguluhan sa kaniyang isip.
Nagtama ang mga kilay ni Zhao Feng at hindi mapakali sa loob ng ilang saglit, ngunit ang sword intent sa kaniyang katawan ay mas nagign matalim.
Ang mga blood-red tentacles ay humaba mula sa kaiyang blood-red demonic moon at sinubukang dalhin siya sa impyerno.
"Seven Sword Inheritance – Heavenly Despair Killing Sword!"
Si Cang Yuyue ay iwinasiwas paharap ang green-bronze na patalim na nagbibigay ng malamig na killing intent.