"...mukhang pain lamang ako."
Kumalma si Clan Master Haiyun. Sigurado siya na hindi niya na kailangan pang mangamba tungkol sa kanyang kaligtasan ngayon.
Kahit sino sa Iron Dragon Alliance ay kayang sumira ng ulap.
Isa pa, ang pagsasama-sama ng tatlong Palace Lords ay sapat na upang baguhin ang kalangitan ng Cloud area.
Gayunpaman kahit na masaya ang Clan Master Haiyun, ang kanyang puso ay puno ng pait.
Kahit gaano pa kalaki ang kanyang plano, isa lamang siyang maliit na pain.
Ngunit, mausisa rin si Clan Master Haiyun.
Tatlong Palace Lord ang dumating para labanan ang isang bata?
Hindi ba ang pagmamalabis na ito ang problema?
Sa sandaling ito, tahimik ang buong Sky Moon Mountain.
Ang mental energy auras ng tatlong True Lord Ranks ay naging dahilan upang manigas ang Heaven Earth Yuan Qi, at lahat ay balisang manginig.
Mula sa Clan Master, Elders hanggang mga disipulo ng Broken Moon Clan, lahat sila ay gulat at balisa.
Walang nakaisip na ang pagkikita ni Zhao Feng at Clan Master Haiyun ay magreresulta ng ganoong bagay.
Gayunpaman, ang pagiging mausisa ang bumalot sa mga tao mula sa Broken Moon Clan.
"Anong mayroon kay Zhao Feng upang ang tatlong Palace Lord ng Iron Dragon Alliance ay magsasama-sama para patayin siya?"
Nagulat ang buong Broken Moon Clan.
Sou Sou Sou~~~~
Kasabay nito, ang tunog ng paglipad mula sa labas ng Broken Moon Clan.
Higit sa sampung malalakas na aura ang dumating sa Broken Moon Clan, ang bawat aura na ito ay sapat na upang magyanig ang puso ng bawat upper echelon ng Broke Moon Clan.
"True Mystic Rank! Ang lahat ng aura na ito ay nasa second Heaven ng True Spirit Realm!"
"Isa… dalawa… tatlo…"
"Diyos ko! Ang Iron Dragon Alliance ay nagpadala pa ng sampung Core Elders?"
Nataranta ang Broken Moon Clan.
Isa lamang sa mga Core Elders ay sapat na upang magyanig ang Broken Moon Clan, at ngayon, sampu ang dumating.
Siyempre, ang tatlong Palace Lords ang pinaka ginagalang.
"Ang Iron Dragon Alliance ay nagpadala ng maraming pwersa para lang patayin si Zhao Feng?"
Hindi maka kalma ang puso ni Clan Master Haiyun.
Isa o dalawang Core Elders ay sapat na upang sirain ang Broken Moon Clan.
Masasabi ng Clan Master Haiyun at upper echelons na ang bagay na ito ay kakaiba.
Matapos ang kanilang gulat, ang tingin ng lahat ay bumalik na sa dahilan ng pangyayaring ito - kay Zhao Feng.
Ang kagulat-gulat na senaryong ito ay dahil sa isang kabataan.
Misteryosong ilaw ang bumalot sa kabataan na minsnag naging isa sa pinaka henyong kabataan sa Thirteen Countries.
Ang kakaiba pa dito ay kahit pinalilibutan ng tatlong Palace Lord si Zhao Feng, wala sa kanila ng mayroong kaswal na ekspresyon.
Sa kanilang gitna, ang matulis na pamaypay ni Tru Lord Tiexiao ay isang talampakan na lang ang layo sa likod ni Zhao Feng. Sa mata ng lahat, ang kailangan na lamang gawin ni Lord Tiexiao ay galawin ang kanyang kamay at maaari niya ng hatiin si Zhao Feng sa dalawa.
Gayunpaman, walang ginawa sila True Lord Tiexiao, You Ling at Bi Ji.
Si Zhao Feng na nasa Eight Dragon Slaughterer Demon Array ay pinalilibutan ng tatlong Palace Lords, ay sobrang kalmado at nakalagay ang kanyang mga kamay sa likod.
"Zhao Feng, maganda ang iyong ipinakita sa Sacred True Dragon Gathering. Isa ka rin sa mga Pinaka mahusay na Prodigies. Maging ako ay bulag sa iyong talento at kabanatan."
Dahan-dahang saad ni True Lord Tiexiao.
Sa pagdinig dito, lahat ay nagkaroon ng diskusyon.
"Sacred True Dragon Gathering? Ang maalamat na Sacred True Dragon Gathering?"
"Mula sa tono ni True Lord Tiexiao, maganda ba ang resulta ni Zhao Feng?"
Para sa Broken Moon Clan, maging sa Thirteen Countries, ang Sacred True Dragon Gathering ay alamat.
Ang dalawang Palace Lords ay nakatinging maigi kay Zhao Feng at walang bahid ng pagka kalma.
"Zhao Feng, bata ka pa, ngunit mayroon ka ng ganyang klaseng lakas at lubha mo pang nasugatan ang Blood Corpse Palace Lord kanina. Maliban sa akin, wala na ang kayang tumalo sa kanya sa aming apat na Palace Lords. Naniniwala ako na kapag nalaman ito ng Division Leader, magagamit ka niya nang maigi.
Ang boses ni Palace Lord You Long ay nangibabaw sa Central Hall.
Sa apat na Palace Lords, si Palace Lord You Long ang may pinaka mataas na estado at pinaka malakas.
May itim na sungay si Palace Lord You Long at ang kanyang bloodline aura ay sapat na upang bahagyang mapanginig ang dugo ni Zhao Feng.
Ang mga walang bloodline ay matataranta na sa presensya ng Palace Lord You Long, na tila isang tupa sa harap ng lobo. Ito ay tila pagharap sa isang nilalang na may mas mataas na buhay.
Ang mga sinabi ni Palace Lord You Long ay gumulat sa upper echelons ng Broken Moon Clan.
"Si Zhao Feng… ay natalo ang Palace Lord?"
"Maging ang pinuno ng apat na Palace Lord ay inanyayahan siyang sumali sa kanila?"
Gulat ang nakita sa mukha ni Clan Master Haiyun at Regulations Elder.
Hindi nila maiwasan na pagpawisan nang malamig habang iniisip nila kung paano sila nagplano sa ganoong kalakas na kalaban. Lahat ay nakatuon kay Zhao Feng, maging si Bei Moi at Lin Tong na nasa himpapawid.
"Kung ang tatlong Palace Lords ay kayang tapusin si Zhao Feng, ang aking Dark Heart Seed ay mawawala rin."
Bumuntong-hininga si Lin Tong.
Kaibigan at kalaban ay hinihintay ang sagot ng lalaking may asul na buhok.
Gayunpaman, ngumiti si Zhao Feng. Tumingin siya kay Clan Master Haiyun at Bei Mi bago dahan-dahang magsalita.
"Brother Bei Moi, mahusay. Ang mga eksperto sa Iron Dragon Alliance ay talagang dumating sa Broken Moon Clan. Valn Master Haiyu, salamat sa pakikiisa. Kung hindi dahil sa tulong mo, hindi magtatagumpay ang aking plano."
Isang tawa ang nangibabaw sa burol.
Sa sandaling sinabi niya ito.
"Ako… Ako…"
Napanganga si Bei Moi na tila siya ay nabulunan.
"Pakikiisa? Kailan iyon…?
Biglang nanigas ang ekspresyon ni Clan Master Haiyun.
Hu~
Ang tanging tunog na nanatili ay ang hangin.
Naguluhan sina True Lord Tiexiao at Palace Lord Bi Ji.
"Ano…!??"
Sumigaw si Palace Lord You Long kasabay nang pagdilim ng kanyang ekspresyon.
Ang mga taong naroon ay naramdaman na tila may mali, ngunit kung iisiping mabuti, marami ang nakaintindi.
Ginaya ni Zhao Feng ang sinabi ni Palace Lord You Long, "Bei Moi, mahusay! Bumalik nga sa Broken Moon Clan si Zhao Feng. Caln Master Haiyun, kung hindi dahil sa tulong mo, hindi kami madadalian na patayin ang batang ito."
Parehong pangungusap ang sinabi niya matapos ang ilang pagbabago.
Napakakulay ng ekspresyon nina Bei Moi at Clan Master Haiyun.
May paghihinalang lumingon sina True Lord Tiexiao at Palace Lord Bi Ji sa dalawa, ngunit gulat din sila.
"Ka-...katawa-tawa!"
Paanong hindi maintindihan ni Clan Master Haiyun ang katotohanan?
Isang kahihiyan ang lumitaw sa kanyang puso.
"Napaka g*go ng kapalaran ni Clan Master Haiyun. Ginamit na psin nina Zhao Feng at ng Iron Dragon Alliance."
Puno ng gulat ang mukha ni Clan Master Haiyun.
Hindi bumalik si Zhao Feng sa Broken Moon Clan upang patayin si Clan Master Haiyun.
O masasabing hindi pagpatay kay Clan Master Haiyun ang kanyang pinaka hangarin.
Si Clan Master Haiyun ay isa lamang "pain" na alam ng Iron Dragon Alliance. Malaki ang tsansa ni Zhao Feng na bumalik upang patayin siya.
Handa si Zhao Feng na gamitin ang pagkakataon na ito upang gamitin ang mga eksperto sa Iron Dragon Alliance.
Pinalaya ni Zhao Feng ang Blood Corpse Palace Lord dahil mas marami pa siyang makukuha rito.
"Hehe, mas magandang maakit ang tatlong Palace Lords at sampung Core Elders."
Mainit ang ngiti ni Zhao Feng.
Puno ng galit sila You Long, Tiexiao at Bi Ji.
Ito ang unang beses na nakakita sila ng ganito kayabang na tao.
"Bata, huwag kang mayabang. Sa tingin mo talaga ay matatalo mo ang tatlong True Lord Rank?"
Sumigaw si True Lord Tiexiao at winagayway ang kanyang metal fan, na nagdala ng malamig na alon ang liwanag kay Zhao Feng.
Ding Peng Peng~~~~
Isang malalim na ungol ang lumitaw kasama ng dark-grey na liwanag.
Ding!
Kislap ang lumipad sa buong paligid at halos mawalan ng kontrol ang True Lord Tiexiao sa kanyang pamypay.
Deng Deng Deng!
Higit sa sampung yarda ang inatras ng True Lord Tiexiao.
"Iyan… Iyan ay…!!"
Tumingin si True Lord Tiexiao sa kulay abong usok sa tabi ni Zhao Feng.
We~ Wu~
Dalawang malaking dark-silver ghost corpses ang lumitaw sa kulay abong usok, na naglabas ng air of death.
Gamit lamang ang hangin na ito mula sa dalawang dark-silver ghost corpses ay halos mamatay na ang maga kalapit na disipulo.
"True… True Lord Rank!"
"Paano siya nagkaroon ng dalawang True Lord Rank ghost corpses!?"
Gulat ang dalawang Palace Lords.
Naloko si True Lord Tiexiao. Ang dalawang True Lord Rank ghost corpses ay halos magpasuka sa kanya ng dugo at halos mawalan siya ng kontrol sa kanyang armas.
Sa usaping cultivation, si True Lord Tiexiao ay nasa unang yugto ng True Lord Rank.
Ang dalawang dark-silver dhost corpses ay katulad niya, ngunit may malaki silang kalamangan sa pisikal na katangian.
Shua Shua!
Ang dalawang True Lord Rank dark-silver ghost corpses ay lumipad sa tabi ni Zhao Feng.
Bam Bam Bam~~~
Sa isang kisap-mata, ang Eight Dragon Slaughterer Demon Array sa tabi ni Zhao Feng ay gumuho.
Ang mga kaluluwa nila Clan Master Haiyun at mga kasamahan nito ay halos liparin matapos humarap sa katakot-takot na aura.
Walang nakaisip na mayroon si Zhao Feng ng ganoong klaseng tinatagong alas, pag papalabas ng dalawang True Lord Rank ghost corpses.
Ang ganitong klaseng lakas ay sapat na upang paglaruan ang Broken Moon Clan.
Hindi, kaya na rin nitong sirin ang Thirteen Clans.
"May tinatagong ganoong alas si Zhao Feng…"
Lubhang nagulat si Bei Moi at Lin Tong. Nagulat sila habang pinapanood ang dalawang True Lord Rank ghost corpses na pino-protektahan si Zhao Feng.
Nakalimutan ng tatlong Palace Lord na umatake.
Si True Lord Tiexiao, na minsan ng natalo ang Thirteen Clans, ay napaatras ng dalawang ghost corpses at halos masugatan siya.
Hindi agad matanggap nina You Long at Bi Ji ang katotohanan.
Dalawang True Lord Rank ghost corpses ay sapat na upang baliktarin ang sitwasyon.
Ito ay nangangahulugan na si Zhao Feng at ang dalawang True Lord Rank ghost corpses ay maikukumpara na sa tatlong True Lord Ranks, kapantay ng tatlong Palace Lords.
Gayunpaman, kung si Zhao Feng ay may tapang na pumunta rito, paanong wala siyang itinatagong alas?
Sa sandaling ito, lahat ng tao sa Broken Moon Clan ay tumingin sa lalaking may asul na buhok nang may pag-iingat at respeto.
"Oras na para isarado ang lambat. Minsan ko ring naging clan ang Broken Moon Clan, tatapusin ko na ito nang mabilis…"