Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 460 - Pagbabalik (2)

Chapter 460 - Pagbabalik (2)

Sa gusali ng Clan Master sa Broken Moon Clan.

"...Nakapasok na si Zhao Feng sa Thirteen Countries at patungo na siya sa Broken Moon Clan na mayroong tapang. Hindi ito maganda para kay Master."

Walang emosyon na binalita ni Bei Moi ang kagulat-gulat na balita.

Ang mga kalapit na taong naka black-hood ay may kasing lalim ng dagat na aura. Lahat sila ay nakaabot na sa True Spirit Realm, ngunit wala sa kanila ang nagsasalita mula kanina.

"Hmph, gusto akong patayin ng batang iyan?"

Bahagyang tumawa si Clan Master, "Nakatanggap na ako ng balita kalahatinv buwan na ang nakaraan at sinabihan ang Core Elder mula sa Iron Dragon Alliance na gumawa ng depensa sa Sky Moon Mountain. Isa pa, umupa rin ako nang makapangyarihang alyansa para kay Zhao Feng."

"Inayos na ito ni Master."

Nagpakita nang papuring ekspresyon si Bei Moi. Ang pagbalik ni Zhao Feng sa Cloud area ay hindi isang simpleng bagay. Tanging maliit na bilang ng tao lamang ang may alam nito.

Tinago rin ng Iron Dragon Alliance ang balita ng pagkatalo ni Blood Corpse Palace Lord at ang eksaktong lakas ni Zhao Feng dahil bababa and tingin nila sa 09.

Noon, halos napatay ni Zhao Feng ang lahat ng pwersa ng Blood Corpse Palace Lord. Kaya maliban sa maliit na bilang na tao, wala na talagang ibang nakakaalam.

Pinuri ni Bei Moi kung paano ang naging reaksyon ni Clan Master Haiyun sa ilang mga maliliit na bakas at kung paano niya pinaghahandaan ang pagbabalik ninZhao Feng.

Hindi lamang dahil sa swerte kaya umabot si Master Haiyun sa ganitong sitwasyon.

"Oh, at ang mga kaibigang mong ito ay…?"

Tumuon ang Clan Master Haiyun sa mga black-hooded na tao sa tabi ni Bei Moi.

"Master, matapos niyang dumating sa Cloud area, ang panganib na dala ni Zhao Feng sa 09 ay masyadong malaki. Ang mga upper echelons ng 09 ay hindi masaya, kaya inutusan nila ang ilang mga eksperto pumunta sakin at sikatin ang kanyang lakas."

Kalmadong saad ni Bei Moi.

"Magaling, magaling, magaling, magaling, ang 09 ay malaki ang pagpapahalaga sa'yo at sakin. Mukhang tinadhana talaga ng kalangitan na umalis si Zhao Feng at hindi na bumalik."

Mas naging malaki ang ngiti ni Clan Master.

Sa parehong araw ding ito ay bumalik na si Bei Moi, gumawa ng maliit na selebrasyon si Clan Master Haiyun. Kahit mukhang kalmado sila, ang Sky Moon Mountain ay mas naging maingat.

Lahat ng Elders sa Broken Moon Clan sa seklusyon ay lumabas na. Umabot na sa rurok ang lakas ng Broken Moon Clan at ang mga disipulo ay nakaramdam nang kakaibang hangin ng intensyon ng pagpatay. Ngunit sa labas, masaya ang Broken Moon Clan.

Ang taktika ng Clan MasterHaiyyn na "maging kalmado sa labas, tensyonado sa loob."

Sa sandaling ito, pinamunuan ni Yang Gan ang grupo at umalis sa Clan upang simulan na ang unang misyon sa apatnapu't siyam na misyon.

Ang malaking flying bests na may dalang dalawang True Spirit Realms at ilang mga Seventh Sky Ascended Realmz ay sinuri ang grupo sa baba.

"masyado itong nakakayamot. Walang hamon para sa atin na panoorin pa ang mga walang kwentang ito."

"Hehe, sinabi ng Regulations Elder na maari nating patayin ng sinomang magtangkang tumakas."

Sa halip na maging mahirap, napakadali ng unang misyon ni Yang Gan.

Ang misyon ay kolektahin ang isang uri ng ibon sa kagubatan.

Ang mga outer disciple ay kaya agad itong gawin nang walang hirap, ngunit si Yang Gan at mga kasamahan nito, na mga inner disciples at mga Core disciples ay napilitang gawin ito..

Masasabing ito ay sukatan ng pasensya, pagpipigil at kahihiyan.

"Lahat tayo, galingan natin. Naniniwala ako na parating na si Zhao Feng at babaguhin niya ang tadhana ng Clan."

Saad ni Yang Gan.

Kapag binabanggit ang "Zhao Feng," napupuno ng makulay na liwanag ang mga mata ni Brother Zhao.

Karamihan sa mga disipulong ito ay may magandang relasyon kay Zhao Feng.

Noon, maraming saksi sa kanyang paglaki bilang nangungunang henyo sa Thirteen Clans.

"Ang kinabukasan ni Brother Zhao ay mas mataas kay Bei Moi."

"Ngunit maliligtas ba ni Zhao Feng ang buong Broken Moon Clan? Katulong ni Clan Master Haiyun ang 09…"

Napuno ang mga disipulo ng kalahating galak at kalahating pag-aalala.

"Hindi sigurado kung mababago niya ang buong sitwasyon, ngunit hindi mahirap na baguhin ang ating sitwasyon."

Isang malalim na boses ang nagmula kay Lin Fan.

Si Lin Fan ang unang taong kabilang sa alyansa ni Zhao Feng at magkasama pa silang pumasok sa Floating Crest Palace.

Siya marahil ang pinaka nakakakilala kay Zhao Feng.

Matapos ang kalahating araw.

Natapos ng grupo ni Yang Gan ang unang misyon at pabalik na sa Clan upang dalhin ito.

Sa sandaling ito, sigawan ng takot at pagkataranta ang narinig sa tapat ng bundok.

"Diyos ko po… ang taong iyan!"

"Dalian mo at sabihin mo sa mga Elder~~~!"

Ang mga tao sa pasukan ay naghiyawan.

Sa himpapawid, ang mga mata ng dalawang half-step True Spirit Realms at ilang mga Seventh Sky Ascended Realms ay nanliit.

"Siya… siy iyan!"

Ang ekspresyin ng mga nasa flying beast ay taimtim.

Sa pasukan ng bundok, ang 11 ay ngumiti habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod.

Halatang kanina pa nandito ang kabataang ito. Sinusuri niya ang bundok na tila may espesyal siyang pakiramdam dito.

"Zhao Feng! Siya nga!"

Ang mga tao sa flying beasts ay sumigaw.

"Zhao Feng, Si Clan Master Haiyun ay nagutos na patyin ka pag dumaan ka sa Thirteen Countries ngunut pumunta ka pa rin dito?"

"Taksil na Zhao Feng, sumuko ka na!"

Sumigaw ang mga Regulators at mga disipulo sa Broken Moon Clan, ngunit wala sa kanila ang naglakas nang loob na nagsalita.

Sino ang hindi nakakaalam sa mga milagro at mga katakot-takot na balita tungkol sa batang ito.

Ang titulo na nangungunang henyo sa Thirteen Clans ay kabilang pa rin sa Broken Moon Clan.

"Hehe, pwede mo bang sabihin kay Clan Master Haiyun na ang taksil na si Zhao Feng ay narito na at handa nang magsisi sa kanyang mga kasalanan."

Nang marinig ito, lahat ay nag bulung-bulungan.

Sa sandaling ito, ang mga disipulo, Regulators, mga eksperto sa flying beast, at maging ang mga grupo sa misyon ay nagulat.

Magsisi sa kanyang kasalanan?

Nalaglag ang panga ng mga disipulo sa Broken Moon Clan.

Alam ng lahat na si Zhao Feng ay ang pinahahanap na lalaki sa Thirteen Countries na tumakas mula sa Cloud Area.

Tumakas na siya, bakit pa siya bumalik? May sakit ba siya sa ulo?

"Paano… panano ito nangyari?"

"Brother Zhao… bumalik ka para magsisi sa mga kasalanan?"

Sila Yang Gan at mga kasamahan nito ay naramdaman na binuhusan sila nang malamig na tubig.

Sa ilang sandali lamang ang nakalilipas ay iniisip nila ang pagbabalik ni Zhao Feng. Ngunit sa isang kisap-mata bumagsak sila mula sa langit papuntang impyerno.

Noong may kakaiba siyang naramdaman, biglang lumingon si Zhao Feng kay Yang Gan at mga kasamahan nito at ngumiti.

Mainit ang ngiting ito.

Sila Yang Gan, Lin Fan, Yang Qingshan at mga kasamahan nila ay nanigas.

Maliban kay Lin Fan lahat ay napuno ng pagkabigo.

"Maaaring hindi talaga sumusuko si Brother Zhao."

May kakaibang pakiramdam si Lin Fan na mula sa kanyang pagkakakilala kay Zhao Feng.

Alam niya ang kontrol, talino at pagigibg kalmado ni Zhao Feng.

"Nagkita ulit tayo, brothers at sisters."

Kalmado ang mta ni Zhao Feng na tila hawig sa ulan.

Noong makita jila ang misteryosong kaliwang mata, nakaramdam ng seguridad ang grupo.

Kasabay nito, sa bulwagan ng Clan Master sa Sky Moon Mountain.

"Nag-uulat sa Clan master, dumating ma si Zhao Feng sa tapat ng bundok at sinabing nagsisisi na siya sa mga kasalanan niya."

Ang kagulat-gulat na balitang ito ay kumalat sa buong Broken Moon Clan.

Sa bulwagan, ang Clan Master Haiyun, Regulations Elders at Division Leaders ay nagulat.

"Magsisi sa kanyang mga kasalanan? Sigurado ka bang hindi ka nagkakamali?"

Napanganga si Bei Moi.

Susuko si Zhao Feng?

Hindi siya maniniwala kahit na may pumatay pa sa kanya.

"Mayroon siyang asul na buhok at mata. Mayroon din siyang pusa…"

May galang na saad ng Regulator.

Ang pusang iyon.

Tumaas ang kilay ni Bei Moi kasabay ng pag-alab ng galit. Ang taong iyon ay si Zhao Feng nga.

Noon sa Floating Crest Palace, ang munting kuting na magnanakaw ay niloko siya.

"Hmph, tignan natin kung ano ang plano ni Zhao Feng."

Ang mga hinala ni Clan Master Haitun ay nagpapataas sa kanyang kilay, ngunit tumayo pa rin siya.

Ilang sandali lamang, tumingin mula sa taas ang Clan Master Haiyun at mga upper echelons.

Sa kanilang harapan ay ang lalaking may asul na buhok at ang kanyang kamay ay nasa likod. Sa kanyang balikat ay ang munting kuting na magnanakaw na nagwawagayway ng puting watawat.

Ito ay lalong-lalo na sa kaso ni Bei Moi. Ang kanyang mukha ay kumislot at halos masinok siya noong makita niya ang munting magnanakaw na kuting na hawak ang puting watawat.

"Ang taksil na si Zhao Feng ay bumalik na sa Broken Moon Clan upang humingi nang patawad may Clan Master Haiyun."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at naglakad siya patungong Clan.

"Tumigil ka na diyan!"

"Taksil, dahil nagsisisi ka na, sumuko ka na!"

Ang mga kalapit na disipulo at Regulators ay tila may kaharap sila na napaka lakas na kalaban. Makikita ng lahat na ang cultivation ni Zhao Feng ay umabot na sa True Sirit Realm. Ang mga normal na tao ay hindi na nagtangkang kalabanin siya.

"Sumusuko na siya?"

Tumaas ang kilay ni Clan Master Haiyun.

Kalmado lamang at malakas ang loob ni Zhao Feng, na mas kakaiba sa dati.

Nagsimulang mabalisa si Clan Master Haiyun. Gamit ang kanyang Spiritual Sense, nakumpirma niya na nasa True Spirit Realm na si Zhao Feng., Ngunit hindi niya alam kung nasaan na ang antas ni Zhao Feng.

"Hehe, Clan Master Haiyun, hindi ba't hinahanap mo ako? Hindi ka ba masaya na makita ako?"

Mas naging maganda ang ngiti ni Zhao Feng habang nagbibigay siya nang hindi mapanganib na pakiramdam.

"Anong kinatatakutan ng Clan Master? Napatay nating ang Eight Dragon Demon Slaughtering Array sa Central Division. Kahit na may abilidad siya na baliktarin ang kalangitan hindi siya makakataks."

"Hmph, ang batang ito ay hinahabol ang kamatayan. Paano natin siya hindi sasalubungin?"