"Binalewala niya lang Scarlet Demon Moon Eyes ko? Ang kapangyarihan ba ng kanyang kaluluwa at mata ay umabot na sa antas na kaya nitong balutin ang isang bagay gaya ng isang karagatan?"
Ang katawan ni Lin Tong ay nanigas sa gitna ng ere at ang gulat sa kanyang mga mata ay nagsimula nang kumalat sa kanyang buong mukha.
Ni hindi nga dumepensa si Zhao Feng, binalewala niya lang ang buong atake ni Lin Tong. Sa madaling salita, ang eye bloodline skill ni Lin Tong ay hindi sapat para sirain ang mental energy barrier ni Zhao Feng.
Sou Sou----
Sa parehong pagkakataon, ang dalawang iba pang True Mystic Ranks na pinangunguhana ang pwersa nila ay sumugod tungo kay Zhao Feng na siya namang nakatayo sa itaas ng bundok.
Ayon sa kanilang plano, si Lin Tong na ang bahala para pigilin ang eye bloodline ni Zhao Feng habang aatakihin siya ng dalawang True Mystic Ranks.
Blade of Wind and Lightning!
Bahagyang bumulalas si Zhao Feng habang isang nagniningning na patalim na gawa sa hangin at kidlat ang nabuo sa kanyang kamay na siyang tumawag ng Heaven Earth Yuan Qi sa kakaibang paraan.
"Hindi ito maganda, magsibalik kayo~~~~!"
Ang ekpresyon ng Blood Corpse Palace Lord ay higit na nagbago habang nakatingin siya sa itaas.
Halata naman, sa kanyang antas, na kaya niyang malaman sa bawat kilos ni Zhao Feng na naglalaman ito ng kalaliman na lumalagpas sa mga normal na pamantayan.
Subalit, ang kanyang pagbabala ay nahuli na, o baka napakabilis lang talaga ng atake ni Zhao Feng – sobrang bilis na ang kanyang babala ay wala nang gamit.
Weng~
Ang patalim ay nahati sa dalawa at biglaang lumaki hanggang sa pito o walong yarda.
Sa pagkakataong iyon, ang nakakapanakit na hangin ay tila hinihiwa ag kaluluwa ng isang tao.
Shu Shu!!
Bago pa man makakilos ang dalawang eksperto ng True Mystic Rank, ang kanilang mga ulo ay matagal nang nakahiwalay sa kanilang mga katawan. At naging dahilan ito para kumalat ang dugo sa paligid.
Ang buong proseso ay nagtagal lamang ng ilang hininga. Ang atake ni Lin Tong ay katatapos lamang, kasunod noong nangyari, kung saan pinatay ni Zhao Feng ang dalawang eksperto sa pamamagitan ng isang atake lamang.
Siii!!!
Huminga nang malamig sina Lin Tong at iba pang mga elites ng Iron Dragon Alliance na nakakita ng eksenang ito.
Hindi mapigilan ni Lin Tong na mapasinok.
Hindi lamang ang eye bloodline ni Zhao Feng ang umabot nang kamangha-manghang antas, kundi pati na rin ang kanyang battle skills ay naging kasindak-sindak.
Ang kamamatay lamang na dalawang True Mystic Ranks ay parehong Core Elders na nasa loob ng top 15.
Kung hindi ginamit ni Lin Tong ang kanyang eye bloodline laban sa kanilang dalawa noon, siguro ay magiging pantay lamang ang resulta nila.
Subalit, ang dalawang eksperto na ito ay pinatay ni Zhao Feng sa paraang tila naghihiwa lang siya ng gulay.
"Hehe. Nasawing talunan, halika at mamatay!"
Tumayo si Zhao Feng habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod at nakatingin sa kanya mula sa isang distansya.
Ang puso ni Lin Tong ay nayanig na tila ba nahulog siya sa walang hanggang kawalan. Pagkatalo at pagkahiya ang siyang bumalot sa kanyang buong pagkatao.
"Ikaw…!"
Nagngitngit ang ngipin ni Lin Tong at tumingin paitaas, tila pinapakita na handa siyang lumaban hanggang sa kanyang kamatayan.
Pero sa pagkakataong tumingin siya sa taas, napahinto siya.
Ang kabataang may kulay asul na buhok sa kabundukan ay hindi nakatingin sa kanya.
Sa mismong iyon:
"Huwag kang maging masyadong mayabang, bata. Dati ay nagpapagaling ako…."
Ang naiinis na boses ng Blood Corpse Palace Lord ay umalingawngaw mula sa likod, parehong napahinto ang mga kakampi at kalaban ni Zhao Feng nang marinig ito.
"Ano ang nangyayari?"
Marami ang napahinto, at ang nanginginig na ang mga kamay ni Lin Tong habang pinapatungan ng gulat at kailangan ang naramdaman niyang pagkapahiya.
Nasawing talunan.
Ang mga binitawang salita ni Zhao Feng ay para sa Blood Corpse Palace Lord.
Para naman kay Lin Tong, mula noong simula ay walang paki sa kanya si Zhao Feng.
Ang kalabang talagang pinagtutuunan ng atensyon ni Zhao Feng ay ang Blood Corpse Palace Lord. Mahirap maisip na ang Blood Corpse Palace Lord na ito ay isang taong minsang tinalo ni Zhao Feng, kung kaya kita naman sa pagmamalaki nitong kabataan.
"Hindi nakapagtataka. Zhao Feng, mukhang minaliit talaga kita."
Hindi agad na tumakas si Tandang Su, nanatili muna siya sa isang distansya sakaling kailanganin ni Zhao Feng ng tulong.
Subalit, naisip niyang masyado niya yatang sineseryoso ang lahat.
Naunawaan na rin ni Tandang Su kung ano ang pakahulugan ni Zhao Feng sa "makikipaglaro".
Naging isang guhit ng lilang liwanag ang Blood Corpse Palace Lord at tumalon ito patungo kay Zhao Feng.
Shua!
Ang bilis ng Blood Corpse Palace Lord ay tulad ng hangin, at maraming mga tao na naroroon ang hindi man lang makita ang pagkilos nito.
Sa ilang kisapmata lamang, ang Blood Corpse Palace Lord ay nakarating na sa harap ni Zhao Feng at nagpakawala ito ng isang malalim, mala-bundok na aura na siyang dudurog kay Zhao Feng.
"Ah, ang Blood Corpse Palace Lord na ito ay katulad ni Mo Yu ng Black Cliff Palace na siyang nagcucultivate gamit ang Corpse Strengthening Technique, pero mukhang isinama niya ito sa Dao of Blood."
Pagsusuri ni Zhao Feng gamit ang kanyang kaliwang mata.
Kung lakas lamang ang pag-uusapan, ang Blood Corpse Palace Lord ay katulad lang ni Mo Yu, pero mas maalam lamang ito at mas tuso.
Crack!
Ang halos isang daang taong bundok ay sumabog at nagpirapiraso at naging abo at usok na lamang na bumubuga patungo sa kalangitan.
Ang palm attack ng Blood Corpse Palace Lord ay nakawasak lang naman ng isang buong kabundukan.
Qiu----
Isang guhit ng kidlat ang umihip sa may langit. Ang tunog ng kulog at ningas ng hangin ang siyang sinamahan si Zhao Feng habang lumilipad ito sa loob ng isa hanggang dalawang milyang paikot.
May mga maririnig na pag-iyak at paghiyaw malapit sa maitim na pulang barko.
Sa bawat pagkakataon na may "kulog na maririnig at mga hanging nagniningas", may mga dugong dumadanak kaakibat ng pagkamatay ng isa o dalawang katao.
"Tarantadong ito, lumapit ka at ialay ang buhay mo sa akin~~~!"
Ang Blood Corpse Palace Lord ay umatungal sa galit at naging isa siyang madugong lilang guhit na hinahabol si Zhao Feng.
Subalit, hindi man lang niya malamangan si Zhao Feng sa aspeto ng bilis.
Gumamit si Zhao Feng ng "tunay na laban" para maunawaan ang Wind Lightning Stone Tablet sa kanyang isip.
Ang Wind Lightning Stone Tablet ay isang inheritance na nagmula sa Wind Lightning Emperor na siyang supremo pagdating sa aspeto ng pagiging matulin.
Ang mental energy level rin ni Zhao Feng ay higit na mataas kaysa sa Blood Corpse Palace Lord.
Kahit ang kanyang cultivation ay hindi pa umabot ng True Lord Rank, ang dami ng Heaven Earth Yuan Qi na kaya niyang tawagin ay napakalayo na kumpara sa iba.
Ang bilis ni Zhao Feng ay umabot sa sukdulan at hindi niya na pinapansin ang Blood Corpse Palace Lord habang pinapatay niya ang mga nasa Iron Dragon Alliance.
"Arghhhhhh!!!!!"
Ang inis at galit ng Blood Corpse Palace Lord ay umabot na hangganan at halos mawala na siya sa kanyang katinuan. Pinapanood niya na lamang si Zhao Feng na alisan ng buhay ang kanyang mga tagasunod.
Ano pa ang higit niyang kinakawaan sa kanyang sarili ay sapagkat ang bilis ni Zhao Feng ay higit lamang sa kanya nang kaunti pero wala man lang itong naaksayang enerhiya.
Ang bilis ni Zhao Feng ay sapat na para pangimbabawan ang Blood Corpse Palace Lord, at ang kanyang God's Spiritual Eye, kahit ang isa pa o dalawa pang Blood Corpse Palace Lords ay hindi sapat para pigilan siya.
Sa loob lamang ng maiksing oras, halos lahat ng tagasunod ng Blood Corpse Palace Lord ay namatay na.
Bukod kay Lin Tong, ang lahat ng nasa True Spirit Realm ay patay na.
Habang pinapatay ni Zhao Feng ang mga ito, wala man lang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata. Tila ba kumakaharap lamang siya ng mga kalansay na nasa hugis ng tao.
Ano pa ang mas lalong ikinagalit ng Blood Corpse Palace Lord ay, nang patayin ni Zhao Feng ang mga hukbo ng Iron Dragon Alliance, ipinipikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata na tila ba may dapat siyang maunawaan.
"Kahindik-hindik!"
Halos sumabog na ang mga baga ng Blood Corpse Palace Lord. Ginagamit lang pala ni Zhao Feng ang kanyang mga tagasunod para sanayin ang sarili.
Sa loob lamang ng maiksing oras na sampu hanggang 20 na hininga, makikita agad an paglago ni Zhao Feng sa paggamit ng hangin at kidlat.
Ang sira-sirang Wind Lightning Stone Tablet ay natabunan ng mga arko ng kidlat at mga bayo ng hangin, at ang intent nito ay umabot na sa antas ng "Wind Lightning World".
Kaya lamang maunawaan ni Zhao Feng ang buhok at balat ng mundong ito.
Shua!
Napagtanto ni Zhao Feng, na bukod pa sa Blood Corpse Palace Lord, walang kahit sino ang malapit pwera lang kay Lin Tong na siyang nagtatago at nanginginig sa isang bitak ng kabundukan.
Alam ni Lin Tong na sinadya ni Zhao Feng na maging ganito ang lahat, o kung hindi, baka matagal na siyang namatay.
"Blood Corpse Palace Lord, ang lahat ng iyong mga tagasunod ay namatay na," mapaglarong sabi ni Zhao Feng habang isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.
Ang mukha ng Blood Corpse Palace Lord ay madilim at ang pagnanasang makapatay ay mukhang namumuo sa kanya.
Subalit, hindi siya nawala sa kanyang katinuan. Sa maiksing oras na ito ng kanyang galit, kumalma pa nga ang Blood Corpse Palace Lord.
Matagal niya nang tinanggap na ang eye bloodline ni Zhao Feng ay may espesyalisasyon sa mental energy na kayang atakihin ng direkta ang kalaban.
Sa mismong iyon, ang mga pwersa ng Dragon Killing Alliance ay nakatakas na.
Habang napapalibutan ng mga alikabok, tanging sina Zhao Feng at ang Blood Corpse Palace Lord na lamang ang naiwan at kaharap ang isa't isa.
Ang dalawa ay tinignan muna ang isa sa ilang sandali bago sila nagsimulang umatake nang sabay.
Shua!
Isang "madugong lilang guhit ng liwanag" ang nakasupa ang isang "bola ng kidlat at hangin".
Boom----
Ang kapangyarihan ng dalawang panig ay nakalipon talaga at ang mga alon ng kanilang enerhiya ay umabot sa 20 na yarda.
Ang dalawang anyo ay naghiwalay at pagkatapos ng ilang atake, may mga ilang galos na naiwan sa katawan ng Blood Corpse Palace Lord.
"Ang pisikal na katawan ng Blood Corpse Palace Lord ay maikukumpara kay Mo Yu ng Black Cliff Palace. Kahit ang mga normal na True Lord Ranks ay hindi siyang kayang saktan."
Pagbulong ni Zhao Feng sa kanyang puso.
Si Zhao Feng ang mas nakakaangat kung pag-uusapan lamang ang bilis, pero kung sa aspeto ng purong lakas, hindi si Zhao Feng ang magwawagi.
Sa kabuuan, mayroon siyang kontrol sa laban, sapagkat hindi siya kayang talunin ng Blood Corpse Palace Lord.
"Habang wala ang aking God's Spiritual Eye, ang tanging paraan lamang para pataasin ang aking battle power ay ang makaabot sa True Lord Rank."
Ang puso ni Zhao Feng ay malinaw.
Sou!
Pagkatapos huminto nang sandali, ang anyo ni Zhao Feng ay muling naglaho, at ang ere ay napuno ng mga ungol ng hangin at mga palakpak ng kulog.
Ang kontrol ni Zhao Feng sa hangin at kidlat ay lalong umaayos at ang kanyang bilis at lakas ay tumaas nang bahagya.
Umatungal ang Blood Corpse Palace Lord at gumamit ito ng maraming sikreting techniques, pero nakita pa rin ito ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
Walang kahit ano ang makatatalo sa bilis.
Kapag mas nakaaangat na si Zhao Feng pagdating sa bilis, ganoon rin sa pagsusuri at kontrol ng kanyang God's Spiritual Eye, imposibleng matalo siya.
Kung mas normal pa ito na True Lord Rank – isang tao na may napakalakas na pisikal na kaanyuan gaya ng Blood Corpse Palace Lord – ginawa na sana sila ni Zhao Feng na isang karneng hinihiwa.
Kung hindi sana nagcultivate ang Blood Corpse Palace Lord sa Dao of Corpse Strengthening at Dao of Blood, pwede na lamang sanang tawagin ni Zhao Feng ang kanyang dalawang maitim na pilak na Ghost Corpse para patayin ang kalaban na ito pagkatapos kalmutin ito gamit ang nakakalason nitong mga claws.
Lightning Fire God's Eye!
Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay biglang nagbago at naging isang kulay asul. Kasabay noon, isang kalahating transparent na bola ng kidlat at apoy ang siyang lumapag sa Blood Corpse Palace Lord.
Sa pagkakataong nagiging kulay asul ang kanyang mata, ang lakas ng Lightning Fire God's Eye ay nagiging mas nakapangwawasak.
Umungol ang Blood Corpse Palace Lord habang ang kanyang buong katawan ay nagsimulang masunog sa kidlat at apoy. Sa parehong pagkakataon, ang pwersang ito ay naaapektuhan ang kanyang mental energy world.
"Isang nakasisindak na eye technique. Anong klaseng eye bloodline mayroon si Zhao Feng para makontrol ang ganyan?"
Si Lin Tong na nagtatago sa isang bitak ng kabundukan ang nakasaksi ng mapanirang skill na ito habang may gulat sa kanyang mukha.
Bilang isang taong nagcucultivate ng eye techniques, halata namang alam niya, na kapag mas makapangyarihan ang skill, mas malakas dapat ang eye bloodline nito.
Buko pa roon, hindi lang naman isang simpleng fire eye ang atake ni Zhao Feng, isa itong lightning and fire eye na pinatindi pa ng hangin.
Ang mga atakeng ginagamitan ng kidlat at apoy ay may matinding epekto sa Blood Corpse Palace Lord na siyang nagcultivate sa Dao of Blood at Dao of Corpse Strengthening.
Nang makita ang Blood Corpse Palace Lord na napupuwersa sa bingit ng kamatayan sa pamamagitan lamang ng isang buga ng Lightning Fire God's Eye, kahit si Zhao Feng ay bahagyang nasopresa.