"Mag-ingat ka sa kanyang eye bloodline!"
Napansin ng Ikalabing-walong Core Elder ang pagbabago sa kanyang kaliwang mata at hindi mapigilang balaan ang payat na babae.
Nakita na nila ang kasaysayan ng nangungunang henyo sa Tbirte Countries.
Ang kanyang eye bloodline ang kanyang espesyalidad.
Sa puntong ito, dumanas sa hindi matukoy na pagbabago ng kaliwang mata ni Zhao Feng. Paminsan-minsan itong malamig at nagyeyelo, kasing kalmado ng tubig, at kasing tulin ng hangin.
Sapilitang nalagpasan ni Zhao Feng ang namamagang sensayon at sakit bago maglakad.
"Zhao Feng… ikaw…"
Agad na tinulungan ni Princess Jin si Zhao Feng. Kalahating masaya at nag-aalala siya noong makita niya ang kaliwang mata nito.
Nakita niya na ang kapangyarihan ng kanyang kaliwang mata sa Sacred True Dragon Gathering at marahil ay mas malakas ito sa three major eye families.
Gayunpaman, aatake pa rin si Zhao Feng sa kanyang kasalukuyang estado?
Ang munting magnanakaw na kuting ay naupo sa kanyang balikat at hindi gumalaw, ngunit kumislap ang itim na mata nito.
Ito lang mrahil ang nakakaintindi sa isa o dalawang bagay.
Matapos bumalik sa Cloud area, Iron Dragon Alliance na ang kanyang target at ginamit ang sarili bilang "pain."
Gayunpaman, kasabay nito, hindi inilabas ni Zhao Feng ang kanyang mga tinatagong alas, gaya ng Ice Imperial Spear at True Lord Rank ghost corpses.
Ito ang dahilan kung bakit pinigilan ni Zhao Feng ang munting magnanakaw na kuting sa itago ang misteryosong punyal.
"Hmph. Gag*ng pusa, ibigay mo na ang punyal."
Ang kasakiman at kagustuhang pumatay ang nanaig sa mata ng payat na babae, ngunit pinansin niya pa rin ang eye bloodline ni Zhao Feng.
Sapilitang nilabanan ni Zhao Feng nag kanyang antok at pagod at pinadaloy ang kapangyarihan sa kanyang kaliwang mata.
Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang aura ng lawa ay papalit-palit sa pagitan ng yelo at tubig na may kasamang hangin.
Ang pagbabagong ito ang dahilan ng pamamaga at sakit na nararamdaman ni Zhao Feng.
Sa mata ng lahat, hindi kayang tumayo ni Zhao Feng at kailangan pa ng tulong ni Princess Jin.
"Ikaw lang? Tignan natin kung mas mabilis ang iyong eye bloodline sa aking assassination skill."
Ang payat na babaeng may suot na black-dress ay ngumiti at ang umiikot na karayom ay lumitaw sa kanyang palad.
Ang lalaking may asul na buhok ay mukha pa ring pagod, ngunit ang kanyang kaliwang mata ay nakatuon lamang sa payat na babae.
Ang payat na babae ay nakaramdam nang pagkabalisa mula sa kanyang kaluluwa at gumawa siya ng desisyon sa isang segundo lamang.
Noong tinuon ni Zhao Feng ang kanyang mata sa kanya, wala na siyang pagkakataon na umatras.
"Illusion Sky Fake Stab!"
Ang pigura ng payat na babae ay muling lumabo. Tanging matulis na karayom lamang na tumusok sa dibdib ni Zhao Feng ang kita.
Sa sandaling iyon, lahat ng Spirit cultivators, Old Su, Princess Jin, ang Ikalabing-walong Core Elder, Elder Jiang… lahat sila ay tumigil sa paghinga.
Ang pinaka malupit na atake ng payat na babae ay muling ginamit at ang kanyang bilis ay umabot na sa hangganan. Sa Cloud area, maliit na bilang lamang ng tao ang kayang humarang sa atakeng ito.
Sa sandaling ito, ang kaliwang mata ni Zhao Feng na yelo at tubig ay bumalik sa pagiging asul.
Hu~
Ang kanyang asul na buhok ay kuminang. Ang pamilyar na asul na dugo sa kanyang bloodline power ay bumalik.
"Bumalim ito sa asul na mata gaya noon?"
Umigting ang kaliwang mata ni Zhao Feng. Pinadaloy niya ang kanyang azure bliid at ginamit ang atake na hawig sa Ice Soul Shooting Line.
Noong mayroon pa siyang asul na mata, hindi niya pa alam kung paano gamitin nang maayos ang kanyang bloodline. Natural na ginamit ni Zhao Feng ang kanyang eye bloodline skill noong bumalik ng kanyang mata sa azure version.
Shua---
Sa madilim na gabi, ang matulis na pigura ay isa o dalawang pulgada lamang ang layo mula sa puso ni Zhao Feng.
Ang puso ang pundasyon ng buhay. Maging ang True Lord Rank ay mamamatay kung wala na itong puso.
Isang mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ng payat na babae. Ang kanyang karanasan ang nagsabi sa kanya na tapos na ang pagpatay.
Gayunpaman, noong kalahating pulgada na lamang ang layo ng karayom sa puso ni Zhao Feng, ang ngiti sa kanyang mukha at nanigas at napalitan nang pagkalito.
Shua!
Isang azure blade ang humiwa sa lalamunan ng payat na babae at ang kanyang malabong pigura ay agad na bumagsak.
Isang diretaong pulang linya ang lumitaw sa kanyang leeg, na humihiwa nang palalim ng palalim.
Noong dumating na ang hanging gabi, rinig ang tunog ng bumagsak na ulo.
Doon lamang nagising ang mga tao mula sa kanilang tila panaginip na estado at huminga sila nang malamig.
Walang nakakita sa ginawa ni Zhao Feng.
Wala naman siyang ginawa. Tinignan lamang niya ang payat na babae gamit ang kanyang kaliwang mata.
Tanging si Old Su at ilang tao ang nakakita nang pagkislap ng azure sa kaliwang mata ni Zhao Feng.
"Ang atakeng ito ay katulad kay…"
Muling inisip ni Princess Jin ang bloodline ng Tuoba Family sa Sacred True Dragon Gathering.
Ang Heavenly Piercing Eyes of Tuoba Qi ay bumubuo nang hindi nakikitang hiwa sa kalaban.
Dahil ang elemento ng God's Spiritual Eye y bumalik sa elemento ng hangin, ang kopya ni Zhao Feng ang Heavenly Piercing Eyes ay mas malapit sa orihinal na elemento ng yelo.
Plop!
Ang walang ulong katawan ng payat na bbae ay bumagsak sa lawa ng dugo.
Hindi niya marahil naisip na mamamatay siya kay Zhao Feng dahil lamang sa pagsubok niya sa eyebloodline nito.
"Ikasamoung Core Elder…!"
Ang Ikalabing-walong Core Elder na hindi kalayuan ay sumigaw na mayroong grey na mukha.
Huminga siya nang malamig at natakot ang kanyang puso.
Ang matabang kalbo ay hindi pa kailanman na naisip n madaling mapapatay ang isang peak True Mystic Rank. Bigla siyang nagsisisi na minaliit niya ang target ng Rank One Killing Order.
Bakit hindi siya nakinig na banta ng Blood Sickle Slaughterer?
Walang regret pill sa ating mundo.
Matapos mapatay ang payat na babae, nilabanan ni Zhao Feng ang antok at tumingin sa Ikalabing-walong Core Elder gamit ang kanyang kaliwang mata.
"Hayaan mo akong mabuhay!"
Halos lumuhod na ang matabang kalbo.
Sa sandaling ito, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging ice blue.
Ice Soul Shooting Line!
Pinalapot ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang sinag ng liwanag na tumama sa katawan at kaluluwa ng Ikalabing-walong Core Elder.
Ang matabang kalbi ay agad na nagyelio at ang kalamigan ay kumalat sa kanyang kamalayan.
Sa sumunod na sandali, ang kamalayan ng matabang kalbo at naging itim at siya ay natulog habang-buhay.
Ang kanyang estado ay kaparehas kay Li Hong noon sa Purple Saint Ruins. Ang kanyang kamalayan ay pumasok sa estado ng walang hanggang "pag-tulog." Maging ang mga nasa Void God Realm ay walang magagawa sa maikling panahon.
Tumingin lamang si Zhao Feng sa dalawang Elders na kanyang tinalo.
"Patay na ang Ikasampung Core Elder!"
"Diyos ko! Walang nakakaalam kung buhay pa ba ang Ikalabing-walong Core Elder."
Ang natirang True Spirit Realms ang pinakamabilis na nagpakita ng reaksyon.
Crack---
Sa ganitong gulo at taranta, nawasak ang Iron Cloud Death Net.
Ang Iron Dragon Alliance ay natalo kahit walang labanan. Tumakbo ang mga True Spirit Realm noong nasira ang array.
Gulat ang mga kasapi sa Dragon Killing Alliance at hindi agad nakapagsalita.
Sa ilang sandali lamang, ang Iron Dragon Alliance ay tinulak ang nayon sa kawalan ng pag-asa. Ngunit sa isang kisap-mata, gumuho ang Iron Dragon Alliance.
"Magpatuloy sa pag-atake!"
Malalim na tumingin si Old Su kay Zhao Feng bago nito utusan ang mga kasapi sa Dragon Killing Alliance na umatake.
Gayunpaman, ang kabataan na gumawa nv milagrong ito ay muling natulog.
Sa pagkakataong ito, iba ang tulog niya sa dati. Ang kamalayan ni Zhao Feng ay hindi tulog at nararamdaman niya ang lawa sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.
Ang lawa ang pinanggalingan ng lakas ni Zhao Feng.
Di! Di!
Isang maliit na misteryosong ipo-ipo ang lumitaw sa gitna ng 9.9 na yaradnag lawa.
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay gumalaw at sumanib sa maliit na ipo-ipo.
Weng~
Naramdaman ni Zhao Feng na tila naging gitna siya ng lawa, at ang aura ng lawa ay nagsimulang magbago.
Mula sa tubig ay yelo.
Ang kapangyarihang ito ay tila natural at hindi kayang ilarawan sa mga salita.
Kasunod nito, kinontrol ni Zhao Feng ang maliit na ipo-ipo.
Shua!
Ang lawa ay napuno ng magulong azureng hangin.
Kapanganakan ng hangin.
"Mukhang ang pagbabago ng God's Spiritual Eye ay iba talaga sa dati."
Tumango si Zhao Feng
Una, ang God's Spiritual Eye ay nagkaroon nang mahusay na pagbabago kagaya noong naging kulay asul ang kanyang buhok.
Ang palitang ito sa pagitan ng tubig at yelo ay hindi masyadong nagkakaiba.
Naramdaman ni Zhao Feng na tila ang pagbabagong ito ay para sa mas malaking pagbabago.
Kahit na ang God's Spiritual Eye ay kaunti lamang ang pinagbago, malaki pa rin ang pakinabang ni Zhao Feng dito.
Maaari niya nang kontrolin ngayon ang kanyang eye bloodline power.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal natutulog, ngunit noong minulat niya ang kanyang mata, nabawasan ng kalahati ang sakit ng kanyang God's Spiritual Eye.
Mukhang nalampasan na ng God's Spiritual Eye ng mga kritikal na sitwasyon.
"Gising ka na…"
Ang malambot na boses ni Princess Jin ay narinig at ngumiti si Zhao Feng at nagtanong, "Gaano n ako katagal tulog?"
Sa sandaling ito, ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay mukhang naglalaman kahalumigmigan ng parehong tubig.
Ang dating kalamigan ay nawala at ang kanyang mata ay puno na lamang ng pagka elegante.
Namula ang mukha ni Princess Jin kasabay nang pagbilis ng kanyang paghinga. Sanay siya sa malamig, masama at walang emosyong kabataan. Hindi niya kailanman naisip na magagawa niya itong maalagaan.
"Ikaw… nakatulog ka nang kalahating buwan. Sasabihin ko kay Master."
Nagawang kontrolin ni Princess Jin ang kanyang emosyon at natakot siya na makatulog muli si Zhao Feng.
"Kalma, hindi na muli ako agad makatutulog."
Naintindihan ni Zhao Feng ang kanyang kasalukuyang sitwasyon.
Matapos ang ilang sandali, sa sikretong underground na silid sa kailaliman ng bundok.
Naupo si Zhao Feng kaharap si Old Su.
Nag-iwan ng tsaa si Princess Jin para sa dalawa bago umalis. Alam niya na ang pag-uusap na ito ay isang bagay n hindi siya maaring makisali.
"Zhao Feng, nagpapasalamat ako sa iyong tulong. Hindi ko naisip na ang maliit na Thirteen Countries ay may katulad mong henyo. Siyempre, naiintindihan ko kung bakit ka narito."