Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 450 - Pagbabago sa Mata (2)

Chapter 450 - Pagbabago sa Mata (2)

Ang sitwasyon ni Zhao Feng ay pumukaw sa atensyon ng kalaban at kakampi. Matapos ang lahat, siya ay isang True Mystic Rank at ang Rank One Killing Order ay pinataw sa kanya.

Gayunpaman, ang sitwasyon ni Zhao Feng ay nagpaisip sa iba kung kaya niya ba kahit na tumayo lamang.

"Zhe zhe, ang misyon na ito ay maganda. Ang isang True Lord Rank na sira ang pundasyon at ang isang mahinang True Mystic.

Lumipad sa langit ang Ikalabing-walong Core Elder.

Pinangunahan niya ang kanyang hukbo at bumuo ng atake para kay Zhao Feng, Old Su, Princess Jin at mga mahahalagang tao.

Si Old Su ay walang dudang makapangyarihan. Ang dalawnag Eders ay magiging malakas ang loob lamang kung magsasanib sila upang matalo ito.

Gayunpaman, kailangan na isipin ni Old Su ang kapakanan ng iba kaya hindi niya magamit ang kanyang buong kalakasan.

Dagdag pa dito, ang nagpalito sa payat na babae ay si Zhao Feng, na pinatawan ng Rank One Killing Order.

Bilang miyembro ng Iron Dragon Alliance, alam niya ang ibig sabihin ng Rank One Killing Order.

Kadalasan, ang target ng Rank One Killing Order ay True Lord Rank o taong pinahiya ang Iron Dragon Alliance.

"Ang target ng Rank One Killing Order ay isang oagod at mahinang kabataan?"

Tila hindi ito totoo sa pakiramdam ng payat na babae.

Ang pagharap sa taong pinatawan ng Rank One Killing Order, maging siya ay magiging balisa at sesryosohin ito.

Gayunpaman, ang lalaking may asul na buhok na ito ay mukhang hindi mapanganib at nangangailangan pa ng proteksyon mula sa babae.

Ang target ng Rank One Killing Order ay ganito kadali?

Ang payat na babae at matabang kalbo ay nagpalitan ng tingin na mayroong kasiyahan sa kanilang puso.

Ang gantimpala sa pagtapos sa taong pinatawan ng Rank One Killing Order ay marami, sapat na upang papulahin ang mga mata ng mga nasa True Spirit Realms.

"Jin'er, ang kabataang ito ay…?"

Tumaas ang kilay ni Old Su noong tinanong niya ito.

Hindi mahirap sa kanya na makita ang totoong cultivation ni Zhao Feng bilang isang True Lord Rank, at ang Ikasampung Core Elder ay nagpakita rin ng halaga dito.

"Ikasampung Elder, kuhanin mo si Old Master Su. Huhulihin ko ang batang ito. Tandaan mo na hindi mo siya maaring patayin."

Ang matabang kalbo ay puno nang kasiyahan.

Ang Rank One Killing Order ngayon ay akkauba dahil kailangan na buhay ang target.

"Hmph, sa tingin mo hahayaan kita na kuhanin ang kredito? Ikaw ang bahala kay Old Monster Su."

Ang payat na babae ay hindi pinansin ang Ikalabing-walong Core Elder ay tumungo kina Zhao Feng at Princess Jin.

Ang matabang kalbo ay pinag-igting ang ng ngipin ngunit hindi niya ito maaring suwayin.

Ang antas ng tatlumpu't anim na Core Elders ay may kinalaman sa kanilang lakas at estado.

Alam niya kung gaano ito kalakas at halatang hindi niya makukuha ang kredito mula dito.

"Su Tianchen, maglaro tayo."

Ang matabang kalbo ay kinaway ang kanyang puting bone sword na mayroong madilim na ekspresyon at humiwa ng sword flames upang mahuli si Old Su.

Para naman sa payat na babae, hindi matukoy ang kanyang mga galaw at tumungo siya kina Princess Jin at Zhao Feng.

Gayunpaman, sa lebel ni Old Su, kaya niyang makita ang galaw ng payat na babae at nagawa niyang harangin ang mga atake mula sa dalawang Core Elders.

"Ikasampung Elder, bakit hindi mo muna patayin ang matandang ito? Malaking kredito rin ito?"

Mungkahi ng matabang kalbo.

"En, habang nabubuhay ang matandang iyan ay pahirap ito."

Ang atake ng payat na babae ay biglang naounta sa Old Su.

Kailangan na protektahan ni Old Su si Zhao Feng at Princess Jin kasabay nito at naiyak na lamang siya sa kanyang puso.

Kung siya ay nasa kanyang peak, kaya niyang patayin ang dalawang Elders sa isang tira lamang, ngunit ang kalakasan niya ngayon ay bumagsak na lamang sa True Mystic Rank.

"Master…"

Nagsimulang maluh ang mata ni Princess Jin at lumingon ito sa lalaking may asul na buhok.

Bumuntong-hininga siya sa kanyang puso, "Kung mailalabas mo lamang kahit kalahati ng iyong kalakasan na ipinakita mo sa Sacred True Drgon Gathering, madaling maaayos ang sitwasyon na ito."

Sa sandaling ito, bahagyang gumalaw ang lalaking may asul na buhok.

"Ang pagbabago sa God's Spiritual Eye ay mukhang iba kumpara sa dati."

Dumaing si Zhao Feng at tinakpan ang kanyang kaliwang mata. Ang masakit na sensayon ay sampu hanggang isang daan beses ang dinoble.

Kung hindi lamang dahil sa kanyang malakas na kagustuhan, marahil ay nahimatay na siya.

Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang 9.9 na yarda ng nagyeyelong lawa ay halos natunaw na at lumitaw na ang mga alon sa tubig.

Gayunpaman, ang estadong ito ay hindi pa ganoon katatag.

Paminsan-minsan ay nagiging yelo ang tubig at naglalabas ng lamig.

Ang kapangyarihan ng God's Spiritual Eye ay umiikot sa yelo at tubig. Kung ito lamang ang lahat ay hindi ito sosobra, ngunit ang tubig ay paminsan-minsang kumikislap ng asul at ang elemento ng aura ay hindi nagbabago.

Tuwing nangyayari ito, ng mta ni Zhao Feng ay nagiging asul.

"Ang buhok mo…"

Napansin ni Princess Jin na ang buhok ni Zhao Feng ay naging asul bigla.

Miao Miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay tahimik na sinuri ang mata at buhok ni Zhao Feng na mayroong kakaibang tingin bago ito nagsimulang mag-isip.

"Anong nangyayari? Ang aking God's Spiritual Eye ay hindi pa nagbabago ngunit kaya nito magpalit sa pagitan ng tubig at yelo o kahit bumalik sa dati nitong elemento."

Sinimulang hanapin ni Zhao Feng ang pattern.

Bago ang pagbabago noon, ang kaliwang mata at buhok ni Zhao Feng ay asul, at ang God's Spiritual Eye noon ay nagbibigay ng aura bago mangyari ang pagbabago.

Ding Ding Peng Boom---

Naramdaman ni Zhao Feng na prinotektahan siya ng elder n may puting balbas.

Habang tumatakbo ang oras, mas lalong napapagod si Old Su. Kailangan niyang labanan ang dalawang Core Elders nang sabay habang pinoprotektahan sina Zhao Feng at Princess Jin.

Sa ilang sandali, ang opensa ng dalawang Core Elders ay tumaas at napaatras nila si Old Su.

Sugatan na si Old Su sa pag protekta kila Zhao Feng at ang kanyang mga dating sugat ay muling nagbukas.

Wah!

Sumuka ng dugo si Old Su at namuti ng kanyang mukha.

"Master!"

Sumigaw sa lungkot si Princess Jin.

"Magandang pagkakataon!"

Ang dalawang Core Elders ay tumingin sa isa't-isa na mayroong kasiyahan.

Illusion Sky Fake Stab!

"Jin'er!"

Ang payat na babae ay biglang lumabo ang pigura.

Qiu---

Ang grupo ng mga blades mula sa kalangitan ang tumungo kina Zhao Feng at Princess Jin.

Ang mga blades ay unabg tumungo kay Princess Jin at mukha utong walang pinanggalingan. Mahirap iwasan.

"Patayin niyo muna si Princess Jin bago hulihin si Zhao Feng."

Ang malabong imahe ng payat na babae ay sumanib sa kadiliman kasabay nang paglabas ng kanyang kagustuhang pumatay.

Habang hinaharap ang mga atake, hindi maka atake pabalik o maiwasan ang mga ito at ang kanyang mukha ay namutla.

"Jin'er!"

Sumuka ng maraming dugo si Old Su at sumigaw.

Si Zhao Feng na nakasandal kay Princesa Jin ay walang ekspresyon, at ang kanyang mukha ay puno ng antok.

Ang mata Ikasampung Core Elder ay kumislap ng kakaibang liwanag. Walang kahit na anong takot si Zhao Feng maging sa sitwasyon na ito.

"Kung ganoon pala…"

Ang mukha ng payat na babae ay nanlamig at akmang hihiwain na ang puting leeg ni Princess Jin.

Sa sandaling iyon, pinikit ni Princess Jin ang kanyang mga mata. Sumigaw si Old Su ngunit wala itong nagawa.

Hindi naman makapag-isip nang maayos ang Third Highness at mga kasamahan nito.

Ding!

Ang malutong na tunog ang narinig sa gabing iyon.

Tila huminto ang oras. Nakasandal pa rin si Zhao Feng kay Princess Jin, bahagyang tulog pa.

Ang payat na babae ay kalahating yarda lamang ang layo kina Zhao Feng at Princess Jin. Nararamdaman nila ang paghinga ng bawat isa.

Gayunpaman, ang kanyang yapak ay nanigas.

Crack!

Ang punyal sa kamay ng babae ay nahati.

Miao Miao!

Isang dark-gray na pusa ang naglaro sa punyal at sa isang iglap, ang armas ng babae ay nahati.

"Paano ito nangyari? Ang aking Twilight Night Dagger ay isang bihirang Mid-Tier-Spiritual-Grade inheritance at bihirang armas ng mga mamamatay-tao.

Nagulat ang payat na babae. Hindi niya ito matanggap.

"Ano!?"

Halos bumagsak sa sahig ang panga ng matabang kalbo. Nakita niya kung paano nahati ang Twilight Night Dagger ng payat na babae ng punyal ng munting magnanakaw na kuting.

Ang "Illusionary Sky Fake Stab" ang sikat na atake ng Ikasampung Core Elder na maging ang mga normal na True Mystic Rank ay hindi agad nakakaganti.

Paano napigilan ng bilis ng munting magnanakaw na kuting ang atake ng Ikasampung Core Elder?

Ang mas nakamamangha pa rito ay ang punyal ng munting magnanakaw na kuting. Anong klase ito upang mahati ang isang Spiritual-grade weapons na parang tokwa lamang?

Maging ang mga True Lord Ranks aybhindi ito kayang gawin.

Sa sandaling ito, nagulat ang dalawang grupo.

"Munting magnanakaw na kuting, hindi mo dapat nilalabas ang aura ng iyong armas ng ganoon na lamang… Ako na ang bahala."

Pagod na hinilot ni Zhao Feng ang kanyang sentido.

Noon sa Purple Saint Treasured Palace, maging ang mga Purple Saint Partial Spirit ay natataranta kapag nakakakuha ang munting magnanakaw na kuting ng misteryosong inheritance weapon.

Miao miao!

Tumango ang munting magnanakaw na kuting at agad na tinago ang misteryosong punyal.

Sa sandaling nagsalita siya, dahan-dahang tumayo si Zhao Feng.

"Tang*ng bata, wala ka ngang magawa pero gusto mo pang lumaban?"

Ang matabang kalbo ay naging maayos na mula sa kanyang pagkagulat.

Ang pinakita ng pusa ay gumulat sa kanya, ngunit agad niyang naisip na ang lakas nito ay nagmula lamang sa misteryosong punyal.

"Ibigay mo ang punyal na iyan…"

Ang ekspresyon ng babaeng naka itim na damit ay mula sa gulat ay naging sakim na puno nang kasiyahan.

Kapag napunta ang misteryosong punyal na ito sa kamay ng totoong mamamatay-tao, anong klaseng alamat ng magagawa nito?

Hindi pinansin ni Zhao Feng ang dalawang Elders. Binuksan niya ng kapangyarihan ng God's Spiritual Eye habang nilalabanan niya ang kanyang antok.

Hu~

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng na kalmadong asul ay naging nagyeyelo sa lamig, at hindi nagtagal ay matulis na kislap na azure.

Ang tatlong elemento ng tubig, yelo at hangin ay naging senyales ng pagsisimula.