Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 447 - Ang Dakilang Kaluwalhatian ng Sacred True Gathering Country

Chapter 447 - Ang Dakilang Kaluwalhatian ng Sacred True Gathering Country

"Si Master ay nasa seklusyon at hindi makikipagkita sa mga bisita. Kung may kailangan kayo, maari kong sabihin mamaya."

Ang boses ni Princess Jin ay kasing banayad ng sapa at ang kanyang mata ay tila tubig. May suot siyang medieval dress at mukhang diyosa sa larawan.

Maganda, ngunit hindi balingkinitan. Maganda, ngunit hindi mapangwasak.

Si Princess Jin ay umabot sa napakataas na lebel ng kagandahan.

Nakalimutan ng lahat ng lalaki na huminga. Natigilan sila sa paglalakad habang tinitignan si Princess Jin.

"Ikasiyam na kapatid!"

Ngumiti si Third Highness noong nakita ang kapatid.

"Jin'er… hindi pa ba magaling si Old Su?"

Taimtim na tanong ni Elder Jiang.

Umiling si Princess Jin na may kaunting pait, "Si Master ay pinagtulungan ng ilang True Lord Ranks at siya ay lubhang sugatan. Himala na lamang na nakaligtas siya."

Nang marinig ito, nalungkot ang grupo mula sa Sky Rich Imperial family.

"Elder Jiang, sino ang bisitang nais makita si Master?"

Inayos ni Princess Jiang ang kanyang emosyon at tumingin sa grupo.

Doon lamang nakapag salita sina Elder Jiang at Third Highness.

"Ninth sister, ipapakilala kita. Siya si Zhao Feng… eh?"

Napatigil si Third Highness sa pagsasalita nang lumingon siya.

Noong lumingon sila ay wala na si Zhao Feng.

Hindi nagtagal, ang tingin ng lahat ay napunta sa damuhan.

Sa damuhan ay nakahiga ang lalaking may asul na buhok na mahimbing na natutulog at mahinang naghihilik.

"Na… nakatulog ulit siya."

Sumigaw ang grupo mula sa Sky Rich Imperials ngunit hindi na nila ito ikinagulat.

Sa labindalawang araw, nasanay na sila sa problema sa pagtulog ni Zhao Feng.

"Sino siya?"

Kasing kalmado ng tubig si Princess Jin, ngunit ang lamig sa kanyang boses ay nagpakita na hindi siya natutuwa.

Ang kahit sinong kabataan na makikita ang maalamat na "Princess Jin" ay nakakaramdam ng pagkabalisa at laging nagpapakita ng respeto.

Ngunit ang kabataang ito ay nakatulog sa kanilang pagkikita.

Sa nayon, nagulat ang mga elitista sa Dragon King Alliance.

"Zhe zhe, ito ang unang beses kong nakakita nang nakatulog sa harap nang pinaka magandang babae sa Sky Rich Strong Country."

"Oo nga. Sasang-ayon diyan si Princess Jin. Gayunpaman, dahil sa kanyang ugali, hindi niya ito ipapakita."

Nag-usap ang mga taong nandoon at nag-antay sa isang magandang palabas.

"Hehe, ninth sister, ang sitwasyon ng ating bisita ay medyo kakaiba…"

Naiilang na ngumiti si Third Highness at ipinaliwanag ang sitwasyon.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng bisita. Kahit na ikaw ang Third Highness ng Sky Rich Imperials, sa tingin mo ba ay hindi ka sumusobra na, sa pagdadala ng estranghero sa headquarters ng Dragon Killing Alliance."

Nanatiling banal at puro si Princess Jin, ngunit ang pagtatanong niya ay naging dahilan upang maging tensyonado ang kapaligiran.

Kung pag-uusapan ang estado, mas mataas si Princess Jin kay Third Highness.

Hindi na nagulat ang mga tao.

Si Princess Jin ang nangungunang henyo sa Sky Rich Strong Country at dumalo rin sa Sacred True Gathering Country.

Isa pa, siya ay disipulo ni Old Su.

Kung usapin ng talento, nakaabot na sa True Human Rank si Princess Jin at wala pa siyang dalawampung taon. Sa Cloud area, isa itong prodigy.

"Ninth sister…. Si Brother Zhai ang nangungunang henyo sa Thirteen Countries at tinulungan niya kami…"

Malamig na pawis ang lumitaw sa mukha ng Third Highness.

Kahit na kapatid niya si Princess Jin, pinili ito ng Sky Wind Pavilion noong bata sila. Kakaiba rin ang kanyang estado sa Sky Rich Imperials.

May pagkakakilanlan siya bilang Prinsesa, isa siyang henyo na isang beses lamang sa bawat isang daang taon sa Sky Wind Pavilion sinisilang, at siya ang umaakto bilang buton sa pagitan ng Imperials at Clans.

Sa mata ng mga cultivators, mas mahalaga pa siya sa dating Sky Rich King.

Sa sandaling ito, sa pagharap sa mga tanong ni Princess Jin, nakaramdam ng malaking presyur ang Third Highness. Sa pagka kakilala niya sa kanyang kapatid, alam niyang galit ito.

Maging brown-robed Elder Jiang ay malamig ang pawis.

Habang nasa seklusyon si Old Su, si Princess Jin ang kanyang kinatawan.

Walang alam ai Zhao Feng kung ano ang nangyayari sa panlabas na mundo.

Kung walang malaking atake o gustong pumatay sa kanya, hindi siya agad magigising.

Ang pag tulog niya ngayon ay higit na iba sa nakaraan.

"Alisin niyo ang tao at ang pusang ito. Walang kikilos hanggang hindi ako nag-uutos."

Kahit na mabait at malumanay si Princess Jin, ang kanyang mga utos desidido.

Sa sandaling sinabi niya ito.

Sou Sou Sou!

Ilang mga tao mula sa nayon ay mabilis na pinalibutan si Zhao Feng at ang munting magnanakaw na kuting.

"Jin'er, huwag!"

Nagbago ang ekspresyon ni Elder Jiang noong pigiln niya ang mga ito.

Alam niya na ang batang ito ay isang True Mystic Rank expert na may hindi maarok na kalakasan.

Dahil sa tulog siya, ang aura ni Zhao Feng ay mahina at hindi ito makita.

Nging sobrang taimtim ng kapaligiran. Sinubukan nina Elder Jiang at Third Highness na pigilan ang utos ni Princess Jin.

"Pipigilan mo ang utos ko?"

Bahagyang naging malamig ang ekspresyon ni Princess Jin. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito.

Bakit po-protektahan nina Elder Jiang at Third Highness ang batang ito at dadalhin pa sa Dragon Killing Alliance?

Miao Miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay kinaway ang paa at naupo sa katawan ng kanyang amo at sinuri ang nga miyembro sa Dragon Killing Alliance.

"Eh? Ang pusang…."

Naramdaman ni Princess Jin na pamilyar ito.

Ang munting magnanakaw na kuting ay sumali sa alaala sa Sacred True Gathering Country.

"Munting magnanakaw na kuting...lalaking may asul na buhok…"

Nagulat si Princess kasabay nang pagsuri niya sa itsura ng kabataan.

Nakahiga patalikod si Zhao Feng kay Princess Jin kaya kaunti lamang ang nakikit nito.

"Siya… siya ang...!"

Matapos itong tignan nang malapitan, bumilis ang tibok ng puso ni Princess Jin.

"Pero paano ito nangyari…? Paano siya mapupunta rito?"

Ang kanyang mukha ay puno ng pagka gulat at hindi niya mapigilang mapasigaw habang tinitignan niya ang lalaking may asul na buhok sa damuhan.

Ang malaking pagbabagong ito sa ugali niya ay naging dahilan upang malaglag ang panga ng mga naroon.

Kanina lamang ay malamig at tensionado ang kanyang mukha.

Sa isang kisap-mata, nagbago ang ugali ni Princess Jin.

Sinasabi na ang pag-intindi sa babae ay tila paghahanap ng karayom sa karagatan.

Sa puntong iyon ay naintindihan na nila ang ibig sabihin nito.

Namumula ang pisngi ni Princess Jin at puno ng kasabikan at saya. Mayroong paghanga sa kanyang puso at pag-aalala.

Napanganga ang Third Highness at napagtanto niya na hindi niya naiintindihan ang kanyang ikasyam na kapatid.

Ngayon lamang niya nakitang mahiya at mag alala ang kanyang kapatid.

"Anong sikreto ni Zhao Feng upang magawa niya ito sa pinaka magandang babae ng Sky Rich Strong Country?"

Maging si Elder Jiang na maraming kaalaman ay nagulat.

"Elder Jing. Third brother. Kagustuhan ng kalangitan na dalhin siya sa Dragon Killing Alliance."

Huminga nang malalim si Princess Jiang kasabay nang pag bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang kanyang mata ay nakatitig lamang sa lalaking may asul na buhok.

Matapos iyon, nakita ng lahat na dinala ni Princess Jin si Zhao Feng, hiniga sa malambot na kama, at personal na pinagsilbihan.

Sa nayon, nagtataka ang mga elitista sa Dragon Killing Alliance.

Ang diyosa sa kanilang puso - ang pinaka henyo sa Sky Rich Strong Country, si Princess Jin - pinagsilbihan ang kabataan na ka-edad niya lamang.

May mabangong naamoy si Zhao Feng sa kanyang panaginip at tumalikod, ang isang kamay niya ay bahagyang hinahawakan ang pwet ni Princess Jin.

Sobrang namula ang pisngi ni Princess Jing bago siya umalis at iwan sa malinis na kwarto si Zhao Feng.

Bago siya umalis, sinulyapan niya si Zhao Feng nang may pag-aalala.

Ilang sandali, sa isang gusali sa nayon.

"Ninth sister, paano nakilala si Zhao Feng?"

Tanong ni Third Highness.

Sa sandaling ito, ang bagay na ito ang tanong ng lahat. Maging si Elder Jiang ay ngtataka.

Sa kanilang mga puso, mas mataas pa sa langit si Princess Jian. Kailan pa siya nagpahalaga ng kabataan mula sa Cloud area?

"Kilala ko siya, pero kilala niya ba ako?"

Bumuntong-hininga si Princess Jin.

Sa sandaling ito ay bumuhos ang mga alaala sa kanyang isipan.

Sa simula ng kanyang ala-ala, nakatayo si Princess Jin sa ancient arena kasama ang ilang libong mga henyo na walang pinagkaiba sa kanya.

Sa Sacred True Gathering Country, ang henyong nasa True Human Rank kagaya niya ay nasa dulo ng grupo.

Kumpara sa iba, siya ay masyadong ordinaryo lamang at hindi maihahambing maging sa mga pinaka mahusay na prodigy.

Sa grupo, pinanood niya ang labanan ng limang pinaka mahusay na prodigies at kung paano sila manguna sa henerasyong ito.

Walang kaduda-duda, natalo siya sa unang laban.

Natalo siya sa ikalawa.

Natalo siya sa ikatlo.

Hindi man lamang siya umabot sa unang yugto ng "Battle of Five Zones." Lubhang sugatan na siya at hindi na kayang magpatuloy.

Syempre, ayaw niya pang umuwi agad dahil nais niyang panoorin ang labanan ng mga henyo.

Nagpatuloy ang Sacred True Gathering Country.

Nakita niya ang pagsikat ng isang dark horse sa pagiging napakahusay na prodigy.

Ang lalaki at may asul na buhok at kasamang pusa. Ang pares na ito ay nagpapasiklab ng emosyon sa bawat sulok ng ancient arena.

Binabaliktad ang sitwasyon, sunod-sunod na milagro… ang kabataan sa kanilang harapan ay unti-unting umaangat.

Hindi niya napansin, ang kanyang mga mata ay naluluha habang sinusuportahan niya ito sa laban.

Walang nakakaalam kung ilan ang sumuporta sa kanila.

Ang isang kaisipan ang nangyayari minsan. Mga ala-ala na lumilitaw sa isip ni Princess Jin.

Hindi niya kailanman naisip na ang maalamat na kabataang ito ay tatayo sa kanyang harapan at maari niya itong tignan sa bawat paghinga nito.