Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 445 - Wind Lightning Laws

Chapter 445 - Wind Lightning Laws

Kinusot ni Zhao Feng ang kanyang mata.

Hindi siya sanay na hindi gamitin ang kanyang God's Spiritual Eyes.

Sa tabi niya, napansin ni Elder Jiang ang detalyeng ito.

Sa sandaling iyon, nakita niya na nagkulay asul ang kaliwang mata ni Zhao Feng, ngunit dahil sa sobrang bilis nito, nagmukha itong ilusyon lamang.

Isa pa, hindi ito ang unang beses na kinusot ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata.

"Brother Zhao, ang Blood Sickle Slaughter na iyon ay napakasamang tao. Kapag hinayaan mo siyang makatakas, magkakaroon tayo ng maraming problema."

Taimtim na saad ni Elder Jiang.

Habang nakikitang palayo nang palayo ang blood-colored flame ay nag-alala si Elder Jiang ngunit ang lalaking may asul na buhok ay walang pakialam at mukha na itong pagod.

Alam ni Zhao Feng ang dahilan kung bakit kailangan itong patayin at hindi siya mag dadalawang-isip kapag dumating ang pagkakataon na iyon.

"Ang Blood Sickle Slaughter na iyon ay isa lamang maliit na isda. Magagamit ko siya upang akitin ang mga pangunahing miyembro ng Iron Dragon Alliance…"

Naisip ni Zhao Feng.

Hindi mahirap sa kanya na patayin ang Blood Sickle Slaughter at kung talagang gusto niya ang Blood Sickle Slaughter ay hindi makakatakas.

Gayunpaman, noong makita niya na pareho ng skill ng Blood Sickle Slaughter sa Moon Demon Palace ay nagbago ang kanyang isip.

Shua!

Isang afterimage ang naiwan noong naging isang arko ng kidlat si Zhao Feng.

Napanganga sina Elder Jiang at mga kasamahan nito nang maglaho bigla ang kabataan na nasa kanilang harapan lamang.

"Tignan niyo!"

Ang Third Highness at mga kasamahan nito ay tumingala at nakita ang asul na kidlat sa ulap na hinahabol ang blood-colored flame.

Hindi na halos makita si Zhao Feng sa kidlat at ang kanyang bilis ay higit na mas mabilis sa blood-colored flame.

"Ang Zhao Feng na ito ay naaral ang kapangyarihan ng Lightning at mahusay sa bilis. Mukhang hindi makakatakas ang Blood Sickle Slaughter."

Bumuntong-hininga si Elder Jiang at mayroon siyang malugod na ekspresyon sa mukha.

Sa oras na ito.

Noong nakatakbo na ang Blood Sickle Slaughter ng isa hanggang dalawang yarda gamit ang kanyang sikretong teknik, narinig niya bigla ang alulong ng hangin at kidlat.

"P*ta, naaral niya ang Laws of Lightning… Hindi! Ito ang Laws of Wind Lightning!"

Sobrang pangit ng naging mukha ng Blood Sickle Slaughter.

Nang lumipad si Zhao Feng naging dahilan ito upang kumulog ang kidlat at ang malakas na hangin ay tinulak siya.

Parehong lighting based skills at wind elemental skills ay mahusay sa bilis at kapag ito ay nagsama, ito ang pinaka mabilis sa lahat.

Minsan nang perpektong ginamit ng Wind Lightning Emperor ang Wind at Lightning. Siya ang pinamagatang pinakamabilis na Emperor at ang kanyang battle power ay walang katumbas.

Sa kanyang isipan.

Ang Wind Lightning Tablet ay gula-gulanit madilim pa rin. Nagbibigay ito ng ancient aura at sa labas ng tablet, lumalabas ang hangin at kidlat.

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay naramdaman ang hangin at kidlat.

Ang mundo ay tila Wind Lightning Tablet. Kahit na ito ay gula-gulanit, ang mga arko ng kidlat ay lumitaw sa kalangitan at bumuo ng ipo-ipo.

Sa kasalukuyang kahusayan ni Zhao Feng, isang sulok lamang ng Ancient Tablet World ang kanyang nakikita.

Ang Wind Lightning Laws na kanyang naaral sa ancient tablet ay wala pa sa isang porsyento.

"Ang pagsasanib ng hangin at kidlat ay bumuo ng napakaliksing bilis. Nagsisimula pa lamang akong aralin ito, ngunit natalo na agad ng bilis ko ngayon ang bilis ko noon sa Purple Saint Ruins."

Sa paglipad ni Zhao Feng ay nagpokus siya sa Wind Lightning Tablet.

Hindi niya ginamit ang sagad ng kanyang kabilisan dahil kung ginawa niya ito ay nahabol niya na ang Blood Sickle Slaughter kanina pa.

Parehong pamilyar si Zhao Feng sa elemento ng kalikasan na kidlat at hangin.

Ang Lightning Floating Ferry, Wind Lightning Palm, Mystic Flower Treasure Bible, Lightning Inheritance at iba pa ay konektado sa dito.

Dahil ito sa mga pundasyon niya kaya pinili ni Zhao Feng ang Wind Lightning Emperor's inheritance at nagawa itong aralin agad.

Sa kalangitan.

Dalawang tao, isang nasa harapan at isa sa likuran, umiikot sa kabundukan at minsan ay pumupunta sa kagubatan.

Gayunpaman, kahit gaano pa magmadali ang blood-colored flame, hindi pa rin ito makalayo sa azure lightning.

"Anong pangalan mo at bakit gusto mong maging kalaban ng Iron Dragon Alliance? Kahit mamatay ako, sabihin mo lang sa akin ang pangalan mo."

Puno nang kawalan ng pag-asa ang mukha ng Blood Sickle Slaughter.

Ang pagitan sa True Human Rank at True Mystic Rank ay hindi ganoon kadaling sirain.

Ang Blood Sickle Slaughter ang pinaka malakas sa nga kaparehas niyang cultivation ngunit kaya niya lamang makipaglaban sa True Mystic Rank sa maiksing panahon o tumakas sa mga ito.

Kapag nagsimula na ang laban, hindi niya talaga kaya ang isang True Mystic Rank.

Ang kanyang kalaban ngayon ay kayang intindihin ang laws of wind and lightning at ang bilis at tibay nito ay mas angat sa kanya.

"Hehe, kalma, hindi ko hahayaan na mamatay ka."

Isang mapaglarong ngiti ang narinig ng Blood Sickle Slaughter sa kanyang tainga na may kasama ng tunog ng kidlat.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Blood Sickle Slaughter kasabay ng paghinga niya nang malamig dahil alam niya na may ginamit na misteryosong paraan si Zhao Feng para magawa iyon.

Partial Moon Blood Sickle!

Paanong susuko agad ang Blood Sickle Slaughter?

Sinunog niya ang kanyang Qi of True Spirit at humiwa ng buwan na naging dahilan upang manginig ang kaluluwa at mabalot ang kalangitan ng dugo.

Ang atakeng ito ay ang pamatay na atake ng Blood Sickle Slaughter.

Kalahating taon ang nakalilipas, ginamit niya ito upang masaktan ang True Mystic Rank at tumakas.

"Partial Moon Blood Sickle… hindi ito maganda, ang atakeng ito ay kinatatakutan ng karamihan sa True Mystic Rank."

Sampung milya ang layo, nakita ni Elder Jiang ang isang atake ng aura ngunit agad na nagbago sa isang iglap.

Ang makapangyarihang blood-colored moon ay nawasak sa himpapawid.

"Ikaw… ikaw…"

Ang mukha ng Blood Sickle Slaughter ay namutla at ang kanyang katawan ay napangiwi.

Ang pares ng kamay ay hinawakan ang kanyang balikat na may kasamang asul na kidlat.

"Talaga nga… ang pinagmulan ng skill ay kahalintulad ng ginamit ng mga henyo sa Moon Demon Palace, ngunit mas matigas ito."

Bulong ni Zhao Feng.

Sa Purple Saint Ruins, marami ring pinatay si Zhao Feng sa Moon Demon Palace.

Matapos makumpirma ang sagot.

Tok!

Inatake ni Zhao Feng ng kidlat ang Blood Sickle Slaughter's dantian.

"Ikaw… huwag…"

Sumigaw ang Blood Sickle Slaughter sa takot at paghihirap.

Matapos ang kalahating segundo.

Ang kanyang dantian ay naisra at ang kanyang mukha ay puno ng galit at pagsisisi.

Ang tagapatay na kinatatakutan ng lahat ay kasing hina na ngayon ng manok. Ang ganitong klaseng pagbabago ay mas nakakatakot pa sa kamatayan.

"Ang patayin ka ay masyado pang mabuti. Ang sirain ang iyong cultivation at maranasan kung paano ang maging mahina ay mas masakit."

Kinaway ni Zhao Feng ang kanyang kamay at hinagis ang Blood Sickle Slaughter sa sahig.

Matapos lahat ng ito, naging isang azure streak si Zhao Feng at lumapit kay Elder Jiang at mga kasamahan nito.

"Salamat, Brother Zhao."

Nagpasalamat sila Elder Jiang at mga kasamahan nito dahil nakaligtas sila sa kanilang kamatayan ngunit nagtataka kung bakit hindi pinatay ni Zhao Feng ang Blood Sickle Slaughter.

Matapos ang lahat, ang Blood Sickle Slaughter ay ibabalita ang ginawa ni Zhao Feng sa Iron Dragon Alliance.

Maaring sa isang sandali ay ipahanap n si Zhao Feng ng Iron Dragon Alliance at magdulot ito nang malaking problema.

Isa pa, halatang sinadya ito ni Zhao Feng.

Hindi niya ba alam kung gaano kalakas ang Iron Dragon Alliance? O sinadya niya ito?

Habang iniisip ito, natuwa si Elder Jiang.

Ang 'kalaban ng kaaway ay kaibigan'. Kung makikipag isa si Zhao Feng sa kanila, magiging maganda ito.

Kinusot ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at tumingin sa direksyon ng Thirteen Countries.

Ang Thirteen Countries ay nasa pagitan ng Two Strong Countries at hindi masyadong malayo sa Two Strong Countries.

Nang makita na may balak umalis si Zhao Feng ay nataranta si Elder Jiang: "Kaibigan, niligtas mo ang buhay namin. Paano ka namin pasasalamatan?"

"Kakabalik lamang ni Brother Zhao sa Cloud Area at mukhang walang masyadong alam sa kasalukuyan na sitwasyon. Matutulungan ka namin at naniniwala ako na si Old Su mula sa Dragon Killing Alliance ay magugustuhan mo."

Hindi maiwasan ni Third Highness na magmaka-awa.

Dragon Killing Alliance?

Natigilan ang paglalakad ni Zhao Feng.

"Ang mga miyembro ng Dragong Killing Alliance ay mula sa nga pwersang sinira ng Iron Dragon Alliance at ito ay pinamumunuan ng Seven Clans of Sky Rich Strong Country. Si Old Si ang pinuno ng Dragon Killing Alliance na kumakalaban sa Iron Dragon Alliance."

Paliwanag ng Third Highness.

Ang Cloud area ay nasa ilalim ng kontrol ng Iron Dragon Alliance at ang dalawang salitang 'Drangon Killing' ay halatang para sa Iron Dragon Alliance."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at tatanggihan na sana ang alok.

Kahit na interesado siya sa Dragon Killing Alliance, hindi pa rin ito mas kaakit-akit sa pagbalik sa Thirteen Countries.

Gayunpaman, bago pa siya magsalita, matinding sakit ang dumaloy sa kanyang kaliwang mata.

Sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.

Ang nagyeyelong lawa ay umabot na sa 9.9 na yarda.

"Ang God's Spiritual Eyes ay dadanas ng pagbabago. Ito ba ay dahil sa pag-aral ng Lightning Wind Tablet…?

Napabuntong-hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Sa kasalukuyang estadong ito, ang kanyang cultivation ay nasa half step True Lord Rank at ang lebel ng kanyang mental energy ay mas malakas sa normal late stage True Lord Ranks..

Basta ay makapasok siya sa seklusyon, hindi na mahirap sa kanya na umabot sa True Lord Rank.

Gayunpaman, sa kritikal na sandaling ito, dumaranas ng pagbabago ang God's Spiritual Eyes.

Sinuri ito maigi ni Zhao Feng.

Mayroon siyang dalawang alas upang makabalik sa Thirteen Countries. Ang isa ay ang Jade Dragon Protection at ang Ice Imperial Spear, ang Earth grade weapon na sumanib sa kanyang katawan.

"Ang pinaka mahalagang kailangan niyang gawin ay hayaan ang kanyang God's Spiritual Eyes na matagumpay na magbago. Ang epekto nito ay mas malaki pa sa pag-abot ng True Lord Rank.

Nakapag desisyon na si Zhao Feng.

Gamit ang God's Spiritual Eyes, matatalo niya ang mga nasa True Lord Rank kahit hindi pa siya umaabot sa ganitong antas.

Kumpara dito, ang makaabot sa True Lord Rank ay hindi masyadong malaking pagbabago.

Sa kabila ng lahat, mayroon na siyang mental energy level na nasa True Lord Rank at kayang lumaban sa mga masa True Lord Rank ng hindi ginagamit ang kanyang God's Spiritual Eyes.

"Brother Zhao, ano sa palagay mo?"

Umaasa si Elder Jiang sa sagot ni Zhao Feng.

Biglang may naalala si Third Highness: "Ang aking ikasiyam na kapatid na babae ay nangunguna sa Sky Rich Strong Country at isang maganda na kararating lamang sa Sacred True Dragon Gathering. Naniniwala ako na ang henyong katulad ni Brother Zhao ay narinig na ang Sacred True Dragon Gathering at maaring may ilang pagkakatulad sa aking kapatid."