Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 439 - Emperor’s Inheritance

Chapter 439 - Emperor’s Inheritance

"Maghintay tayo ng tatlong araw pa."

Ang boses ni Tiemo na mayroong kulay dugong buhok ay paos at malalim nang suriin niya ang sinaunang arena.

Ang sinaunang arena ay lubhang tahimik at ang mga maharlikang mga batong estatuwa ay nasa malalim na pagtulog. Ang hindi nakikitang mental energy power ay naglaho na.

Bukod kay Tiemo, ang Flooding Lake City Lord ay hindi rin umalis.

Ang Grand Elder ng Heavenly Yuan Clan na si 'Baiyun Dao Sovereign' ay nakapikit at bumuntong-hiningan.

Higit sa kalahati ng Sovereigns ng Sacred Alliance ay umalis na at naguusap-usap sila kung paano aasikasuhin ang Scarlet Moon Demonic Religion.

Tatlong araw na ang nakalipas sa isang kurap ng mata.

Halos kalahati ng isang daang mga henyo ng True Dragon ay bumalik na si Xin Wuheng na pumasok sa Heaven's Legacy Inheritance, si Zhao Feng at si Zhao Yufei na pumasok sa hindi kilalang inheritance at si Liu Qinxin na pumasok sa Sky Saint Qin Inheritance ay hindi pa rin nagpapakita.

"Tara na."

Bitbit ni Tiemo ang pagsisisi at pagkawala sa kaniya nang umalis siya sa sinaunang arena.

Sinarado na ng Sacred Alliance ang mga pinto ng sinaunang arena at pinaalis na ang lahat ng tao.

Ang pinakamagiting na Sacred True Dragon Gathering ay natapos na.

Malamang mayroong mga taong magbabanggit ng kagitingan ng Sacred True Dragon Gathering subalit mas malaki ang posibilidad na makakalimutan ito sa paglipas ng oras.

Subalit, tapos na ba talaga ang lahat ng ito?

Sa isang sinauna at malamig na bulwagan sa isang malayong spatial dimension.

Sira-sira at gamit na gamit na mga batong estatwa at mga batong tableta ang makikita sa isang sinauna at malamig na bulwagan, tila ba kumakatawan sa mga alamat na noon ay mayroon ito.

Mayroong halos isang daang batong estatwa at mga tableta at lahat ng ito ay naglalaman ng mga aura na kagaya ng batong estatwa ng sinaunang arena subalit mas makatotohanan.

Sa isang tiyak na lugar sa harapan ng isang sampung yardang taas na batong estatwa.

Ang batong estatwang ito ay ang 'Demonyong Babae' na mayroong isang pares ng mala-demonyong pakpak. Mayroong isang maitim na buwan sa noo nito at mga itim na apoy ang pumalibot dito.

Sa paa ng batong estatwa ng demonyong babae ay mayroong ilang mga salita: Moon Demon Queen.

"Ang Moon Demon Queen ay ang pinakasakit na Emperor na nasa Void God Realm ng Moon Demon Palaces. Tiyak na hindi basta-basta ang kaniyang inheritance. Ang buong dalawang buwan ng comprehension ay nagdulot lamang upang makasagap ako ng kahati ng impormasyon."

Ang nakakaakti na mukha ni Zhuang Wan'er ay puno ng kaligayahan.

Ang Void God Realm ay nahahati rin sa mga tiers.

Kahit papaano sa Tianlu Islands, walang kahit sinong eksperto na nasa Void God Realm na nagantimpalaan ng titulong 'Emperor'.

Ang mga mata ni Zhuang Wan'er ay lumipat sa direksyon ng sentrong bulwagan.

Pumasok siya rito dahil lamang sa isang tao.

Sa sentro ng bulwagan ay mayroong apat na mas matatangkad at mas maharalikang mga estatwa na nagpakawala ng isang hindi nakikitang mental energy intent, tila ba tumagos sila sa pagdaloy ng oras.

Ang ilang mga salitang nakasulat sa tapat ng batong estatwa ay: Wind Lightning Emperor.

Isang batang may kulay asul na buhok ang nakaupo sa harapan ng batong estatwa at tabletang kumakatawan sa Wind Lightning Emperor. Ang kaniyang asul na mata ay malamig at kasingtalas ng kidlat.

"Zhao Feng, hindi ko inaakalang mabilis mong matatanggap ang inheritance ng Wind Lightning Emperor. Noon, ang Wind Lightning Emperor ang napangalanan bilang pinakamabilis na Emperor at ang kaniyang battle power ay hindi mapapantayan. Kahit ang Purple Night Saint Lord ay hinayaan lamang siyang tumakas ng ilang beses."

Ang boses ng isang babae ang maririnig sa kaniyang isipan.

Sa isipan ni Zhao Feng isang malabong imahe ng dalawang hindi lubos maisip na kapangyarihang nagsasagupaan sa walang hanggang karagatan.

Ang isag sa kanila ay isang malabong kidlat at hangin. Binalot ng kidlat ang mundo at bawat oras na gumalaw ang anyo, maaari itong makagalaw ng libu-libong milya at kahit ang paggalaw nito ay makakapagbaligtad ng kalangitan. Para silang mga Diyos.

Ang isa ay anyong nababalutan ng isang mala-panaginip na kulay lilang liwanag. Ang anyo ay kagaya ng Purple Saint Partial Spirit subalit mayroong mas mataas na cultivation at lumalaban sa malabong hangin at kidlat.

Sa wakas.

Dahil sa pagkakaiba sa cultivation, ang anyo ng hangin at kidlat ay kumislap sa buong karagatan at matagumpay na nakatakas.

Ang Wind Lightning Emperor na ito ay tiyak na nararapat sa pagiging pinakamabilis na Emperor. Mayroon siyang abilidad na hamunin ang mga mayroong mas matataas na cultivation at kaya pa niyang makatakas kahit mula sa Purple Night Saint Lord."

Marahang tumayo si Zhao Feng

Ang bawat batong estatwa at batong tableta rito ay kumakatawan sa isang alamat.

Dahil naintindihan na ni Zhao Feng ang laws of lightning, pinili niya ang inheritance ng Wind Lightning Emperor at sa pamamagitan ng kaniyang pag-intindi sa lightning at sa comprehension ability ng God's Spiritual Eye, nakakuha siya ng pagkakakilanlan ng batong estatwa.

Ang bawat batong estatwa rito ay naglalaman ng mental energy na katulad ng Purple Saint Partial Spirit subalit ang katalinuhan nito ay hindi mataas at ang natitira lamang ay ang kanilang mga motibasyon.

Kahit na bumagsak ang mga Emperors ng Void God Realm, ang kanilang mga motibasyon ay mananatili pa rin sa loob ng maraming taon.

Ang tatlong palapag ng lightning inheritance sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay nabasag at naglaho.

Ang sinaunang batong tableta ay napalitan at mga ragasa ng hangin at kidlat ang umihip sa mga ito na naglalaman ng pag-intindi at ng kaalaman ng Wind Lightning Emperor.

Ang buong wind lightning stone tablet ay madilim at maitim. Mas mababa pa sa isang porsyento nito ang matingkad.

"Hindi ko pa nga naiintindihan ang kahit isang porsyento ng Wind Lightning Emperors' understanding sa loob ng dalawang buwan."

Lumabas si Zhao Feng sa pag-iintindi na mayroong kapaguran.

Ang Lightning Inheritance na natutunan niya noon ay hindi pa nakakaabot sa isang porsyento ng Wind Lightning Emperor's inheritance.

Mahirap isipin kung gaano katakot-takot ang battle power ng Wind Lightning Emperor na ito noong siya ay nasa kaniyang peak pa.

Ang legendary treasured palace ay mayroong apat na matataas na batong estatwa at batong tableta. Ang may-ari ng tatlong ito ay lahat nakatungtong sa Mystic Light Realm at isang hakban na lamang mula sa Heavenly Divine Realm.

Maaring makita kung gaano kapambihra ang Wind Lightning Emperor dahil ang kaniyang batong estatwa ay nasa parehas na kalagayan ng ibang tatlo.

Ang dahil kung bakit pinili ni Zhao Feng ang inheritance na ito ay dahil ito ang pinakanababagay para sakaniya.

Hindi niya pinili ang ice elemental inheritance dahil nag-aalala siya na kapag muli na namang nagbago ang God's spiritual Eye, ang kaniyang bloodline ay magbabago at kapag nagbago ang kaniyang bloodline, mawawalan ng kahuluguhan ang ice inheritance na pinili niya.

Ang Wind Lightining Inheritance ay walang ganitong problema.

Mayroong pundasyon si Zhao Feng para sa landas ng Wind at Lightning mula sa hindi pa siyadong katagalan.

Miao miao!

Sa kabilang banda ng palasyo, ang katawan ng munting pusang magnanakaw ay nakahiga sa batong pader.

Sa batong pader ay mayroong maitim at transparent na dagger.

Ang munting pusang magnanakaw ay nakaupo sa harapan ng dagger na ito sa loob ng buong dalawang buwan at paminsan-minsan ay iwinawagayway nito ang kaniyang mga paa sa pagkaini.

Jiang!

Ang maitim at transparent na dagger ay biglang naglaho mula sa batong pader.

Miao miao!

Maligayang hinablot ng munting pusang magnanakaw ang dagger gamit ang mga paa nito.

Hm?

Sumulyap si Zhao Feng dito at bahagya siyang nagulat. Nagawa na rin nito sa wakas.

"Paano nangyari ito? Nakuha talaga niya ang mala-alamat na sandatang ito?"

Ang boses ng Purple Saint Partial Spirit ay puno ng pag-aalala at takot.

Shua!

Matapos matanggap ang maitim at transparent na dagger ay kumislap ito sa himpapawid at lumapag sa balikat ni Zhao Feng.

Bahagyang natulala si Zhao Feng. Anong klaseng sandata ang mayroon ang munting pusang magnanakaw na ito na nagdulot upang kabahan at makatakot kahit ang Purple Saint Partial Spirit.

Dagdag pa rito, matapos makuha ang dagger, ang mga abilidad ng munting pusang magnanakaw ay parang lumalakas.

"Oras na."

Tumango si Zhao Feng at naghandang iwanan ang batong estatwa at ang batong tableta.

Sa kabilang banda, nakita ni Zhuang Wan'er sang pagkilos ni Zhao Feng at ninais niyang sumunod subalit bahagya siyang nagdadalawang-isip.

Ang pag-asa niyang makatanggap ng inheritance ay tiyak na hindi kasingbilis ni Zhao Feng at sa munting pusang magnanakaw at hindi ito kumpleto.

Si Zhao Feng ay mayroong God's Spiritual Eye na dahilan kung bakit mas mabilis siyang nakakatanggap ng inheritances kaysa kay Zhuang Wan'er.

"Zhao Feng, mayroong inheritance weaposn sa Timog-Kanluran ng bulwagan na maaaring bumagay sa iyong bloodline."

Kumalma ang Purple Saint Partial Spirit at sinabi ito sa kaniya.

Kahit na ang Purple Saint Partial Spirit ay nakatuon lamang sa pagtulong kay Zhao Yufei na mamana ang ruins na ito, walang higit pang nakakaalam ng lugar na ito bukod sa kaniya.

"Sige."

Tumango si Zhao Feng at hindi kalaunan dumating na siya sa Timog Kanlurang sulok.

Bukod sa mga inheritances at skills, mayroon ding mga weapon inheritances.

Sa Timog Kanlurang banda, mayroong isang gamit na gamit at isang sirang kalasag, isang eleganteng sirang espada at isang sibat na kulay malalim na asul.

Ang mga may-ari ng tatlong sandata na ito noong nabubuhay pa sila ay kailangan na sa Void God Realm o kung hindi, ang kanilang mga sandata ay hindi makokolekta ng Purple Night Saint Lord.

Nang makalapit si Zhao Feng, nakaramdam siya ng matamlay na asul na dugo na dumaloy sa buo niyang katawan.

May naramdaman ang bloodline ni Zhao Feng at kahit ang kaniyang God's Spiritual Eye ay bahagyang kumibo.

Weng~~

Ang kristal na sibat na kulay madilim na asul ay nagpakawala ng isang matamlay na atungal ng dragon at isang kalamigan ang rumagasa sa kaniyang kaluluwa.

Kung ito ay isang normal na henyo na nasa True Lord Rank, ang kaniyang kamalayan ay maaaring maselyuhan ng yelo at kahit ang mga normal na ekspertong nasa Origin Core Realm ay hindi maglalakas-loob na direktang harapin ang puwersang ito.

Jiang!

Ang kristal na sibat na kulay malalim na asul ay naglaho mula sa pader na mayroong imahe ng isang dragon.

Biglang inabot ito ni Zhao Feng at hinablot ang kristal na sibat.

"Ito ang sikat na Ice Imperial Spear. Ang cultivation ng nakaraang may-ari nito ay halos nasa taas ng Void God Realm."

Ang boses ng Purple Saint Partial Spirit ay maririnig.

Dali-daling nagpasalamat si Zhao Feng. Malamang nakita ng Purple Saint Partial Spirit na ang Ice Imperial Spear na ito ay nababagay sa kaniyang bloodline kaya't sinabi niya ito sa kaniya.

Ngayon, nakatanggap na siya ng inheritance ng Wind Lightning Emperor at ang kaniyang bloodline ay mayroon ng Ice Imperial Spear.

Nangangahuluguhan ito na sabay na nakakuha si Zhao Feng ng dalawang inheritances.

Ang Ice Imperial Spear ay naglalaman ng pamana ng nakaraang may-ari nito at ang sandata mismo ay mayroong laws of ice.

Ang tanging nakakalungkot na bagay ay ang rank ng Ice Imperial Spear na ito ay bumaba at malayo na ito sa pinakatugatog nito.

Subalit, kahit ganoon pa man ang halaga ng Ice Imperial Spear na ito ay higit pa ng isang libong beses kaysa sa ibang mga kagamitan na mayroon si Zhao Feng.

Ang Three Flowered Treasured Lotus, Luohou Bow, Water Moon God Peach Fan at ang iba pang mga bagay ay wala na masiyadong kagamitan para kay Zhao Feng.

Kung tutuusin, ang kaniyang battle power ay malapit na sa normal late stage True Lord Ranks at mas mataas pa ito sa Water Moon Pirate.

Matapos matanggap ang nababagay na inheritance para sa kaniya, si Zhao Feng ay nagpunta na sa susunod na palapag, ang 'Purple Saint Treasured Palace' sa pamamagitan ng mga direksyon mula sa mapa.

Ang ikatlong palapag – Purple Saint Treasured Palace.

Isang babaeng may suot na kulay lilang damit ang nakaupo sa harap ng parang kristal na susi at ang mga sagitsit ng Flames of True Spirit ang napunta sa susing iyon.

Sa tabi niya ay may isang babaeng nasa kalagayan ng kulay lilang liwanag ng ilaw na nakalutang sa ere at tumutulong sa babaeng mayroong lilang damit.

Sa pagkaktaong ito ay nakatapak na si Zhao Feng sa ikatlong palapag.

Ito ang inheritance na pagmamay-ari ng Purple Night Saint Lord.

"Zhao Feng, para mapigilan ang labis na paggamit ng enerhiya, ang Purple Saint Ruins ay hindi kalaunan magtatapos na. Maaari kang manatili rito sa loob ng sampu-sampung taon o magcultivate kasama si Yufei o maaari kang umalis."

Sambit ng liwanag na kulay lila.