Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 434 - Labanan sa Himpapawid

Chapter 434 - Labanan sa Himpapawid

Purple Saint Ruins.

Sa isang masikip na lugar na puno ng mga sangay.

Si Zhao Feng ay tila isang sisidlang walang kaluluwa. Ang kaniyang mukha ay walang ekspresyon, subalit ang kaniyang asul na buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin.

Sa tabi niya ay mayroong isang blood silver corpse na may mabangis na ekspresyon. Ang aura nito ay maikukumpara sa ika-unang yugto ng True Lord Rank at para itong isang tapat na bantay.

Subalit, sa puntong ito, ang True Lord Rank blood silver ghost corpse na ito ay nanginig sa pagkabalisa.

Kahit ang Towering Tree Yao na pumuprotekta sa dalawa ay bumuntong-hininga sa hirap na kaniyang nadarama.

Mula sa layo ng ilang milya.

Ang medyo mataba at tamad na nayo ni Lu Tianyi ay palapit ng palapit. Ang kaniyang bawat paggalaw at pagkilos ay nagdulo upang sumipol ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng ilang daang milya na nagdulot din ng pag-ungol ng hangin.

Sa bawat hakbang niya ay gumagalaw siya paharap ng kalahating milya.

Ang level ni Lu Tianyi ay mas mataas kaysa sa mga normal na True Lord Ranks at ang lahat ng naroroon ay natulala.

Ang mga mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay magmataas na ini-angat ang kanilang mga ulo na mayroong pagasa.

Si Ye Yanyu na nasa grupo ay bumulong sa kaniyang sarili: "Dahil nandito sa Brother Lu, kahit ang Towering Tree Yao ay hindi kayang protektahan si Zhao Feng."

Kung lakas ang pag-uusapan, hindi masiyadong nagkaiba si Brother Lu sa Towering Tree Yao.

Subalit, ang Towering Tree Yao ay napinsala at ang lakas nito ay wala na sa kahit kalahati ng peak battle power nito at halata ang kahinaan nito.

Sa pag-iisip nito, tumingala sa alapaap si Ye Yanyu.

Sa mga ulap.

Isang malaking asul na hangin ang malamig na nakatingin sa kalupaan.

Ang presensiya ng Eye of Heaven ay nagdulot ng pagkabalisa at kaba sa mga disciples ng tatlong sects. Kahit ang mga True Lord Ranks ay nahirapan pigilan ang Eye of Heaven.

Nang hindi nalalaman, si Ye Yanyu ay hindi rin mapalagay hangga't 'ito' ay naroroon pa.

Nang biglang, tumigil ang mga hakbang ni Lu Tianyi at siya ay bumagal.

Ang mental energy pressure at ang kalamigan ay nakaabot sa isang panibagong antas.

Sininok ang mga disciples ng tatlong sects at ang lahat ng tao na tumingin sa mata ay nakaramdam ng kalamigang pumapasok sa kanilang mental energy world.

"Mag-ingat kayong lahat! Huwag kayong tumingin sa mata." Malalim na sigaw ni Chi Gui.

Sa puntong ito, ang kapangyarihan ng ipapakita ng Eye of Heaven ay isang bagay na kaya lamang niyang tingalain at ang taong direktang hinaharap ang Eye of Heaven na ito ay si Lu Tianyi.

Ang mga natitirang henyo ng tatlong sects ay bahagyang apekto lamang at sila ay nasa layo ng ilang milya.

Subalit, kahit ang mga normal na True Lord Ranks ay hindi naglakas-loob na tingnan ang Eye of Heaven sa himpapawid.

Bago malimitahan ang kanilang mga pandama, ang mga disciples ng tatlong sects ay hindi man lamang makita si Zhao Feng at ang tanging nakikita nila ay ang Eye of Heaven na ito.

"Itong Zhao Feng…. Nagtatago sa likuran subalit kaya niyang gamitin ang paraan na ito upang labanan ang mga disciples ng tatlong sects."

Huminga nang malalim si Chi Gui.

Sinusuwerte siya, hindi nakatuon ang pansin ni Zhao Feng sa kanila subalit ito ay na kay Lu Tianyi.

Si Zhao Feng sa mga oras na ito ay napalakas na ang kaniyang kaluluwa at mas malakas pa siya sa mga normal na peak True Lord Ranks.

Sa kritikal na pagkakataon, walang hanggan siyang sinusuportahan ng Towering Tree Yao.

Sa ilalim ng kalagayan ng Eye of Heaven, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay dali-daling hinihigop ang Wood Spirit Essence Soul at nagdulot ito upang mabilis na umangat ang kaniyang kaluluwa.

"Bata… huwag mong hayaang makalapit ako sa'yo."

Sumigaw si Lu Tianyi nang mabuo ang paglalayon niyang pumatay sa kaniyang mga matang parang gintong mga buwan. Subalit, ang kaniyang isipan at katawan ay parang nahulog sa isang nagyeyelong lawa at siya ay lubhang napakabagal at siya ay naninigas.

Ang kaniyang bawat pagkilos ay umaabot ng ilang beses na mas matagal kaysa kanina.

Ang ikinainis ni Lu Tianyi ay kahit na mayroon siyang hindi mapapantayang battle power, hindi man lamang niya nakita kung ano ang hitsura ng kalaban.

Ang pakikipaglaban sa himpapawid ang pinakamagandang abilidad ng Eye of Heaven.

Kung saan ang kayang makita ng God's Spiritual Eye, doon maaaring lumitaw ang Eye of Heaven.

Ang mala-alamat na 'pagpatay sa mga tao mula sa isang libong milyang layo' ay isang katotohanan kay Zhao Feng.

Dagdag pa rito, ang God's Spiritual Eye ay puno ng hindi nasasalag na mga paraan.

Ang mga disciples ng tatlong sects sa likuran ay gulat na tumingin sa progreso ni Lu Tianyi. Hahakbang siya at biglang mananatili nang ilang sandali habang marahan siyang lumalapit sa Towering Tree Yao.

Ito ay isang hindi nakikitang sagupaan ng mga kapangyarihan.

Sa bawat hakbang ginagawa ni Lu Tianyi, mas lumalapit ang tagumpay.

"Kung makakalapit si Lu Tianyi, hindi ko magagawang makapalag."

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay nasa alapaap habang nakatingin siya sa baba. Ang kaniyang mental energy level ay hindi pa halos nakakaabot sa antas kung saan kaya na niyang labanan si Lu Tianyi.

Subalit, kung battle power ang pag-uusapan, si Lu Tianyi ay halos may abilidad upang hamunin ang mga nasa Origin Core Realm. Kahit papaano ang Iron Blood Religion Deputi Patriarch at ang Grand Elder ng Imperials ay hindi pa rin niya kayang tapatan.

Sa oras na makalapit si Lu Tianyi, mapupunta sa panganib si Zhao Feng.

Sa kabutihang palad, ang pakay ni Zhao Feng ay hindi ang pakikipaglaban kay Lu Tianyi at sa mga disciples ng tatlong sects.

Milagro na para sa kaniya na paatrasin ang isang daang disciples ng tatlong sects at makapaslang ng karamihan sa sampung True Lord Ranks.

Sugod----

Inutusan ni Zhao Feng ang mga blood silver corpse na katabi niya upang sumugod.

Kahit na ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya, si Lu Tianyi ay papalapit pa rin ng papalapit.

Sou!

Nang makalapit si Lu Tianyi ng isang daan hanggang dalawang daang yarda, sumunggab ang blood silver True Lord Rank ghost corpse.

"Bwisit, ang batang ito...."

Bahagyang pumangit ang ekspresyon ni Chi Gui dahil kani-kanina lamang ay pagmamay-ari pa niya ang ghost corpse na ito.

Sa pagkakita na sumugod ang True Lord Rank ghost corpse, bahagyang tiningnan lamang ito ni Lu Tianyi at hindi na ito tinitigan pa.

Kahit na siya ay napipigilan ng Eye of Ice Soul, ang mga normal na True Lord Ranks ay maaari niya pa ring mapatay sa isang pitik pa lamang ng kaniyang mga daliri.

Eye of Illusion!

Biglang nagpakawala ng isang ragasa ng mental energy sa hangin ang Eye of Heaven.

Pakiramdam ni Lu Tianyi na tila ba umabot hanggang sa kabilang dulo ng mundo ang Eye of Heaven.

Shua!

Nanginig ang puso ni Lu Tianyi at ngayon siya ay nakatayo sa isang walang hanggang lugar na puno ng yelo.

Isang kulungan ng kidlat at yelo ang dumakip sa kaniya at siya ay nakatali sa sunod-sunod na kadena habang patuloy na pumapalag ang kaniyang katawan.

"Ikaw ang Zhao Feng na iyon…."

Humigpit ang mga gintong mata ni Lu Tianyi nang tumingin siya sa batang may kulay asul na buhok sa harapan niya

Simula noong unang sagupaan nila, ito ang unabg beses na nakita niya ang kalaban at ito ay isang malabong imahe pa rin.

Walang nakakaalam kung sinasadya ba ito o hindi, subalit hindi pa rin makita ni Lu Tianyi ang mukha ni Zhao Feng.

Nangangahuluguhan ito na hindi pa nakikita ni Lu Tianyi ang tunay na Zhao Feng, subalit alam na ng kalaban kung ano ang hitsura niya.

Sa pag-alala nito, naramdaman ni Lu Tianyi kung gaanong sobrang nakakasindak ang taong ito. Hindi nakapagtataka na napilitang umatras ng mga disciples ng tatlong sects at upang magkampihan ang sampung True Lord Ranks.

Wasakin!

Ang gintong mga mata ni Lu Tianyi ay kuminang nang may isang ragasa nga matalas na intent ang sumira sa Eye of Illusion ni Zhao Feng.

"Grabe napakalas na mental energy intent. Direkta nitong nawasak ang aking Eye of Illusion."

Nanlambot si Zhao Feng habang nakatingin siya sa baba.

Nakaramdam lamang siya ng ganitong intent mula kay Yu Tianhao.

Kahit na ang mental energy ni Lu Tianyi ay hindi kasing kakaiba ng kay Yu Tianhao, ang kaniyang mental energy level at cultivation ay higit na mas mataas.

Kasabay nito, lumundag ang blood silver corpse patungo kay Lu Tianyo.

Ice Soul Shooting Line!

Isang malamig na sinag ng liwanag ang tumama kay Lu Tianyi.

Huang!

Bahagyang nanginig ang anyo ni Lu Tianyi nang may isang makapangyarihang sinag ng malamig na puwersa ang tumama sa kaniyang kaluluwa.

Sa kalagayan ng Eye of Heaven, ang mental energy level at kapangyarihan ni Zhao Feng ay umabot na sa hangganan.

Dahil sa walang hanggang suporta ng Towering Tree Yao, nakakatagal si Zhao Feng hanggang ngayon at patuloy siyang nakakalaban.

Atake!

Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Ito ang perpektong pagkakataon para atakihin ng blood silver corpse si Lu Tianyi.

Sa isang iglap na ito, si Lu Tianyi ay tinamaan ng Ice Soul Shooting Line at nanigas ang kaniyang katawan, hindi na siya nakakibo.

Shuu-----

Binuksan ng blood silver corpse ang bibig nito at kumagat kay Lu Tianyi.

Huang!

Isang matamlay na gintong Qi ng True Spirit ang biglang bumukas at pinatalsik ang blood silver corpse.

Crack!

Ang isa sa mga braso ng corpse ay nabali at ang katawan nito ay halos mahati sa dalawa.

"Paano nangyari ito…..Hindi man lamang makatagos ito sa proteksyon ng Qi ng True Spirit."

Nanahimik ang puso ni Zhao Feng. Si Lu Tianyi noong una ay nakulong ng Eye of Illusion sa loob ng maikling oras at sunod ay tinamaan siya ng Ice Soul Shooting Line at ang pagkakataon na ito ay perpektong nakuha ng blood silver corpse.

Ang lahat ng pagkakataong ito ay perpektong natantsa ni Zhao Feng subalit hindi niya inakalang hindi masisira ng blood silver corpse ang protective Qi ng True Spirit ni Lu Tianyi at sa halip ito ang halos nawasak.

Mula rito, makikita kung gaano kalakas ang battle power ni Lu Tianyi. Halos makarating na siya sa Origin Core Realm Level. Hindi nakapagtataka na kaya niyang mabuhay mula sa pagtutugis ng isang halimaw na nasa Origin Core Realm.

Sirain!

Iwinagayway ni Lu Tianyi ang kaniyang palad at ang blood silver corpse ay sumabog hanggang sa naging pira-piraso na lamang ito sa sa pamamagitan ng pagkislap ng isang gintong buwan.

Boom!

Nalasog-lasog ang True Lord Rank blood silver corpse at isang makapangyarihang alon ng gintong hangin ang humawi sa lahat ng bagay na nasa loob ng isang milya o dalawang milya at nakaabot pa sa kung saan naroroon si Zhao Feng.

"Ang bastardong ito…. Ginagamit ang ghost corpse ko bilang sakripisyo."

Si Chi Gui na nasa likuran ay pinanggigilan ang kaniyang mga ngipin.

Shua!

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay bumalik sa kaniyang katawan. Namumutla ang kaniyang mukha at bahagyang nanginig mula sa makapangyarihang ragasa ng gintong hangin.

Walang ekspresyon si Zhao Feng matapos mawalan ng isang True Lord Rank ghost corpse.

Ceng Ceng!

Dalawang dark silver poison corpses ang lumitaw malapit kay Zhao Feng.

Dagdag pa rito, isang maliit na scorpion na kasinglaki ng isang palad ang lumitaw sa kaniyang kamay. Ang katawan nito ay mayroong mga tuldok, subalit ang mga mata nito ay pula at malamig.