Ang lahat ng mga disciples ng tatlong sects ay tumingala at tumingin sa alapaap. Nanginig ang kanilang mga puso at isang hindi mailalarawan na mental energy pressure ang nagdulot upang hindi sila makahinga.
Sa alapaap, isang Eye of Heaven na parang nabubuhay sa alapaap at kalupaan ang mayroong kislap na kulay asul habang malamig itong nakatingin sa mundo sa ibaba.
"Napakapamilyar ng matang ito. Maaaring bang….."
Si Ye Yanyu at ang iba pa ay sumulyap patungo sa kailaliman ng kagubatan nang hindi makapaniwala at maraming mga henyo ang napagtanto na ito ay labis na kagaya ng kaliwang mata ni Zhao Feng.
Si Chi Gui mula sa Black Cliff Palace ay napahinga ng malalim at siya ang unang nakapansin ng matang ito.
Sa oras na ito, ang Eye of Heaven na ito ay nagdala ng matinding presyon sa mga henyo.
"Chi Gui, mukhang may nalalaman ka. Ano ang matang ito at ano ang kapangyarihan na mayroon ito?"
Kahit ang isang taong kasinglakas ni Ye Yanyu ay kailangang pigilin ang pagkabalisa sa kaniyang puso.
Nakatingin sa baba ang Eye of Heaven at ito ay hindi masusukat.
"Limitado ang aking nalalaman, subalit kaya kong tiyakin na ang matang ito ay kayang gumamit ng mental energy pressure at si Zhao Feng ay minsan nang ginamit ang skill na ito isangdaan hanggang dalawangdaang milyang layo upang lusawin ang aking Ghost Eye Dark Lantern."
Pag-aalala ang makikita sa mukha ni Chi Gui.
Iyon ang unang beses na nagsagupaan ang dalawa kung eye bloodline ang pag-uusapan.
"Isa hanggang dalawang daang milya?"
Parehas na nagulat sina Zhuang Wan'ey at si Ye Yanyu.
Kahit ang mga nasa Origin Core Realm ay walang ganitong abilidad upang makaatake mula sa sobrang layong lugar.
Kung ganoon ano ang hangganan ng Eye of Heaven ni Zhao Feng?
Si Zhao Feng lamang ang nakakaalam ng sagot. Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay kayang lumayo depende kung gaano kalayo ang kaya niyang makita. Sa pagtaas ng kaniyang cultivation, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakakakita mula sa isang libong milyang layo.
Dahil wala ng paglilimita sa kaniyang mga pakiramdam, wala ng kahirap-hirap para sa kaniya ang makakita hanggang dalawang libong milyang layo.
Malamang, kung gaano kalayo ang nakikita niya, mas malaki ang enerhiyang magagamit.
Sa mga normal na sitwasyon, hindi gagawin ito ni Zhao Feng.
"Iyon ang pakiramdam…."
Lumukso sa mga ulap ang kamalayan ni Zhao Feng at nagmanman sa kalupaan sa baba. Tila ba siya ay nakatingin sa baba ng isang mundong nilikha niya. Sa paggawa pa lamang nito ay nagalak na siya.
Siyempre, sa prosesong ito, ang enerhiya ni Zhao Feng ay mabilis na nagamit.
"Hmm? Kahit na malaki pa rin ang paggamit ng enerhiya, mas maliit na siya kaysa noon."
Nagulat si Zhao Feng. Ang dahilan kung bakit ginamit niya ngayon ang Eye of Heaven upang magamit niya ang Wood Spirit Essence soul para suportahan siya.
Sa pamamagitan ng pag-aanalisa, nakagawa si Zhao Feng ng kongklusyon na ang paggamit ng enerhiya ay depende sa distansya.
Kung gaano siya kalayo mula sa pagtalon, ganoon karami ang enerhiyang magagamit.
Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay tumatalon lamang ng lima o anim na milyang layo at ang konsumo ay mas mababa ng isa sa sampu kaysa noon.
"Mayroon pang isansg dahilan. Ang pagkonsumo ko ay ilang beses na mababago kapag gumamit ako ng isang atake."
Naalala ni Zhao Feng kung paano niya pinaglaho ang Ghost Eye Dark Lantern.
Sa puntong ito, ang mental energy level ni Zhao Feng ay nag-iba na mula noon at sa pamamagitan ng pagsuporta ng Wood Spirit Essence Soul, wala na siyang inaalala.
Sa sumunod na isa o dalawang paghinga, nakatuon na lamang si Zhao Feng sa pagranas ng pakiramdam na ito.
Nang tumalon ang kaniyang mata sa himpapawid, nagkaroon siya ng koneksyon sa kaniyang katawan subalit hindi niya makontrol ang paggalaw ng kaniyang katawan.
Napagtanto pa rin ni Zhao Feng na kapag nas ganitong estado ang kaniyang pagsanib sa kalikasan ay umabot sa kahanga-hangang antas.
Ito rin ang dahilan kung bakit kapag nakatutok ang kaniyang lahat ng enerhiya at nagiging isa siya sa kalikasan, mas napapadali ang pagtungtong niya sa estadong ito.
Bukod pa rito, ang kontrol ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay mas maayos nang sumanib siya sa kalangitan at kalupaan. Kahit ang isang Sovereign ay manlalambot dahil dito.
"Tingnan natin kung magagamit ko ang aking eye bloodline sa ganitong estado."
Nanlambot ang puso ni Zhao Feng.
Nang hindi nalalaman, ilang mga paghinga na ang nakalipas at ang henyo ng tatlong sects ay nababalisa. Magalang at nag-aalala sila sa Eye of Heaven. Ang hindi nakikitang presyon ay nanatili sa kanilang mga puso.
"Bastardong Zhao, kung may abilidad ka, tara rito at lumaban ka. Ang isang bayani ay hindi nagtatago at nagmamanman mula sa malayo."
Madilim ang ekspresyon ni Li Hong. Ang nakakabalisang kaba ay pinag-alala siya subalit ikinagalit din niya ito.
"Tama! Kung may abilidad ka, lumabas ka diyan at lumaban."
Sumang-ayon ang mga henyo ng tatlong sects.
Pang-iinsulto ang lumitaw sa Eye of Heaven.
"Ice Soul Shooting Line!"
Isang misteryoso at malamig na boses ang maririnig sa mental energy.
Weng~~
Ang malakign mata ay parang naglalaman ng isang nagliliwanag na bangin na gawa sa yelo at naglabas ng isang liwanag na kasingkapal ng kamao.
Xiu-----
Ang tingkad ng liwanag ay half transparent at hindi ito mahuhuli sa pamamagitan ng Spiritual Sense dahil dumaan lamang ito.
"Mag-ingat kayo!" Biglang sumigaw si Ye Yanyu.
Sa isang iglap na iyon, ang kalangitan ay bumanda ng may kasabay na isang malamig na Yuan Qi at ang orihinal na kapangyarihan nito ay nagmula sa Eye of Heaven.
Kasingbilis ng kidlat ang atake na iyon at puno ng ice Yuan Qi. Kasabay nito, nagpakawala ito ng isang elegante ay sinaunang aura.
Huang!
Hindi makakibo si Li Hong at ang linya ng liwanag ay tumagos sa kaniyang katawan at kaluluwa.
Hindi niya inakalang kayang direktang umatake ng Eye of Heaven at na ganito ito kabilis.
Siii~~~
Nagyelo ang isang milyang nakapalibot kay Li Hong at para bang naging natural na malamig ang kapaligiran.
Nanigas ang katawan ni Li Hong at siya ay nanatiling nakanganga.
Mabilis na kasunod nito, ang kaniyang katawan ay nagsimulang magyelo na parang estatwa.
"Hindi ko inakalang kayang pataasin ng Eye of Heaven ang kapangyarihan ng aking eye bloodline."
Nanatili ang titig ni Zhao Feng sa alapaap.
Ang enerhiyang ginamit sa atake na iyon ay napakalaki at isang beses na nagkaiba mula sa normal.
Subalit, ang epekto nito ay halatang-halata rin.
Ang Eye of Heaven ay sumanib sa alapaap at labis nitong pinalaki ang bilang ng Yuan Qi na lumabas.
Sa ganoong kalagayan, ang mental energy level state ni Zhao Feng ay lumagpas sa kaniyang normal na hangganan.
"Nilalang, ang aking origin power ay mabilis na naglalaho."
Ang malungkot na boses ng Towering Tree Yao ay maririnig.
"Mayroong pagkatalo kapag mayroong mga gantimpala. Hindi ba't napaslang ko ang isang late stage True Lord Rank?"
Nanatiling hindi gumagalaw si Zhao Feng. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, hindi siya maglalakas-loob na basta-basta itong subukan subalit ngayon ay ang kaniyang mental energy level ay mas malakas na kumpara sa mga normal na early stage True Lord Ranks at mayroon siyang suporta ng Wood Spirit Essence Soul ."
Sa prosesong ito, dali-daling hinigop ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng Wood Spirit Essence Soul.
Weng~~
Naging masagana muli ang kaluluwa ni Zhao Feng at nakakuha ito ng comprehension mula sa Wood Spirit Essence Soul.
Sa ilang paghinga lamang, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay mabilis na umangat.
"Talagang binigyang hustisya ng Wood Spirit Essence Soul ang pangalan nito dahil malaki ang tulong ito sa mga nasa Origin Core Realm na sinusubukang intindihin ang landas patungo sa Void God Realm."
Umaapaw sa kaligayahan ang puso ni Zhao Feng.
Malapit sa sahig.
"Brother Li Hong!"
Sumigaw ang mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect.
Napanood nila kung paanong tumira ng isang sinag ng liwanag at ginawa nitong isang bloke ng yelo si Li Hong.
"Brother Li Hong…"
Nagsigawan ang lahat ng tao at tinunaw ang yelo na nagpapanigas sa kaniya subalit walang kibo si Li Hong.
Ang aura ng buhay sa kaniyang katawan ay hindi pa tuluyang nawawala, subalit wala siyang reaskyon.
"Ang atake ng matinding lamig ay nagdulot upang magyelo ang kaniyang isip habangbuhay. Hangga't walang dumarating na isang King ng Void God Realm, walang makakapagligtas sa kaniya."
Nanlamig ang paghinga ni Chi Gui.
Malamang walang mabubuhay sa galaw na iyon kanina.
Si Li Hong na nasa huling mga yugto ng True Lord Rank ay tinapos sa pamamagitan ng isang tingin lamang ng mata at kahit sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay mayroon lamang 50% tsansang mabuhay.
Biglang nanginig ang mga puso ng mga henyo at ang ilan pa ay yumukod sa pagrespeto sa Eye of Heaven.
"Kumalma kayong lahat. Hindi maaaring magamit ang paraan na ito nang ilang beses."
Nakakasiguro si Chi Gui. Halos mawala niya na ang lahat ng kaniyang battle power at maaaring hindi na mag-aksaya si Zhao Feng ng enerhiya upang tapusin siya.
Ngayon.
Sa lahat ng anim na True Lord Ranks, apat lamang ang mayroong abilidad na makipaglaban. Si Chi Gui at Li Hong ay parehas na walang masiyadong magagawa.
"Atras."
"Umatras na kayo palabas sa kuwebang ito."
Nagpalitan ng tingin sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er nang tumitig sila sa Eye of Heaven bago dali-daling umatras.
Shua!
Naglaho ang Eye of Heaven mula sa mga ulap.
Wu~
Nagpakawala ng mahabang paghinga si Zhao Feng nang bumalik ang kaniyang kamalayan sa katawan niya.
Ang galaw na iyon kanina ay nagtagal lamang ng ilang paghinga subalit 30-40% na ng kaniyang eye bloodline energy ang nagamit at kabilang pa rito ang pagsuporta sa kaniyang Wood Spirit Essence Soul.
Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, hindi ito basta-bastang gagamitin ni Zhao Feng.
"Nilalang, isangkatlo ng aking Wood Spirit Essence Soul ang nagamit kani-kanina lamang."
Ang Towering Tree Yao ay kalahating nag-aalala at kalahating masaya.
Masaya ito na ang mga True Lord Ranks mula sa tatlong sects ay napahina nang higit sa kalahati, subalit malungkot ito na malaking bilang ng enerhiya ang kaniyang nagamit.
Ang halaga ng isangkatlong Wood Spirit Essence Soul ay hindi masusukat.
Ang isang parte nito ay nahigop ni Zhao Feng samantalang ang isa naman ay nagamit.
Sa mismong pagkakataon na ito.
"Brother Zhao Feng, ang Ruins Treasured Palace ay bababa na subalit mayroong isang masamang balita. Si Lu Tianyi na nasa ika-unang puwesto ng sampung True Lord Ranks ay paparating na."
Ang boses ni Zhao Yufei ay maririnig sa kaniyang isipan.
Lu Tianyi.
Nanlambot ang puso ni Zhao Feng. Itong tao na ito ang pinakamalaks na henyo sa lahat ng pumasok sa Ruins at sa kasamaang palad, ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa half step Origin Core Realm.
Shua!
Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at nakakita siya ng isang medyo mataba at tamad na anyong papalapit sa misteryosong kuweba mula sa isang daang milyang layo.
Ang kakaibang hangin sa labas ng misteryosong kuweba ay sapat na upang pigilang ang mga hakbang ng True Lord Rank.
Iwinagayway ng tamad na bata ang kaniyang kamay.
Boom!
Isang gintong palad ang nagbukas ng isang landas sa mga hangin ng misteryosong kuweba.
"Ang pinakamalakas na mga hangin doon ay kayang pumunit ng True Lord Ranks, subalit pinunit lamang ito ng taong 'to."
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Isang simpleng galaw mula sa bata ang gumawa ng ganitong lakas na mas mataas pa sa True Lord Rank. Mas malakas pa ito kaysa sa Eye of Heaven ni Zhao Feng.
"Brother Lu!" Ang mga umaatras na disciples mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay nagsigawan.
Lu Tianyi.
Ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay puno ng pag-aalala at respeto.