Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 430 - Illusion City Maze

Chapter 430 - Illusion City Maze

"Isang oras? Mabuti."

Napabuntong hininga si Zhao Feng.

Mas maganda para kay Zhao Feng kung mas maagang bababa ang Ruins Treasured Palace.

Habang pinapatagal ni Zhao Feng ang lahat hanggang sa pagdating ng Ruins Treasured Palace, matatapos niya agad ang kailangan niyang gawin.

Ang butas ng Towering Tree Yao.

Boom----

Inatake bigla ng pitong True Lord Ranks at ang iba pang henyo ng True Spirit Realm ang pinaka-katawan ng Towering Tree Yao.

Sa mga sanga, muling umupo si Zhao Feng at inintindi ang kapangyarihan ng Wood Spirit Essence Soul bilang isang purong alon ng kaluluwa na pumuno sa kanyang mental energy world.

Puso ng Towering Tree Yao ang Wood Spirit Essence Soul, at ang kapangyarihan ng essence soul ay kaparehas ng kapangyarihan ng kaluluwa nito.

Sobrang tagal nang nabubuhay ang Towering Tree Yao, at ang kaalamang mayroon sa Wood Spirit Essence Soul ay isang bagay na hindi maikukumpara sa kahit anong normal na bagay.

At dahil sa prosesong ito, lumakas lalo ang kaluluwa ni Zhao Feng at ang enerhiya na ginamit niya sa kaniyang eye bloodline ay malapit na muling mapuno.

Iniikot pa rin ng utak niya ang lahat ng batas ng buhay na natutunan ng Towering Tree Yao sa libo-libong taon nitong pag-iral.

Miski siguro ang King at the Void God Realm ay hindi pa ganito katagal nabubuhay.

Sa loob ng dimensyon ng kaliwa niyang mata.

Ang mga alaala ng pagtubo at pagkabulok ay mabilisang lumipad sa harap ni Zhao Feng. Ito lahat ay nasa Wood Spirit Essence Soul. Kahit ang Towering Tree Yao ay hindi kayang alalahanin itong mga segundong ito nang buo, ngunit hindi ito maikukumpara sa kabihasaan ni Zhao Feng sa kaluluwa at sa God's Spiritual Eye.

Sa ilang sandali lamang, humilom na agad ang eye bloodline ni Zhao Feng at ang kaniyang kaluluwa ay tuluyan nang lumakas. Ang sobrang bilis na epektong ito ay dahil sa God's Spiritual Eye at kung paano siya pumasok sa Ancient Dao of the Soul noong nakaraan.

Magagamit lamang nang buo-buo ang Wood Spirit Essence Soul kapag ito ay napunta sa kamay ng mga tao at ang God's Spiritual Eye ay lubos na nakatulong.

"Mas lumakas na ang mental energy ko kaysa sa maagang yugto ng True Lord Ranks, ngunit hindi ganoon kahina kumpara sa huling yugto ng True Lord Rank."

Para bang spongha si Zhao Feng sa pag-sipsip niya ng kaalaman at kapangyarihan sa Wood Spirit Essence Soul.

"Bata, gaano pa katagal bago ka ulit makalaban?"

Lalong lumalala ang sakit na nararanasan ng Towering Tree Yao dahil sa dami ng atakeng direktang umulan dito na nanggaling sa pitong True Lord Ranks at sa daan-daang henyo mula sa tatlong sects.

"Malapit na."

Alam ni Zhao Feng na kaya pa ng Towering Tree Yao na tiisin ang sunod-sunod na atake nang isa pang oras, at gusto niya pang sipsipin ang kapangyarihan ng Wood Spirit Essence Soul.

Boom Boom Bang----

Tumanggap pa ng ilang ikot ng atake ang Towering Tree Yao. Yumugyog ang mga tangkay nito at umungol ng malakas ang puno na para bang isang matandang lalaki.

"Hindi ko kayang tiisin 'to nang mas matagal pa, bata. Kayang hamunin ng mga henyong ito ang mga nakakataas sa kanilang cultivation."

Nagmakaawa ang Towering Tree Yao, at nakita ni Zhao Feng na nanghina rin ang kapangyarihan ng Wood Spirit Essence Soul.

Sa isang banda, dahil ito sa mga sugat nito, at sa isa pang panig, ay dahil gusto nitong tumulong agad si Zhao Feng.

"Kapatid na puno, kailangan kong matulungan ang pangmalayuan eye bloodline attack ko gamit ang Wood Sprit Essence Soul."

Lumabas si Zhao Feng sa pag-iiintindi habang napuno naman nang todo ang kanyang mental energy state.

"Sige. Dali."

Umuga ang isipan ng Towering Tree Yao at naglabas ito ng pure flow of essence soul sa mental energy world ni Zhao Feng.

Sa oras na iyon, naramdaman niyang para bang walang katapusan ang pagdaloy ng kaniyang kaluluwa.

Hindi niya napigilan ang sarili sa pagmura nang hindi binigay ng Towering Tree Yao sa kaniya ang buong suporta nito.

Ngayong nangangailangan si Zhao Feng ng ekstrang kapangyarihan para labanan ang mga henyo ng tatlong sects, agad-agad na binigay ng Towering Tree Yao ang isa hanggang dalawang porsyento ng kapangyarihan nito sa kaniya.

"Magsimula na tayo."

Huminga nang malalim si Zhao Feng at pumasok sa dimensyon ng kaliwa niyang mata.

Lumaki na ang nagyeyelong tubigan nang walong yarda, mas malaki pa sa doble noong nasa Sacred True Dragon Gathering pa siya.

May mga kakaibang alon ang umagos sa nagyeyelong tubigan. Ito ang pinanggagalingan ng mental energy ni Zhao Feng, at sa ngayon, may isang malakas na alon ng Wood Spirit Essence Soul ang lumitaw.

Ibig sabihin nito ay kayang kontrolin ni Zhao Feng ang God's Spiritual Eye nang mas matagal.

Sa ilalim ng sirkulasyon ng God's Spiritual Eye, nagsimulang mabalisa ang Towering Tree Yao sa kaluluwa nito.

Nanginig rin sa takot ang Blood Silver Corpse.

"Mag-ingat kayong lahat!"

Nagbago ang mukha ni Chi Gui nang binalaan niya ang mga henyo ng tatlong sects.

Hindi na kayang makipaglaban ni Chi Gui nang dahil sa laban nila ni Zhao Feng, Nagpahinga na lamang siya sa kaniyang tagiliran pero pinanood si Zhao Feng, at pinakiramdaman niya ito.

"Ang unang aasintahin ko…. Ay ikaw!"

Lightning Fire God's Eye!

Tinodo ni Zhao Feng ang paggamit ng kaniyang kaliwang mata hanggang sa may sumiklab na apoy dito.

Whoosh!

Isang bola ng transparent lightning fire ang bumalot kay Chi Gui. Ang lakas ng Lightning Fire God's Eye ngayon ay mas malakas kumpara dati.

"Arghhhh!"

Umungol sa sakit si Chi Gui habang naglabas siya ng hangin ng air of ghosts para mapatay ang lightning fire.

Ilan sa mga henyo ng Black Cliff Palace ang tumakbo para tulungan si Chi Gui, ngunit nasa huling hininga na ito nang pagdating nila.

Kung naiba ito, na siyang hindi dalubhasa, malamang ay mas maaga pa silang namatay.

Ang iba pang anim na True Lord Ranks ay napahinto. Hindi lamang hindi humina ang eye bloodline ni Zhao Feng, pero lumakas pa ito.

"Wood…. Wood spirit…."

Bulong ni Chi Gui nang may galit bago siya nahimatay. Isang Lightning Fire God's Eye lamang ang kinailangan para mapatulog si Chi Gui, ang taong espesyalista sa eye bloodline sa mga True Lords.

Ang anim na True Lord Ranks na lamang ang kailangang pagtuunan ni Zhao Feng ng pansin, at hindi para ubusin ang enerhiya niya kay Chi Gui.

Ang ibig sabihin nito, mula sa orihinal na sampung True Lord Ranks, anim na lamang ang may kapasidad na makipaglaban.

Kaya lamang, simula pa lang ito ng mga mangyayari.

Umakyat muli si Zhao Feng sa mga sangay habang naging parang walang katapusang kalawakan ang kaniyang God's Spiritual Eye na para bang gusto nitong lamunin ang mundo.

Eye of Illusion – Illusion City Maze!

Nagmasid ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng sa grupo ng mga tao sa tatlong sects, habang kinakain ng kailaliman ng God's Spiritual Eye.

Sa sunod na pangyayari.

Shua!

Ang mas marami pa sa isang dosenang henyo ay nakaramdam na kung saan ay para bang nagbabago ang lugar na kinatatayuan nila, nang bigla silang lumitaw sa isang lumang syudad, at wala na sa butas ng Towering Tree Yao.

Binabalot ng puting ulap ang kalupaan at ang mga magagarbong mga gusali, na parang isang malaking labirinto.

"Saan ito? Paano tayo napunta dito?"

"Buwisit! Dinala siguro tayo ng bastardong may mental energy skill."

Ang malaking grupo ng mga tao mula sa tatlong sects ay nagmukhang mga langgam na nagwawala.

Kahit papano, alam nilang ilusyon lamang ito ni Zhao Feng, ngunit nararanasan pa rin nila ang kapangyarihan niya at kailangan nila makalabas.

Sa totoong buhay.

Nagkagulo ang mga henyo ng tatlong sects.

Halos isang dosena ang tumatakbo nang paikot-ikot.

Ang isang maliit na grupo sa kanila ay nawalan na ng kontrol at humihiyaw.

Ang iba naman ay nalilito na sa kung paano makatakas sa Illusion City Maze ni Zhao Feng.

Plop Plop!

Ilan sa kanilang nasa ilalim ng ilusyon ay nalaglag mula sa himpapawid at naging pataba ng Towering Tree Yao.

Sila ang mga henyo na nakahanap ng 'labasan' o ng mga 'pagkakamali' sa Illusion City Maze.

Isa sa mga higit pa sa dosena ang dami ng henyo, may isang maagang yugto ng True Lord Rank ang nagpaikot-ikot at naghihirap.

"Buti na lang mayroon akong suporta ng Wood Spirit Essence Soul, sapagkat sobrang daming enerhiya ang kailangan para matugunan ang Illusion City Maze."

Pinanood ni Zhao Feng ang ginawa niya at nagsimulang gawin ang Illusion City Maze.

Ang Illusion City Maze ay nanggaling sa Eye of Illusion, at ginamit nito ang mga ilusyon para maantala ang ilan sa mga kalaban.

Ang pagkakaiba lamang ay ang tuon ng Illusion City Maze na para ba pigilan lamang ang kalaban pero hindi pahirapan ang kanilang kamalayan.

Sa dimensyon ng kaliwang mata ni Zhao Feng, mas malinaw na makikita ang Illusion City Maze.

"Sa susunod, pwede ko na lang kopyahin ang mga gusali ng Illusion City Maze para hindi na masyadong gumamit ng enerhiya sa susunod."

Kumutob ang puso ni Zhao Feng. Pagkasabi niya nito, kinopya niya na ang Illusion City Maze, at sa susunod, hindi niya na kakailanganin pang mag-isip pa masyado.

Gamit ang suporta ng Wood Spirit Essence Soul, mas lalong lumakas ang isipan ni Zhao Feng, at may tuluyang daloy ng kapangyarihan ang tumulong sa kaniya para mabuo ang Illusion City Maze.

"12…. 13…. 14…"

Unti-unting pinalaki ni Zhao Feng ang Illusion City Maze.

Sa mga sanga, lalong naging kaakit-akit ang kaliwang mata ni Zhao Feng, at lahat ng tumingin doon ay lalong naakit.

Maliban kay Ye Yanyu at Zhuang Wan'er, kahit sino pang tumingin sa mata ni Zhao Feng ay mahuhulog sa ilusyon ng Illusion City Maze at magsisimulang magwala.

Nasa himpapawid sila, ngunit nadaya ang kanilang mga pandama at inisip nilang nasa isang syudad sila.

Habang nahigop ng Illusion City Maze ang 20 pang tao, lalo lang nagulat si Zhuang Wan'er at Ye Yanyu.

"Mag-ingat kayong lahat! Huwag kayong titingin sa kaliwang mata niya!"

Pagbabala ni Ye Yanyu sa mga hindi pa nahulog sa patibong ng ilusyon.

Sa huli, ang God's Spiritual Eye pa rin ang pinagmumulan ng kapangyarihan na taglay ng Illusion City Maze.

Kung hindi sila titingin sa God's Spiritual Eye, magkakaroon sila ng pag-asang hindi mapunta sa ilusyon.

"Para sa lahat ng naapektuhan na ng ilusyon, huwag matakot. Pumirmi lamang kayo at tutulungan namin kayo."

Nagpadala ang True Lord Ranks ng spiritual sense sa mental energy ng iba at sa mga nahulog sa patibong ng ilusyon naman ay narinig ang mahihinang sigaw nina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er, kaya lamang mayroon pa ring ilang nagwala sa kanila.

Kinailangan lang na panatilihin ni Zhao Feng ang Illusion City Maze at hindi gumawa ng pagkakamali.

Habang lumipas ang oras, matagumpay na nasakop ng Illusion City Maze ang 20 hanggang 30 na mga henyo, kabilang na ang ilang nasa panimulang yugto ng True Lord Rank at maagang yugto nito.

Ang apat pang True Lord Ranks at mga henyo ay huminto sa pag-atake nang dahil sa takot para sa kanilang buhay.