Sa pagkakataong iyon, hindi na itinago pa ni Li Hong ang kanyang intensyong makapatay at agad niya nang ibinuga ang aura ng isang True Lord Rank at agad na ipinatawag ang kapangyarihan ng kidlat at Water Yuan Qi sa malapit.
Ito ang unang beses na nakaharap si Zhao Feng ng isang True Lord Rank na nasa huling yugto na nito.
Nang labanan niya si Ye Yanyu dati, ang pagitan nilang dalawa ay napakalaki at hindi ginamit lahat ni Zhao Feng ang kanyang lakas.
Hindi nataranta si Zhao Feng sa tapat ng ganitong aura at tumingin siya kay Ye Yanyu. Ayon sa kasunduan, kailangan niyang protektahan si Zhao Feng pero sa ngayon, mukhang wala siyang balak na gawin ito.
May mga sariling plano sa si Ye Yanyu:
Gusto niyang gamitin si Li Hong para sapawan ang kapangyarihan ni Zhao Feng. Nagsimula nang maramdaman ni Ye Yanyu na tila hindi niya na nakokontrol si Zhao Feng at hindi niya na malaman kung anong iniisip nito.
Gumawa ng kasunduan si Zhao Feng pagkatapos siyang pagbantaan ni Ye Yanyu, pero palagi itong kalmado at nakukuha niya ang halos lahat ng benepisyo sa pagkakaligtas niya mula sa tatlong sects. Hindi lamang siya nagkaroon ng maraming kayamanan, nakipagpalitan rin ito sa kanya at sa Black Cliff Palace.
May pakiramdam si Ye Yanyu na hindi niya na makontrol si Zhao Feng, lalo na noong makuha nito ang Tree Yao Essence Fruit at tumaas ang cultivation kung saan pinatay niya rin si Yu Luo.
Hindi mahirap para kay Zhao Feng na hulaan ang mga iniisip ni Ye Yanyu. Kung papanoorin niya lamang ito, ibig sabihin, si Zhao Feng na ang bahala sa kanyang sarili.
Pagkatapos pasukin ang Purple Saint Ruins, umasa na lamang si Zhao Feng sa kanyang talino para mabuhay.
"Hehe, ang mga henyo ba ng Pure Moon Spiritual Sect ay ganito kawalang kuwenta?"
Bahagyang tumawa si Zhao Feng nang may mapagkutyang tono.
Walang kuwenta?
Ang mga nagmula sa Moon Demon Palace at Black Cliff Palace na manonood sana ng palabas ay nagulantang.
Kung ang mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect ay 'walang kuwenta', paano naman ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace na palaging talo sa kanila?
"Walang kuwenta? Oy probinsyano, huwag kang masyadong maging mapagmataas."
"Kahit naman hindi makagawa ng kahit anong gulo ang ating kapatid na si Li Hong, hindi ka pa rin namin papakawalan."
Agad na nagalit ang mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect sa mga salitang binitawan ni Zhao Feng.
Halos galitin niya na ang lahat ng nasa Pure Moon Spiritual Sect sa loob lamang ng isang pangungusap.
"Hahaha, kung ganoon tatanungin kita, sino ang tunay na may sala ng kamatayan ni Yu Luo?"
Tumawa si Zhao Feng.
Tunay na may sala?
Ang mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect ay napahinto at marami ang napatingin sa Towering Tree Yao.
"Ang Tree Yao." Agad na sabi ng isa.
"Zhe zhe, kung sina Li Hong at ang dalawa pa ay gustong gumawa ng paghihiganti, naririto ang tunay na may sala. Sige, patayin niyo. Bakit niyo naman ako ginugulo, isang biktima?" Mapaglarong wika ni Zhao Feng.
Sinadya niya talagang iparamdam ang mga salitang 'tunay na may sala' at 'biktima'.
Ang tunay na may sala ay ang Towering Tree Yao at si Zhao Feng ay hinahabol ni Yu Luo. Siya ay isang biktima.
"Hahaha, ang Pure Moon Spiritual Sect ay inaapi lamang ang mga mahihina at takot talaga sila sa malalakas. Hindi ba nito pinapakita kung gaano kayo kawalang kuwenta?"
Tumawa si Zhao Feng tungo sa kalangitan.
"Ikaw ikaw…."
Hindi na makapagsalita si Li Hong at ang mukha ng dalawang lalaking disipulo ay naging mapula at berde.
Lalo pa nitong pinamula ang mukha ng iba pang mga disipulo. Hindi nila iniisip kung paano patayin ang tunay na may sala pero hinahanap nila ng gulo ang biktima.
Kahit ano pang paraan para tignan ito, nagmumukhang takot lamang sila sa mga malalakas kung kaya mahihina lamang ang kanilang inaapi.
Isang mabuting pwersa ang Pure Moon Spiritual Sect na siyang sumusunod sa hustisya.
Ito ang dahilan kung bakit nakipagtulungan si Zhao Feng sa Pure Moon Spiritual Sect at hindi sa Black Cliff Palace o sa Moon Demon Palace.
"Hahaha…. Nawalan lang naman ng mukha ang Pure Moon Spiritual Sect. Isang lupon lang pala sila ng mga taong nagpapanggap na tama sila. Pero sa katotohanan, inaapi lang pala nila ang mga mahina." Panlilibak ng mga disipulo mula sa Black Cliff Palace at Moon Demon Palace.
Bilang kanilang kalaban, wala silang pakialam kung natatamaan nila ang Pure Moon Spiritual Sect kahit mukhang hindi maayos ang kanilang pakiramdam.
Ang ekspresyon ng mga disipulo ng Pure Moon Spiritual Sect ay talagang napakapangit at kahit si Ye Yanyu ay nawalan ng kanyang mukha: "Kapatid na Li Hong, may kasunduan ako kay Zhao Feng. Pagpapasyahan natin ito bago magsara ang Ruins."
Naramdaman ni Li Hong na tila nawalan siya ng mukha sa lahat at ayaw niyang sumunod.
"Sutil, gagamit lamang ako ng isang atake dahil kay Sister Ye."
Pagkatapos niya itong sabihin, biglang naglaho si Li Hong at napunta sa direksyon ni Zhao Feng. Ang biglaang atake na ito ay nakapagpabago ng ekspresyon ni Ye Yanyu pero wala siyang magawa.
Nawalan talaga ng mukha si Li Hong at talagang gusto niyang turuan ng leksyon si Zhao Feng o kaya man lang ay patayin ito.
Pa!
Ang palm attack ni Li Hong ay naglalaman ng alon ng asul na kidlat at bilis ng tubig pati na rin ang nakakawasak na kapangyarihan ng mga kidlat.
Dahil sa kanyang perpektong kontrol, walang kahit sinong malapit ang madadamay.
"Ang palm attack na ito ay paniguradong papatayin ang kahit sinong nasa ibaba ng True Lord Rank."
Kung gagamitin ni Zhao Feng ang kanyang Three Flowered Treasured Lotus at ang kanyang bloodline power, hindi niya pa rin ito halos kakayanin pero napagdesisyunan niyang huwag itong ipakita at maging malakas.
"T*** *na!"
Umatungal si Zhao Feng at ang kanyang katawan ay naglabas ng isang nakasisindak na aura.
Sa isang biglaang iyon, sangsampu ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit ang nagsimulang masunog na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataong pataasin ang kanyang lebel ng ilang beses pa.
Ang isang normal na True Mystic Rank ay hindi kayang kontrolin ang ganitong kapangyarihan, pero ang mental energy level niya ay umabot na sa maagang yugto ng True Lord Rank.
Kaya niyang kontrolin ang nakawawasak na kapangyarihan ng nagliliyab ng Qi ng True Spirit. Kahit pa ang Dark Water Heart at ganoon rin ang Tree Yao Essence Fruit na siyang pinapalakas ang kanyang katawan.
Booom----
Ang palm attack ni Zhao Feng ay nakagawa ng isang daang bulaklak mula sa langit na siyang nasunog rin sa kalangitan.
"Sinusunog niya ang kanyang Source ng True Spirit, mag-ingat kayong lahat!"
Agad na umaksyon si Ye Yanyu at ikinumpay niya ang kanyang mga kamay upang makagawa ng isang barrier of moonlight na siyang maghihiwalay sa lakas ng dalawa.
Peng!
Isang malalim na butas ang nagawa sa lapag na siyang umabot pa ng sampung yarda bago masalag ni Ye Yanyu.
Kung nalipon lamang lahat ng kapangyarihan, ang lahat sa loob ng isang milya ay mapipipi.
Maraming mga disipulo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ang napalipad niya sa isang alon ng ere at alikabok, isang anyo naman ang lumapag sa tabi ni Ye Yanyu nang may ngiti.
"Bata, ikamamatay mo talaga----"
Ang galit na boses ni Li Hong ay maririnig sa mga alikabok. Gusot-gusot ang itsura ni Li Hong at ang kanyang buhok at damit ay madumi.
Ang mga disipulo ng tatlong sects ay nagulantang.
Mukhang nakuha lamang ni Zhao Feng ang mas mataas na posisyon. Kahit na hindi nasaktan si Li Hong, naguguluhan siya sapagkat nalinlang siya.
"Tama na!" Bumulalas si Ye Yanyu nang malamig at nagpadala siya ng mga alon ng moonlight para paatrasin si Li Hong nang ilang yarda.
"Sister Ye, pinoprotektahan mo ang tagalabas na iyan!?"
Ang mga mata ni Li Hong ay naging matingkad na pula habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin, pero nababahala pa rin siya sa lakas ni Ye Yanyu kahit pa sugatan ito.
Si Zhao Feng ay tumayo sa tabi ni Ye Yanyu at sigurado siyang wala itong gagawing masama sa kanya.
Una sa lahat, sinabi ni Ye Yanyu na nakikipagtrabaho siya kay Zhao Feng at binalaan si Li Hong.
Ang pag-atake ni Li Hong kay Zhao Feng ay hindi magbibigay sa kanya ng mukha.
Ikalawa, sabi ni Li Hong 'isang atake' lang pero hindi siya tumupad sa kanyang pangako, na siyang lalo pang nakapagpawal ng mukha ng Pure Moon Spiritual Sect.
Masasabing sa loob lamang ng napakaiksing oras, natanggal lang naman lahat ni Li Hong ang mukha ng Pure Moon Spiritual Sect at kahit si Ye Yanyu ay hindi na ito kakayanin pa.
"Iniisip mo ba na hindi pa sapat ang nangyari?" Malamig na sabi ni Ye Yanyu.
"Ako…."
Biglang naisip ni Li Hong ang kanyang ginawa. Gumamit nga siya ng higit pa sa isang atake at nakaharap niya pa si Ye Yanyu dahil doon.
Sa pagkakataong iyon, ang mga disipulo sa Pure Moon Spiritual Sect ay nakaramdam na tila walang liwanag sa kanilang mga mukha.
Punong-puno ng pagkabigo si Li Hong.
"Kung may oras ka, pwede mo namang isipin kung paano natin gagawan ng paraan ang tungkol sa Towering Tree Yao. Sa ganoong paraan, maipagtatanggol natin ang ating kapatid na si Yu Luo at makakakuha rin ng mga pabuya." Wika ni Ye Yanyu.
"Sister Ye, tama ka. Ang pinakamahalagang bagay ngayon ay patayin ang tunay na may sala. Para naman sa sutil na ito, tsaka ko na siya aasikasuhin pagkasara ng ruins."
Naging kalmado na rin si Li Hong sa wakas.
Nagamit niya na ang isa niyang atake at kapag nagpatuloy pa siya, tatawanan na lamang siya ng iba.
Naayos na rin ang kaguluhan.
"Itong kabataang may kulay asul na buhok…. Ay hindi simple."
Tinignan ni Zhuang Wan'er mula sa Moon Demon Palace ang kabataang nasa tabi ni Ye Yanyu. Tumingin rin si Ye Yanyu kay Zhao Feng. Ang Souce ng True Spirit na kanyang sinunog ay halatang hindi nagmula sa kanya.
Hindi naman napunta sa wala ang ginawa ni Li Hong. Nalaman naman nila kung ano ang itinatagong baraha ni Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay may iba pang Source ng True Spirit sa kanyang katawan at kahit wala ito sa True Lord Rank, naabot naman nito ang Peak True Mystic Rank at kapag hindi iningatan ni Zhao Feng ang pagsunog dito, kaya nitong pagbantaan ang mga nasa True Lord Rank.
"Sinabi ko na dati na ang kabataang ito ay hindi simple. Hindi na ako nagtataka na hindi siya takot noong makipagpalitan sa amin."
Taimtim ang mukha ni Chi Gui at naramdaman niyang mapalad siya na hindi niya inatake dati si Zhao Feg.
"Gumamit lamang si Li Hong ng isang atake nang kaswal at nalinlang ko naman siya."
Kalmado ang isip ni Zhao Feng.
Hindi nagtagal, ang mga henyo ng tatlong sects ay nagsama-samang muli at nagsimula nang magkaroon ng diskusyon kung paano sosolusyunan ang Towering Tree Yao.
Ang Towering Tree Yao ay may pinsala na dahil sa Void God Protection at may lamat na ito.
Napahikab na lamang si Zhao Feng sa kawalan ng interes.
Kahit na patayin nila ang Towering Tree Yao, hindi niya pa rin makukuha ang Wood Spirit Essence Soul pwera na lang kung gusto niyang maging kalaban ng tatlong sects.
Sa pagkakataong iyon.
"Kapatid na Zhao Feng."
Isang pamilyar na boses ng isang babae ang maririnig sa isip ni Zhao Feng.
Sino iyon!?
Napatalon si Zhao Feng sa gulat. Ang boses na ito ay pamilyar. Mukhang kay…. Zhao Yufei.
Pero bakit naman niya naririnig ang boses ni Zhao Yufei sa kanyang isip?
Sa sumunod na bigla.
Shua!
Isang malabong anyo ang nagpakita sa isip ni Zhao Feng at si Zhao Yufei ito.
Ang Zhao Yufei sa kanyang isip ay ngumiti nang matamlay: "Kapatid na Zhao Feng, ako ang tagapagmana ng Purple Saint Ruins, pero kakailanganin ko ang tulong mo para makontrol ang Ruins."