Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 420 - Sunod-Sunod na Panganib

Chapter 420 - Sunod-Sunod na Panganib

Ang Pure Moon Spiritual Sect ay tunay ngang karapat-dapat sa

pagiging dalawa't kalahating star sect na mayroong sampung True

Lords.

Alam ni Zhao Feng ito at samakatuwid, ay pinatay niya si Yu Luo para

mabalanse ang three sects.

Sinong 'di mag-aakalang sa 'di katagalang matapos mamatay ni Yu

Luo, isang panibagong True Lord Rank ang galing sa Pure Moon

Spiritual Sect na mayroong mas malakas na cultivation ng huling

yugto ng True Lord Rank at karamihan sa mga kawal niyo ay nasa

peak ng True Mystic Rank.

"Ito'y si Brother Li Hong!"

"Siguro'y nakakita si Brother Li Hong ng ilang suwerte sa Ruins o

kung hindi paano naman niya naabot ang huling yugto ng Yrue Lord

Rank."

Inggit at kasiyahan ay sumulat sa mga mukha ng mga henyo na nasa

Pure Moon Spiritual Sect.

Bago sila pumasok sa Ruins, ang puwesto ni Li Hong sa sampung True

Lord Rank ay masiyadong malayo at mas mababa pa kaysa kay Yu Luo.

Gayon pa man, matapos maabot ang huling stage ng True Lord Rank,

ang puwesto ni Li Hing ay malapit kina Zhuang Wan'er at Ye Yanyu.

"Li Hong, mabuti't dumating ka sa tamang oras. Kailangan namin ng

mas maraming tao ngayon."

Ngumiti si Ye Yanyu na parang puting Lotus na namumulaklak.

Sa mga oras na iyon, ang lahat ng mga titig ay napunta sa mistikong

True Lord Rank na naka kapa, na si Li Hong.

Ang pag-abot ni Li Hong sa huling yugto ng True Lord Rank at ang

pagdadala niya ng maraming mga kawal ay nagdagdag ng moral ng

Pure Moon Spiritual Sect.

Gayon pa man, ang mga ekspresiyon ng mga nasa Moon Pure Demon

Palace at Black Cliff Palace ay naging seryoso.

"Ang Pure Moon Spiritual Sect ay may panibagong True Lord Rank na

nasa huling yugto. Ang baging henerasiyon bang ito ay magiging

katulad ng nga nasa nakaraan? Ang Pure Moon Demon Palace at Black

Cliff Palace ay napigilan ng Pure Moon Spiritual Sect kahit na sila'y

magka-alyansa?"

Buling ni Chi Gui sa kaniyang sarili ng ang isang puting ilaw ang

lumitaw sa kaniyang malabing mga mata.

Ang panig ng Moon Demon Palace.

"Ang pinaka takaw gulo sa mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect ay

sina Ye Yanyu at Lu Tianyi, ai Lu Tianyi ay nakaabot na sa half step

Origin Core Realm at hindi matalo-talo dito."

Ang simbolong maitim na buwan sa noo ni Zhuang Wan'er ay lumitaw

ng ang kaniyang lilang buhok ay nilipad sa hangin.

Ang Pure Moon Spiritual Sect ay mayroong tatlong pinakamalakas na

mga True Lords at walang duda na ang lakas ni Lu Tianyi ang

pinakamataas. Parehong si Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay walang

laban sa kaniya.

Ang naiiba nga lang ay hindi pa lumalabas si Lu Tianyi.

Ang naka kapang mistikong si Li Hong ay pinangunahan ang kaniyang

grupo para makita si Ye Yanyu.

"Sister Ye Yanyu, ako'y naakit dito ng Void God Protection at

natagpuan ko nga kayo rito."

Kahit na mayabang si Li Hong, siya parin ay may respeto kay Ye

Yanyu. Naabot niya pa lamang ang True Lord Rank sa 'di katagalan at

mayroon pa ring pagkaka-iba sa pagitan nila ni Ye Yanyu at Zhuang

Wan'er.

"Ang kapangyarihan ng Void God Protection ay nakakapinsala at lahat

ng nasa loob ng libo-libong milyang paikot ay mararamdaman ito.

Mukhang ang kanyon na ito ay makaka-akit pa ng mas maraming

mga henyo."

Si Zhao Feng ay 'di nag salita habang siya ay nakatayo sa gilid.

Agad siyang nakaramdam ng mga matang nakatitig patungi sa kaniya.

Ang mga titig na ito ay nanggaling mula sa dalawang lalaking

disciples na may magandang relasiyon kay Yu Luo at nais nilang

kuhanin ang Tree Yao Essence ni Zhao Feng ngunit sila'y 'di

nagtagumpay.

"Hehe, ang relasiyon ni Li Hong kay Brother Yu Luo ay napaka-ganda.

Noon, ay tinulungan pa ni Brother Yu Luo si Li Hong."

"Kahit na hindi si Zhao Feng ang may sala, hindi pa rin siya bibigyan

ng magandang araw kung gugustuhin niya."

Tumitig ang dalawang lalakung disciples.

"Brother Li Hong, nakita mo na si Brother Lu?" May pag-iingat na

sabi ni Ye Yanyu.

Brother Lu.

Ang mga tenga ng mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect ay natusok

nang magpakita sila ng mga ekspresiyon ng paghanga at pagrespeto.

Si Brother Lu ang tanging number one True Lord ni Lu Tianyi.

"Ang Towering Tree Yao ay napinsala na, ngunit ito'y mahirap pa ring

patayin. Kung nandirito lamang si Brother Luo, mayroon sana tayong

60% na tiyansa." Sabi ni Ye Yanyu.

Siya at si Brother Lu ay may pagkakaparehas at gustong maglibot ng

mag-isa. Gayon pa man, ang halaga Wood Spirit Essence Soul ay

masiyadong mataas t ang prutas, mga sanga at ang balat ng Towering

Tree Yao ay mga kayamanan. Ito'y katulad ng ng pagpatay ng halimaw

sa Origin Core Realm.

"Nakita ko si Brother Lu noong mga nakaraang araw at pinataya niya

ang beast horde, pari narin ang ilang True Lord Rank beast. Gayon pa

man, hindi siya sinuwerte at hinabol ng isang Sovereign sa Origin

Core Realm na hindi niya natala at saka umalis."

Bumuntong hininga si Li Hong at umiling ng mabanggit ang pangalan

ni Brother Lu.

Si Lu Tianyi ay masiyadong mataas. Ang normal na mga True Lord

Ranks ay hindi maabot ang kaniyang level.

Hindi maiwasang mapatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila nang

marinug niya ito.

Ang isang normal na mga True Lord Ranks ay agad na sumusuko

kapag nakakakita sila ng Origin Core Realm at si Lu Tianyi ay

kumakalaban sa kanila at nakakaya pa ring makatakas.

"Siyempre, naparito rin ako para sabihin ang isang importanteng

impormasiyon tungkol sa taong pumasok sa Ruins Treasured Palace."

Kumislap ang mga mata ni Li Hong.

Ruin Treasured Palace.

Ang mga ekspresiyon ng mga nasa Pure Moon Spiritual Sect ay

nagbago.

Alam ng lahat ng ang taong pumasok sa Ruins Treasured Palace ay

hindi kabilang sa ten True Lords at ngayon ay tila may alam Li Hong.

"Sino ito? Kung ito'y hindi kabilang sa ten True Lords, ito kaya'y isa

sa mga maliliit na clans?"

Pursigido pa rin si Ye Yanyu. Ayaw pa rin niyang sumuko sa bagay na

ito.

Ang Ruins Treasured Palace ay ang core ng Purple Saint Ruins at

tanging ang pagpasok sa palasiyo ang makakakuha ng true

inheritance.

"Wala sa kanilam"

Umiling si Li Hong at nagsalita ng seryoso: "Hindi ka maniniwala sa

nakita ko. Ang babaeng pumasok sa Ruins Treasured Palace ay hindi

nabibilang sa tatlong panig at maaaring hindi rin isang henyo mula sa

Tianlu Islands."

"Ano!?"

"Paano…. Paano ito naging posible?"

Umiling ang mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect.

Kahit na ang mga nasa malapit na Black Cliff Palace at Moon Demon

Palace ay hindi rin naniwala.

"Ibig mong sabihin…. Isang tagalabas?"

Si Ye Yanyu at ang iba pa ay napatitig kay Zhao Feng at sa huli ay

sumumpa sa kanilang puso.

Ang bawat mata ay napunta kay Zhao Feng ahil siya'y isang tagalabas.

"Hmm? Mayroon din dito na walang inheritance token mula sa three

sects."

Tumingin si Li Hong kay Zhao Feng sa gulat.

Bumuntong hininga si Zhao Feng. Ano na ang mangyayari sa ngayon

at susunod kung ito'y lumabas na.

Sa ngayon, ay ginamit niya ang kaniyang spectators perspective

upang makuha ang karamihan ng mga gantimpala na kaya niya

ngunit palaging may panganib na kasama sa gantimpala.

Kahit na ang plano ng munting magnanakaw na pusa ay maganda,

ngunit ito rin ay napakadelikado.

Gayon pa man, kung hindi ito gagawin, mahihirapan si Zhao Feng na

mabuhay sa Ruins.

"Zhao Feng, ano ang relasiyon sa pagitan niyo at ng tao na pumasok

sa inheritance?"

Nanlamig ang mukha ni Ye Yanyu.

Ang kaniyang balat ay nagliwanag ng liwanag ng buwan at tila naging

goddess na bumaba nang maglababas siya ng aura ng True Lord Rank.

"Hindi ko alam. Dinala lamang ako ng isang misteryosong

kapangyarihan at nag-iisa lamang ako. Oh, pati na rin pala ang pusa."

Kalmadong umiling si Zhao Feng.

Ang kasalukuyan niyang sitwasiyon ay napakadelikado at parehong

naipit kay Ye Yanyu at Li Hong.

Ang three True Lord Ranks mula sa Moon Demon Palace at Black Cliff

Palace ay nanonood ng mabuti.

Hindi maiwasang mabigo ng bahagya si Ye Yanyu. Tapos na rin naman

niyang matanong ang munting magnanakaw na pusa tungkol sa

sitwasiyon noon ni Zhao Feng.

Malinaw na hindi talaga sasabihin na may koneksiyon siya kay Zhao

Yufei kung hindi ay ito magiging magulo.

.

Siguradong-sigurado si Zhao Feng na si Zhao Yufei ang pumasok sa

Ruins Treasured Palace dahil ang target ng Purple Saint Ruin ay si

Zhao Yufei at aksidenteng nakuja ito ni Zhao Feng.

"Ang mundo ay malaki at mayroon itong napakaraming puwersa.

Kung makakapasok ako dito ng aksidente, makakaya rin ito ng ibang

mga henyo. Maaaring nagbago o nasira ang Purple Saint Ruins."

Mabagal na sabi ni Zhao Feng.

"Ang sinabi mo ay napaka-lohikal. Ayon sa mga seniors ng sect, ang

enerhiya ng Purple Saint Ruins ay nauubos na sapagkat sa katagalan

nito dito at maaaring may kahinaan ito."

Ang mistikong naka kapa na si Li Hong ay sumang-ayon kay Zhao

Feng. Kung aksidente lamang na nakapasok dito si Zhao Feng ay

maaaring marami pang aksidente dito.

Sa katotohanan, ay inaatake ni Zhao Feng ang chain of thought ng

lahat.

Hanggat wala siyang kaugnayan sa babaeng pumasok sa Ruins

Treasured Ruins, ang kasunduan niya kay Ye Yanyu ay hindi

magbabago.

Kung sabagay, sa grupong ito ngayon, si Ye Yanyu pa rin ang

namumuno sa Pure Moon Spiritual Sect.

"Mukhang kailangan kong hatiin sa dalawa ang mga grupo kung hindi

ay kapag nauna si Lu Tuanyi na dumating, sitwasiyon ay mawawala

sa aking kontrol."

Ang plano ni Zhao Feng.

Sa mga sandaling iyon, napagtanto ni Zhao Feng na ang dalawang

lalaki na disciples na may magandang relasiyon kay Yu Luo ay lumaoit

kay Li Hong at may sinabi sa mahinang boses.

"Yu Luo…. ay patay na?"

Nanginig ang puso ni Li Hong. Ang balitang ito ay nagparamdam sa

kaniya na para siyang nahulog sa pinaka-ilalim.

Si Yu Luo ay ang taong nakasama niya hirap.

Sa simula, si Yu Luo ay napakalakas sa kanilang Sect at ang taong

nag-alaga kay Li Hong ng siya'y nag-uumpisa pa lamang.

Sa isang korte, ay niligtas niya ang buhay ni Li Hong at sa huli ay

nagpapasalat ng sobra kay Yu Luo. Ang dalawa ay napaka-malapit sa

isa't isa at ng malaman niyang patay na ito, si Li Hong ay tila

natamaan ng kidlat at napatulala na lamang.

"Pu*tng ina, mukhang naubos na ang aking mga suwerte. Ang

relasiyon nina Li Hong at Yu Luo ay napakaganda."

Nakaramdam si Zhao Feng na may maling mangyayari.

Naintindihan niya na kung bakit ang dalawa ay mukhang mayabang

sa harap niya.

Nang malaman niyang patay na si Yu Luo, ang puso ni Li Hong ay tila

nahati ng pira-piraso at saka siya sumigaw sa langit.

Siyempre.

Bilang isang eksperto sa True Lord Rank, ay agad din niyang kinontrol

ang kaniyang emosiyon.

"Sabihin niyo ang nangyari…."

Ang kaniyang mga mga mata ay tumingin kay Zhao Feng ng siya ay

magsimulang magtanong sa mga detalye. Nang malaman niyang

namatay si Yu Luo dahil hinabol niya si Zhao Feng, ang kaniyang

mukha ay nanlamig at ang kaniyang mga mata ay nagsimulang

mamula na may kasamang intensiyong pumatay.

"Bata, wala akong pake kung pinatay mo si Yu Luo o hindi pero kung

hindi dahil sayo, hindi sana siya mamatay."

Kinagat ni Li Hong ang kaniyang mga labi hanggang sa dumugo ito

habang ang kaniyang mga mata ay napuno ng galit.

Isang makapangyarihang aura ng True Lord Rank ang lumabas mula

sa kaniya at isang alon ng asul na kidlat ang lumitaw sa himpapawid.

Ang kidlat na ito ay mas malakas pa sa Lightning Inheritance ni Zhao

Feng.

"Si Li Hong ay nagcultivate ng isang landas kidlat at saka pinagsama

ang tubig at kidlat. Ang skills mula sa two-star Sect ay mas

makapangyarihan kaysa sa Lighting Inheritance."

Kapag mas delikado ito, ay mas nagiging kalmado si Zhao Feng

habang ang kaniyang God's Spiritual Eye ay mas naging matalas.