Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 414 - Zhuang Wan’er

Chapter 414 - Zhuang Wan’er

Kapag nababanggit ang Towering Tree Yao, kahit ang mga True Lord Ranks ay nag-aasam sa mga kayamanan nito.

Ang 'Wood Spirit Essence Soul' at 'Tree Yao Essence Fruit' ay ang pinakamagandang materyales mula sa Towering Tree Yao, at mas kapaki-pakinabang sa mga taong nasa Origin Core Realm.

Ang Wood Spirit Essence Soul ay ang kaibuturan ng puno at epektibo sa mga Sovereigns at lubhang kapaki-pakinabang sa mga taong nasa True Spirit Realm.

"Kung makukuha ko ang Wood Spirit Essence Soul, ang lebel ng aking mental energy ay aabot kahit papaano sa peak ng True Lord Rank Level at mahawakan ang barrier ng Origin Core Realm. Sa oras na iyon, kasama ang bloodline ng aking mata, hindi ba't akong magiging pinakamalakas?"

Tumalon ang puso ni Zhao Feng ngunit kung iisipin, napaka imposibleng mangyari ito.

Kahit na magtulungan pa ang tatlong sects, marahil ay hindi nila magagawang talunin ang Towering Tree Yao at kahit mapatay nila ito, hindi pa rin makukuha ni Zhao Feng ang Wood Spirit Essence Soul.

At kung iisipin, kahit na makuha ni Zhao Feng ang Wood Spirit Soul Essence, ma-aabsorb pa ito ng kanyang katawan sa loob ng ilang buwan o kalahating taon. Sa oras na iyon ay nagsarado na ang Ruins.

Bukod pa rito, ang item na ito ay hindi mapapakinabangan ng mga taong hindi pa nakaaabot sa Origin Core Realm, ang isang tao ay kinakailangan na kahit papaano na nakarating na sa half-step Origin Core Realm upang lubusan itong magamit.

"Ang essence fruit na ito ay kayang pagalingin ang mga pinsala at pataasin ang cultivation. Katulad ng Life Returning Grass at Blood Glass Fruit na pinagsama."

Natagpuan ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang Tree Yao Essence Fruit mula sa malayo at mayroong lima o anim na tuluyan nang nabuo.

Kung pagiging epektibo ang pag-uusapan, ang isang Tree Yao Essence Fruit ay hindi kasing galing ng Life Returning Grass o Blood Glass Fruit, ngunit parehas ang mga kakayahan nito at madaling maabsorb, at hindi kasing gulo ng Blood Glass Fruit.

Gayunpaman, mayroon lamang kabuuang lima o anim na tuluyang nabuo na Tree Yao Essence Fruits at ang bilang ng tao sa tatlong sects kapag pinagsama ay nasa 30 o 40 katao, kasama na ang anim na True Lord Ranks.

Sa average, bawat isang True Lord Rank ay makakakuha ng isang prutas at ang mas malakas ay maaaring makakuha ng dalawa.

Sou Sou!

Dumating si Ye Yanyu at Zhao Feng, apat o limang milyang radius ang layo mula sa kinatatayuan ng Towering Tree Yao.

Wu~~

Ang Towering Tree Yao ay mahinang umugong at naglabas ng malabong kulay berdeng aura sa layong apat hanggang limang milyang radius, lahat ng diwa ng kalikasan ay nabuhay nang muli samantalang ang mga nabubuhay na nilalang ay nagsimulang matunaw.

Ang malabong kulay berdeng aura ay malaking tulong sa mga kalapit na gubat, ngunit isa namang lason para sa mga nabubuhay.

Naramdaman ni Zhao Feng na nauubos ang kanyang life force kahit na tumapak lamang ito sa panlabas na hangganan.

"Nakatatakot na puno ng Yao. Ang mga Normal True Human Ranks ay maaaring mamatay bago pa man sila makalapit."

Naramdaman ni Zhao Feng na masyado niyang minaliit ang Towering Tree Yao.

Weng~

Inilabas ni Zhao Feng ang kanyang Three Flowered Treasured Lotus at lumipad sa himpapawid kasama ang mga petals na pinalawig.

"Hmm?"

Nalaman ni Zhao Feng na ang Three Flowered Treasured Lotus ay may malakas na resistensya kontra sa malabo at kulay berdeng aura. Ang Three Flowered Treasured Lotus ay gawa sa kalikasan at ang dahilan kung bakit kaya nitong maglabas ng tatlong amoy.

Samakatuwid, ang Three Flowered Treasured Lotus ay malakas ang katatagan sa aura at gumiginhawa pa nang bahagya.

Napatingin si Ye Yanyu at nasurpresa. Nagpatuloy ito nang walang ginagamit na items dahil madali niyang nahaharap ang aura na ito.

Ang sinag ng buwan ay dumampi sa kanyang mga balat na naging dahilan upang magmukha siyang isang dyosa na bumaba sa langit. Siya tila napaka dalisay at banal, dahilan upang magkasala ang iba.

Ang poison aura na lumapit kay Ye Yanyu ay nilinis ng sinag ng buwan.

"Talagang kapaki-pakinabang ang makapunta sa huling yugto ng True Lord Rank."

Napabuntong-hininga si Zhao Feng sa kanyang puso.

Ang dipirensya sa mental energy sa pagitan niya at ni Ye Yanyu ay hindi masyadong malaki, ngunit ang dipirensya sa cultivation ay masyadong malaki.

Madaling nakakapunta kahit saang lugar si Ye Yanyu nang walang ginagamit na mga items.

"Lahat kayo ay dapat mag-ingat na hindi mapalapit masyado sa Towering Tree Yao."

"Gamitin ang mga ghost corpses upang maging distraksyon at 'wag kayong lalapg sa lupa."

"Moon Demon Palace, gamitin niyo ang Dao of Blood skills upang maagnas ang ugat ng puno."

Nang dumating si Ye Yanyu at Zhao Feng, ang Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ay nag-uusap-usap kung paano nila haharapin ang Towering Tree Yao.

Lahat na nasa loob ng isang milyang radius ay sakop ng attack range ng Tower Tree Yao at may apat o limang bangkay na ang naroon ngayon.

"Sister Ye, sa wakas ay narito ka na."

Si Yu Luo at iba pa na mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay lumapit upang makipagkita kay Ye Yanyu.

Nang makita ni Yu Luo si Zhao Feng ay tumaas ang kanyang kilay at bumulong: "Bakit mo sinama 'yang basura na 'yan dito?"

Ang dalawang True Lord Ranks at pito o walaong ibang disipulo ng Pure Moon Spiritual Sect ay nagtipon-tipon.

Ang kanilang pagdating ay halatang nakuha ang atensyon ng Moon Demon Palace at Black Cliff Palace.

"Sister Ye, ang Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ay inatake na ito nang isang beses, ngunit hindi sila nagtagumpay."

Isang babaeng disciple ang nagsabi ng nangyari.

Nakikinig si Zhao Feng habang binubuksan niya ang kanyang God's Spiritual Eye upang obserbahan ang Towering Tree Yao.

Una sa lahat, ang ugat ng Towering Tree Yao ay talagang umunlad na at lahat ng napakaloob sa ilang milya ay sakop ng offense range nito.

Samakatuwid, hindi maaaring manatiling nakayapak ang mga tao sa lupa, kung hindi ay pupulupot sa kanila ang ugat ng puno at sila'y magiging mga pataba sa lupa.

Bukod pa rito, hindi rin sila maaaring lumapit sa Towering Tree Yao.

Ang mga sanga ng punong ito ay napakalaki at ang isang True Lord Rank ay maaaring mamatay kapag tinamaan ito sa ulo, liban na lamang kung nakapagsanay ito ng isang body strengthening technique.

Sa halip ay gumamit ang Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ng tinatawag na 'spatial tactics'. Ang henyo ng Black Cliff Palace ay gumawa ng maitim na hamog at ang mga iba pang henyo ay gagamitin ang hamog na ito upang sila ay makatago at maatake ang Towering Tree Yao.

"Ye Yanyu, sakto ang pagdating mo. Sa pagtutulungan ng tatlong panig, mayroon tayong tyansang matalo ang Towering Tree Yao."

Isang boses na nakakapang-lambot ng buto ang maririnig mula sa isang batang babae. Tila ito ay mula sa isang panaginip at puno ng alaala.

Ang puso ng mga kalalakihan ay umalog. Ang boses na ito ay tila may kakayahan na pamanhidin ang kanilang mga buto at makalimot sila.

Isang kaakit-akit na babae ang lumitaw mula sa panig ng Moon Demon Palace, at sa kanyang noo ay makikita ang simbolo ng dark moon. Ang kanyang kulay lilang buhok ay hinangin na parang isang dwende.

Siya nakasuot ng bistidang kulay pula at nagpakita ng mapuputing mga hita. Kalahati sa kanyang mga balikat ang nakalantad at bawat galaw at ngiti nito ay tila naglalaman ng salamangka.

Madaling bigyan ito ng titulo bilang "Yao girl or Demon girl' sa isang katulad niya na misteryoso at nababalot ng kasamaan.

Kahit hindi nagtatanong ay alam ni Zhao Feng na ito ang numero unong henyo sa Moon Demon Palace - si Zhuang Wan'er.

Bukod pa rito, hindi siya nagcultivate ng Dao of Blood Moon, sa halip ay kinultivate niya ang pure power ng Moon Demon.

Ang kanyang Moon Demon power ay masasabing kasalungat ng Purifying Moon power ni Ye Yanyu at ang kanilang aura ay lubhang magkaiba.

Sa oras na ito, ang mga salita galing kay Zhuang Wan'er ay tila naglalaman ng mental energy magic na kayang gulantangin ang mga kalalakihan at sila'y tuluyang mapunta sa kanilang mga panaginip.

Karamihan sa mga taong mula sa Pure Moon Spiritual Sect ang naapektuhan at kahit na si Yu Luo na nasa True Lord Rank ay saglit na natulala.

"Hmph."

Si Ye Yanyu ay napa 'hmph' at ang kanyang boses ay naging dahilan upang masira ang mental energy magic na ito.

Ang mukha ng maraming kalalakiha ay namula nang sila ay magising. Ang boses ni Zhuang Wan'er ay mayroong hindi mapaliwanag na mental energy level na hindi lang gayuma ang nilalaman.

Sa sandaling iyon, ang hinahangad ng bawat isa ay lumaki. Nang makita lang nila kung paano naapektuhan si Yu Luo na nasa True Lord rank ay nagpapakita na ito kung gaano kalakas si Zhuang Wan'er.

Tanging si Zhao Feng at Ye Yanyu lamang ang hindi naapektuhan.

Si Ye Yanyu at Zhuang Wan'er ay halos magkapantay, kaya naman normal lamang na hindi siya maapektuhan nito. Ngunit nakagugulat na si Zhao Feng ay hindi naapektuhan.

Siya mukhang mummy na walang ekspresyon na parang nakatingin sa tumpok ng mga puting buto.

Walang nagawa si Zhuang Wan'er kung 'di ang mapasulyap kay Zhao Feng sa pagkasurpresa nito.

Kahit na ang mga True Lord ranks ay hindi kaya pigilan ang kanyang 'Sky Demon Charming Voice' ngunit ang batang itong na nasa True Mystic Rank ay perpektong ayos lamang.

Hindi mapigilang humanga ni Ye Yanyu kay Zhao Feng. Kahit na si Yu Luo at mga kasamahan nito ay nagayuma ng ni Zhuang Wan'er na naging dahilan upang maasar si Ye Yanyu. Buti na lamang ay kumalma siya nang makita niyang hindi naapektuhan si Zhao Feng sa 'Sky Demon Charming Voice' ni Zhuang Wan'er. Ito ay malaking sampal sa demon girl na iyon.

"Ang babaeng ito ay kinu-cultivate ang Demon Dao at bihasa rin sa mental energy.

Bahagyang ininspeksyon ni Zhao Feng si Zhuang Wan'er, ngunit hindi niya ginamit ang kanyang God's Spiritual Eye upang hindi malaman ang kanyang pagkakilanlan.

"Cute little brother, anong pangalan mo? Isang kaibig-ibig na kulay na buhok at ang bloodline ng iyong mata ay kakaiba rin…"

Tumawa si Zhuang Wan'er.

Si Zhuang Wan'er ay nairita nang makita niyang hindi naapektuhan si Zhao Feng sa kanyang Sky Demon Charming Voice, at naisip niya na marahil ang batang ito ay lubhang bata pa upang maintindihan. Ngunit kahit na ganu'n, ang isang labimpitong taong gulang na bata ay kailangan alam na ito.

Si Zhao Feng ay nanatiling tahimik at hindi niya gustong sumagot kay Zhuang Wan'er upang maiwas siya sa kapamahakan.

Ang pakikipag-ugnayan pa lamang kay Ye Yanyu ay delikado na. Kung isang demon girl na nasa parehas na lebel ang dumagdag, ang resulta ay hindi na mailalarawan.

"Hmph, napaka sungit naman. Hindi man lang sumasagot sa akin."

Ginamit muli ni Zhuang Wan'er ang kanyang Sky Demon Charming Voice sa isang kaakit-akit na paraan at nagpokus kay Zhao Feng habang ang ibang disciples ng Pure Moon Spiritual Sect ay tila nawalan nanaman ng kaluluwa.

Muli ay hindi siya pinansin ni Zhao Feng at nagulat si Zhuang Wan'er ngunit wala nang magagawa si Zhao Feng tungkol dito. Ang pinaka importanteng bagay sa kanya ay ang gumawa na kasunduan kay Ye Yanyu ay harapin muna ang Towering Tree Yao.

Nanatiling nakatayo si Zhao Feng at nakita si Zhuang Wan'er na mariing nakatingin muli sa kanya na parang kinakabisado niya si Zhao Feng.

Si Yu Luo sa kabilang banda ay nagalit. Nawala ang kanyang kaisipan dahil sa 'Sky Demon Charming Voice' ni Zhuang Wan'er at nawalan siya ng mukhang ihaharap kay Goddess Ye.

Kung ang lahat ng lalaki ay naapektuhan, marahil ay mas gagaan ang kaniyang pakiramdam, ngunit si Zhao Feng, isang batang nasa True Mystic Rank na ang cultivation ay mas mababa sa kaniya ang kinayang labanan ang dalawang pagtatangka ni Zhuang Wan'er.

Kung ikukumpara ang dalawa, hindi ba't ang ibig sabihin lamang nito ay walang kontrol sa sarili si Yu Luo at hindi niya kayang pigilan ang kanyang pagnanasa?

Sa oras na ito, ang mukha ni Yu Luo ay nagkulay berde at nagngalit ang kaniyang ngipin sa galit.

"Ang batang ito ay palaging kasama ni Ye Yanyu at tila hinahangaan siya nito. Hmph, ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako sa harapan ni Sister Ye? Mas mabuti siguro kung gagawa ako ng 'aksidente' habang nilalabanan ang Towering Tree Yao at pasalangin ko siya…"

Nagdilim ang ekspresyon ni Yu Luo.