"Tama iyon, kahit kami ay hindi malaki ang tyansang makapasok."
Tumingin si Yu Luo kay Zhao Feng, hindi niya tinago ang kanyang paghamak sa kanyang mga mata sinabi sa kanyang puso: Ang Ruins Treasured Palace ay naghahanap ng isang taong karapat-dapat na makapasok at makatanggap ng inheritance.
Sa kanyang mata, si Zhao Feng ay isa lamang taga-labas na nangangarap na makapasok sa Ruins Treasured Palace. Masasabi na isa lamang siyang palaka na sinusubukang kainin ang laman ng isang sisne.
"Ang isang porsyenta ay totoong napakababa.
Bulong ni Zhao Feng sa kanyang puso ngunit naging kalmado ulit ito.
Kung may mga bagay na hindi itinadhanang makamit ni Zhao Feng ay hindi niya ito kukunin.
Marami na siyang nakuhang mga bagay-bagay at ang mga outer edges ng mga Ruins ay mas maganda pa sa karamihan ng mga inheritances.
Isang determinadong ekspresyon ang makikita sa mukha ni Ye Yanyu at nagsalita ito matapos kagatin ang kanyang labi: "Hindi ako susuko kahit na isang porsyento lamang ang aking tyansa."
Ang buong grupo ay panandaliang natahimik.
Lahat sila ay sumuko na sa pag-asang makapasok sa Ruins Treasured Palace; tanging si Ye Yanyu lamang ang hindi sumuko.
Pinatili ni Zhao Feng ang kanyang kaswal na kilos.
"Kayong lahat, tara na."
Nagsimulang bumuo si Yu Luo ng mga grupo at ipinadala ang mga ito sa iba't ibang lugar dahil ang misteryosong canyon na ito ay puno ng mga precious beasts at mga ancients materials.
Sa parehong oras.
Sou Sou Sou----
Isang lupon ng maiitim na ulap ang bumalot sa misteryosong canyon at isa sa mga ito ay mayroong maitim at magulong aura ng True Lord Rank.
"Brother Mo Yu!"
"Haha… Ang ating mga kasamahan ay dumating na rin sa wakas."
Si Chi Gui at mga kasamahan nito na mula sa Black Cliff Palace ay masayang tumingin sa kalangitan. Ang mga maiitim na ulap na ito ay may sampung figures, lahat ng ito mukhang madilim at napakasama. Sila ay ang mga kasamahan na mula sa Black Cliff Palace.
Ang isang batang mukhang bangkay na may maiitim na batik sa kanyang kulay silver na balat ay lumipad sa himapapawid. Siya ay mukhang buhay na 'patay na tao' at naging dahilan upang manginig ang mga buto ng mga taong nasa paligid.
"Mo Yu? Ang taong bangkay na iyan at dumating?
Ang ekspresyon ni Yu Luo at mga kasamahan nito ay nagbago at naging seryoso.
Sa sampung True Lords, ang ranking ni Mo Yu ay mas mataas kumpara sa kanya at si Mo Yu ay nabibilang sa top five.
Bukod kay Ye Yanyu, walang sinumang naririto ang kayang tumapat sa kanya.
Ang pagdating ni Mo Yu ay naging dahilan upang biglang lumakas ang pwersa ng Black Cliff Palace.
"Dalawang True Lords ang narito, ito pala ang buong lakas ng Black Cliff Palace?"
Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa bibig ni Ye Yanyu.
Kahit na dumating pa ang pwersa na mula sa Black Cliff Palace ay mas malakas pa rin ang Pure Moon Spiritual Sect.
Tumayo si Zhao Feng sa ibabaw ng bundok at kalaunan ay binuksan ang kanyang God's Spiritual Eye upang inspeksyunin ang misteryosong canyon at nalaman na may dalawang True Lords na mula sa Black Cliif Palace na sina 'Mo Yu' at 'Chi Gui', ang parehas na sinusubukang makipagtulungan sa True Lord na may kulay dugong robe na mula sa Moon Demon Palace.
Matapos ang lahat, bukod sa Ruins Treasured Palace, ang mga kayamanan sa misteryosong canyon na ito ay higit pa sa anuman lugar.
"Mga kaibigang mula sa Moon Demon Place, ang ating kalaban ay ang Pure Moon Spiritual Sect at ngayon, mayroong maliit na bahagi ng kanilang pwersa ang nagsama-sama. Kailangan nating magtipon-tipon nang maaga…"
Ang paos na boses ni Chi Gui ay naging dahilan upang maging seryoso ang paligid. Si Mo Yu na nasa kanyang tabi ay parang isang multong bangkay; ang kanyang mukha ay tuyot at walang ekspresyong makikita, ngunit mahahalata na sumasang-ayon siya sa alok nito.
"Sige, gawin natin iyan."
Ang True Lord na may kulay dugong robe ay hindi nakaramdam ng kakaiba tungkol dito. Sa tuwing nalalapit na ang pagpasok sa Purple Saint Ruins, ang dalawang sects ay magtutulungan upang kalabanin at talunin ang Pure Moon Spiritual Sect.
Matapos ang lahat, ang Pure Moon Spiritual Sect ay mayroon ng 2.5 stars at kahit na ito ay may 0.5-star lamang na dipirensya sa kanila, ay parang diperensya na ito sa pagitan ng Iron Blood Religion at ng Ten Great Clans.
Kung hindi dahil sa katotohanan na ang Moon Demon Palace ay malapit na sa pagiging 2.5 stars at ang Black Cliff Palace ay isang malakas na 2 stars sect, ay hindi nila magagawang pigilan ang Pure Moon Spiritual Sect.
Sa kabilang banda sa canyon.
"Sulong."
Inorganisa ni Yu Luo iba't ibang grupo at nagsimulang maghanap ng mga kayamanan.
"Goddess Ye, ang iyong cultivation ang pinakamataas at hindi mapapantayan sa Ruins. Hindi kita kailangan protektahan, tama ba?"
Nagpaalam si Zhao Feng upang siya ay mapag-isa.
Ayon sa kasunduan, hindi maaaring lumayo si Zhao Feng ng tatlong milyang radius mula kay Ye Yanyu, ngunit dahil malabo na ang tyansang lumitaw muli ang Ruins Treasured Palace, si Zhao Feng ay nagkaroon ng intensyong humiwalay.
Siya mariing pinagbawalan ni Ye Yanyu.
"Kung gusto mong kumilos, kailangan ay kasama mo ako o si Brother Yu Luo."
Malamig na kumislap ang mga mata ni Ye Yanyu habang siya ay nag-aalala kay Zhao Feng.
Kilala at alam niya ang tunay na lakas ni Zhao Feng, hindi tulad ng pagkakakilala kay Zhao Feng ni Yu Luo at mga kasamahan nito, na halos lubusan siyang balewalain.
Ang kanyang babala ay naging dahilan upang mahadlangan ang plano ni Zhao Feng na magsolo.
"Hindi magandang magmadali."
Nakakita si Zhao Feng ng isang kweba, dalawang milya ang layo at naupo siya rito. Habang nagpapahinga si Ye Yanyu, gagamitin niya ang oras na ito upang palakasin ang kanyang silver poision corpses.
"Giant scorpion claws, Deadly Yin Crystal Bone."
Kinuha ni Zhao Feng ang dalawang main materials na ito.
Una niyang nilagay ang Deadly Yin Crystal Bone sa dark silver poison corpses at pinalakas ang mga ito. Matapos ang kalahating araw, pinulbos ni Zhao Feng ang Deadly Yin Crystal Bone at hinalo ito sa dalawang dark silver poison corpses.
Kung titignan nang malapitan, nakita ni Zhao Feng na ang dalawang poison corpses ay kumislap nang dark silver na ilaw. Ito ay tumpak at maganda, hindi magaspang tulad dati.
"Bahagyang tumaas ang cultivation, tigas, at higit sa lahat ang offense ng poison corpses."
Siya ay tumango dahil sa kanyang pagkakuntento.
Matapos iyon, nilagay ni Zhao Feng ang giant scorpion claws sa dark silver poison corpses. Ang proseso ay nangyari sa black lotus at kinontrol ng God's Spiritual Eye.
Gayunpaman, kailangan ni Zhao Feng na mag-ingat dahil napakalakas ng dalawang hidden cards na ito.
Habang ginagawa ito, kailangan niya rin maintindihan ang nilalaman ng Six Ghost Corpse Controlling Secret Technique.
Ang Six Ghost Corpse Controlling Secret Technique ay karapat-dapat sa pagiging peak level Spiritual tier skill at ito ay lubhang mahirap kumpara sa lightning inheritance at Mystic Flower Treasured Bible. Kahit na ito ay mga 'unang pahina' pa lamang ay napakalalim na ng mga nilalamin nito.
Sa isang kisapmata, dalawang araw ang agad ang lumipas at nagawa ni Zhao Feng na gawing sandata ang dalawang dark silver poison corpses.
Ang mga claws na ito ay ipinalit sa giant corpse claws at ang kanilang pagiging matulis ay lubhang tumaas. At naglalaman ang mga ito ng lason mula sa sako pati na rin sa Earth Yin Poison Mushroom.
"Kung offense ang pag-uusapan, ang aking dalawang poison corpses ay hindi naiiba sa dalawang True Lord Rank ghost corpses ni Chi Gui, ngunit dahil sa lason, ang kanilang damage ay mas mataas."
Si Zhao Feng ay natuwa.
Ang kanyang planong poison corpse ay nagtagumpay.
Nang lumabas si Zhao Feng, napagtanto niya na nagbago ang sitwasyon sa canyon.
Isang True Lord Rank na mula sa Moon Demon Palace ang dumating - Zhuang Wan'er.
Si Zhuang Wan'er ay katulad ni Ye Yanyu, nabibilang ito sa top three True Lord Ranks at nasa parehas na lebel.
"Ang demonyong babaeng ito ay nandito rin."
Sa pagkakataong ito, si Ye Yanyu ay kaka-recover lamang at nalaman na dumating si Zhuang Wan'er.
Halatang naging masaya si Zhao Feng dahil magkakaroon siya ng mas malaking tyansa sa kaguluhan.
"Aalis tayo nang magkasama."
Malamig na umubo si Ye Yanyu at sinama si Zhao Feng sa paghahanap sa loob ng misteryosong canyon.
Sa oras na ito, maraming bahagi na ang nahukay, lalo na sa kweba kung saan nakita ang giant scorpion.
"Sister Ye, mayroong Towering Tree Yao na ang battle power ay malapit na sa Origin Core Realm, at ang Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ay nagtutulungan upang atakihin ito.
Ang balita mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay dumating.
"Towering Tree Yao. Ang Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ay talagang nilalabanan ang ganoon klase?"
Si Ye Yanyu ay lubhang nasurpresa dahil mayroong mga nakakatakot na halimaw o nilalang ang kayang pumatay sa mga True Lord Ranks at isa na rito ang Towering Tree Yao.
Noong sila ay naghahanap dito noon, ang tatlong sects ay nakita ang Towering Tree Yao na ito ngunit hindi sila lumapit dito dahil sa nakatatakot na aura nito.
"Towering Tree Yao?"
Tumalon ang puso ni Zhao Feng. Nakita niya na ang bagay na ito matagal na panahon na gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, at ang totoo, kahit papaano ay may tatlo o apat na katulad nito sa misteryosong canyon na ito.
Ang giant scorpion noon ay maaaring mapabilang sa mga iyon, ngunit ito ang pinakamahina sa apat. Ang scorpion na iyon ay binabantayan lamang ang kweba at nangamba ito. Subalit, kahit ang tatlong True Lord Ranks ay nahirapang talunin ito.
"Ang battle power ng Towering Tree Yao na iyon ay mai-raranggong pangalawa sa misteryosong canyon na ito at halos maihahalintulad na ito sa Origin Core Realm. Ang pinakamalakas na nilalang ay tulog sa pinakailalim ng lupa. Walang sinuman ang nakakaalam nito bukod sa akin."
Si Zhao Feng ay nasurpresa rin.
Sa kailalim ng canyon na ito ay ang Towering Tree na may ilang daang sanga. Matapos ang sampung libong taon, nalagyan ito ng Heaven Earth Yuan Qi at naging isang Yao. Ang mga sanga nito ay hindi tinatablan ng apoy at tubig, kahit na ang mga sandata ay hindi kayang saktan ito.
Hu~ Wu~
Ang Towering Tree Yao ay naglabas ng malalim na ungol at isang malabong kulay berdeng wave ang biglang naramdaman sa apat o limang milya radius. Ang mga normal na nasa True Spirit Realms ay manginginig sa harapan nito.
Sa parehong oras, ang mga makakapal na ugat ay niyanig ang lupa at nagdulot ng paglindol.
Napansin ni Zhao Feng na ang malabong kulay berdeng airwave ay mayroon kakaibang lakas na kayang kumain ng katawan at mga kumpol ng puting buto ang makikita sa paligid.
Subalit, ang lakas nito ay nakapinsala ng kahit na anong puno at sa halip ay pinausbong pa ang mga ito.
"Ang Kapangyarihan ng Kahoy."
Lumiit ang dilat ng mga mata ni Zhao Feng. Natagpuan na ng kanyang Lightning Inheritance ang kanyang katapat.
Ang kapangyarihan ng kidlat ay napakalakas, kaya nitong salagin lahat ng skills sa buong mundo at lubhang epektibo laban sa mga masasama at makasalanang cultivators.
Subalit, lahat ng bagay sa mundo ay may kapantay.
Halimbawa, ang kapangyarihan ng Kahoy mula sa Towering Tree Yao ay kayang perpektong salungatin ang Kidlat. Buti na lamang, si Zhao Feng ay hindi lamang nagpokus sa Dao of Lightning at ang kanyang true core ay ang ancient Dao of the Soul.
"Goddess Ye, bakit kailangan natin saktan ang Towering Tree Yao? Anong mayroon sa loob nito na kailangan natin makuha?"
Nagpakita si Zhao Feng ng mga palatandaan ng pag-atras.
"Ang katawan ng Towering Tree Yao ay maihahalintulad sa isang Origin Core Realm at ang katawan nito ay puno ng kayamanan. Ang halaga nito ay sampung beses na mas mahalaga kumpara sa giant scorpion. Bukod pa rito, ang Towering Tree Yao ay nakabuo na ng 'Wood Spirit Essence Soul' na kayang palakasin ang kaluluwa at lubhang kapaki-pakinabang ito sa mga Origin Core Realm na sinusubukang magtagumpay sa Void God Realm. Ngunit mas maganda ang epekto nito para sa atin na nasa True Spirit Realm."
"Ang mas maganda pa rito, ang bawat prutas na galing sa Towering Tree Yao ay naglalaman ng essence of life na may kakayang iligtas ang buhay at kayang pataasin ang cultivation tulad ng blood glass fruit. Ang prutas na ito ay mas madaling ring ma-absorb.