Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 412 - Ang Maalamat na Kontinente

Chapter 412 - Ang Maalamat na Kontinente

"... Huhulihin natin siya at ilalabas ang kanyang mga lihim."

Ang kaugalian ng batang nakakulay silver na robe ay napakalakas, at isang malamig na kislap ang lumabas sa kanyang mga mata.

Pagkatapos ay inilabas niya ang kanyang True Lord Rank aura at pinepressure ang lugar kung saan naroon si Zhao Feng.

"Kung ano ang sinabi ng nakatatandang kapatid na lalaki ay tama. Ang kasaysayan ng taong ito ay hindi kilala at maaaring maging isang ispiya mula sa ibang sekta. "

"Isang henyo na hindi mula sa tatlong sekta ngunit maaaring makapasok sa Purple Saint Ruins. Dapat nating pilitin na ilabas ang kanyang sikreto. "

Ang iba pang mga lalaki ay nagkaisa at sumang-ayon.

Sa mga taong naroroon bukod kay Ye Yanyu, ang batang may suot ng kulay silver na robe na si Yu Luo ang may pinakamataas na katayuan at pinamunuan ang ibang grupo.

"Aye, ganito pala itrato ng Pure Moon Spiritual Sect ang kanilang mga bisita? Narinig ko na ang Diyosa Ye ay isang tapat na sekta na nagsusumikap at nais ng Diyosa na irekomenda ako napumasok sa sekta. Ngunit mukhang ... aye, hindi bale.

Ipinahayag ni Zhao Feng ang isang matinding ekspresyon ng pagkabigo at si Yu Luo at ang lahat ng kanyang kasamahan ay umikot patungo kay Ye Yanyu na may panlalamig na ekspresyon.

"Kapatid na Yu Luo, huwag kang makialam sa pagitan ko at sa kanya. Alam ko ang karamihan sa kanyang nakaraan. "

Itinaas ni Ye Yanyu ang kaniyang kilay. Hindi niya talaga gustong protektahan si Zhao Feng, ngunit dahil na rin tinawag siya, wala na siyang magagawa.

Matapos ang lahat, ang dalawa ay nagkasundo at kung si Yu Luo at ang kaniyang kasamahan ay sobrang naging malakas, hindi niya ibibigay ang kanyang dangal.

"Kapatid na Ye, dahil mayroon kang kasunduan sa kanya, maliwanag na hindi ako makikialam ngunit para sa kaligtasan ng mga disipulo ng sekta ay dapat naming tanungin kung papasok siya sa Purple Ruins."

Ang ekspresyon ni Yu Luo ay lumambot at nagbago sa 'pagtatanong.'

"Ang isang ito ay walang pagkakasala. Tanungin mo kung ano ang gusto mo. "

Si Zhao Feng ay umupo sa lupa at sadyang dahan-dahang lumapit kay Ye Yanyu at sa iba pang mga batang babae. Si Yu Luo ay hindi maaaring atakihin o hadlangan ang kanyang kalayaan. Maaari niyang tanungin ang anumang nais niya.

Ang kilay ni Yu Luo ay tumaas at napaisip: "Hindi ba natatakot sa akin ang pilyong bata na ito?"

Sa cultivation ng kanyang True Lord Rank, sa ilalim ng normal na sitwasyon, sino ang hindi gagalang sa kanya?

Bukod dito, ang True Lord Rank ni Yu Luo ay tila hindi epektibo laban kay Zhao Feng.

"Saan ka nanggaling? Paano ka nakapasok sa Purple Saint Ruins? "

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Yu Luo.

"Mula ako sa malaking Azure Stone Continent at pumasok ako dito sa Ruins dahil sa isang mahiwagang kapangyarihan na bumalot sa akin at pati na rin sa pusang ito...".

Ang mga aksyon ni Zhao Feng ay lubhang mapagmataas at nang sinabi niya ang Kontinente ng Azure Stone, puno siya ng kapurihan.

"Azure Stone Continent? Continent?"

"Kontinente ng Azure Stone? Kontinente?

Ang mga henyo ng Pure Moon Spiritual Sect ay nasindak. Ang mga kontinente ay isang maalamat na lugar at tanging si Ye Yanyu lamang ang may mapang-asar na ngiti sa kanyang mukha bilang alam na niya ang sitwasyon ni Zhao Feng.

"Sandali, ano ang pinakamataas na star level ng pinakamalakas na puwersa sa kontinente na ito at ang pinakamataas na antas ng cultivation?"

Sumagot si Yu Luo.

"Ang pinakamalakas ay ang one-star clan at ang pinakamataas na cultivation ay ang Origin Core Realm."

Hindi tiyak ang sinabi ni Zhao Feng.

"Hahahaha... Ang mga palaka sa ilalim ng balon ay may lakas ng loob na tawagin ang kanilang sarili na isang kontinente? "

Ang mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay labis na tumawa na halos umatras ang kanilang mga ulo .

"Tulad ng inaasahan, hindi mo alam ang anumang mga bagay."

Ang pag-uusig ni Yu Luo ay naging mas halata.

"Ano? Ano ang... Ang ibig sabihin nito? "

Nagpanggap si Zhao Feng na wala siyang nalalama na kahit ano. Matapos tanungin si Qing Xiaoxue mula sa Wind Snow Pavilion, hindi niya napagtanto na ang Azure Flower Continent kung saan siya nagmula ay hindi isang tunay na 'kontinente.'

Sa oras na iyon, sinabi ni Qing Xiaoxue na: "... Ang ilang maliliit na isla ay tinatawag ang kanilang sarili na mga 'kontinente' at mga palaka sa ilalim ng isang balon."

Sinabi niya ito upang kumpirmahin kung ano ang kanyang sinabi at upang sadyang gawin silang nakakaawa.

Malinaw na ang mga saloobin ni Zhao Feng ay totoo.

Pagkarinig na si Zhao Feng ay nagmula sa isang 'kontinente' ang mga henyo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay may paghamak na tumingin sa kanya at minaliit siya.

"Haha, ang pinakamalakas na clan sa inyong isla ay one star lamang at ang pinakamalakas ay nasa Origin Core Realm lamang. Maliwanag na hindi ito ang maalamat na kontinente. "

Isang batang babae sa tabi ni Ye Yanyu ang natawa sa eksplenasyong ito.

"Hindi ako naniniwala dito. Ako talaga ay nagmula sa isang kontinente at pinalaki doon."

Si Zhao Feng ay nagkukunwaring nababaliw at hindi matanggap ang katotohanang ito.

Ang batang iyon ay nagulat bago ngumiti: "Normal na ito. Maraming katutubo sa mga isla na limitado ang kaalaman at sa tingin nila na ang lugar na kanilang tinitirahan ay isang kontinente. Kapag pumasok ka sa tunay na mundo, mauunawaan mo."

"Hahaha tanga, may hindi bababa sa isang dosenang mga isla tulad ng sa iyo na kinokontrol sa ilalim ng Pure Moon Spiritual Sects."

Ang grupo mula sa Pure Moon Spiritual Sect ay tumawa.

Kahit hindi sabihin, sila ay nakaramdam ng pagiging 'angat' kay Zhao Feng at halos hindi nila ito pansinin.

Ito ang gusto ni Zhao Feng - upang maramdaman ng mga taong ito na hindi siya mapanganib at hindi siya bantayan o hadlangan sa kanyang mga gagawin.

"Ano ang nangyayari?"

Nagpapanggap pa rin si Zhao Feng na hindi pa niya tanggap ito at tinanong ang babae sa harap.

"Hehe, noong ang Desolate Continent ay bumagsak at naging isang trilyong alikabok, ang bawat maliliit na batik ay ang mga isla. Bukod sa mga isla ay ang walang hanggan na dagat, kabilang ang iyong kontinente o ang aming Tianlu Islands, ang lahat ay isang maliliit na batik na walang kabuluhang limitasyon. "

Ipinaliwanag ng babae.

Si Zhao Feng ay may kaunting nalalaman o higit pa tungkol sa Desolate Continent at ang labanan ng sinaunang mga diyos mula sa mga tala ng pagbabasa.

Sa panahong iyon, ang mundo ay mayroon lamang isang Desolate Continent na nabuo mula sa ganap na kaguluhan.

Sa panahong iyon ang bawat pagkatao ay isang alamat sa kasalukuyang panahon.

Peng Peng!

Nang mabanggit ang Desolate Continent, lumundag ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng ilang bahagi ng mga panaginip ni Zhao Feng ay pinalagay niya na ang God's Spiritual Eye ay dumating mula sa panahon na iyon.

"Ang Ancient ay nasira, at ang Ancient Gods na pinatay ay magiging isang trilyong alikabok..."

Ang tunog ng unang pagsasama ng God's Spiritual Eye sa kanya ay nagpatunay din sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo.

Susunod.

Sinabi ng mabait na batang babae kay Zhao Feng ang kalagayan ng Pure Moon Spiritual Sect.

Ang Pure Moon Spiritual Sect, Black Cliff Palace at Moon Demon Palace lahat ay nagmula sa Tianlu Islands at ang dalawa ay mga tiyak sa lugar na ito. Sila ay humantong sa magkasamang puwersa ng ilang daang isang-bituin.

Ang mga henyo na pumasok sa Purple Saint Ruins ay nagmula sa tatlong sekta at sa ilalim nila ang sampung pinakamalakas na pwersa ng one star.

Nangangahulugan ito na ang bawat henyo ay may lakas na kahit na maihambing sa 'Scarlet Moon Demonic Religion' sa likod nila at malampasan ang sampung Great Clans ng Azure Flower Continent at ang tatlong sekta ay higit pa sa isang antas na mas mataas kaysa sa sampung clans ng Azure Flower Kontinente.

Ang bawat puwersa ay nahahati sa pagitan ng five stars at ang bawat pagkakaiba sa one star ay katulad ng pagkakaiba sa pagitan ng langit at lupa.

Ang isang pagkakaiba sa one star ay maaaring dose-dosenang beses o kahit isang daang beses na mas malakas.

Halimbawa, ang one-star na clan na nasa ilalim ng Pure Moon Spiritual Sect ay tulad ng mga Amo at kanilang mga alipin.

"Ang Azure Flower Continent ay malamang na langgam lamang sa mata ng dalawang-bituin."

Matagumpay na nagawa ni Zhao Feng na maliitin at bumaba ang tingin sa kanya ng mga taong narito, ngunit ang kanyang puso ay bahagyang may pait.

Kung hindi siya pumasok sa inheritance na ito ay malamang hindi niya alam na siya ay isang palaka pa rin sa ilalim ng isang balon.

Sumuko na si Yu Luo sa pagtatanong kay Zhao Feng at nawalan na ng interes sa kanya.

Ipinadala ng Pure Moon Spiritual Sect ang ilan sa mga henyo upang maghanap ng mga kayamanan sa paligid ng mahiwagang canyon habang ang iba ay nanatili sa likuran.

"Tama iyan, Kapatid na Ye, may napakahalagang piraso ng impormasyon na nakalimutan ko na sabihin sa iyo."

Biglang naalala ni Yu Luo ang isang bagay.

"Mahalagang impormasyon? Bukod sa Ruins Treasured Palace anong lugar pa ang hindi kilala, anong iba pang piraso ng impormasyon ang mahalaga sa akin? "

Sinabi ni Yanyu.

"It's the Ruins Treasured Palace." Sinabi ni Yanyu.

Ang mukha ni Yu Luo ay humapit: "Ayon sa mga disipulo ng aming mga sekta, ang Ruins Treasured Palace ay lumitaw noon."

"Ano!? Ang Ruins Treasured Palace ay lumitaw noon? "

Nagulat si Ye Yanyu at ang kanyang expression ay tila naglalaman ng isang pagkatalo.

Ruins Treasured palace?

Nang marinig ni Zhao Feng ito ang kanyang puso ay tumibok nang mabilis.

Alam niya ang isang bagay o higit pa tungkol sa Ruins Treasured Palace noong tinanong niya si Qing Xiaoxue.

Ang Ruins Treasured Palace ay ang core ng inheritance ngunit hindi lumilitaw sa tuwing nakabukas ang ruins.

Sa pamamagitan lamang ng pagpasok sa Ruins Treasured Palace ay maaaring makatanggap ang isa ng totoong diwa ng lugar na ito.

Kumpara dito sa mahiwagang canyon na parang ligaw na damo.

"Ayon sa naunang karanasan, ang Ruin Treasured Palace ay lilitaw lamang ng isa sa bawat sampung beses at ayon sa mga Elders, kapag mas malakas ang bloodline ng mga henyo, mas mataas ang tyansa ng paglitaw ng Ruins Treasured Palace."

Ang mga magagandang mata ni Ye Yanyu ay kumislap nang hindi sinasadya.

"Sa aming henerasyon, ang mga bloodlines ng mga henyo sa kabuuan ay higit pa kaysa sa nakaraang mga henerasyon at ang mga pagkakataon ng Ruins Treasured Palace ay talagang mataas."

"Punyeta, may isang tao na ang nauna sa atin makapasok sa Ruins Treasured Palace."

Ang ilan sa mga naroroon ay nangangalit ang mga ngipin sa poot.

"Sino kaya ang taong pumasok sa Ruins Treasured Palace? Sino sa Ten True Lords ito? Maaari ba itong si Kapatid na Lu o si Zhuang Wan'er mula sa Moon Demon Palace? "

Tila ayaw ni Ye Yanyu na aminin ang pagkatalo.

"Hindi ito si kapatid na Lu o Zhuang Wan'er. Ang mga ito ay nasa normal na pook pa rin. Ang taong iyon ay hindi isa sa Ten True Lords."

"Sino kaya ito? Upang aktwal na pumasok sa Ruins Treasured Palace bago ang Ten True Lords? "

Si Ye Yanyu ay nagulat at hindi naniniwala dahil ang mga Ruins Treasured Palace ay lumilitaw nang maraming beses at may isang tiyak na layunin.

Halimbawa, ang isang henyo na pumasok ay may karaniwang talento lamang ngunit dahil maaari siyang pumasok sa Purple Saint Ruins ay makakatanggap ito ng inheritance.

Kinumpirma nila na ang taong ito ay hindi isa sa Ten True Lords.

"Ang taong iyon ay maaaring nakapasok sa Ruin Treasured Palace ngunit hindi ibig sabihin na wala na tayong pagkakataon."

Si Zhao Feng ay walang magawa kung 'di ang sumabat na lamang.

"Ang Ruins Treasured Palace ay karaniwang isang beses lamang lumilitaw sa bawat sampung beses, at ang pagkakataon na lumitaw muli ito ay bababa sa isang porsyento."

Sinabi ng isang babae na may malungkot na tono.

"Ah? Hindi ba nangangahulugan ito na wala na tayong pag-asa sa Ruins Treasured Palace? "

Hindi ito inaasahan ni Zhao Feng. Ang dahilan kung bakit pumasok siya sa Pure Moon Spiritual Sects side ay para makapasok sa Ruin Treasured Palace.