Sa himpapawid ng canyon.
Maitim na usok ang bumalot sa buong himpapawid at naging sobrang tahimik ang nasa sampung milyang radius na lugar.
Tumayo sa gitna si Chi Gui at isang puting apoy ang sumasayaw sa kanyang mga mata. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at makikita sa kanya ang pagnanasang pumatay.
Ang mga taong nanggaling sa Black Cliff palace ay mayroong sabik at nakakapangilabot na ekspresyon habang sila ay humihinga.
Sa sandaling ito, kahit na si Ye Yanyu na nasa layong dalawang milya pa ay nakaramdam na ng pagnanasang pumatay.
Miao miao!
Humikab ang munting pusang magnanakaw na tila wala itong pakialam sa buhay o kamatayan ng kanyang "mga nakaraang amo".
"Munting pusang magnanakaw, kung siya ay mamamatay ikaw rin ay madadamay."
Nagpakita ng pag-aaalalang ekspresyon si Ye Yanyu.
Wala siyang pakialam kung mamatay o mabuhay si Zhao Feng, ang kanyang kinakatakutan ay ang madamay sa pagkamatay nito ang munting pusang magnanakaw dahil mayroon silang blood pact.
Ang epekto nito ay nakadepende sa distansya nilang dalawa, sa kanilang cultivation, bloodline at soul strength.
Gayunman, halata naman na masyadong malapit sa isa't isa si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw at wala silang masyadong pinagkaiba.
Miao miao!
Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang kanyang mga kamay ay nagpakita ng malamig na ekspresyon, nagpapakita ito na kahit siya ay mamamatay, madadamay rin dito ang kanyang nakaraang amo.
"Hindi, masyadong mapanganib. Paano kung maisipan ni Zhao Feng na patayin ka muna bago siya mamatay?"
Hindi na makatiis si Ye Yanyu at siya ay tumayo.
Mayroon lamang dalawang milya sa pagitan nila, ang tanging kailangan gawin ni Zhao Feng ay magpalipas ng ilang sandali at darating na si Ye Yanyu.
Subalit, tinalikuran ni Zhao Feng ang mga taong mula sa Black Cliff palace at dahan-dahang lumalakad palayo.
Sa katunayan ay hindi niya rin maramdaman ang pagnanasang pumatay sa mga taong nasa likuran niya.
"Ang pilyong ito… Nakakasigurado ba siya na ililigtas ko siya?"
Nagalit si Ye Yanyu at ipinadyak ang kanyang paa sa lupa.
Masyadong malapit si Zhao Feng sa Black Cliff Palace, at sa oras na atakihin ni Chi Gui at mga kasamahan nito si Ye Yanyu ay mawawalan na sila ng oras na iligtas pa siya.
Gayunpaman.
Sa kritikal na sitwasyong ito, ang nakataas na kamay ni Chi Gui ay hindi pa rin bumababa.
Isang kakaibang senyales na nagpapakita ng pangamba sa kanyang mukha.
Tama iyon, nakita ni Ye Yanyu ang isang maliwanag na senyales na pangangamba sa kanyang mukha.
Kahit na ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay nakaramdam ng kakaiba. Si Brother Chi Gui ay kadalasang disidido, ano ang kanyang kinakabahala?
Sa oras na ito.
Hindi nila alam, ang bloodline ni Chi Gui, ang 'Wicked Spirit Eye' ay biglang hindi mapakali.
Na-cultivate niya ang Dao of Ghost Corpses at ang kanyang mental energy ay mas malakas kaysa sa mga kaparehas niya ng cultivation. Dagdagan pa nito ang katotohanan na ang kanyang mata galing sa kanyang bloodline ay mayroong sensitibong likas na pakiramdam.
Palaging sinusunod ni Chi Gui ang kanyang likas na pakiramdam nang walang pag-aalinlangan at maraming beses na siya nakatakas dahil dito.
Isang eksena ang biglang lumitaw sa isipan ni Chi Gui.
Isang 'Eye of Heaven' ang lumitaw sa kalangitan at nakatingin ito sa mundo na parang kapantay nito ang langit at lupa.
Sa huling sandali ng pagtitig ng Eye of Heaven ay tila tumagos ito sa kanyang katawan at kaluluwa.
Hu~
Umiling si Chi Gui at napasinok.
Mga boses na mula sa Black Cliff Palace ang kanyang narinig: "Brother Chi Gui, kung hindi tayo kikilos ngayon ay masasayang natin ang pagkakataon."
Tumanaw si Chi Gui at nakita niya si Zhao Feng na nakalayo na ng halos isang daang yarda ngunit mabagal pa rin itong naglalakad.
Sa halip ay si Ye Yanyu pa ang nagmamadaling pumunta.
"Atras."
Biglang nagdesisyon si Chi Gui na walang sinuman ang naka-intindi.
Kahit na lubhang nasurpresa ang mga henyo mula sa Black Cliff palace ay hindi sila nagtangkang suwayin ang utos at umatras.
"Brother Chi Gui, napakalapit ng batang iyan sa atin at kapag umatake na tayo ay hindi na aabot si Ye Yanyu."
Isang batang kasing payat ng isang sanga ang hindi naka-intindi.
"Ang pilyong batang iyan ay hindi nagpapanggap na kalmado. Talagang hindi siya natatakot sa atin at higit sa lahat, nakikita ko ang kanyang tunay na abilidad."
Taimtim na sabi ni Chi Gui.
Sa Purple Saint Ruins, si Chi Gui ay pamilyar sa ibang sampung True Lord Ranks at alam niya ang kaunting impormasyon tungkol kay Ye Yanyu pati na rin sa numero unong henyo.
Subalit, habang tumatagal ang kanyang pakikisalamuha sa batang ito ay mas nagiging nakakatakot si Zhao Feng sa kanyang mga mata.
Mayroon ngang kasabihan na: Ang mga hindi kilalang kalaban ay mas nakatatakot pa kumpara sa mga kilalang kalaban.
Ang mga henyo ng Black Cliff palace ay hindi gumalaw at pinanood si Zhao Feng na lumayo ng isang milya.
"Gusto ko sanang maisahan itong si Chi Gui, ngunit tila masyado itong maingat…"
Bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili nang may bahagyang pagsisisi.
Sinadya niyang tumalikod sa kanila upang gawin nila ang 'maling galaw' para patayin siya.
Sigurado si Zhao Feng na hindi siya pababayaan ni Ye Yanyu na mamatay.
Kaya ang mga henyo mula sa Black Cliff palace at si Ye Yanyu ay magtutunggali at kapag nangyari ito, malaki ang tyansa na kalahati sa mga tao sa Black Cliff palace ang maiiwan at magkakaroon siya ng tyansang mapatay ang True Lord Rank na si Chi Gui.
Matapos ang lahat, si Chi Gui ay mas malakas kay Ye Yanyu. Si Ye Yanyu ay gumaling na mula sa pinsalang kanyang natamo sa paggamit ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew, ilang araw na ang nakalilipas.
Kung siya ay tutulungan ni Zhao Feng at ng munting pusang magnanakaw, may 50-60% na tyansa sila na matalo si Chi Gui.
Kahit na hindi nila siya mapatay, magagawa naman nilang makapatay ng iilang kasama nito at magiging kapaki-pakinabang ang resulta ng digmaang ito kay Zhao Feng dahil sila ay may hangarin sa Dao of Ghost Corpses.
Sa hindi inaasahan.
Sa halip ay umatras si Chi Gui sa kritikal na sandaling ito, kaya naman ay naiwasan niya ang 'bitag', ibig sabihin ay hindi naging matagumpay ang panlilinlang.
Bakit hindi ito nagtagumpay?
Naramdaman ni Zhao Feng na masyado siyang umaktong kalmado at naging dahilan upang mangamba si Chi Gui kay Ye Yanyu.
Siyempre, mayroon ding likas na pakiramdam at proteksyon ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng na naging dahilan upang makatakas siya.
Halimbawa, doon sa Sun Feather City, si Zhao Feng ay hinahabol ng elder ng Qui family, ngunit naramdaman niya kaagad ito ay nakapaghanda siya pa rito.
Kalaunan.
Nagkita sina Zhao Feng at Ye Yanyu. Napabuntong-hininga si Ye Yanyu at nagsalita nang may malamig na ekspresyon: "Mas mainam kung hindi ka gagawa ng mga panlilinlang at huwag mong iisipin na sumali sa masasamang pwersa ng Black Cliff palace."
"Tama si Goddess Ye. Gusto ko sanang makipagkalakalan sa Black Cliff Palace pero hindi ko alam na ang mga masasamang Daoist na ito ay mayroon pagnanasang pumatay sa kanilang mga puso. Kailangan kong pasalamatan si Goddess Ye sa pagtulong sa akin."
Sabi ni Zhao Feng.
Sa usaping kolaborasyon, ang kanyang unang pipiliin ay ang Pure Moon Spiritual Sect.
Ito ang pinakamalakas sa tatlong sects at matuwid. Kahit anong sabihin, mas mainam sila kumpara sa Black Cliff Palace at mas ligtas.
Magsasalita na sana si Ye Yanyu nang bigla nilang narinig ang tunog ng paglipas mula sa 'di kalayuan.
Sou Sou Sou!
Walo o siyam na figures ang lumitaw sa himpapawid na patungo sa kanilang diresyon.
Kabilang sa kanila ang aura ng isang makapangyarihang True Lord Rank na mas malakas pa kay Chi Gui at sa batang nakasuot ng kulay dugong robe.
"Hindi kaya nakarating na ang kasamahan ni Brother Mo Yu?"
Ang mga henyo ng Black Cliff Palace ay umaasa at isang kislap ng kasiyahan ang makikita sa mga mata ni Chi Gui.
Subalit, ang kanyang ekspresyon ay mabilis na nagbago nang ilabas niya ang kanyang spiritual sense.
"Takbo!"
Utos ni Chi Gui at pinangunahan ang kanyang grupo sa pagtakbo.
Ilang sandali ang nakalilipas.
Sou Sou Sou!
Walo o siyam na moonlight figures na binubuo ng mga lalaki at babae ang dumating.
Ang kanilang lider ay isang gwapong nakasuot ng kulay silver na robe at may kulay pulang buhok.
Ang kanyang cultivation ay naabot na ang early stages ng True Lord Rank at bahagyang mas malakas sa True Lord Rank nina Chi Gui at ng batang may kulay dugong robe.
Lumiwanag ang mga mata ng batang nakasuot ng kulay silver na robe nang makita niya si Ye Yanyu at nagsalita habang nakangiti: "Sister Ye, may nakita kaming ilang bagay doon kaya naman ay bahagya kaming na-late, patawad."
"Kaya ko naman. Ang dalawang True Lord Ranks mula Moon Demon Palace at Black Cliff Palace ay hindi sapat para pagbantaan ako."
Naka-de kwatrong umupo si Ye Yanyu at walang ekspresyon ang kanyang mukha, tila wala siyang pakialam sa batang nakasuot ng kulay silver na robe.
Nakikita ni Zhao Feng na ang True Lord na ito na may kulay silver na robe ay isa sa mga humahabol Ye Yanyu at hindi siya nagulat dito. Bakit naman hindi magkakaroon ng mga gwapong manliligaw si Ye Yanyu?
Karamihan sa mga normal na kabataan ay walang karapatan o lakas ng loob.
Mayroong isa o dalawang martial sister na maganda ang kumausap kay Ye Yanyu.
"Sister Ye, nasugatan ka ba?"
"Sino pa bang makahihigit sa lakas ni Sister Ye bukod kay Brother Lu?"
Ang dalawang martial sisters na ito ay nakarating na rin sa peak ng True Mystic Rank at parehas na nasurpresa.
Ngumiti si Ye Yanyu at maiksing inihayag ang nangyari kina Chi Gui at sa True Lord na nakasuot ng kulay dugong robe.
"Mahirap isipin na ganito kaganda ang swerte ni Sister Ye. Ang mga kayamanan sa kwebang ito ay mas maganda pa kaysa sa kung anong mayroon tayo."
Ang mga babae ay malapit sa isa't isa na parang magkapatid at kung titignan lang sila ay nakakagaan na ng loob.
Ang mga lalaking discples ng Pure Moon Spiritual Sect ay napabuntong-hininga nang may paghanga. Talagang wala silang masabi kay Ye Yanyu.
Gayunpaman, si Ye Yanyu at iba pa ay lubhang maganda at kahit na ang True Lord na nakasuot ng kulay silver na robe ay hindi makakasabat.
Hindi ito inisip ni Zhao Feng, sa halip ay nasurpresa pa siya sa lakas ng Pure Moon Spiritual Sect.
Sa grupong ito, tanging si Ye Yanyu at ang batang may silver na robe ang True Lord at ang mga natira ay nasa peak ng True Mystic Rank.
Ang lakas ni Zhao Feng na nasa late stage ng True Mystic Rank ay pinakamahina sa Pure Moon Spiritual Sect.
"Sister Ye, sino itong batang ito?"
Ang lalaking may silver na robe ay napunta ang isip at tingin kay Zhao Feng.
Hindi naglalabas ng kahit na anong aura si Zhao Feng na mula sa kahit na anong sect at naging dahilan ito upang magkaroon sila ng paghihinala.
Lahat ng henyong pumasok sa Purple Saint Ruins ay may inheritance tokens mula sa three sects.
"Hehe, sa tingin ko ay siya ang bihag ni Sister Ye mula sa digmaan."
Isang magandang babae ang ngumiti at inispeksyon si Zhao Feng habang hinahawak nito ang kanyang kulay asul na buhok.
Kumunot ang mga noo ni Zhao Feng ngunit wala itong ginawa na kahit ano. Sadyang hindi lang nakakatakot ang lakas ng Pure Moon Spiritual Sect.
Ayon sa kanyang nalalaman, lima sa sampung True Lord Ranks ay mula sa Pure Moon Spiritual Sects, kasama na rin ang pinakamalakas.
"Napakacute rin ng pusang ito!"
Isang babae ang ginustong hawakan ang munting pusang magnanakaw ngunit naiwasan ito.
"Sister Ye, anong mayroon sa tao at pusang ito?"
Kumislap ang mga mata ng batang may kulay silver na robe, at ang isang lalaki naman ay maingat na inispeksyon si Zhao Feng.
Kalaunan ay simpleng inihayag ni Ye Yanyu ang kasunduan sa pagitan niya at ni Zhao Feng.
"Hmph, anong kailangan pag-usapan sa mga payaso na ito. Hulihin na lang natin siya at pahirapan hanggang sa ilabas niya ang kanyang mga sikreto.
Inilabas ng lalaking may silver na robe ang kanyang True Spirit Realm aura, at ang hangin ay nabalutan ng maliwanag na sinag ng buwan na naging dahilan upang mahirapang huminga ang iba.