Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 404 - Propesyonal na Tagahanap

Chapter 404 - Propesyonal na Tagahanap

Ang ibang mga henyo ng Black Cliff Palace ay naiiba kay Zhao Feng na ipinakain ang lahat ng ibang mga ghost corpse sa dalawang green bronze ghost corpse.

Sa daan ay maraming napatay na mga halimaw si Ye Yanyu gamti ang gma bloodline na mainam na pagkain ng dalawang ghost corpse.

Ang ancient giant scorpion at may napakadalisay na bloodline na nagpalakas sa mga aura ng dalawang ghost corpse at sumailalim ang kanilang mga katawan sa hindi malamang pagbabago.

Bukod sa dalawang True Lord Rank ni Chi Gui, ang ibang mga ghost corpse ng Black Lord Rank ay siguradong hindi maikukumpara kay Zhao Feng.

"Ang labanan ng dalawang green bronze mga bangkay na ito ayy napakalakas at pagkatapos maidagdag ng sako ng lason, kahit ang mga True Lord Rank ay maaaring mamatay kapag nalason."

Inilagay ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan sa Six Ghost Corpse Controlling secret technique.

Ang skill na ito ay may mga kailangan sa pagdagdag ng lason sa mga ghost corpse.

Mayroong kaunting kaalaman si Zhao Feng sa medisina at ang poison corpse ay isang uri ng sangkap. Hindi masyadong mahirap na idagdag ito sa green bronze ghost corpse.

Gayunman, hindi ito kaagad na ginawa ni Zhao Feng.

Kahit na ang lason ay lubhang nakakamatay, ang lason nito ay bahagyang nawalan ng kapangyarihan pagkatapos maiwan ang ancien scorpion.

Ito ang unang punto.

Ang ikalawang punto ay kahit na ng lasong ito ay kritikal na napagbantaan ang mga nasa True Lord Rank, ito ay kung ang balat ay may sugat at makakapasok ang lason sa loob ng katawan.

Halos imposible na para sa green bronze ghost corpse na direktang akalagpas sa depensa ng isang True Lord Rank, lalo na kung sila ay alerto.

Kaya hindi ito kaagad na idinagdag ni Zhao Feng.

Ang pagkuha ng sako ng lason ay ang unang hakbang pa lang, marami pang ibang mga salik na kailangang panghawakan.

Ang panig ng Black Cliff Palace.

"Senior brother Chi Gui, kung ilalagay ng batang iyon ang lason sa bangkay, ang panganib ay mas tataas."

Ang babaeng orihinal na may-ari ng itim na lotus ay kinagat ang kaniyang labi at tumingin kay Zhao Feng na kumokonrol sa dalawang green bronze ghost corpse nang may galit, takot, at inggit.

Hindi niya naisip na darating ang araw na ipapaubaya niya ang mga multong bagkay.

Gamit ang dalawang ghost corpse na ito, walang nasa ilalim ng True Lord Rank ang makakalapit kay Zhao Feng.

Kung nakuha ni Zhao Feng ito sa Sacred True Dragon Gathering, madali niyang madudurog ang spiritual pet ni Tantani Lanyue.

"Isa lang siyang baguham na kakapasok lang sa Dao of Ghost Corpses at ang kanilang totoong kapangyarihan ay hindi pa ganap na lumalabas. Kahit na ang sako ng lason ay mahalaga, ang lason nito ay mawawalan ng maraming kapangyarihan pagkaalis sa katawan at ang Blood Glass Fruit sa kuweba. ang Yin Poison Mushroom at isang top tier na bagay para sa mga ghost corpse."

Malakas na loob na sinabi ni Chi Gui.

Sa kaniyang puso ay walang katumbas si Zhao Feng sa lahat ng mga nasa ilalim ng True Lord Rank at tanging ang mga nasa True Lord Rank lang ang kaya siyang harapin.

Kumpara sa sako ng lason ay mas hindi siya mapakali sa eye bloodline ni Zhao Feng.

Shua Shua!

Hinawakan ni Zhao Feng ang itim na lotus at kinuha ang green bronze ghost corpse.

Sa ngayon ay dalawang ghost corpse ang nakaabot sa limitasyon at nakaharap ng isang matinding kagipitan.

Dagdag pa rito, habang mabilis na lumalakas ang dalawa ay kailangan nila ng matatag na pundasyon at kapag nakaabot na ang mga ghost corpses sa partikular na lebel ay magkakaroon sila ng katalinuhan.

Ang dalawang green bronze ghost corpse ay mayroon nang bahagyang katalinuhan at sa pagtaas ng lakas nito, kailangan rin nila ng pagtaas sa katalinuhan.

Ang ginawa ni Zhao feng ay ginamit niya ang kaniyang Eye of Ice Soul para magpadaloy ng lamig para makatulong sa pagpapatatag ng impartial soul sa green bronze ghost corpse.

Sa harapan ng kuweba…

Ang tatlong panig ay nagligpit na nang bahagya at nagdesisyong sapilitang kunin ang mga gantimpala ng digmaan sa loob ng kuweba.

"Ang lahat ng kukunin natin ngayon ay depende sa ating mga kakayahan."

Ang anyo ng True Lord na may kulay dugong damit ay lumitaw nang mawala papunta sa kuweba.

Ang ancient scorpion ay naasikaso na at siguradong wala nang masyadong panganib sa loob ng kuweba. Ang tatlong panig ay maghahati sa mga gantimpala.

Kung ikukumpara sa iba, Zhao Feng at Ye Yanyu ay mas kaunti ang kalamangan dahil mas kaunti ang kanilang tauhan at ang bilang ng mga kayamanang kanilang makukuha ay maaaring mas kaunti kaysa sa dalawang panig.

"Tara na!"

Kinuha ni Ye Yanyu ang munting pusang magnanakaw at nawala nang sumugod sa kuweba.

Ang kaniyang cultovation ay ang pinakamataas at ang kaniyang bilis ay nasa top tier at mas mabilis pa sa youth na may kulay dugong damit at kay Chi Gui.

Sa daan ay hindi man lang tumingin si Ye Yanyu sa mga normal na kayamanan.

Nagulat si chi Gui at mga kasama nito.

"Walang duda. Si Ye Yanyu ay kumikilos anng mag-isa at samakatuwid ay pinapakay ang kalidad at hindi ang dami. Kung makukuha niy ang lahat ng top tier resources dito, ang halaga nito ay malalagpasan ang iba kahit pagsamahin."

Naintindihan ni Zhao Feng.

Si Ye Yanyu ay may sariling plano mula pa noong umpisa.

Siya ay mag-isa lang at kung idadagdag si Zhao Feng, dalawa lang ito at siguradong hindi maikukumpara sa dalawang panig.

Samakatuwid…

Ipinaubaya ni Ye Yanyu ang karamihan sa mga normal na kayamanan, at kinuha lang ang pinakamainam.

Parehong si Chi Gui at ang True Lord na may kulay dugong damit ay nahirapan ngynit si Ye Yanyu ay may ganitong lakas. Kahit magsama ang dalawa ay hindi pa rin ito tutumbas sa kaniya.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw sa balikat ni Ye Yanyu at minsan ay iwinawasiwas ang Mystic Snake Blood Whip para makakuha ng ilang mga kayamanan sa paligid.

Ang mga mata ni Ye Yanyu at munting pusang magnanakaw ay matalim.

Ang kooperaesyon ng dalawa at ang kanilang bilis sa pagkuha ngmga kayamanan ay nagpataranta kay Chi Gui at True Lord na may kulay dugong damit.

"Hindi natin siya maaaring hayaang gawin ang kaniyang gusto."

"Sirain niyo ang ibang mga kayamanan, pipigilan naming siya."

Si Chi Gui at ang youth na may kulay dugong damit ay inutusan ang ibang kumuha ng mga resources.

Sou Sou!

Ang dalawang True Lord Rank ay lumipad patungo kay Ye Yanyu para makipag-unahan sa mga peak reasources.

Mas naging malinaw ang sitwasyon ngayon.

Ang tatlong True Lord Rank ay nakatuon sa pinakamainam na resources habang ang iba ay nakatuon sa mid-good treasure o mga magandang hindi nakita ng iba.

Ang tatlong True Lord Rank ay nag-uunahan ay may mga makakaligtaan din.

Sa kanilang lahat ay si Zhao Feng ang propesyonal na 'tagakuha ng nakaligtaang gamit.'

Ang kakayahang sumuri ng kaniyang God's Spiritual Eye ang nagpahintulot sa kaniyang makakita sa likod ng mga pader at mga nakaligtaang bagay ng tatlong True Lord Rank.

Peng!

Biglang naghagis si Zhao Feng ng isang bilog na kidlat at nagpasabog ng putik sa isang pader at kinuha ang isang itim na malinaw na bato.

"Sky Marking Stone."

"Kayang mapalakas ng batong ito ang katawan at mga buto at kahit mga corpses na nadurog."

Ang mga mata ng mga malapit na disipulo ng Black Cliff Palace ay nagliwanag nang lumapit ngunit si Zhao Feng ay napakabilis at halos kalahati na ang kaniyang nakuha.

Shua Shua Shua!

Gumalaw ang Yin Shadow Cloak ni Zhao Feng at ang kaniyang anyo ay naging iba't ibang anyo na mahirap matukoy ng mga nasa ilalim ng True Lord Rank.

Kahit na kinukuha niya ang mga nakaligtaang gamit, kailangan niyang magpanatili ng partikular na distansya sa pagitan ng tatlong True Lord Rank, na hindi gaanong malayo at hindi rin gaanong malapit.

Kung siya ay sobrang malapit ay maaari siyang tamaan ng ragasa ng enerhiya mula sa kanilang laban.

Kung masyado siyang malayo ay mawawalan siya ng pagkakataong makakapigil sa kaniyang plano.

Makalipas ang ilang sandali…

Shuu!

Biglang nasira ni Zhao Feng ang isang pader at nasira ang dalawang matingkad na luntiang patola.

"Green Spiritual Gourd, isang misteryosong bagay na nakakapagpanatiling sariwa sa mga halaman at nagtatago ng eroding medicine…"

"Ito pala ang Green Spiritual Gourd. Nalaman kong ang isang Haring nasa Void God Realm ay naglagay ng kaniyang kaluluwa sa loob nito noong mamamatay na siya at nabuhay muli at nagnakaw ng isang katawan matapos ang isang daang taon."

Ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay tumingin kay Zhao Feng nang may kasakiman at pagkainggit.

Ang mga mula sa Black Cliff Palace ay hindi mapakali at bahagyang nagdadalawang isip nang makita ang nakakasindak na eye bloodline ni Zhao Feng noon.

"Bata, ibigay mo ang Green Spiritual Goud."

Dalawang mga henyo mula sa Moon Demon Place ang walang pakialam sa Pure Moon Spiritual Clan ang tumungo kay Zhao Feng.

Kahit na ang Green Spiritual Gourd na ito ay walang nakakagulat na kapangyarihan at hindi nakakapagpataas ng lakas, isa pa rin itong kakaibang bagay at ang mga alamat ay pinahalagahan ito.

Maaaring kahit ang mga nasa Sovereign na nasa Origin Core Realm o mga Haring nasa Void God Realm ay interesadong makakolekta ng isa o dalawa.

Eye of Heart!

Mahinang sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang dalawang mula sa Moon Demon Palace at biglang nagyelo ang kanilang anyo.

Sa sumunod na sandali…

Ding Ding Peng Peng-----

Ang dalawa ay umatake sa isa't isa, puno ng walang hanggang kasakiman ang kanilang mga mata.

"Hmph, kapag napuno ka ng kasakiman, magkakaroon ng kapangitan ang iyong mga emosyon."

Lihim na ngumisi si Zhao Feng.

Kapag may kapangitan sa puso ng isang tao, ang Eye of Heart ni Zhao Feng ay kayang makaapekto sa mga nasa True Lord Rank.

Pinulot ni Zhao Feng ang dalawang Green Spiritual Gourd at sumunod sa likod ng tatlong True Lord Rank para hindi gaanong mapalayo.

Ang lalim at laki sa loob ng kuweba ay mas malaki kaysa sa inaasahan.

Minsan ay may mga scorpion, ahas, gagamba o kulisap na tumatalon at ang mga henyo nawawalan ng isang patong ng balat kung hindi mamamatay kapag nakaharap ito.

Ang puso ni Zhao Feng ay kalmado at nagpatuloy sa pagpapanatili ng distansya sa tatlong True Lord Rank habang kumukuha ng mahahalagang resources sa daan.

"Hmm? Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew."

Nakakita ng ilang mga tulo ng dew ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at mukhang nagliwanag sa mga butas ng mga pader.

Sa loob ng malaking luwebang ito ay may mga labanang maririnig kahit saan, napakahirap mapansin ng mga tulong ito.

Ang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay nabubuhay sa mga mainit na lugar na may pagpapadalisay ng araw at buwan. Ang mas kakaibang Sky Yin Bamboo Shoots ay umaabot ng sampung libong taon para mabuo."

Hindi maiwasang makaramdam ng swerte ni Zhao Feng na kinopya niya ang Ten Thousand Plant Illustrations mula sa Broken Moon Clan. Nakakabisado rin niya ang tungkol sa mga kakaibang kayamanan at halimaw kahit saan siya pumunta.

Dahil dito ay may 'deskripsyon' si Zhao Feng ng mga bagay na makapagsasabi lung anong bagay ito kapag nasuri ng God's Spiritual Eye.

"Ang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay hindi lang kayang ibalanse ang Yin at Yang sa loob ng isang katawan at mapataas ang cultivation. Kaya rin nitong mapataas ang mental energy at tulungan ang mga may mataas na pang-unawa na maintindihan ang mga batas ng Langit at Lupa."

Ang mga henyo sa malapit ay napasin ang mga kilos ni Zhao Feng at nagulat.

"Anong klaseng swerte ang mayroon ang batang ito? Nakakahanap siya ng mga kakaibang kayamanan kahit saan siya magpunta."

"Siguradong hindi ito swerte kung hindi isang bagay na may kinalaman sa kaniyang eye bloodline."

Ang mga mata ng nasa Black Cliff Palace at moon Demon Palace ay namula sa inggit at halos nakawan na si Zhao Feng.

Mayroon ding isa o dalawa ditong may eye bloodline ngunit ang kanilang kakayahang sumuri ay wala lang kumpara kay Zhao Feng.

"Maganda, gamit ang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay mas mataas ang pagkakataong magtagumpay ang aking plano. Kapag nalinis na ang aking mental energy at tumaas ang kapangyarihan ay mapagbabantaan na nito ang mga nasa True Lord Rank."