Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 401 - Ancient Giant Scorpion

Chapter 401 - Ancient Giant Scorpion

Kahit ang munting pusang magnanakaw ay 'nagpalit na ng amo' ay mayroon pa ring itong katangiang panghula.

Pinaniwalaan ito ni Ye Yanyu nang walang duda.

Simula nang matagpuan niya ito, ang kaniyang swerte ay mabuti. Kahit ang kanyonng ito ay itinuro ng munting pusang magnanakaw. Sa kaniyang puso ang munting pusang magnanakaw ay ang kaniyang 'swerteng pusa.'

Walang ekspresyong sinundan ni Zhao Feng ang dalawa.

Ayon sa daan ng munting pusang magnanakaw ay isang kapatagan ang lumitaw sa harapan at ang Heaven Earth Yuan Qi rito ay mas aktibo. Ang kahit anong damo sa paligid ay kasingtaas ng tao o doble pa.

Roar!

Peng Peng Bam!

Mula sa mga kapatagan ay may mga sigaw ng mga halimaw at mabigat na hakbang.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakita na ang makapangyarihang malaking mga halimaw at kung siya ay mag-isa ay tatakas na siya.

Kailangang malamang ang ilang halimaw sa labas sa Purple Saint Ruins ay maikukumpara sa True Lord Rank, at ito ang misteryosong kanyon.

Gayunman, ang Ye Yanyu ay ganito kalakas

Habang papasok sila sa isang daang yardang kapatagan ay may malalaking metal na torong ilang yarda ang tangkad at may mga patusok sa likuran nito. Ang mga katawan nito ay matigas, at ang kanilang mga hakbang ay nagpapayanig sa lupa.

"Iron Back Raging Bull, isang halimaw na may mahinang sinaunang bloodline.

Malakas ngunit madaling magalit at karaniwang kayang durugin ang mga halimaw na may parehong lebel. Kapag ito ay galit, ang bloodline nito ay magiging aktibo, at ang battle power nito ay nadodoble."

Nakilala ni Zhao Feng ang halimaw na ito. Ang mga Iron Back Raging Bull ay ubos na sa Azure Flower Continent at nalalaman na lang sa mga sinaunang tala at impure bloodline.

Ang pinakamahina sa grupong ito ng Back Raging Bull ay nasa True Human Rank at marami ang nasa True Mystic Rank.

Ang pinakamalakas na battle power ay malapit sa True Lord Rank at ang 'Hari' ng grupo ng mga halimaw.

Si Zhao Feng at mga kasama ay pumasok sa teritoryo ng mga ito at kaagad na nagdahilan para umatake ang ma ito.

Ang mga Iron Back Raging Bull ay may magagaliting ugali at sinaunang bloodline. Kahit ang isang True Lord Rank ay dumating ay may lakas pa rin sila ng loob na lumaban.

Boom-----

Daan-daang Iron Back Raging Bull ang nagpayanig sa lupa habang sumusugod patungo kina Zhao Feng.

Si Ye Yanyu ay ngumiti at kumaway nang isang linya ng cold intent ang lumitaw.

Kung titignan ito ay mukhang kalmado lang ang atake ni Ye Yanyu, na tila walang masyadong kapamgyarihang taglay.

Gayunman, ang mga pupil ng mata ni Zhao Feng ay nanliit nang magulat.

Noon sa Sacred True Gathering, ang laban ni Yu Tianhao at Xin Wuheng ay mukhang simple ngunit ang kanilang kontrol ay umabot na sa limitasyon. Bawat kilos ay may taglay na intent na nagpahintulot sa kanilang makapatay ng mga kasinglebel ng mga langgam.

Ang sitwasyong ito ay lumitaw rin kay Ye Yanyu, ngunit mas perpekto.

Bam Bam Bam-----

Nang dumaan na ang pilak na linya, ang mga katawan ng Iron Back Raging Bull ay biglang nagyelo.

Sa sumunod na sandali...

Dose-dosenang Iron Back Raging Bull ang pinanggalingan ng nagtatalsikang mga dugo nang bumagsak nang walang buhay sa lupang naging kulay pula.

Maaaring walang makita ang iba, ngunit malinaw na nakita ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mahinang pilak na linya na dumaan sa balat at laman ng mga toro.

Ang ibig sabihin nito ay bawat toro ay nasaksak ng hindi mabilang na butas.

Kahit gaano pa kalakas ang kanilang depensa ay nasaksak pa rin ang kanilang mga laman ng hindi mabilang na tuldok at iniwan silang walang buhay.

Ang kaswal na galaw ni Ye Yanyu ay kaagad na napatay ang dose-dosenang mga toro. Siguradong walang ganitong kakayahan si Zhao Feng dahil ang depensa ng mga torong ito ay malakas. Kaya niyang makapatay gamit ang kaniyang isang palad o isang tingin nang paisa-isa ngunit ang makapatay ng maraming toro nang sabay ay magiging mahirap kahit sa isang nasa True Lord Rank. Natakot ang mga natitirang halimaw sa sabay na pagpatay ni Yu Yanyu sa malaking bilang ng mga Iron Back Raging Bull.

Ang mga mata ng mga torong ito ay pula at puno ng galit nang nagsimulang lumitaw ang mga matingkad na pulang liwanag sa kanilang mga katawan at tumaas ang kanilang battle power.

"Ang battle power ng mga torong ito ay dumoble."

Nakaramdam ng malaking puwersa si Zhao Feng at nanigas ang kaniyang dugo.

Matapos magalit, ang mga torong ito ay siguradong makakaatake sa nasa True Lord Rank.

Ang Iron Back Raging Bull King ay sampung yarda ang lapad at anim hanggang pitong yarda ang taas. Sa pamamagitan ng pagsigaw ay tumawag ito ng magulong hangin at maikukumpara sa True Lord Rank ang battle power nito.

Kung si Zhao Feng ito ay siguradong magtatago na siya sa napakalayong lugar na kayang puntahan.

Si Ye Yanyu ay ngumiti at lumutang sa likod ng Iron Back Raging Bull King.

Wu~

Isang alon ng liwanag ng buwan ang pumalibot sa katawan ni Ye Yanyu, na nagpamukhang diyosa sa kaniya habang pinupuwersa ang Iron Back Raging Bull pababa.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay natutuwang kumaway sa Mystic Snake Blood Whip at hinigop ang essence ng Iron Back Raging Bull King.

"Ganoon pala iyon."

Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Ang lakas na ipinakita ng Iron Back Raging Bull King noong ito ay nagalit ay nasa early stage True Lord Rank at kaya itong patayin ni Ye Yanyu nang ganoon kadali.

Gayunman, ang Mystic Snake Blood Whip ng munting pusang magnanakaw ay kayang mas lumakas pa pagkatapos mahigop ang blood essence at nakalagpas na ito ngayon sa Mid-Tier Spiritual grade na mga sandata, bahagya lang na mas mababa sa Luohou Bow ni Zhao Feng.

Shua!

Hinawakan ni Zhao Feng ang itim na lotus at pinalabas ang dalawang luntiang tansong multong bangkay para kainin ang laman ng Iron Back Raging Bull.

Sa puntong ito ay maikukumpara sa peak True Mystic Rank ang dalawang luntiang tansong multong bangkay at ang pagkain ng lamang may kaunting sinaunang bloodline ay may pakinabang para sa kanila.

Tinignan ito ni Ye Yanyu ngunit hindi nagsalita.

Ang mga Iron Back Raging Bull na ito o ang luntiang tansong multong bangkay ni Zhao Feng ay mga langgam lang sa kaniyang mga mata na maaaring durugin gamit lang ang isang niyang daliri.

Makalipas ang isang sandali...

Nawal ang lahat ng blood essence ng Iron Back Raging Bull at namatay, na nag-iwan ng ilang daang mga bangkay.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay mayabang na inilabas ang dibdib nito matapos ang nakakatuwang pagkain na nagpatawa kay Ye Yanyu.

Si Zhao Feng ay nanatiling walang ekspresyon at kumuha ng ilang mga kayamanan sa daan.

Nasa harapan si Ye Yanyu na pumapatay sa mas malakas na mga halimaw at si Zhao Feng ay sumusunod lang sa likuran na kumukuha ng mga pabuya.

Ang mga katawang ito ay katumbas na ng isang buong siyudad sa Azure Flower Continent at ang mga kamay ni Zhao Feng ay sumakit na sa pagpulot ng mga bagay at sinisi ang kaniyang intespatial ring dahil sa hindi sapat na laki nito.

Mukhang napakakaswal ni Ye Yanyu at pinupulot lang ang mga mahalagang bagay. Halatang siya ay mayaman at may mga resources na ilang beses na mas maganda sa Ten Great Clan.

Hanggang ngayon...

Mula sa lugar ay may nanggaling na nakakayanig na tunog at ang buong mga bundok at ulap ay napuno ng nakakatakot na aura.

Kumislto ang dugo ni Zhao Feng, at kaniyang Qi of True Spirit ay napigilan habang nakaramdam ng isang bagay ang kaniyang bloodline.

"Ang aura ng isang sinaunang bloodline ay mas mataas pa sa sampung beses na mas dalisay kaysa sa Iron Back Raging Bull."

Tila napatalon ang puso ni Zhao Feng.

Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng napakalakas na bloodline pagkapasok sa Purple Saint Ruins.

Sa kalaliman ng kapatagan sa harapan ng isang malaking kuweba ay may higit sa isang dosenang mga anyo ang nakikipaglaban sa isang malaking itim na alakdan.

Ding Ding---

Ang malaking itim na alakdan ay may isang mahinanang malametal na liwanag at ang mga atake ay nakagawa lang ng mga liwanag.

Ang ilan sa mga atake mula sa peak True Mystic Rank ay hindi pa nag-iwan ng halatang marka rito.

Higit sa isang dosenang anyo ang naroon ang nagpapanatili ng distansya rito at labis na nag-iingat.

May apat hanggang limang bangkay na sa lupa mula sa Black Cliff Palace at Moon Demon Palace.

"Mag-ingat ang lahat, ang lason mula sa alakdan ay mapapatay ang nasa ilalim ng Origin Core Realm at kahit na sinong matamaan nito ay mamamatay kaya lumayo kayo."

Inutusan ng may hikaw sa ilong na si 'Chi Gui' ang mga henyo ng Black Cliff Palace na kalabanin ang alakdan.

Bukod pa kay Chi Gui ay may isang youth din na may kulay dugong damit mula sa Moon Demon Palace at kahit na magkasama sila ay hindi nila mapigilan ang sinaunang alakdan.

Kung wala lang mga henyo ang Black Cliff Palace na may malaking bilang ng mga bangkay, kalansay at iba pang bagay na hindi tinatablan ng lason, siguradong walang makakalaban nang malapitan sa alakdan.

Shua! Shua!

Sa mismong oras na ito...

Si Ye Yanyu at Zhao Feng ay dumating, at nakita ang sitwasyon.

"Ang bloodline ng ancient giant scorpion na ito ay napakataas at kahit ang dalawang True Lord Rank at ganito karaming mga henyo ay hindi ito kakayaning harapin."

Si Zhao Feng ay nag-iingat.

Kahit ang mga normal na True Lord Rank ay hindi nangahas na harapin ang alakdan nang harapan. Kung si Zhao Feng ay lalapit, walang silbi ang mga sobrang buhay.

Kinontrol ni Chi Gui ang isang may pilak na linyang True Lord Rank na kalansay at apat hanggang limang higanteng alakdan.

Dahil patay na sila, hindi sila takot sa lason ng alakdan.

Nagpakita ng seryosong itsura si Ye Yanyu: "Ang bloodline ng alakdang ito ay labis na kakaiba at mas mahusay sa mga henyo ng Purple Saint Ruins. Dagdag pa rito, nag-aalala pa ito at hindi pa ginamit ang buong lakas nito."

Nang marinig ito ay sumang-ayon si Zhao Feng.

Ang bloodline ng alakdang ito ay labis na makapangyarihan at kahit ang bloodline ni Zhao Feng ay napuwersa.

Ito ay dahil sa labis na pagkadalisay ng bloodline nito at hindi isang bagay na maikukumpara sa mahinang bloodline ng Iron Back Raging Bull.

"Kung ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace na magkasama ay nahihirapan pa itong pabagsakin, bakit pa nila ito kinakalaban?"

Si Zhao Feng ay nagugulahan.

Anong mga pakinabang ang maibibigay nito sa dalawang sect?

Sinuri niya ang sitwasyon at kaagad na naintindihan.

Sa likod ng alakdan ay isang malaking kuwebang pinanggagalingan ng isang aura.

Ang mga True Lord ng Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay sinubukan nang linlangin ang alakdan palayo ngunit nabigo.

Ang ancient large scorpion na ito ay binabantayan ang pasukan at hindi umaalis.

"Ang ungas na ito ay hindi nalilinlang."

Nabigo ang panlilinlang ni Chi Gui at ng True Lord na may kulay dugong damit.

Dahil kailangan nitong bantayan ang pasukan, ang ancient large scorpion ay hindi magamit ang lahat ng lakas nito at kung hindi ay hindi ganito kakaunti ang pinsala ng Black Cliff Palace at Moon Demon Palace.

Halatang napansin din ito ni Ye Yanyu at ang kaniyang magandang mata ay tumingin sa kuweba sa likuran ng alakdan.

"Siguradong may bagay nga mahalaga sa loob ng kuweba na nangangailangan ng proteksyon ng alakdan. Maaaring isang kayamanan ito na pinoprotektahan ng isang napakatalinong ancient giant scorpion hanggang sa kamatayan nito."